Thirty-Fifth Changed
Thirty-Fifth Changed
A/n: Ok uunahan ko na kayo Panget at BITIN ang chapter na to ha!
------------------------------------------------
"Ms. Santos give me one of the guiding principles in the selection and use of appropriate teaching strategies and explain it." binitawan ko yung ballpen na hawak ko at tumayo saka inayos yung salamin ko.
"One of the guiding principles in the selection and use of appropriate teaching strategies was Learning is an active process. From the word itself, active meaning we must actively engage our student in learning activities if we want them to learn what we intend to teach. We have to give our students opportunities to participate in classroom activities in order for them to fully understand our lessons." sagot ko, isang malakas na palakpakan naman ang narinig pagkatapos kong magsalita. Tumingin ako kay Mrs. Lee at nakita kong mukhang naimpressed naman sya sa sagot ko.
"Very well said Ms. Santos" feedback nya. Umupo ako sa upuan ko at nagsimula muling magsulat. Kailangan kong mag-aral ng mabuti, hindi para sa sarili kundi para na rin kay Nanay.
Nagtawag ulit si Mrs. Lee ng iba kong classmates habang ako nag-nonotes para mas maintindihan ko yung isang lesson. Ipinagpatuloy ko ang pagkuha ng Education sa BTS-U kahit wala dito si Stephen. Hindi naman dapat tumigil ang mundo ko dahil lang umalis sya at masasabi kong napakahirap pala maging isang guro. Marami kang kailangang isa-alang-alang at isakripisyo pero kung iyon talaga ang gusto mo, yung maging bahagi ng tagumpay ng isang bata ay kakayanin mo.
"Ok class dismiss" agad na nagsitayuan yung mga kaklase ko pero ako tuloy parin sa pagsusulat.
"Hoy alam mo uno ka na kaya tama na yan" pag-angat ko ng tingin ko ay nakita ko si Michelle na nakatayo sa harapan ko. Ngumiti ako sa kanya at nagsimula ng itago yung mga gamit ko.
"Baliw ka" komento ko. Nagsimula naman syang masalita ng kung ano-ano. Kesyo matalino na daw ako at ganto ganyan, hinayaan ko na lang kasi madaldal talaga sya. Palagi ko ngang nakikita si Cherry sa kanya eh.
Lumabas kami ng room at nagsimulang maglakad papunta dun sa mga bench. Ginagawa kasi naming tambayan yung mga bench na may lamesa dito kapag wala ng klase. Sa di kalayuan ay may nagpapatugtog ng malakas.
Baby baby geudaeneun caramel macchiato
Yeojeonhi nae ipgaen geudae hyanggi dalkomhae
Baby baby tonight
Girl na debwihaesseo, i mal han madimyeon doegetji?
Eolmana seonggonghal ji sesangirang naegihaesseo
Negeman boyeojudeon nae bandal nunuseum, yojeum dasi jitgo danyeo
"Ay ang ganda ng kanta!" bigla na lang parang naging uod si Michelle nung marinig yung tugtog na yon.
"Pano naging maganda eh hindi ka naman nakakaintindi ng Chinese?" tanong ko sa kanya. Chinese ata yung wika nung kanta eh.
"Duh! Uso magsearch ng English translation at saka hindi yun chinese, korean yun!" asik nya. Napa-iling na lang ako, adik talaga sa Korea tong si Michelle. Lahat alam nya eh.
"Edi Korean, anong pinaglalaban mo?" inisnaban ako ng loka. Immature talaga tong babaeng to kala mo di 18 years old eh.
"Alam ang pogi ng singer nyan, grabe Whoo! Suga Min Baybe magkikita din tayo soon. Abangan mo ko ha!" sabi nya habang kinaka-usap yung cellphone nya samantalang napatigil ako naman nung bigla nyang sabihin nung pangalan nung singer.
"Min?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa akin at masayang tumango.
"Oo Suga Min pero stage name nya lang yun" ewan ko pero parang may kung anong mangyayari ngayon.
"Eh anong tunay nyang pangalan?" tumingin sa akin si Michelle at itinaas yung mga balikat nya.
"Ewan. Walang nakaka-alam eh. Mysterious kasi yang si Suga Min, tignan mo" sagot nya sabay pakita sa akin ng cellphone nya. Isang lalaking nakaside view yung nandoon pero hindi masyadonv makita yung mukha dahil medyo madilim.
"Kung hindi nakaside view na may cap eh nasa dilim naman sya. Wait, eto nga lang yung picture nya na medyo kita yung mukha nya eh." inilipat ni Michelle yung picture at medyo kita na nga yung mukha nung Suga pero hindi kita yung mata. Tinitigan kong mabuti yung picture at pakiramdam ko si Stephen sya.
"Pabebe lang yan kaya ganyan" ayokong isipin na si Stephen nga yun. Ayoko ng makarinig ng balita tungkol sa kanya.
Tatlong taon na rin simula nung umalis sya, nung unang ay natetext at tumatawag pa sya sa akin pero dumalang dahil start na ng pasukan nila. Naintindihan ko naman pero hindi ko inaasahan na darating yung araw na wala na talaga akong natatangap mula sa kanya. May narinig din ako na engage na sila ni Erika doon, ayokong maniwala kasi nangako ako sa kanya nya magtitiwala ako sa kanya kahit anong magyari pero nawala lahat ng pinanghahawakan ko ng mismo si Mam Saira na ang nagsabi na totoo yun.
Na engage na si Stephen at Erika dahil sa kagustuhan ng Lolo nya.
Iyon din ang pinag-uusapan nila noong narinig ko silang nag-uusap sa garden noon. Alam na nya pala noon pero hindi nya sinabi sa akin. Nagalit ako sa kanya, syempre pasabi-sabi syang Just Trust me tapos ganun na lang?? Ang daming tanong din sa isip ko pero hanggang ngayon wala pa ring sagot. Oo, inaamin ko hanggang ngayon ay may galit pa rin ako sa kanya kaya ayoko syang makita.
"Whaa!! Maglalabas daw na bangong single si Suga bukas!!! Whooo may idodownload na naman ako!!" napukaw yung pag-iisip ko ng bigla na lang naghysterikal si Michelle. Buti pa sya walang nararamdaman na masakit sa tuwing may naaalala.
"Tignan mo Dana! Tignan mo kita na yung mukha nya Dana! Ipinakita na nya yung mukha nya!! Ang pogi nya whooo!!" makikita ko na sana yung ipinapakita nya pero agad may umagaw sa cellphone nya.
"Sabi ko na eh pogi yang si Suga! Juice colored ang hot!"
"Patingin nga bakla. Ang pogi nga!"
Sari-saring komento ang naririnig ko sa kanila. Puro positibo dahil sa wakas ay ipinakita na nya yung mukha nya sa publiko.
"Teka akin na nga yan! Si Dana muna." inagaw nya yung cellphone at inabot sa akin. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung mahawakan ko yung cellphone nya. Ipinikit ko ang mga mata ko at bumuntong hininga muna ako bago tignan yung litrato.
Sya nga. Si Stephen nga.
Ibinalik ko yung cellphone ni Michelle at tumakbo. Ayan na naman kasi yung mga karayom sa puso ko. Nakaka-inis bakit ko ba tinignan yon? Bakit pa kailangan bumalik yung naramdaman ko nung araw na nalaman kong totoo na engage na sila? Yung araw na na mas ipinamukha sa akin ang tunay na antas namin sa buhay. Na hindi pala talaga kami pwede.
Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa kabilang side ng school. May nakita akong bench at umupo ako dun. Tinanggal ko yung salamin ko at sumandal. Ipinikit ko yung mga mata ko at biglang lumabas yung mukha ni Stephen nung huling beses na nakita ko sya dito na nakangiti. Kahit galit ako sa kanya, inaamin ko namimiss ko na rin sya. Bigla ko tuloy naalala yung mga oras na kasama ko sya at masaya kami. Yung mga kalokohan namin at syempre yung walang katapusang pag-aaway namin.
Naramdaman kong nag-iinit yung mga sulok ng mata ko kaya tumingala ako. Ayoko ng umiyak ulit dahil sa nga bagay na hindi naman dapat iniiyakan. Nakakasawa na rin kasi.
"Seems like you need this?" iminulat ko yung mga mata ko at nakakita ako ng isang pamilyar na pigura na nag-aabot sa akin ng panyo.
Tumayo agad ako at yumakap sa kanya.
"Jimuel"
---------------------------------------
Pinaghahandaan ko yung epilogue at sana magustuhan nyo XXD Pero kung hindi ay ok rin naman..
At least I finish this the way I like.
Sorry at nadamay yung lesson namin kahapon XXD
Pakihintay na lang yung Epilogue hue hue..
Thank you nga pala sa 13.8K reads at 1K na votes!! Whooo first time na may story ako na naka-abot sa 1K votes kaya nakakatuwa XD
Salamat guys.. Labyu all!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro