Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Third Changed

Third Changed

"Nay, di ba sabi ko naman sa inyo Ok na ako sa dun sa bahay nila Ante Mercy, bakit pinapunta nyo pa ako rito?" tanong ko sa Nanay ko habang pinapasok yung nga gamit ko sa loob ng Mansyon. Sad to say di sa amin yung mansyon, mahirap lang kami no? Itong mansyon na ito ay doon sa pinagtatrabahuhan ni Nanay. Sabi ko kasi sa kanya doon na lang ako sa probinsya namin mag-aral kaso ayaw nya kaya heto nasa Maynila ako.

"Mas maganda kung nandito ka tsaka pumayag naman yung mga amo ko eh" sagot nya. Inilapag nya yung malaki kong bag at binuksan yung malaking pinto ng mansyon na ito.

Lumaki ang mga mata ko pagbukas nung pinto. Grabe ang ganda sa loob, mukhang lahat ng gamit ay mamahalin.

Ipinasok ni Nanay yung bag ko sa loob pero ako nakatayo pa rin sa labas.

"Ikaw talagang bata ka! Halika na't pumasok baka maabutan ka pa ng mga bisita nila Mam dyan sa labas!" pukaw sa akin ni Nanay. Dahan-dahan akong humakbang papasok. Natatakot ako kasi baka makasira ako.

"Aba'y bilisan mo!" ulit ni Nanay.

"Oh Nanay Linda, sya ba si Dana?" narinig kong may nagtanong kay Nanay kaya pareho kaming napalingon. Nakakita ako ng isang lalaking gwapo.

"Opo Sir Steven, si Dana, anak ko" pakilala ni Nanay sa akin at pinalapit ako sa kanya.

"Hello po, ako nga po pala si Dana" pakilala ko ulit tsaka nag bow. Ngumiti naman sya ay lumapit sa akin tapos ginulo yung buhok ko.

"You're cute. By the way, una na po ako Nanay Linda may klase pa po ako eh and Dana, enjoy your stay" paalam nya tapos naglakad na sya palabas.

Muli akong nagmasid sa loob habang papunta kami ni Nanay sa kwarto nya.

"Nanay, where's Dana?" napatigil kami ni Nanay sa paglalakad ng may makasalubong kaming isang magandang babae. Yung totoo nasa Mt. Olympus ba ako? Bakit parang puro Diyos at Diyosa ang nakatira sa mansyon na ito.

"Nandito sa likuran ko, napakabagal talaga maglakad" sagot ni Nanay tapos tumingin sa akin yung babae kaya napatigil din ako.

"Mam Saira" tawag ko sa kanya sabay ngiti. Ngumiti rin sya sa akin tapos nilapitan ako.

"Dana! How's your day?" tanong nya sa akin.

"Ok naman po" sagot ko. Inakay nya ako papunta sa Salas ng bahay nila. Pinaupo nya ako sa sofa at umupo rin sya.

"How's school?" tanong nya sa akin habang nakatingin kaya nakaramdam ako ng pagkailang.

"Ok naman po, medyo nagaadjust lang" sagot ko. Mas lumawak yung ngiti nya.

"Really? That's good" sabi nya tapos biglang nagring yung cellphone nya kaya umalis muna sya. Sinamantala ko naman yun para puntahan si Nanay sa kwarto nya.

Pagdating ko dun ay inaayos na nya yung mga gamit ko.

"Nay ako na po" sabi ko tapos kinuha sa kanya yung mga damit ko. Ibinigay naman nya sa akin tapos tumayo sya.

"Pagkatapos mo dyan ay magbihis ka na ng pambahay, tapos sumunod ka sa akin sa labas, magluluto na ako ng hapunan" paalala nya. Tumango naman ako bilang sagot tapos lumabas na sya.

Pagkatapos ko ay agad akong lumabas ng kwarto at pumuntang kusina. Medyo naligaw pa nga ako dahil ang laki-laki ng bahay na ito.

"Hey Dana, ikaw nagluluto?" nagulat ako ng may magslita sa likuran ko kaya napadikit yung kamay ko sa kalderong nilulutuan ko.

"Ang inet!"sigaw ko tapos pinagpag ko yung kamay ko na para bang mawawala yung sakit kapag ginawa ko yun.

"Oww Sorry, sorry!" sabi nung nagsalita kanina at lumapit sya sa akin tapos tinignan yung kamay kong napaso.

"Does it hurts?" tanong nya. Inangat ko yung tingin ko at nakita ko yung lalaking gumulo sa buhok ko kanina. Ano nga ba ulit pangalan nya?

"Hey! I'm asking you, does it hurts?" ulit nya. Binawi ko naman yung kamay ko.

"Opo Ok lang, salamat" sagot ko tapos ibinalik ko yung tingin ko sa niluluto ko at muli itong hinalo.

"No, it's not Ok. Come I'll put come ointment on it" alok nya tapos hinawakan nya yung kabilang braso ko.

"Naku wag na po, Ok lang po talaga tsaka baka masunog po yung niluluto ko eh" pagtanggi ko, pero nagpuppy eyes sya. Wag mong gagawin yan please.

"No, I insist, Nanay just take care of what Dana is cooking. Napaso po sya dahil sa akin kaya gagamutin ko lang" paalam nya kay Nanay na kakarating lang. Wag Nanay, wag kang papayag.

"Oh sige bahala ka" sagot ni Nanay kaya hinila na nya ako palabas ng kusina. Habang papubta kami sa kung saan ay nakasalubong namin yung isa pang katulong nila.

"Manang is Stephen around?" tanong nya dito. Nag-isip naman yung matanda.

"Nandyan na kanina pa, kala ko nagkita kayo dumiretso kanina sa kusina ha, di ba nandun ka din?" paliwanag nito. Tumango naman tong si Kuya.

"Is that so? Ok thank you Manang!" paalam nya tapos muli akong hinila paatas.

Pumasok kami sa isang kwarto sa second floor ng bahay. Pinaupo nya ako sa kama at kumuha sya ng First Aid kit tapos pinahiran nya ng ointment yung kamay kong napaso kanina.

"Ayan, gagaling na yan!" masaya yang sabi kaya ngumiti na lang ako.

"Salamat po Kuya" sabi ko tapos tumawa sya.

"Hahaha I don't want you to call me Kuya" ani nya na ipinagtaka ko. Bakit?

"I want you to call me Steven" dagdag nya.

"Eh mukha pong mas matanda kayo sa akin eh" nahihiyang sabi ko na mas nagpalakas ng tawa nya.

"I know, but I feel weird when you call me Kuya" katwiran nya.

"Hehe I'll call na lang po Kuya Steven" alok ko. Ayaw nya pa sana pero sa huli pumayag rin sya.

Paglabas ko ng kwarto nya ay may napansin akong isang kwarto na parang kakaiba sa lahat ng kwarto na nandito.

----------------------------------------------------

Updated!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro