Sixth Changed
Sixth Changed
"Sige na Dana, saglit lang tayo promise!" kanina pa ako kinukulit ni Cherry na samahan ko sya sa mall. Gusto ko sana kasi hindi pa ako gaanong nakakapaglibot dito simula nung makalipat ako pero baka magalit si Nanay. Sabihin inuuna ko yung gala kesa tulungan sya. Isa pa nakakahiya kasi wala akong dalang pera.
"Hindi kasi talaga pwede eh" palusot ko sa kanya. Nakita kong nagpout sya at nagcross arm.
"Minsan lang ako magyaya Dana kaya dapat pumayag ka!" pangongonsensya nya sa akin. Tumingin ako sa mata nya at saka napabuntong hininga. Grabe ang effective ng puppy eyes nya ha!.
"Saglit lang tayo ha! Baka hanapin ako ni Nanay kapag nagtagal tayo" sabi ko sa kanya saka iniligpit yung mga gamit ko. Tumayo naman sya sa kinauupuan nya at nagtatalon-talon na parang bata.
"Thank you Dana! Promise saglit lang tayo" sabi nya habang hinihila ako palabas ng room. Hindi ko pa nga tapos ayusin tong mga gamit ko eh. Hindi naman sya sobrang excited nyan?
Pagkadating namin sa parking lot ay naghihintay na yung kotse nila Cherry. Pinagbuksan kami ng pinto nung driver nila. Pagkapasok namin sa loob ay napansin kong sobra yung ngiti ni Cherry.
"Saya mo ata? Parang first time mong pupunta sa mall ha?" tanong ko sa kanya. Hindi ba dapat ako mas maging excited kasi ngayon lang ulit ako pupunta sa mall. Samantalang sya mayaman, pwede sya pumunta dun palagi.
"Wala, masaya lang talaga ako ngayon kasi may kasama akong kaibigan" makahulugan na sagot nya. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.
"Bakit? Wala ka bang kaibigan dati?"tanong ko sa kanya. Masayahin naman si Cherry ha, friendly kaya imposible namang wala syang kaibigan. Nakita kong nag-iba yung aura ng mukha nya dahil sa tinanong ko.
"Ah hindi meron. Ano bayan wag mo na nga natin pag-usapan yun! Basta masaya ako kasi kasama kita ngayon." sagot nya sa akin. Parang ayaw nyang pag-usapan yung nakaraan kaya hinayaan ko na lang sya.
Pagdating namin sa mall ay agad nya akong hinila sa isang bihilan ng damit.
"Dana tignan mo bagay ba?" tanong nya sa akin habang sinusukat nya yung isang dress na nakita nya. Maganda si Cherry kaya kahit ano naman ay bagay sa kanya. Tumango ako, bumalik naman sya sa pagtitingin.
Ganun din ang ginawa ko. May nakita akong isang magandang T-shirt na pambabae. Hinawakan ko ang laylayan nito at tinignan itong mabuti. Hindi ako mahilig sa mga dress kaya wala akong hilig sa mga ganun. Nakapasuot lang ako ng ganun noong sinama ako ng pinsan ko sa isang debut noon sa amin. Hindi ko alam kung paano nya ako nakumbinsing suotin yung damit na yun.
"Gusto mo yan Dana?" napukaw yung pag-iisip ko ng tanungin ako ni Cherry. Nasa tabi ko na pala sya at nakahawak pa rin ako dun sa T-shirt.
"Ah, hindi nagandahan lang ako" sagot ko sa kanya. Wala naman akong pambayad kung sakaling gusto ko man yun.
"Kunin mo na, ako magbabayad" sabi nya sa akin. Agad naman akong napailing.
"Naku salamat na lang, nagandahan lang talaga ako kaya hinawakan ko" sabi ko sa kanya. Nakakahiya naman kung bibilhin nya pa yun para sa akin. Ilang linggo pa lang kaming magkakilala eh.
"No, I insist." pagmamatigas nya tapos sya pa yung kumuha nung T-shirt na hawak ko kanina.
"Cherry wag na" sabi ko sa kanya habang hinahabol sya papuntang cashier.
"Miss pakiscan na agad to para di na maka-angal tong kaibigan ko" sabi nun sa cashier. Inuna nya talagang iaabot yung damit na ililibre nya sa akin. Stubborn pala tong si Cherry. Tumahimik na lang ako, mukhang di ko na sya mapipigil sa pagbili nung damit na yun.
Pagkatapos nyang magbayad ay pinabuhat nya dun sa driver nila yung pinamili namin. Nagprisinta ako na ako na lang magbubuhat kapalit nung pagbili nya nung damit para sa akin pero binatukan nya lang ako.
Nagtingin-tingin pa kami sa iba't-ibang tindahan. Bumili sya ng libro at kung ano-ano pa. Nung mapagod sya ay inaya nya ako kumain.
"Parang ang dami ng inorder mo. Kaya ba nating ubusin yan?" tanong ko sa kanya habang siniserve nung waiter yung mga inorder nya. Sya kasi yung umorder since wala naman akong alam na pagkain dito sa restaurant na pinuntahan namin.
"Wag ka ng magtanong kumain ka na lang" sabi nua sa akin at nagsimula na syang kumain kaya gumaya na lang ako. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng maramdaman kong tumigil si Cherry at nakatingin lang sa akin.
"Bakit may amos ba ako?" naiilang na tanong ko sa kanya. Nakatingin lang kasi sya akin, parang may gusto syang sabihin na ewan. Umiling sya at bumalik sa pagkain.
"Salamat Dana, salamat sa pagsama mo sa akin ngayon" sabi sa akin ni Cherry habang hawak-hawak yung kamay ko. Inihatid nya kasi ako hanggang dito sa bahay nila Mam Saira.
"Naku wala yun, salamat din sa mga libre mo" sagot ko naman sa kanya. Binitawan nya yung kamay ko at may kinuha sa loob ng kotse nila. Inilabas nya ang isang paper bag. Kinuha nya yung laman nun sa loob, yung t-shirt na ibinili nya para sa akin. Hinila nya yung tag price tapos ibinalik sa loob ng paper bag yung damit bago iaabot sa akin.
"Ayan, para tanggapin mo." sabi nya habang inaabot sa akin yung paper bag. Ayoko sanang kunin kaso nahiya ako, binili nya yun para sa akin tapos hindi ko tatanggapin. Kinuha ko yung paper bag tapos ngumiti ako sa kanya.
"Salamat Cherry dapat di mo na to binili eh" sabi ko sa kanya. Hindi ko alam pero parang ang lungkot ng mga mata nya ngayon.
"Wala yun. Ah Dana pwede makahingi ng favor?" tanong nya sa akin, tumango naman ako. Lumapit sya akin at niyakap ako.
"Payakap ako saglit lang" bulong nya sa akin. Hinigpitan ko naman yung pagkakayakap ko sa kanya. Matapos ang ilang minuto ay humiwalay sya at pinunasan yung mga mata nya. Teka umiiyak sya?
"Thank you Dana, best birthday gift ever"sabi nya tapos ngumiti sya sa akin. Birthday nya?
"Birthday mo? Hala bakit di mo sinabi, inilibre mo pa ako nakakahiya" sabi ko sa kanya. Wala man lang akong regalo sa kanya tapos sya pa yung nagbigay sa akin.
"Nah its ok Dana. Yung pagsama mo sa akin ngayon at yung pagyakap mo lang sapat na. Sige una na ako, Babye Dana!" sabi nya tapos pumasok na sya sa loob ng kotse nila.
"Bye Cherry, Happy Birthday!" sabi ko habang nakaway. Hihintay ko munang makaalis yung sasakyan nila bago ako pumasok sa loob.
Pagharap ko ay nagulat ako ng makita ko si Stephen na nakatingin sa akin. Walang emosyon ang mga mata nya. Nakahawak yung isang kamay nya sa strap ng bag nya at yung isa ay nakahawak sa sketchpad nya. Nakita kong bumaba yung tingin nya sa paper bag na hawak ko tapos muling umangat sa akin. Ibinuka ko yung bibig ko para sana tanungin sya, sakto namang bumukas yung gate nila mam Saira tapos pumasok sya sa loob.
"Oh Stephen nandyan ka na pala kanina ka pa hinahanap ng Mama mo" sabi ni Nanay sa kanya. Dito sya nakatira? Tumingin ako sa kanya at nakita kong nagsusulat sya.
Hindi ko alam yung sinulat nya pero nakita ko yung pagngiti ni Nanay. Napansin ako ni Nanay kaya tinawag nya ako.
"Ikaw bata ka nandyan ka na din pala. Pumasok ka na sa loob" utos sa akin ni Nanay. Naglakad na papasok si Stephen pero ako hinintay ko pa si Nanay.
"Nay, sya ba yung bunsong anak ni Mam Saira?" tanong ko habang naglalakad kami papasok. Wala na si Stephen, nasa loob na.
"Oo, si Stephen" sagot sa akin ni Nanay.
--------------------------------
Updated!!!!
Sorry kung ngayon lang!!
Nababasa ko po yung nga comment nyo na iUD ko to kaso busy pa talaga kaya sorry..
Sana hanggang sa huli basahin nyo kahit medyo magulo...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro