Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fourteenth Changed

Fourteenth Changed

Nasaksaktan ako sa paraan ng paghila nya sa akin. Masyadong mahigpit at ramdam ko ang panginginig ng katawan nya. 

Pagdating namin sa parking lot ay agad nya akong sinakay sa kotse nila at sinarado ng malakas yung pinto. Napapikit ako, eto na naman sya at natatakot ako. 

Madali syang umikot at sumakay sa driver seat. Hindi ko pa nakakabit yung seatbelt ko ng paandarin nya yung kotse. Gusto ko syang sabihan na bagalan nya pero sa tuwing titingin ako sa kanya mas natatakot lang ako. 

Mabilis naming narating yung bahay. Napahawak nga ako sa dibdib ko pakahintong-pagkahinto namin. Akala ko katapusan ko na kanina. Padabog syang lumabas ng kotse at binuksan yung pinto ng passenger seat at muli na naman akong hinila. 

"Stephen nasasaktan ako" sa wakas ay nakapagsalita din ako. Ayoko ng ganito at hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganto.

Hindi nya ako pinansin patuloy pa rin sya sa paghila sa akin. Umakyat kami ng second floor at dinala nya ako sa kwarto nya. 

Bintawan nya ako at nilock nya yung pinto. Kinabahan ako sa ginawa nya. Ramdam ko ang sakit ng kamay ko dahil sa higpit ng pagkakahawak nya. Tumingin ako sa kanya at ganun pa rin ang expression ng mukha nya. Galit. Ba nga ba sya magagalit? 

Mas natatakot ako sa kanya ngayon kesa noong nakaraan. Para syang mangangain ng tao. Mabigat ang paghinga nya. 

"Steph--" hindi ko natapos ang pagtawag ko sa pangalan nya ng lumapit sya sa akin at halikan ako. Hawak nya yung mga pisngi ko at marahas ang paghalik na ginagawa nya sa akin. Para bang gusto nyang burahin ang labi ko. Pilit ko syang tinutulak palayo pero ayaw nyang umalis. 

Tumulo na ang luha ko. Natatakot ako. Natatakot ako sa kanya at sa maari nyang gawin. 

Nanlambot ang tuhod ko. Nung mapansin nyang naiyak na ako ay humiwalay sya sa akin at tinignan ako. Mas lumakas naman ang hikbi ko. Bakit? Ano bang kasalanan ko sa kanya? Bakit nya ako ginaganito?

"Dana? Shit sorry" naring kong sabi nya at niyakap ako. Gusto kong lumayo sa kanya pero wala na akong lakas para itulak sya. Ang daming tanong sa isip ko. Wala naman akong ginawa di ba?

Ramdam ko ang paghaplos nya sa likod ko at paghingi nya ng sunod-sunod ng sorry. 

"Shit!" mura nya ulit. Humiwalay sya ng yakap sa akin at lumabas ng kwarto nya. Gusto kong samantalahin ang pagkakataon na yon para umalis sa kwarto nya pero hindi ko kaya. Nanlalambot pa rin ang mga tuhod ko at nahihirapan na rin akong huminga dahil sa pag-iyak. 

Pinunasan ko yun mga luha ko at pinilit tumayo pero tumumba lang ulit ako. Sakto namang bumalik na si Stephen. Aalalayan nya dapat ako pero iniwas ko yung braso ko sa kanya. Inilapag nya yung dala nya at muli akong hinawakan.

"I'll just help you" sabi nya tapos pinaupo ako sa kama nya. Inabot nya sa akin yung dala nya na isang baso pala ng tubig. Pinainom nya ako at medyo kumalma naman ako, pero natatakot pa rin ako sa kanya.

"Sorry Dana I just... I just don't know what happen to me" nakatayo sya sa gilid ko at hinahaplos pa rin yung likod ko. Napatingin ako sa kanya at hindi na galit yung expression ng mukha nya. Para bang sising-sisi sya sa nagawa. 

Isang tawag ang natanggap ko mula kay Mam Saira na baka matagalan pa raw sila dun dahil kailangang operahan ang Mama nya. Gusto ko sanang sabihin na pauwiin na nya si Nanay kasi natatakot ako kapag nararamdaman ko yung presensya ni Stephen matapos yung ginawa nya sa akin kaso mas kailangan ata ni Mam Saira si Nanay kaya hindi ko na lang sinabi. Madami syang ibilin at isa na dun syempre ay si Stephen. Matapos yung nangyaring yun ay hindi ko sya pinansin, alam kong mahirap since magkasama kami sa bahay pero natatakot talaga ako sa kanya. Kapag magsasalubong kami ay agad akong iiwas, kapag magkasama naman kami sa isang lugar ay tahimik lang ako. 

"Stephen?" tawag ko sa kanya habang nakatok sa pinto ng kwarto nya. Kakausapin ko lang sya kapag may kailangan akong sabihin. Hindi naman sya naimik, tumatango lang sya o kaya umiiling.

Naka-ilang beses na akong kumatok sa kwarto nya pero walang nasagot. Siguro hindi naman sya magagalit kung papasok ako di ba? Kahit na bigla akong kinabahan sa gagawin ko ay tinuloy ko pa rin. 

Walang tao sa loob, maayos ang kama nya at ang mga gamit. Pumunta ako sa may banyo at wala din sya dun. Mas bumilis ang tibok ng puso ko, hindi pala labas si Stephen ng kwarto nya kaya imposibleng mawala sya ng ganun-ganun na lang. Isa pa linggo ngayon at walang pasok. 

Palabas na sana ako ng kwarto nya ng makita ko yung isang picture frame. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita kung may litrato ba ito. Basag na rin yung salamin nito dahil nakakalat na sa may lapag yung mga bubog. 

Inangat ko ito ay napatulala ako sa nakita ko. Isang litrato ni Stephen na may kasamang magandang babae. Nakasandal yung ulo nung babae sa balikat ni Stephen at nakapikit ito. Nakatingin naman si Stephen dun sa babae at nakangiti. Sa ilang buwan kong kasama si Stephen hindi ko sya nakitang ngumiti ng ganito. 

Napadako yung tingin ko sa may babang parte ng litrato at may nakasulat. 

Stephen and Maybel 

10/09/201*

Dalawang taon na pala ang nakakalipas simula nung kunan to. Maybel? San ko nga ba narinig yung panglang Maybel? 

Iniisip ko kung saan ko narinig yung pangalang Maybel ng maalala kong nawawala si Stephen. Lumabas ako ng kwarto nya at hinanap sya sa buong bahay pero hindi ko sya nakita. Nagsimula na rin akong mag-alala. Malakas ang buhos ng ulan at wala sya sa bahay. San naman sya nagpunta?

Nakita ko yung telepono kaya naalala ko sila Jin. Mabuti at may listahan ng mga cellphone numbers dito sa may tabi ng telepono kaya hindi ko na kailangang mamroblema kung saan ko kukunin ang mga number nila. Unang number na nakita ko ay kay Jin kaya agad ko syang tinawagan.

[Hello?] bungad nya matapos ang ilang beses na pagriring. 

"Jin! Kasama nyo ba si Stephen?" tanong ko sa kanya.

[ Ano? Sino to? Di kita maintindihan!] sagot nya. Marahil hindi kami magkaintindihan dahil sa lakas ng ulan.

"Si Dana to! Kasama mo ba si Stephen?" nilakasan ko na yung boses ko para lang marinig nya ako.

[ Dana? Si Stephen? Hindi namin sya kasama, bakit?] malakas na rin yung boses nya kasi sinasabayan pa nila Vincent yung ulan. Nagvivideoke ata sila.

"Ganun ba? Wala kasi sya dito eh, nag-aalala na ako" sagot ko. Narinig kong tinanong nya yung mga kasama nya, sumagot si Jimin na ewan.

[Wala daw silang alam eh. Wala din naman akon-- Shit anong date ngayon?] bigla syang nagtanong nga date sa mga kasama nya. Sumagot sila tapos biglang nawala yung tunog nung videoke. 

Napatingin din naman ako sa may kalendaryo na nasa tabi ng telepono.

October 10, 20**

Heaven's Cementery

Hindi ko alam pero parang alam ko kung nasan na sya, pero anong gagawin nya dun?

Sunod ko na lang nakita ang sarili ko palabas ng taxi sa tapat ng isang pangmayamang sementeryo. Napatulala ako sa habang nasa tapat ako nung Arko, san ko sya hahanapin kung ang laki-laki netong sementeryo, idagdag mo pang ang lakas ng ulan? 

"Bahala na!" sabi ko sa sarili ko sabay pasok sa loob. Una akong naghanap sa kaliwang parte nung sementeryo pero mukhang walang Stephen dun. Naglakad-lakad pa ako pero wala talaga. Naghahanap din ako ng mga trabahador dito pero wala din akong makita. 

Sumilong ako sa isang parang kubo dito dahil basang-basa na ako at mas lumakas pa yung ulan. Pilit ko pa ring tinatanaw kung makikita ko si Stephen pero mukhang wala na sya o wala sya dito. 

"Ang kulit!" narinig kong may nagsalita kaya napalingon ako kung saan galing yun. Nakakita ako ng isang matandang lalak at nakakunot ang noo nya.

"Kuya! Mayroon po ba kayong nakitang lalaki dito?" tanong ko sa kanya. Napatigil naman sya sa paglalakad at tumingin sa akin.

"Naku ineng marami malamang, mayroon nga kaluluwa na eh" sagot nya, nagsitaasan naman yung mga balahibo ko.

"Kuya hindi yun wag ka ng manakot, may lalaki ka bang nakita dito. Maputi sya tapos " pilit kong inaalala kung ano bang suot na damit ni Stephen kanina pero hindi ko maalala.

"Maputi? Baka nakaputi?"sabi nya. Napapadyak naman ako. Si kuya tinatakot pa ako.

"Kuya naman eh, amo ko yun baka hinahanap na sa kanila. Patay ako sa nanay nun" maktol ko. Kinakabahan na nga ako kung nasan sya eh samahan mo pang nilalamig na ako dahil kanina pa ako basa.

"Eh ano ba ayusin mo kasi"

"Mga kasing tangkad nyo po tapos maputi sya, kulay red yun--" 

"Ah baka yung binata dun sa may tabi ng calachuchi. Kanina ko pa pinapaalis ayaw nya. Basang-basa na nga eh" agad ako tumakbo kung saang direksyon yung tinuro ni Tatay, medyo hindi ko makita yung daan dahil mas lumakas yung buhos ng ulan. Wala namang bagyo di ba? 

Muli akong napapadyak sa lupa dahil ang daming puno ng calachuchi dito, nasan si Stephen?   

Ginawa ko inisa-isa ko na lang lahat pero bago ako makalayo ay may nakita akong isang lalaking nakupo sa damuhan. Kahit nakatalikod sya ay alam kong sya yun. 

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nakita kong basang-basa na sya. 

"Stephen" tawag ko sa kanya dahilan para mapalingon sya sa akin. Nakita kong pulang-pula ang mukha nya, lalo na ang mga mata nya. 

Napatingin ako dun sa lapida at nanlaki ang mga mata ko dahil sa nabasa.

Maybel Grace V. Lee

Feb. 14, 199* - October 10, 201*

Patay na si Maybel? Sya ba yung babaeng kasama ni Stephen sa picture? Sya ba ang dahilan kung bakit hindi sya nagsasalita?

"Stephen sya ba--"

"Go home! Leave me Alone!" sigaw nya sa akin. Nagulat ako pero hindi ko sya pwedeng iwanan dito.

"Maybel why did you leave me? That should be me Maybel! I miss you so much! Maybel comeback to me!" hindi ko alam kung ano.tong nararamdaman ko. Naawa ba ako o ano? Naawa ako sa kalagayan ni Stephen, minsan ko ng winish na sana magsalita na sya nh tuloy-tuloy pero ngayon parang binabawi ko na. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa nakikita ko. 

"Stephen halika na umuwi na tayo" sabi ko sa kanya tsaka sya hinawakan sa braso pero hinawi nya dahilan para maout of balance ako at matumba. Nabitawan ko yung payong kaya lalo akong nabasa. Tumayo si Stephen at tinignan ako.

"I told you to leave me al-o-ne" bigla na lang bumagsak si Stephen kaya dali-dali akong tumayo para tulungan sya. Inaapoy sya ng lagnat, kaya pala ang pula nya! 

---------------------------------------

Panget ba? Pakisagot!

Kilala nyo na ba si Maybel?Ako kasi hindi eh XXD

7 Chapters to go.... Wag nyo po akong patayin parang awa nyo na,, May balak pa po akong pumunta ng South Korea at ISAKO si Do KyungSoo, kaya Please maawa kayo...

Kahit naman po matapos na to marami pang kasunod na story kasi nga BANGTAN SERIES sya so malay nyo bias nyo na pala susunod XXD (Pero kay Jungkook talaga yung sunod-_-)

Pansin ko narami na rin yung followers ko kahit walang kafollow-follow sa akin XXD 

Paano po ako makakabawi sa inyo? Dedication ba? Followback? or I'll make you a One-Shot?

Pakisabi po para makabawi ako sa inyo ^_^

P.S: Panget ba yung cover?? Pasensya hindi ARTISTIC yung author nyo eh yan lang ang kinaya XXD

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro