Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilouge

Epilouge

Sabi nila 'Change is the only Permanent thing in this World'. Na kahit anong gawin mo ay hindi mo mapipigilang may magbago sayo at sa mga nasa paligid mo. Na kahit umiwas ka ay pipiliin ka pa rin ng tadhana para maranasan mo ang pagbabago na iyon.

Wala naman talaga akong balak na pumunta sa lugar na alam kong magiging iba ang tingin sa akin. Masyadong iba ang Maynila para sa akin na lumaki sa probinsya, pero naisip ko na kaya nangyari ang mga bagay na iyon ay para makilala ko rin ang sarili ko.

Marami akong nakilala na bumago sa buhay ko. Unang-una ang Bangtan na tinuring akong kaibigan, si Cherry na palaging nandyan para sa akin. Si Jimuel na akala ko masama pero sya pa palang poprotekta sa akin. Si Mark, na naging dahilan kung paano ko narealize na gusto ko yung taong naging malaki ang bahagi sa pagbabago ng buhay ko, Si Stephen.

Hindi ako yung klase ng tao na nangingielam sa buhay ng may buhay pero simula nung makilala ko sya ay palaging may SINO at BAKIT na naglalaro sa isip ko. May mga tanong na gusto kong magkaroon ang sagot. Pero hindi ko din alam na sa kagustuhan kong magkaroon ng kasagutan ang mga tanong sa isip ko ay may isa pa akong mararananasan na isang bagay, ang masaktan.

Masaktan dahil sa bawat paghahanap ko ng kasagutan ay nahuhulog na pala ako sa kanya. Kaya pala sa tuwing ngumiti sya at bumibilis ang tibok ng puso ko at sa bawat pagsasalita nya ay tumitigil ang mundo ko. Pero sa bawat nalalaman ko tungkol sa nakaraan nya ay may bumabaon sa dibdib ko na kung ano na nagiging dahilan din ng pagsikip ng dibdib ko at pagtulo ng mga luha ko.

Akala ko magiging maayos na ang lahat kapag nasabi ko na yung nararamdaman ko sa kanya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay pareho pala kami ng nararamdaman para sa isa't-isa. Pero hindi pa pala, siguro nga may mga bagay talaga na hindi para sa akin, kagaya nya.

"Sabi ko matulog ka na di ba?" naparoll eyes ako dahil sa sinabi ng isang epal na lalaki dyan sa tabi-tabi.

"Mamaya na, matatapos ko na to" hirit ko. Paano kanina pa nya ako pinapatulog eh hindi pa nga inaantok yung mga mata ko tsaka gusto ko ng tapusin tong ginagawa ko para wala na akong gagawin sa susunod.

Lalo pa ngayon at malapit na.

"It's already 9 o'clock Dana" yung tono ng boses nya halatang naiinis na. Nakaka-inis talaga tong lalaking to, kapag gusto kong matulog palagi akong ginigising tapos ngayon gising ako pinapatulog naman ako. Hindi ko na lang sya pinansin at ipinagpatuloy yung pagtatype sa laptop ko.

Tumahimik naman sya kaya akala ko okay na, akala ko lang pala yon. Naramdaman kong may nakatayo sa gilid ko at paglingon ko nakita ko sya na masama ang tingin sa akin. Nginitian ko sya para magpacute pero walang epekto kasi.

"Naman Stephen, malapit ko na kayang matapos yun eh! Wala pa namang auto recover dyan sa laptop ko!" inis na sigaw ko sa kanya. Sinarado ba naman yung laptop ko, eh nagloloko na yun kasi matagal na.

"I told you to sleep right? But you are not listening to me!" asik nya. Gusto ko tuloy umiyak, kapag nawala lahat ng tinype ko patay sya sa akin.

"Malapit ko na--"

"Shhh stop. I don't want to hear your excuses. Now get up from that chair and go to sleep." pagpuputol nya sa sasabihin ko. Ang sama-sama talaga sa akin ni Stephen, nakaka-inis sya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa kama namin at humiga. Nagtalukbong ako ng kumot para hindi ko sya makita.

Maya-maya ay naramdaman kong umupo sya sa gilid ng kama kung nasan ako.

"Hey, I'm sorry. I didn't mean to disturb you while you were writing its just, its already 9 o'clock and you need to sleep. I don't want our baby to have big eye bags like yours" inalis ko yung kumot na nakatalukbong sa akin at tinignan ko sya ng masama.

"Ah ganon?" tanong ko sa kanya. Kumuha ako ng isang unan at saka tumayo. "Pwes matulog ka dyan mag-isa" tama bang ipamukha sa akin na malaki ang mga eyebags ko? Nako kapag lumabas na tong anak ko, hihiwalayan ko na sya.

"Where are you going?" tanong nya habang nasunod sa akin. Humarang pa sya sa pinto ng kwarto namin.

"It's none of your business Mr. Min. Kung ako sayo matutulog na ako, baka magaya ka sa akin na malaki ang eyebags" pilit ko syang pinapaalis sa may pinto dahil lalabas ako pero nakaharang pa rin sya. Inagaw nya sa akin yung unan na kinuha ko saka inihagis pabalik dun sa kama.

"Stop being so childish Dana!" sigaw nya. Naramdaman ko naman na nag-iinit yung mga sulok ng mata ko. Sinigawan ako ni Stephen.

Ayaw na nya siguro sa akin. Hindi na nya ako mahal.

Dahan-dahan akong umalis sa harapan nya at naglakad papalapit sa kama namin pero hindi pa ako nakakalaya layo sa kanya ay naramdaman ko yung kamay nya sa braso ko at niyakap ako mula sa likod.

"Dana shh stop crying. I'm sorry. I'm really sorry. I didn't mean to shout at you. I'm really sorry" bulong nya. Hindi ko sya sinagot, pinunasan ko yung mga luha ko gamit yung likod ng palad ko at inalis yung kamay nyang nakayakap sa akin saka lumapit doon sa kama at muling kinuha yung unan na inihagis nya pabalik kanina.

Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko ng maglakad ako papit sa pinto ng kwarto namin.

"Hey, don't do this. I'm sorry ok? I didn't mean to--" hinawakan nya ulot yung kamay ko pero tinanggal ko rin.

"I didn't mean to mo mukha mo" sabi ko sa kanya saka tuluyang lumabas ng kwarto namin at dumiretso sa kabilang kwarto.

Nakakainis sya, sobra! Kapag hindi nya natatapos yung trabaho nya ay dinadala nya dito sa bahay at pati yung init ng ulo nya inuuwi rin.

After what happened to Erika, nagkaayos kami at tatlong taon ng kasal ngayon. Kasama namin si Taejoon dahil hanggang ngayon ay may trauma pa rin dahil sa nangyari pero nag-iimprove na sya araw-araw. Noon hindi mo sya nakaka-usap pero ngayon ay ok na. Gustong-gusto nyang kinaka-usap yung kapatid nyang nasa loob ng tyan ko. Kabuanan ko ngayon at any time pwede ng manganak at hanggang ngayon pa rin ay emosyonal ako. Hindi naman ako iyaking tao pero simula nung magbuntis ako ay sobrang babaw na ng mga luha ko.

Pinagpag ko yung kama at saka inilagay yung unan na dala ko bago humiga. Bahala si Stephen sa buhay nya, malaki na sya kaya kaya na nya ang sarili nya.

Hindi pa ako nagtatagal na nakahiga ay may kumatok.

"Dana hey, sorry na" sabi nya pero hindi ko sya pinansin.

"Ok I'm not going to disturb you anymore but I will sleep here" nakarinig ako ng pagbagsak sa tapat ng pinto ng kwarto "Incase you need something I'm here"

Pinunasan ko yung pisngi at saka pumikit para matulog na.

Pagkagising ko kinabukasan ay ramdam ko ang hapdi ng mga mata ko dahil sa pag-iyak kagabi. Nainis naman ako sa sarili ko dahil umiyak na naman ako sa maliit na bagay.

Dahan-dahan akong tumayo saka lumabas ng guest room. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang makabaluktot na si Stephen at nanginginig.

Nakaramdam ako ng awa kaya ginising ko sya.

"Stephen" tawag ko sa pangalan nya sabay tapik sa braso nya. Iminulat nya yung mga mata nya saka agad na tumayo.

"Why? Do you need something?" tanong nya agad pero umiling ako. Nagsimula ako maglakad papunta sa kwarto namin at sinundan nya ako.

"Hey are you still mad at me?" tanong nya, hinawakan nya yung kamay ko at pinaharap ako sa kanya pero tumalikod din agad ako.

Lumayo ako sa kanya at pumasok ng banyo para makapaghilamos at toothbrush.

Pagkalabas ko ay nakaabang sya may gilid, nakatinginan kaming dalawa pero inirapan ko sya at saka sya nilampasan.

Hinawakan nya ulit yung braso ko at saka nagsalita "Sorry na po" sabi nya.

"Appa!" biglang bumukas yung pinto ng kwarto namin at pumasok si Taejoon. Lumapit sya sa akin at hinawakan yung tyan ko. "Good morning Saeng! I can't wait to see you" bati nya doon sa kapatid nyang nasa tyan ko kaya napangiti ako. "Tara,luto tayo ng almusal?" yaya ko sa kanya at tumango nman sya.

Bumama kami ni Taejoon at naghanda ng almusal. Nung matapos na kami ay inutusan ko si Taejoon na tawagin ang Appa nya para makapag-almusal na kamo dahil may pasok pa sila pareho.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa din nabalik si Taejoon kaya napagpasyahan kong umakyat na sa taas para tawagin sila.

Pagkahakbang ko sa unang baitang ng hagdan ay biglang sumakit ang tyan ko. Sobrang sakit to the point na nanghihina ang mga tuhod ko at hindi ako makatayo ng maayos. Napahawak ako sa railings ng hagdan para suportahan ang bigat ko.

Sobrang kirot talaga ng tyan ko, manganganak na ata ako. "Stephen!!" kahit nanghihina ay pinilit ko ang sarili ko na lumakas ang boses ko para matawag sya.

"Ayos lang po ba kayo Mam?" tanong ni Myla na natatarantang lumapit sa akin para tulungan ako. Itinuro ko yung taas at sinabing tawagin nya si Stephen. Agad naman syang umakyat at pagbalik nya ay kasama na nya si Stephen at Taejoon. "Are you ok?" tanong nya agad.

"Mukha ba akong ok? Manganganak na ata ako tapos tatanungin mo kung ok ako?" sarcastic na tanong ko sa kanya. Mukha na nga akong mamamatay dito tapos tatanungin nya pa kung ok ako?

Binuhat nya ako at saka isinakay sa kotse papuntang ospital.

Pagdating sa ospital ay agad akong ipinasok sa ER.

"Mam push pa po!" utos sa akin ng doctor kaya umire ako. Ayoko na! Ayoko nang manganak ulit! Tama na ang isa!

Nakailan pa akong ire bago lumabas yung baby namin.

"It's a boy, congratulations" sabi nung doctor. Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ko yung iyak ng anak ko.

Binalot sya sa isang puting kumot at iniabot kay Stephen. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa nakikita ko. Yung lalaking mahal ko buhat-buhat ang anak namin.

Marami kaming pinagdaanan. Akala ko hindi talaga sya para sa akin, muntik ko na syang pakawalan pero nagpapasalamat ako at hindi ko pa rin ginawa kasi kung ginawa ko edi hindi mangyayari ang araw na ito.

Ang araw na muling magbabago ang buhay ko.

--------------------

Whoot ang panget ng ending di ba? Hahaha ang panget nya talaga eh T_T.

Don't kill me pleasue!! Pupunta pa ako ng EXO'luXion in Manila at isasako si Kyungsoo Whahahah!!!

JB at Bambam! Kahit di ako nakapunta sa Fan Meeting nyo, Mahal na Mahal ko kayo!

And BTS.. I'm still waiting. I'm still waiting sa comeback nyo! Ang tagal pa ng 30 eh kaiyak!

Comments please! Please!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro