Eighteenth Changed
Eighteenth Changed
Yung mga sinabi ni Mark noong nakaraang gabi na patuloy pa ring umuulit sa isip ko. Baka magaya ako kay Maybel dahil kaya Stephen? Anong ibig nyang sabihin dun? Tsaka ano bang nangyari kay Maybel dahil kay Stephen?
Dati gusto ko lang na malaman yung dahilan bakit hindi sya nagsasalita ngayon mas nadagdagan pa.
"Malalim ba?" isang juice ang nakita ko sa harapan ko matapos kong nakarinig ng salita. Pag-angat ko ng tingin ko ay nakita ko si Jin na nainom rin at umupo sa tapat ko.
Sa pagkaka-alam ko matagal ng magkaibigan si Jin at Stephen, maaari kayang alam nya kung anong ibig sabihin nun?
"Ah Jin pwede magtanong?" paalam ko sa kanya. Tumango naman sya bilang sagot.
"Basta wag tungkol sa babae, wala akong alam dyan" natatawang sabi nya. Kumunot naman ang noo ko, ang isang Kim Seok Jin walang alam sa babae? Oh come on!
"Wag mo kong tignan ng ganyan Dana, sinasabi ko sayo wala akong alam sa mga babae" seryosong paalala nya sa akin. Parang ang hirap naman paniwalaan na wala syang alam sa mga babae. Sa itsura pa lang nya may pagka-playboy na, isa pa sya ang Heart trob Prince di ba?
"Ang hirap paniwalaan eh" sabi ko. "Di ba ikaw yung sinasabi nilang Heartrob Prince?" Dagdag ko pa. Umayos sya sa pagkaka-upo bago sumagot.
"Yes, they give me the title of Heart trob Prince but it doesn't mean na may alam ako sa mga babae " napatango na lang ako. Di kaya Confirmed sya? O baka Confused?
"And don't think about me being gay. I'm straight as a ruler" dagdag nya. Mind reader ba sya?
Isinantabi ko na lang yun iniisip ko at tinanong yung gusto kong itanong.
"Kelan pa kayo naging magkaibigan ni Stephen?" tanong ko, nakita kong kumunot ang noo nya. Inilapag nya yung iniinom nya sa lamesa bago sumagot.
"Since elementary bakit?" balik na tanong nya. Since elementary, matagal na nga.
"Ah kilala mo ba si Maybel?" nahalata kong nagulat sya sa tanong. Sa tingin ko kagulat-gulat nga yung tanong ko lalo pa't bagong kakilala lang naman nila ako.
"Madaming Maybel sa mundo Dana" parang ayaw nyang sagutin yung tanong ko kaya ganun yung sinabi nya, pero gusto ko talagang malaman kung sino nga ba si Maybel, at ano sya sa buhay ni Stephen.
"Maybel Lee" sagot ko. Mas naging tense sya nung sinabi ko yung apelido ni Maybel. Natandaan ko yung apelido nya noong sunduin ko si Stephen sa sementeryo.
"Dana" tawag nya sa akin at tumingin sa mga mata ko. "Sa tingin ko hindi ako ang dapat sumagot nyan" dagdag nya. Bakit feeling ko napakalaking sikreto ni Maybel?
"Ganun ba? Ok lang." bigla namang pumasok sa isip ko si Mark. Si Mark kaya kilala rin nya?
"Eh Mark may kilala ka?" tanong ko ulit.
"Mark ano?" napaisip naman ako. Ano nga bang apelido ni Mark? Hindi naman nya nasabi sa akin, pero kilala sya ni Stephen eh. So may possibility na kilala rin nya ito. Sasagot na sana ulit ako ng may isang pamilyar na mukha ang naglalakad papalapit sa amin.
"Hi! Nice to see you again" nakangiting bati ni Mark sa akin. Huminto sya sa gilid nya Jin pero hindi nya tinignan ito.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Pagtingin ko kay Jin ay masama ang tingin nya dito.
"Dad told me to pay a visit. At first I don't like it but seems like I'm going here everyday since you were here" sagot nya. Ewan ko pero parang kinakabahan ako sa sinabi nya. Nakita kong tumayo si Jin kaya tinignan sya ni Mark. Ngusmisi si Mark at tinignan si Jin mula ulo hanggang paa.
"Ow look who's here. The so called Heart trob Prince but a Woman Hater. How's Julia is she still in sane?" nakita kong kumuyom yung palad ni Jin sa sinabi ni Mark. Para bang gusto nya itong suntukin. Parehas aila ng reaksyon ni Stephen nung makita nila si Mark.
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at pumagitna sa kanila. Hinawakan ko yung kamay ni Jin na nakakuyom para kumalma sya.
"Ah Mark sige una na kami, may klase pa eh. See you around" paalam ko sa kanya tsaka hinatak si Jin pero hindi pa kami nakakalayo ay hinawakan nya ako sa braso at pinaharap sa kanya. Nagulat ako ng salubungin nya ako ng halik, smack lang yun pero nakuryente ako.
"See you later" nakangiting sabi nya. Ako naman napatulala. Hinalikan nya ba talaga ako?
Sunod ko na lang na naramdaman na may humila sa akin palayo sa kanila. Hindi ko kilala kung sino dahil nauuna syang maglakad sa akin, isa pa iniisip ko pa rin yung halik.
Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa may mga puno doon sa gilid ng field. Binitawan nya ako at doon ko nakitang si Stephen sya. May kinuha sya sa bulsa ng pantalon nya at isa iyong panyo. Lumapit sya sa akin kaya napa-atras ako. Walang emosyon ang makikita sa.mukha nya.
Hinawakan nya yung braso ko at inilapit sa kanya. Inayos nya yung pagkakahawak nya sa panyo at pinunasan nya yung labi ko. Inilayo ko yung ulo ko pero inilapit nya ulit yung panyo at pinunasan yung mga labi ko.
Napatulala na lang ako sa kanya habang ginagawa nya yun. Bakit nya yun ginagawa? Ano ba ako sa kanya? Sino ba ako para sa kanya? Bakit ko nga ba hinahanap yung lugar ko sa buhay nya? Hamak lang naman akong kaklase nya na nagkataong anak ng kasambahay nila. Pero hindi ko talaga maiwasang magtanong.
Napukaw yung pag-iisip ko ng maramdaman ko yung kamay nua sa pisngi ko at hinahaplos nya iyon.
"Ah.. eh" yun ang nasabi ko at inilayo sa kanya yung mukha ko. Napayuko ako, ayoko ng ganito. Masyadong maraming tanong sa isip. Nakita kong hawak nya pa rin yung kamay ko. Gusto kong bawiin pero ayaw gumalaw ng katawan ko, masarap kasi sa pakiramdan yung pagkakahawak nya.
Ano ba tong nararamdaman ko? Nakakalito naman eh.
Binatawan nya yung kamay ko at hinawakan ako sa balikat ko at pinauoo nya ako. Pagkaupo ko ay humiga sya sa may hita ko tsaka pumikit.
"Stephen" tawag ko sa kanya. May klase pa kami at ayoko syang malapit sa akin, kunga ano ano kasing nararamdaman ko sa katawan ko kagaya ngayon feeling ko nakukuryente ako.
"Five minutes Dana" hirit nya. Hinayaan ko na lang sya at tinignan yung mukha nya. Napaka-amo talaga nito, para syang anghel.
Nililipad ng hangin yung buhok nya kaya hindi ko mapigilan yung sarili kong haplusin yung buhok nya. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nadoon ng maramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko.
From: Jimuel
Where are you?
Napatulala ako, hindi ko alam yung isasagot. Merong pumipigil sa akin na sabihin yun totoo.
To: Jimuel
Nasa faculty ako. May pinapagawa sa akin si Mrs. Visitacion.
Sent!
——————————————-
Sorry Sabaw TT-TT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro