Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9. Yes




Today is our date. Tinapos ko lang ang umagahan ko at nagpaalam ako ng husto kina Lola at Lolo. I never mention anything to Tita Amber. Medyo mahigpit kasi si Tita pagdating sa aming mga babae. And I bet she already notice that Lachlan is amongst the team. Hindi na siya magdududa pa. Kami lang din magpi-pinsan ang nakakaalam sa kasunduan nila.

I came out with Ava and Bria in a small coffee shop in the corner. Dito rin ang usapan namin ni Lachie.

Nang matapos na sina Ava at Bria ay umalis na din sila. Naiwan na ako, pero dumating din naman si Lachie pagkaraan ng iilang segundo.

He looked so cool when I saw him enter the room. Most of the girls were staring at him. He came walking towards me with his dashing smile, holding a bouquet in his hand.

"Hi, for you. Kanina ka pa ba?"

"Hindi, bago lang din. Kaalis lang din nila ni Bria at Ava."

Umupo na siya at tinitigan ang menu na nasa mesa.

"I just had cold coffee. But if you like one, it's okay just don't include me."

He nodded and folded the menu back on the table.

"Have you tried all the food delicacies here?"

I shook my head. Wala pa naman talaga akong natitikman na ibang pagkain dito. Maliban nga lang sa luto ni Auntie Bebe na banana que at kamote. Minsan naman nagluluto sila ng bibingka at suman.

"Yes, I've tried some. Pero ang luto lang din ni Auntie Bebe at Yaya," ngiti ko sa kanya.

"Do you want to walk around the Island? And if it's okay with you we can try the other foods there. Marami naman sa kanto at masasarap, mura lang din," sa lawak na ngiti niya.

"Sige," tango ko sabay tayo na.

It was awkward at first. Ang tahimik kasi naming dalawa hanggang sa nagkwento na ako at nagsimula na ang pagiging daldadera ko sa kanya.

I kept telling him the difference between the stuff here and in Italy. Pero kahit papaano ay may pagkakapareho din naman ang bawat cultura ng dalawang bansa.

"Have you tried chicken feet? Adidas?"

Kumunot ang noo kong nakatingin sa inihaw na paa ng manok at bituka. Napalunok na ako. Bria and Ava doesn't even eat this kind of stuff. While Maya and the boys are okay with it. I've seen them eating this last time. At mukhang hindi naman masama ang lasa.

"H-hind pa." Sabay iling ko.

"Try mo," maingat na hawak niya sa braso ko.


Um-order siya ng tatlong adidas at bituka. Sinamahan pa niya ng ulo ng manok at betamax. Napangiwi na ako. Parang gusto ko pa 'atang kainin ang fish ball sa gilid at ang tempura kaysa sa mga binili niya.

"Tempura at fish ball din po," tugon niya sa tindero.

Mabuti na lang at nabasa niya agad ang iniisip ko. Dahil kapag wala akong magustuhan sa ipapatikim niya, at least may makakain ako mamaya.

Nang maluto na ito ay nilagay na lahat sa plastic na plato. Bumili rin siya soft drinks at nilagay ito sa plastic ng tindera at binigay sa kanya. Siya na ang humawak ng lahat at inabot lang din sa akin ang soft drinks na para sa akin talaga.

"Let's walk around while eating this," excited na tugon niya.

"Okay..."

We walk around the side of the beach. Low tide na at mas maganda maglakad na nababasa ang mga paa sa tubig dagat. Nakastinelas lang ako. Mas gusto ko ang ganito dahil nararamdaman ko ang malamig na tubig dagat.

"Here." Sabay bigay niya sa adidas.

Napatitig pa na tuloy ako nito at nakanganga akong tinitigan siya. Mukhang sarap na sarap siya sa kinain niyang adidas. Tinangap ko na 'to at tinitigan pa. Natawa agad siya, kaya ngumiti na ako sa kanya. Hindi ko tuloy alam kong paano ba kainin ito?

"Try it," ngiti niya.

Sinubukan ko. In fairness, masarap pero ang daming buto at konti lang din ang makakain mo. I find the sauce made it more tasty.

"Okay 'di ba?" Sabay bigay niya ng betamax sa akin ngayon.

Tinititigan ko lang 'to. Hanggang sa bahagya na siyang natawa ulit. Kumunot pa tuloy ang noo ko sa kanya.

"Here... Ikaw naman, kakainin mo rin talaga kahit na ayaw mo," iling niya.

"Hindi ah. I would love to try it too. I'm easy!" Sabay kuha ko nito at tinikman na.

Natahimik siyang pinagmasdan ang pagnguya ko ngayon.

"Well, it's not that bad."

It's not that bad? Pero binalik ko sa kanya ang betamax at adidas. Natawa na agad siya, at inabot ang ulo ng manok. Napangiwi na talaga ako. I don't think I can eat the head of the chicken. It's like its looking back at me alive!

"No, not that. Nakakatakot," sabay iling ko.

"Here," bigay niya sa fish ball at tempura at naupo sa may buhangin na.

I looked at him and smile and as I sat down beside him I stare at him thoroughly. Mabuti na lang at hindi masyadong mainit ngayon dahil sa ulan at pabago-bagong panahon. Makulimlim ang langit dahilan na hindi masyadong masakit sa balat ang sikat ng araw.

"Hindi ka naman pala maarte."

"Of course I'm not! Sino bang may sabi sa'yo na maarte ako?" Sabay subo ko ng fish balls.

"Just my sources."

"Hmm, so you're doing your research now? Nakakatawa," lihim na ngiti ko.

"Siguro lahat ng babae rito na-research mo na ang mga gusto ano?" pagpatuloy ko.

"Who told you that?"

Umayos na siya at nakatitig lang din sa lawak ng dagat sa harap.

"Well, I've heard it." Kibit-balikat ko.

"Gossips," he smirked.

"Bakit? Hindi ba totoo? Sino ang girlfriend mo ngayon? At ilan sila? Hmp, ang dami na siguro."

He just shook his head and smiled at me. He stares at me seriously.

"Wala akong girlfriend ngayon, Faith. The last one I had was Krystal, and that was a year ago... I'm just being friendly to everyone around. Pero wala akong sabit, Faith," seryosong tugon niya.

Tumango na ako at parang gumaan pa tuloy ang pakiramdam ko ngayon. Shocks! Wala siyang girlfriend. Ngiting isip ko.

"What about you? May naiwan ka bang boyfriend sa Italy?"

Napatitig na tuloy ako sa kanya ng husto. At talagang ito pa ang itatanong niya? Napakurap na ako.

"Me? I don't have since birth," sabay iwas ko nang titig.

He chuckled. Akala niya siguro nagbibiro ako ngayon. Napayuko na ako at mabilis na kinain ang natitirang tempura ko.

"I see... I can see that," sa mahinang bulong niya.

Nag-angat agad ako nang tingin sa kanya.

"See what?"

"I can sense that you're a pure bliss innocent, Faith," ngiti niya.

Gumuhit na ang ngiti sa labi ko habang iniinom ang soft drinks ko.

"Can I court you?" seryosong titig niya.

Napakurap na ako at mas kumalabog na ng husto ang tibok ng puso ko ngayon. Hindi ko naman tinatago na crush ko siya dahil sa unang tingin ko pa lang sa kanya ay hulog na hulog na ako.

"You're kidding right? Maghanap ka nga ng ibang lulukuhin mo!"

"No, I'm not. I'm dead serious, Faith."

Nagtitigan na kaming dalawa at mas uminit na ang mukha ko, kaya umiwas lang ako nang titig. Natahimik na kaming dalawa.

"Faith, can I court you? Please," sa ikalawang pagkakataon na tanong niya.

My god! Ganito ba talaga 'to? I feel like I will evaporate from Earth! Lalong lumakas lang ang tibok ng puso ko at hindi na tuloy ako makatitig sa kanya ng husto. Natahimik lang din ako.

"Faith..."

"Yes," tango ko at hindi ako tumitig sa kanya.

"Yes? Oo na? You will let me?"

"Oo na nga... Yes na 'di ba? Ang kulit ah!" Sabay tayo.

Nakakahiya pero nanlamig na ang kamay ko at mas lalong namula na ang pisngi ko ngayon. Ramdam ko lang din ang pagsunod niya.

My goodness! Ito na ba? Si Lachie na ba ang para sa akin? Tanong ng isip ko.

.

C.M. LOUDEN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro