49. Proposal
"Yaya si Ethan?" Tanong ko agad sa kanya ng makapasok sa condo.
"Nasa TOP na, Ma'am Faith. Isinama na ni Hope."
Napaawang na ang bibig ko. Bakit lahat ng pamilya ko nandito? Damn it!
"Pakilagay 'to sa kwarto, Yaya. Wait lang..." Sabay bukas ko sa brown na envelop.
"Paki-photocopy ako sa birth certificate ni Ethan, Yaya. Tapos ilagay mo na lang sa mesa ng kwarto ko, okay."
"Opo, Ma'am."
Kinuha na niya ito at pumusok lang ako ng banyo. I need Ethan's birth certificate copy for the will and testament that Lachie's attorneys made. For file reason. I tried to ring Lachie but he never answered. Tatlong tawag na siguro ang ginawa ko pero wala pa rin, hanggang sa tumunog na ang cellphone ko, si Hope ito.
"Hello, Hope?"
"Where are you? Ikaw na lang ang hinihintay namin ah."
"Oo, I'm coming. Akala ko naman kasi na nasa condo pa si Ethan kaya umuwi ako. By the way, ba't ba kayo lahat nandito?" litong tanong ko sa kanya.
"You will find out soon. Bilisan mo na. Nandito ang lahat eh."
"Mommy! I love you!" ang boses ni Ethan sa kabilang linya.
"I love you too, baby. I'll be over soon, okay. Bye!"
Pinatay ko na ang tawag at mabilis lang na nagpalit. I'm on my skimpy red dress and stiletto. Wala na akong panahon sa buhok ko kaya binuhayhay ko na. Nang makababa ako ay may driver na naghihintay sa akin. Akala ko pa naman ako lang din ang magmamaneho. Tsk, si Daddy nga naman. Ganito kasi siya talaga sa akin.
Pumasok na ako at umandar na ang sasakyan. Nag-iisip ako ng iilang bagay habang nasa loob. After I've heard what Kuya Enrico has told me I was enlightened a bit. Mas gumaan na ang pakiramdam ko at mas napagtanto ko lang sa sarili na susundin ko ang puso ko.
I'll see if I can talk to Paul tonight. Titingnan ko kong kaya ko bang kausapin siya. Alam kong hindi magiging madali ito, dahil masasaktan ko lang siya ng husto.
Nang makarating ay pumasok na agad ako. May escort na tumabi sa akin papuntang elevator at papuntang itaas. This is the Touch Over Power o mas kilala sa tawag na TOP. Ginawa ito ni Lolo Liam Mondragon, sa kasunduan ng great-grandfather ko, at ngayon ay si Daddy na ang namamalakad dito.
Rampage doesn't exist in our line anymore because of it's political issue and illegal connections. Nilinis ito ni Daddy kaya lahat ay binago na niya at tumiwalag na sa Rampage na kompanya. This is now the TOP, the secret business empire of the Mondragon Monte Monde Corporation.
"Enjoy your night, Ma'am," saad ng isa sa mga staff sa akin bago ako lumabas sa elevator.
It was quiet when I step out in the rooftop deck. Nilingon ko pa ang boung paligid at nagtaka na nga ako. Hindi ba dito dapat kami? Ba't wala sila? O, baka naman sa kabilang rooftop pa?
Tumingala na ako at tumingin sa katabing roof top na nandito. Pero lumiwanag na ang boung paligid na parang pasko ang ilaw ng lahat na nandito, at tumugtog na ang banda at may kumanta na.
Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?
Kinilabutan ako ng marinig ang boses niya. How can I forget it? This is the voice of the person that I fall in love with for the very first time. I fell in love with his voice second, because it was his physical appearance that caught me first. Nahinto siya ng kanta habang nakatitig sa akin ngayon. He swallowed hard and I did too. My smile widened when I saw him.
He looks - perfect! Iyan lang ang tanging naisip ko habang nakatayong nakatitig sa kanya ngayon. Napako ang paningin ko kay Tadeo at kay Seth. Patuloy ang tugtog nila at hinihintay lang si Lachie na kumunata. Napakurap na siya at nagpatuloy na sa pagkanta.
Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you
Nilingon ko ang paligid at kitang-kita ko ang lahat na nandito. Dad and Mom are here. Hope and Kuya Enrico are here too. Karga ni Hope si Ethan na ngayon ay nakangiting nakatitig sa akin. Nag flying kiss pa siya at pabalik din ako sa flying kiss niya.
I darted back my stare to Lachie. I can't stop myself from smiling. Wala na 'atang mapaglagyan ang ngiti sa labi ko habang nakatitig sa kanya ng husto. I have come to realization that I was never really over with him. Mahal ko siya noon. Nasaktan man ako at naging bato man ang puso ko sa kanya ay nalusaw naman ito at bumalik lang din ang pagmamahal ko.
I actually never stop loving him. It's just that, during those years that I hate him and wanted to forget him it wasn't my heart. Hindi puso kung 'di isip na puno ng galit at paghihiganti sa kanya. The love was still there. . . Natabunan lang ito ng galit at poot pero nandito pa rin ang buong pagmamahal ko sa puso.
"Faith. . . "
Nahinto ang ikot ng mundo ko nang marinig ang boses ni Paul sa likod ko.
Damn it! No way!
I lost my smile while staring at Lachie. Nawala ang ngiti sa labi ko at napaawang lang din ito. Nahinto ng tugtog si Lachie at tumayo na siya. Umakyat ang kaba sa puso ko, at namutla ako sa sarili ngayon.
Ang akala ko. . . Hindi pala.
Napatiim-bagang na siya at mas napakurap lang din. Dahan-dahan ko nang nilingon si Paul na ngayon ay nakaluhod na sa harapan ko. Uminggay ang lahat at napatingin ako sa kanila.
The smile on their faces, the excitement, and the cheers that they've made are all for Paul. I swallowed hard while staring at him. He's smiling innocently and my guilt is eating me.
"Faith Turner-Mondragon-Smith. . . The most beautiful woman that I have meet. First, I want to say I'm sorry, babe. Naging abala ako sa lahat at sa trabaho. And I haven't spend much of my time with you. I'm trying my hardest to meet your family's expectation. Pero isa lang ang napagtanto ko. Hindi mahalaga ang lahat sa akin ito."
Kinabahan na ako at namuo na ang luha sa mga mata ko. Nilingon ko na si Hope, si Kuya Enrico, at si Daddy. All their eyes are staring at me. Pumatak na ang luha ko nang mamasdan ko ang mga mata ni Ethan. . . Si Lachie ang naiisip ko. I look at him behind me, and there he is, standing still, hurt and devastated. . . My tears fall while we stared.
Napayuko na siya at tumalikod na. Bumaba na siya ng stage at napatingin lang din sina Tadeo, Seth, at ang iba pa niyang mga kasamang banda sa kanya.
"They're just material things, Faith. Ikaw ang mahalaga, Faith. Kayong dalawa ni Ethan. I want to be a part of your life, Faith. Not just now but forever. . . Faith Turner- Mondragon-Smith, will you marry me?"
Bumuhos na ang luha ko at mas tinakpan ko na ang bibig ko. Pilit na pinigilan ang iyak sa sarili. I can't say a word. I can't move and I can't even nod. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko, dahil iba ang gusto ko ngayon. Iba ang sinisigaw ng puso ko.
"Go, Faith! Wohooo!" sigaw ni Riley sa gilid.
Nakaluhod pa rin si Paul at naghihintay ng sasabihin ko. Tinakpan ko na ang mukha ko gamit nang dalawang palad at mas umiyak na. I am like a child, crying in vain, crying for something, and wasn't really over.
"Mommy!" Tumakbo na si Ethan at lumapit sa akin, at niyakap ko lang din siya nang mahigpit.
"I'm sorry, baby. . . I'm so sorry, baby," hagulgol ko habang kayakap siya.
Tumayo na si Paul at niyakap na ako ng husto. The three of us are hugging while I was crying so hard. Pakiramdam ko hindi na hihinto ang luha ko. Pakiramdam ko bibigay na ang mga tuhod ko. I am lost and yet, still lost. . .
"I'm so sorry, Paul. . ." Hagulgol ko habang kayakap siya.
He hugged me so tight and did not say a thing. Nasa gitna namin si Ethan. I wiped my tears and then, there he is I saw him standing behind the closed door. Ang akala ko umalis na siya. Ang akala ko hindi ko na siya makikita. Pero heto siya nakatayo sa gilid na patago at nakatingin sa aming tatlo.
Tumingala siya sa langit at napayuko lang din. Mariin niyang pinunasan ang luha niya at tumalikod na. He walk away, away from us, away from everyone. . .
"L-Lachie. . ." mahinang tugon ko. Hindi nga halos lumabas ito sa bibig ko, pero alam kong narinig ni Paul ito.
He looked at me and wiped my tears. He even kissed me in my forehead. Umiyak din siya, dahil namula na ang mga mata niya. He hugged me again and Ethan too.
"I'm sorry. I'm so sorry. . ." mahinang tugon ko.
.
C.M. LOUDEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro