Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

46. Surprise



Parang alarm clock ang mga mata ko dahil naimulat ko agad ito. I moved my head to my right side trying to check what time it is, but I just remembered that we are still here in the hotel. I rolled over to my left and I saw Ethan's face, still peacefully sleeping.

"Good Morning," bulong na tugon niya habang nakatitig sa akin ngayon.

Napangiti na ako at sumenyas lang din ng flying kiss sa kanya. Nasa gitna namin si Ethan na mahimbing pang natutulog. Humaplos ang paa niya sa paa ko at napangiti ako habang nakatitig sa kanya. He hugged Ethan in between and grabbed my hand. Hinawakan na niya ang kamay ko habang nilalaro ng isang paa niya ang paa ko.

"I have ordered for breakfast and it will be here soon," mahinang belong niya.

Akmang kumunot na ang noo ko at nilingon lang din ang paligid ng kwarto. Wala akong nakitang orasan man lang. Kaya inisip ko na lang na baka lagpas alas utso na ng umaga. Tumango na ako at bahagyang bumangon na. I rolled over in my other side so that I can get out better without disturbing Ethan at all.

"I'll have my shower first," I whispered to him.

He nodded and smiled, sending me his flying kiss. I shook my head and walked away. Ang baliw ng umagang ito, dahil ito agad ang unang bati ko.

The worst part of me is my shower routine, because I can consume up to thirty minutes. Binilisan ko na ang pagligo, pero umabot pa din ito ng bente minutos. Nang matapos ay lumabas na ako, pero wala na ang dalawa sa kama at nakabukas na ang kurtina ng bintana.

Lachie probably took Ethan to the other toilet because I am still using this one here. I hurriedly brushed my hair and put some toner on my face. Inayos ko na ang sarili at tinitigan ang kabuuan sa salamin. I don't know what it is, but I feel so excited and so happy inside.

"Morning, baby!" halik ko agad kay Ethan.

Nasa lamesa na siya at kumakain na ng cereal niya. Nakatayo naman si Lachie at nagtitimpla ng kape para sa aming dalawa. Umupo na ako sa tabi ng anak ko at nakangiti siyang tinitigan ako.

"You look so happy and fresh, Mom!" si Ethan.

"Really? Is that a compliment?"

He nodded and giggled. Hinalikan ko lang din ulit ang pisngi niya. Nilapag na ni Lachie ang kape ko at mabilis lang na hinalikan ako sa pisngi.

"Good Morning," mahinang bulong niya sa tainga ko.

Tumikhim na ako at ngumiti. Nilingon ko si Ethan. Ayaw ko kasi na makita niya ang paghalik ni Lachie sa akin. He knows that me and Paul are in a relationship, and if he see his Tito Lachie is kissing me, that would be awful.

"So what do we do today?" si Lachie kay Ethan.

"Play!" siglang tugon ni Ethan sa kanya.

"Baby, we have to go home because I and Tito Lachie have to go to work."

Ngumuso na siya at nawala ang ngiti sa labi niya. Napako lang din ang paningin sa cereal nito.

"Don't worry, little bud. I can play with you while Mom is working. I can take my whole day off for you today," si Lachie sa kanya.

"Really, Tito? I love it! It's gonna be fun!" taas ng mga kamay ni Ethan sa ere.

Napailing na ako at ininom ko na ang kape. Nakangiti lang din si Lachie sa akin ngayon. Kinindatan pa niya ako. I partly laugh and shook my head. He knows how to get me by just his stare. Ibang klase nga naman si Lachie.

Nang matapos ang umagahan ay inayos ko na ang mga gamit naming lahat. We didn't bring anything with us except for Ethan's needs. Nahinto pa kami sa bakery dahil gusto ni Ethan magpabili ng chocolate cake. Si Lachie lang ang lumabas at naiwan kami sa kotse ni Ethan.

Napatingin lang din ako sa lahat ng nandito sa gilid. My phone is not with me I left it in the condo. Parte kasi ito ng family date namin kahapon, na dapat walang estorbo. Panay pa ang titig ni Ethan sa bintana ng sasakyan habang naghihintay kay Lachie.

Nang makita niyang lumabas si Lachie sa bakeshop ay agad lang din na ngumiti ang bata. Binuksan niya ang pinto sa likod at nilagay sa tabi ni Ethan ang cake.

"Wow! Thank you, Tito. I love this!"

"I know you do. Kaya binili ko rin."

Napalingon na ako sa likod. Nasa likurang bahagi kasi si Ethan nakaupo. Hawak-hawak na niya ngayon ang isang superhero figure toy sa kamay niya.

"Look, Mommy!" sabay pakita niya nito sa akin.

"Wow, that's cool!" ngiting tugon ko.

Pumasok na si Lachie at naupo na sa driver seat. Pero bago paman niya pinaandar ang sasakyan ay inabot niya muna ang bulaklak sa akin.

"For you," titig niya.

Lihim na akong napangiti. I feel all the butterflies in my stomach. Parang akong dumaan ulit sa pagiging teenager. Sumenyas lang ako ng 'thank you' at ngumuso na siya nang flying kiss sa labi niya. Natawa na ako sabay kagat sa pang-ibabang labi ko. Ang baliw nga naman talaga ng damdamin ko.

Nakarating kami sa Monde Maxi Residence. Bitbit ko ang bulaklak at ang cake na binili niya, dahil karga niya si Ethan. Naglalambing kasi ito sa kanya at gusto magpakarga. Hinayaan ko na sila tutal minsan lang naman naglalambing si Ethan ng ganito. He never do this behaviour to Paul. Seryoso kasi si Paul at mas pormal sa mga bagay-bagay.

I don't want to think about tomorrow. I don't want to think about us leaving next week back to Italy, and I don't want to think about Paul for a moment. T'saka ko na siya iisipin...

Nang matapat sa pinto ng condo ay binuksan ko na agad ito. Nagtatawanan pa si Lachie at Ethan dahil kinikiliti niya ang bata. Humawak pa siya sa baywang ko at mabilis na humalik sa pisngi ko. Napailing na ako. Hindi naman nakita ni Ethan ito. Nang bumukas ang pinto at nakapasok kami sa loob, ay nilapag ko lang din ng cake sa mesa.

"Surprise!!"

Napako agad ako sa kinatatayuan ko at agad napalingon sa harapan. Ang nakangiting mukha ni Paul ang bumungad sa amin.

"P-Paul?"

"Surprise, Babe!" sabay yakap at halik niya sa pisngi ko.

Napakurap na ako at napalunok na din. I didn't expect him to be here. Hindi ko inaasahan ito sa kanya. Ngumiti na lang ako at yumakap na din sa kanya. Napalingon siya kay Ethan.

"Ethan, baby!"

"Daddy Paul!"

Agad na kumalas si Ethan kay Lachie at patakbo patungo sa mga kamay ni Paul.

"I've missed you, Ethan boy!" higpit na yakap ni Paul kay Ethan at binuhat pa niya ito.

Napatitig na ako kay Lachie na ngayon ay napakurap lang din. Tumiim-bagang siya habang nakatitig ng husto sa dalawa. Mariin lang niyang nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya at napayuko na. I don't know what expression or feelings he have right now, but I know that he's hurt. Nakikita ko ito sa mga mata niya.

Umayos na nang tindig si Paul at napatitig na kay Lachie ngayon. Karga na niya si Ethan sa bisig niya. Napatingin pa siya sa akin at napalunok na ako.

"Ahm, t-this is um, this is Lachie. . . Lachie Henderson, Lach is Paul," pagpapakilala ko sa dalawa.

Tipid na ngumiti si Paul at unang naglahad ng kamay niya.

"Nice to finally meet you, Mr Lachie Henderson."

Tinangap agad ni Lachie ito at napa-tiim bagang lang din. Nabalot ng katahimikan ang boung paligid at tumikhim na ako.

"Ahm, okay. I have to go," pilit na ngiti ni Lachie kay Ethan.

Hindi na siya tumingin sa akin at tumalikod na. Agad naman na kumawala si Ethan sa bisig ni Paul at tinawag ang Ama.

"Tito Lachie!" Patakbong tugon niya.

Lumawak ang ngiti ni Lachie at bahagyang napaluhod para yakapin si Ethan.

"Thank you for yesterday, Tito. You've made my wishes into reality. I love you!" sa higpit na yakap ni Ethan sa kanya.

Parang nahulog ang puso ko sa sahig at hindi ko ulit mapulot ito. Naramdaman ko na lang ang higpit na hawak ni Paul sa baywang ko at ang dampi ng halik niya sa noo ko. Nakatitig ako ng husto sa dalawa. Habang nakatitig din si Lachie ng husto sa akin.

Makailang beses akong napakurap at pigil hininga dahil sa nararamdaman ko ngayon. Bumalik na ng yakap si Ethan kay Paul at nagpakarga lang din. Napatitig ulit si Lachie sa amin at umiwas na ako at tumalikod na. Sa bulaklak at cake na ako tumingin at humakbang patungo sa kusina.

"Mommy! I want some cake," si Ethan sa akin.

"Okay, baby. . ."

Rinig ko na ang pagbukas sarado ng pinto. Umalis na siya at mas bumagsak na ang balikat ko.

.

C.M. LOUDEN/Vbomshell

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro