44. Family Date
"Ang gwapo talaga ng mag-ama mo. Ang swerte mo sa kanila," lawak na ngiti ng isang kahera.
Tipid lang akong tumango at nagbayad na. Hindi ko na binilang kung ilang rolyo ng tickets ito. Mukhang isang boung araw kami rito sa game zone. Naglalaro na ng baril-barilan ang dalawa habang nautusan akong bumuli nito. Ang lakas pa tuloy ng tawa ng anak ko.
"Come on, Mommy. Join us!" si Ethan.
"I will later. I don't like guns," ngiti ko sa kanila.
Naupo ako sa gilid habang pinagmamasdan sila. Wala na 'atang mapaglagyan ang ngiti at saya ko ngayon.
Somehow seeing them like this completes me. It's like we are a one big happy family. After fifteen minutes they move to a different games and this time its basketball. Nasalang pa ako dahil madali lang naman ito. Shot lang naman sa ring ng pabalik-balik. Pero natalo lang ako ni Ethan.
"Ang daya ah!" tawa ko.
Lachie holds him higher in order for him to shot the ball better. Kaya nanalo nga naman sila rito. The next one we moved to rides, the merry go round. It reminds me of my childhood and here we are acting like a kids in the park. Nakakatawa kaming tatlo at panay lang din ang kiliti ni Lachie sa amin. Nalilimutan ko ang lahat ng bagay at tanging si Ethan at Lachie lang ang naiisip ko ngayon.
The next phase we moved to dancing and singing. As usual, I lost again to them. Naisip ko, kung may anak lang kaming babae ngayon ay tiyak tatalunin namin ang dalawang ito.
"Mommy you can do better, come on!" sigaw ni Ethan.
"I'll teach Mommy how to make it better," si Lachie sa kanya.
Lumapit na siya sa akin at kinarga na ako. Napahawak na tuloy ako sa leeg niya at natawa lang din. He's using his strength while carrying me dancing. In fairness, tumatama naman ang bawat hakbang ng paa niya sa dance mat.
"Wow! Great job, Daddy Lach!" sigaw ni Ethan sa kanya.
I laughs and we laugh and stared. Today is our family fun day and Ethan can address him as his Daddy for today. It's Ethan rules, no work, no cellphones and just ourselves. Kaya okay lang sa akin ito. Naging awkward na tuloy at ma-ingat na niya akong binaba ngayon. Pero nakayakap pa din ako sa leeg niya at ganoon din siya sa baywang ko.
"Okay, let's move!" sabay iwas ko. "What's next?" titig ko kay Ethan.
"Down the big rides!" at nauna na siyang tumakbo. Napatakbo na rin si Lachie para sundan ang anak.
I hate the roller coaster rides. Ito 'ata ang pinakatatakutan ko. Pero dahil may kasama kaming bata ay nasa pambata lang kami. Okay na ito dahil kaya ko ito at hindi ako takot nito. Maliit lang kasi.
"Open your eyes, Mommy!" si Ethan sa akin.
"Ayaw ko. Nakakatakot!" reklamo ko.
Napahigpit lang ang hawak ko sa hawakan. Nasa gitna namin siya ni Lachie at panay lang din ang tawa niya. Tumaas na ang kilay ko at napangiwi na. Pinagtatawanan na ako ng anak ko!
"I'll hold Mommy hand so that she'll feel better," lambing na tugon ni Lachie.
I rolled my eyes and laugh. "Ang korney mo!"
Si Ethan na mismo ang naglagay sa kamay ni Lachie sa akin.
"Hold her tight, Daddy Lach and never let go," si Ethan sa kanya.
"I won't let go of Mommy, little bud. Never. . ." matinding titig niya sa akin.
I rolled my eyes and laughs. But somehow it feels nice inside me. Mahigpit pa ang hawak niya sa kamay ko at napahawak na ako ng husto sa kanya dahil nagsimula ng umangat ito. Napasigaw na si Ethan, at mas pinikit ko na ang mga mata. I even hold my own breath when I felt it stop right at the very top.
"Mommy! Open your eyes!" si Ethan.
"Open it, sweetheart," haplos ng isa pang kamay niya.
Namangha ako nang makita ang ganda at kabuuan ng lahat na nandito. Nasa pinakatuktok kami ngayon. Bakas man ang kaba dahil sa matinding takot ay napalitan ito ng pagkamangha. Mom was right, there are good things on top of your fear. It's just that you have to conquer and face it. But then my jaw dropped and I screamed to the fullest when it moves rapidly down.
At napasigaw na kaming tatlo.
"Awesome! I love you, Ethan!" sigaw ko.
"I love you, Mommy and I love you Daddy!!" sigaw ni Ethan.
"I love you, Ethan! Woohoo! I love you so much, Faith!!"
Siya ang huling sumigaw sa aming tatlo at napalingon kami ni Ethan sa kanya. Napahalakhak ako ng tawa at gayon din si Ethan. Nahinto na ito at halos umikot na ang ulo ko ng makalabas kami. Ang baliw nga naman, at mabuti na rin dahil nakayanan ko.
After a few more rides we've decided to eat our lunch in the club house range area. Mabuti na lang at malapit lang ito dito. Naka-reserve na sa amin ang isang pribadong silid. Nag-order na kami at kumain. Masaya ang kain at masaya ang dalawa. Ang akala ko ay tapos na kami dahil alas tres na ng hapon. Pero hindi pa pala, dahil mag-si-swimming pa raw kami ngayon.
Mukhang pinaghandaan nga naman ito ni Lachie dahil ni reserved niya ang boung indoor pool sa Club house na ito. May iilan naman silang pool sa labas. Pero dalawa lang din ang indoor na nandito. I shook my head because I know that he's taking advantage. Siya lang naman ang CEO ng BCYF at ang Club house na ito ay isa sa mga branches nila.
Wala akong daling swim suit. Kaya naka two-piece na ako ngayon. Nasa pool na ang dalawa at naglalaro na.
"Mommy, join us!" si Ethan.
"I will, baby. Don't worry."
Wala namang ibang tao dito maliban nga lang sa amin ngayon. I looked at them while Lachie is teaching him how to swim. Magaling si Ethan. Alam na niya kung paano lumangoy, dahil sa mga swimming lessons niya sa Italya. Naupo ako sa bandang gilid at dinama lang din ang katamtamang init ng tubig. It's a heated pool and it feels nice.
Napalingon na si Lachie sa akin at nakangiting nakatitig sa kabuuan ng katawan ko. Tumaas na ang kilay ko sa kanya at napangiti na. He shook his head and Ethan splashed water all over him. Binabad ko na ang katawan ko sa tubig, at lumangoy na palapit sa kanilang dalawa.
We played and played so much in the water. Until I got tired and finished first. Nabalot lang ang katawan ko sa tuwalya habang naghihintay na matuyo ang pina-dryer ko sa in-charge. May damit si Ethan na extra, samantalang ako wala. Kaya heto naghihintay habang pinagmamasdan silang dalawa.
After thirty minutes the staff came in with my dry clothes. Nagpalit din agad ako at nakatayo na pinagmasdan silang dalawa. Nang matapos ay naghapunan na kami sa rooftop area. It was a long, fun, awesome, tiring yet, meaning day for all of us.
Tahimik pa kaming pinagmamasdan ang bawat bituin sa langit hanggang sa nakatulog na si Ethan sa balikat niya. Nasa labas kami ng balkonahe ng kwartong na-reserved na. Parte ito ng boung araw hanggang boung gabi na family date namin.
"I wish we could do this all the time," mahinang boses niya.
I smile while looking at the stars in the sky. Napatingin na ako sa kanya at taimtim lang din ang titig niya. Ethan is sleeping at the other side of his shoulder.
"Mabigat ba? Ipasok muna sa loob para makapagpahinga ka na rin,"ngiti ko, pero nakatingala ako sa madilim na langit na puno ng mga bituin.
"It's alright. . . Gusto ko pang makasama kayo ng matagal," sabay tingala niya.
Mariin na niyang hinawakan ang baywang ko gamit ng isang kamay niya, dahil nakahawak naman ang isa kay Ethan ngayon. Napatingin na ako sa kanya.
"Thank you for today, Faith," sa lalim na titig niya.
Tumango na ako sabay kagat sa pang-ibabang labi ko. Naging seryoso ang titig ko sa kanya at ganun din siya. There's something in our stare that we cannot say it by word. Kahit pa naman noon na kami pa ay nakukuha ko na ang gustong ipahiwatig niya sa titig lang. At hindi pa rin nagbago ito, dahil nababasa ko pa rin ang damdamin niya.
Dumampi na ang labi niya sa noo ko at napapikit mata na ako. Matagal ito, na halos bumabagabag na sa tibok ng puso ko.
"I love you, Faith," he silently whispered and kissed my forehead again.
Namuo na ang luha sa mga mata ko kahit pa nakapikit ako ngayon. Ramdam ko kasi na wala na ang galit sa puso ko. Bumalik lang ang init at tindi ng pagmamahal na itinago ko sa matagal na panahon. I have forgiven him for two reasons, for Ethan and for myself. . .
Ayaw ko ng maging bilango sa nakaraaan ko. I have to move on and let go. Sana nga lang tama ito, at sana nasabi ko kay Ethan ang totoo noon. Hindi ko alam kung matatangap ba ni Ethan ang totoo, na ang totoong Ama niya ay buhay pa at yakap-yakap siya.
I don't want to hurt Paul. Ayaw ko. Hindi ko siya kayang saktan dahil siya lang ang taong naniwala sa kakayahan ko noon. Pero nalilito na ako ngayon. . .
"Faith. . ." maamong boses niya at bilis na pintig ng puso ko.
"I love you, Faith," dampi ng halik niya sa labi ko.
Nakapikit-mata pa rin ako at tumulo na ang luha ko ngayon. I want to feel him while my eyes are shut. I want to express my emotion while my eyes are shut. I want to keep it shut because this is the only way I can be honest to myself. . . and yes, I still love him. Mahal ko pa rin siya.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at namasdan ang mas mapupungay na mga mata niya. Napakurap siya ng makailang ulit na beses at bakas ang pamumula ng mga mata niya. He is silently crying while we deeply stare. Hinalikan na niya ako, pero madali lang ito at dampi lang din sa labi ko.
"I love you so much. . . I love you and Ethan and I'm willing to give everything for the two of you, Faith," sa patak ng luha niya. Napayuko na ako at napailing na sa kanya.
"Hindi na t-tayo pwede, L-Lach. . ." pigil na iyak ko. Ayaw kong magising si Ethan na natutulog sa balikat niya.
"I might have loved you and still love you, but we cannot be together anymore," bilis na pahid ko ng luha sa mata ko.
Napunit lang muli ang puso ko ng mamasdan ang bawat butil ng luha sa mga mata niya. He looked away and face down while wiping his own tears.
.
C.M. LOUDEN/Vbomshell
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro