Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

43. Yes



"I'm sorry na, baby. . ." lambing yakap ko sa kanya.

Hindi na niya ako pinansin at niyakap lang ang dinosaur flush toy. Kinuha na niya ang unan at nilagay ito sa tagiliran ko. Hindi siya masaya at hindi rin niya ako hinalikan. I tried to read a bed time story but he refused.

"You're so unfair, Mommy," mahinang tugon niya.

Ngumuso ako at nalungkot ang puso ko. This is painful for me too. I don't understand why I make it so hard for myself and for my son. If you come to think of it? Ako 'ata ang batang mag-isip dito at hindi ang anak ko.

Damn it! Ano ba ang kinatatakot ko? Ethan only wants a family date for a day. Why can't I say yes to him? Dahil ang totoo natatakot ako. I know myself that I am not yet over with Lachie. Ayaw kong umasa pa sa kanya sa ikalawang pagkakataon. Tama na ang nangyari sa amin noon. And besides, I have Paul with me now. Hindi ko kayang saktan si Paul.

Hinilamos ko na ang palad sa mukha at hinaplos na ang likod niya. Hindi pa rin siya natinag at ganoon pa din ang ayos niya.

"Okay, baby. . . A family date right? Sige sasama na ako sa inyong dalawa ni Tito Lachie mo," lambing na tugon ko.

Agad siya napalingon sa akin at ngumiti na ngayon. The smile on his face was priceless. Kumikinang ang titig niya at abot langit ang ngiti sa mukha.

"Sure, Mommy? Promise?"

"Oo, promise," tango ko.

"Yes!"

Tumayo na agad siya mula sa pagkakahiga at niyakap na ako nang mahigpit. Lumawak na ang ngiti ko. I missed his warm tight hugs, and now that he's giving me his hug I feel so much complete and happy inside. Parang nawala ang lahat ng tinik sa puso ko, dahil masaya si Ethan at ganoon din ang nararamdaman ko.

"Thank you, Mommy. You're the best!" sabay halik niya sa pisngi ko at sa kabilang pisngi na rin.

"I'm sorry before, baby. Are you not angry anymore?" Hawi ko sa bangs niya. Mataas na kasi ito at natatakpan na ang mga mata niya.

"No, Mommy. I am so happy now! Yeheey!" Talon niya at bumaba pa sa kama.

Napangiti na ako at sinunod lang din siya nang tingin ngayon. Sinuot na niya ang stinelas sa gilid at mabilis na tumakbo palabas sa kwarto naming dalawa.

"Ethan be careful! And please don't run!"

Pero hindi siya nakinig at mas tumakbo lang din ng mabilis. Tumayo na ako at sinundan na siya ngayon. Ang boung akala ko ay kay Yaya Neyah siya magtutungo pero hindi, dahil rinig ko na ang pagbukas niya sa malaking pinto. Kaya napatakbo na rin ako.

"Ethan? Where are you going?"

Lumabas na siya at mas binilisan ko na ang hakbang ko. Nang makalabas ng pinto ay rinig ko ang pagpindot niya sa pin code ng condo unit ni Lachie. Nanlaki na ang mga mata ko.

The hell? How did he knows the passcode? Binigay ba ni Lachi ito sa kanya?

Bumukas ito at pumasok na siya.

"Ethan! Come back here!"

What else is left? I have no choice anyway? So I went inside too.

"Tito Lachie! Tito!" Tawag ni Ethan sa kanya.

Napalingon na ako sa buong paligid ng condo niya at namangha ako sa buong desenyo niya rito. But what really caught my attention is the huge canvass painting of-- me? The hell! Paano niya nakuha ito? Napanganga na tuloy akong nakatitig dito sa dingding ng hallway niya.

This was painted by Dad friend, Amante de Vantes. Kilalang sikat sa larangan ng pagpipinta sa buong Italya. Likod ko nga lang ito. A naked version of my back showing my half face feature. I was only twenty years-old when I posed for his masterpiece. Dalawa lang ang ginawa niya dito, at nasa bahay namin ang isa. At ito ay naisali sa isang auction bidding, at kung hindi ako nagkakamali umabot sa malaking halaga nito.

It was the highest at that time. May dalawang bidder kasi ang nag aagawan nito. Naalala ko pa ito at biniro ko pa si Daddy. Dahil pakiramdam ko siya lang din naman ang nagbi-bid. But the heck. . . I didn't expect this!

"Tito!" ang boses ng anak ko.

"Tito pumayag na si, Mommy! We can go on for a family date now! Yeheey!" si Ethan sa kanya.

Imbes na lingunin silang dalawa ay hindi ko pa nagawa, dahil natulala pa ako sa nakikita ko ngayon. Hanggang sa rinig ko na ang hakbang niya palapit sa akin at tumabi na.

"Isn't she pretty?" He sensually whispered.

I swallowed hard when I felt him and stared at him. Karga na niya si Ethan ngayon at napako lang din ang mga mata ko sa kalahating hubad na katawan niya. Nakabalot lang ng tuwalya ang pang-ibabang bahagi nito. I can even smell the fresh scent of after shave from him. Katatapos lang 'ata niyang naligo.

I hate to admit it but my eyes darted on his muscly body. All of his muscles are at the same place. Naalala ko lang ang katawan niya noon sa ngayon. Ang laki na ng pinag-iba nito. Tumikhim na siya at napakurap lang din ako, sabay iwas ng titig sa katawan niya. I darted back my stare to the painting in front of me.

"Is that you, Mommy?" boses ni Ethan.

"Tito? That's, Mommy! It's the same painting at home," turo ni Ethan dito.

"Yes, that's Mommy, Ethan. Isn't she beautiful?"

Napatitig na ako kay Lachie ngayon sa talas ng mga mata ko. I shifted my head in my left side. Trying to remind him that Ethan is with us, and he has to be careful. Sumenyas din ang mga mata ko sa kanya at pilyong ngumiti na siya.

"Wow, Tito! Do you like my Mom?" seryosong titig ni Ethan sa kanya.

Napaubo ako na parang may kumalabit sa puso ko ngayon. I looked at the two of them and they seriously stare at each other. Parang nag-uusap ang mga mata nila ng lalaki sa lalaki. Kumunot na ang noo ni Ethan sa kanya at napalunok lang din ang Ama niya. I can see that his tense just the way how his adams apple moved.

"Am I too late to like your, Mom? Because I really really like her from the very start," ngumuso si Lachie kay Ethan at napatitig lang din ng husto ang anak ko sa labi niya, at ngumuso na rin ito.

"Tsk! Tito. . . I wish you are my real, dad. But Daddy Paul will get hurt. Love pa naman niya si Mommy ng husto," ismid ni Ethan sa kanya.

Tumango na si Lachie at hinalikan na si Ethan sa noo. Huminga na ako ng malalim. Gusto ko sanang magsalita, pero parang may bumabara na sa lalamunan ko. I can't explain what I'm feeing now. Part of me is in love with him again, and the other part is like ripping me apart, dahil Si Paul ang naiisip ko. . .

"But I can I still like and love mommy right?" tiim-bagang niyang titig sa akin.

Napakurap na ako, at mas bumilis lang din ang bawat tibok ng puso ko ngayon. I want to have him back, I really do. . . Pero hindi na pwede. Maraming ng masasaktan na tao at isa na si Paul dito. Nagpabalik balik lang ang titig ni Ethan sa aming dalawa, kaya umiwas na agad ako sa titig kay Lachie.

"Come on, baby. We have to go back to bed," sabay hawak ko sa kanya.

"Mom. . ." sa lambing na boses niya. Tinitigan na niya ako ng husto at pati na rin si Lachie.

"Yes, baby?" sabay kurap ng mga mata ko.

"Can the tree of us hug before I go to bed?" sabay hawak ng isang kamay niya sa leeg ko.

Magrereklamo sana ako, pero agad lang din na niyakap ako ni Lachie ngayon. Ethan is in between us while his hugging us so tight. I shut my eyes and my heart beats in trouble.

"I love you, Ethan. . ." bulong ni Lachie sa tainga niya at hinalikan na niya ang noo nito.

"I love you too, Tito Lachie," mahinang tugon ni Ethan sa kanya at yumakap na ito sa leeg niya.

Napakurap ako habang titig na titig si Lachie sa akin. Nakayakap pa din siya sa aming dalawa. Maingat ko nang inangat ang kamay ko at yumakap na din sa sa kanya.

"And, I love you. . ." sa mahinang bulong niya sabay halik sa noo ko.


.

C.M. LOUDEN/Vbomshell

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro