Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

42. Vote



Panay ang iwas ko sa bawat titig niya sa akin ngayon. Ethan is happy eating with us in the table. Pagkatapos ng pag-uusap namin kahapon ay naging mas pormal na ako sa kanya. Hindi ko na rin maiwasan ito, dahil magkatabi lang din naman ang condo naming dalawa. Madalas si Ethan sa condo niya at kasama siya tuwing hapon. Sa akin naman ang atensyon ng bata sa umaga at gabi.

But sometimes a meal time like this, ay nagkakasama na sila at nauuwi na rito ang weekend ni Lachie sa condo namin. Like the other weekend he does the same for today too.

"Tito, can we play later on the rooftop?" si Ethan.

"Finish all your food first and we can play later okay," si Lachie sa bata.

Nang matapos na kami ay nag-ayos muna ako. Nauna ko kasing inayusan si Ethan at nahuhuli na ako. Pero okay lang, ganyan naman talaga. Palaging nahuhuli ang isang ina. Yaya Neyah and Fe went out for a grocery. Listahan lang ang binigay ko sa kanila at sila na ang bahala.

After two hours of pampering myself in the bathtub, I finished my shower. Marami akong naisip kanina habang nakababad sa bathtub. Inisip ko si Ethan, si Paul at si Lachie. But one thing is for sure, I should stop this stupid feeling towards him because I have Paul with me and that's all it matters.

Gumawa na ako ng snacks para sa kanila at ng matapos ay lumabas na ako para maakyat ang rooftop. Exclusibo lang ang rooftop sa amin dito. May rooftop naman sa kabila, at doon ang para sa mga residence ng building na ito.

I stop for a moment when I saw them sitting while building legos. Sa katabing swing silang dalawa at seryosong-seryoso pa. Maingat akong humakbang palapit sa kanila at nilagay sa bakanteng mesa ang pagkain na ginawa ko. Napansin agad ako ni Lachie at napalingon siya. I smile and he did the same way.

Ethan is so serious in a task. Mukhang hindi na nga ako pinapansin nito. Kaya lumapit na ako.

"Wow, ang ganda ah!"

Nilingon agad niya ako at ngumiti na.

"An empire, Mommy. Watch out it's going to be huge!" seryosong tugon niya at natawa na ako sa kanya.

"You're doing really great, son," tapik balikat ni Lachie kay Ethan.

Tumayo na agad siya at tumabi na sa akin. Tahimik kami at tinitigan lang namin si Ethan ngayon sa likod niya. He looked at me and smiled. I looked away and twinkled my eyes. Itong mga nagdaang araw ay pormal na ang pakikitungo ko sa kanya at hindi na ako nababahala.

"Gutom ka na ba? I bought some drinks too," senyas ko sabay lingon sa likod na kung nasaan ang mesa.

Tumingin din siya rito at kay Ethan na din. He softly caressed my back and that made my heart pound in a beat. Hindi ko kasi inaasahan ito.

"Thank you," tipid na tugon niya.

Tumalikod na siya at siya na mismo ang kumuha nito. Nilapag niya ito sa gilid, sa baba, at tumabi siyang muli kay Ethan. He looked at me again and stood up.

"What?" ngiti ko sa kanya.

"Come here," sabay hila niya sa kamay ko at hawak na din sa baywang ko. Napalingon na si Ethan sa aming dalawa at ngumiti na.

"Come here, Mommy! And join us."

Nagbaubaya na ako sa kanya at naupo ako sa likod ni Ethan. Tumabi na din siya sa akin at binigay ang orange juice ko. Ininom ko na ito.

"Baby, kumain ka muna," tugon ko kay Ethan.

"Hang-on, Mommy. I'm nearly done. Malapit na," seryosong tugon niya.

Napailing na ako at bahagyang natawa. Kailan pa ba naging seryoso si Ethan ng ganito pagdating sa larung ito? Napatitig na tuloy ako kay Lachie, na ngayon ay nakangiting nakatitig kay Ethan. Napansin niya ang titig ko at nilingon na ako.

"Yes?" he whispered.

"Since when did you make him so serious like this?" I smile.

"Hmm, it's a man's business. Huwag mong guluhin ang utak niya dahil kompetisyon ito. If he win this he will get something in return. Kaya seryoso ang bata," kindat niya.

Napakurap na ako. That winked didn't happened before, at ngayon lang din. Naalala ko tuloy siya noong mga bata pa kaming dalawa. I did fall for that bloody winked he just made! Nakaloloka.

"Hey, do you have something tomorrow?" mahinang tanong niya.

Napailing na ako habang iniinom ang orange juice ko.

"Wala, bakit?"

"Then can we all go out for a family date?"

I swallowed hard and stared at him. A family date? Huh, baliw na nga siya!

I shook my head ang just went quiet. Ininom ko lang din ang orange juice at mukhang nangalahati na agad ako nito.

"Hindi pwede," I whispered back.

"Why?" he whispered again.

"Don't ask me why, Lach," mahinang tugon ko at senyas ng mga mata ko.

Kaya binulong ko lang dahil ayaw kung marining ni Ethan ito. Until he stood up and smiled at the two of us.

"Mommy be our judge and please be fair," si Ethan sa akin.

Napatingin na ako sa natapos na ginawa niyang empire gamit ang lego. Dalawa ito at halata naman na sa Ama niya ang nasa kabila. Mas mataas ang nagawa ng anak ko at maganda na rin. Ba't ko naman pipiliin ang sa Ama niya. E, halatang nagpapatalo lang naman ito sa bata.

"I'll vote for your empire, baby," ngiti ko sa bata.

"Yes!" Napalundag siya.

"Eat your food now," sabay kuha ko nito sa gilid.

"Thanks, Mom, and now. . . We have to wait for Yaya Neyah and Yaya Fe. Gusto ko rin sila mag-judge, Tito," tingala ni Ethan kay Lachie ngayon.

"Well, your Mom choose your design and that for me you've won."

"But she's my Mom, Tito. Mommy always chooses for their babies," he pouted.

Bahagyang natawa na ako at kinuha na ang cellphone ko. I took a photo of what Lachie and Ethan made. Nilagyan ko lang ng caption 1 and 2. Gagawin ko itong voting para fair sa dalawa. I forwarded it to Bria and see if she could make it to the group chat for a quick selection. Ginawa rin agad niya. I told her I need the result in ten minutes.

"What are you doing?" si Lachie.

"I'm asking the girls for a voting type. I did upload the photos and they can decide who will be the winner. The results will be out in ten minutes."

He nodded and Ethan sat down right in front of him. Napangiwi na ako. Nakalimtuan na 'ata ng anak ko na nandito ako ngayon dahil kay Lachie na ang buong atensyon niya. Yumakap pa siya dito. After ten minutes Bria message me.

Bria:

Sumali ka na kasi sa group chat namin. I added you already e-accept mo na lang para makita mo ang resulta.

Me:

Okay, sige na nga.

When I accepted the invitation everyone greeted me. Kompleto nga naman ang lahat dito. Until I saw the result and my smile widens.

"Who won Mommy?" si Ethan.

"It's you! Look!" Sabay pakita ko nito sa kanya.

Tumakbo agad siya at nagtungo sa trampoline na nasa gitna. He's bouncing and laughing at us. Ang saya niya at nanalo siya. Napatayo na kaming dalawa ni Lachie at mariin na pinagmamasdan siya.

"So what's the price of the winner?"

"I don't know what he wants. Dahil kung ako ang nanalo, family date ang hihingin ko sa inyo," pamaywang niya at napabuntonghininga na.

Bumaba na si Ethan sa trampoline at lumapit na sa aming dalawa ngayon. Nakatingala lang din siya at ang lawak pa ng ngiti niya.

"Now, what do you want?" Lachie asked him.

"I want a family out with the two of you," lambing na boses niya.

"No, Ethan," napailing na ako.

"You can go along with him and Yaya Neyah will accompany you okay. Hindi ako pwede rito," pisil ko sa ilong niya.

Nawala na ang ngiti sa mukha niya at umismid na ito. Yumakap lang din agad ito kay Lachie at nagpakarga na.

"You are so unfair, Mommy," mahinang tugon niya sabay yakap kay Lachie ngayon.

I still shook my head while staring at Lachie. Nagtitigan lang kaming dalawa at panay lang din ang haplos niya sa likod ng bata. Nakayakap kasi ito sa kanya ngayon. Napagod din 'ata sa kakalaro nilang dalawa.

"Don't worry, bud. I will find a way okay. What about a sports car in exchange to your wish?" Pabirong tugon ni Lachie at napailing lang din sa balikat niya. Hindi na nagsalita.

"What about if we go swimming tomorrow after horseback riding? What do you think? Hmm?" lambing na tugon ni Lachie sa bata.

"Basta ba kasama si Mommy?" sad face niya sa akin.

Namaywang na ako at nag-isip na. I feel guilty because I rejected his wishes. Hangga't maari kasi ayaw kong malapit masyado kay Lachie. Ayaw ko rin na mas umasa pa ang bata sa kanya. I don't want any of this, and I don't want his attention to Ethan at all.

"Baby-"

I cut off because my phone rang. I grabbed it and answered straight away.

"Hi, Babe. I got the photos? Was it Ethan and you? I'll vote for number 1," sa siglang tugon ni Paul sa kabilang linya.

Napaawang na ang labi ko. Did I sent it to him too? Hindi ko 'ata sinasadyang mapasa ito pati sa kanya.

"Ah, y-yes, babe! Ethan built the number 1," titig ko kay Lachie ngayon at napatiim-bagang lang din siyang nakatitig sa akin.

"Where's my boy? Can I talk to him?" si Paul.

"Ahm, a-ano."

Tumitig na si Ethan sa akin. Alam niyang si Paul ito. Pero imbes na ngumiti ay umismid lang din at mas yumakap na sa Ama niya. Tinakpan ko na ang speaker ng cellphone at mahinang kinausap si Ethan.

"Ethan, it's Daddy Paul. He wants to talk to you, baby," lambing na tugon ko.

Mas humigpit lang ang yakap niya sa leeg ni Lachie at sinubsob ang mukha sa leeg ng Ama. It's obvious that he doesn't want to talk to Paul. Nagtitigan na kami ni Lachie at bakas ang inis at galit sa mga mata niya. Kaya tumalikod na siya at humakbang palayo sa akin.

Oh, great. Damn it! Sige magsama kayong dalawa! Tutal mag-ama nga naman kayo!

"I'm sorry, babe. But Ethan is not in a good mood. Bukas mo na lang kausapin. Pagod din kasi ang bata sa kakalaro."

"That's fine, babe. I'll call you back tomorrow. I love you."

"Okay, babe. . . bye," sabay patay ko sa tawag niya.

Huminga na ako malalim at nilingon ang buong paligid. Wala na ang dalawa rito at iniwan na akong mag-isa.

.

C.M. LOUDEN/Vbomshell

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro