37. Away
"Mom. . . I thought we will visit, dad," ang nagmamakaawang boses ni Ethan sa akin.
Abala na ako sa pagligpit ng lahat ng gamit namin ngayon. Inutusan ko na si Yaya at tinawagan ko na ang personal driver ni Kuya sa Makati. I've asked them to get the condo ready as we will be there by late tonight. Sa susunod na araw pa sana ang lipat namin papuntang Makati, pero mukhang hindi ko na kakayanin ito, at kailangan na namin makaalis ng anak ko.
I have called Mom and asked if she could tell Tita Amber if we can request a personal carrier pilot that can fly us back to Manila. Agad naman na tumugon si Tita Amber sa kagustuhan ko. Gusto pa sana niya akong makausap, pero hindi na muna ngayon dahil nagmamadali na ako.
"Mom, why Mom?" si Ethan sa akin at hawak sa palda ko. Panay ang sunod niya sa akin hanggang sa matapos na ako. Nakanguso at hindi maipinta ang lungkot sa mukha niya. Hawak hawak pa niya ang dinosaurs na bigay ni Lachie sa kanya.
"Yaya! Get Ethan ready now."
"Mommy, I don't want to go!" pasigaw niya at tumakbo na palabas ng kwarto.
Huminga na ako ng malalim at inayos na ang sarili ko. I don't know what to say to Ethan, and probably the best thing is to just shut up for myself!
Pagkaraan ng isang oras ay handa na ang lahat at pumasok na si Yaya Neyah sa kwarto ko. Nailabas na ni Yaya Fe at ng driver namin ang lahat ng maleta at gamit namin ngayon. Inayos ko na lang din ang buhok ko at tinali ito, habang nakatayo namang nakatitig si Yaya Neyah sa likod ko. Napakunot-noo na tuloy ako.
"Where's Ethan, Yaya? Handa na ba ang bata?"
"P-Po? A-Akala ko kasi nandito siya sa iyo, Ma'am Faith?"
Napalingon agad ako sa kanya na parang binuhusan ang boung katawan ko ng yelo.
"What do you mean, Yaya? Lumabas si Ethan kanina pa! Akala ko ba- Shit!"
Nagmura na ako at mabilis ang hakbang palabas ng bahay. Tinawag ko pa ang bata, pero halatang wala ito sa paligid ng bahay ngayon. May dalawang security guard sa gilid, pero hindi nila nakita si Ethan dito. Hindi rin nila napansin na lumabas ito.
"Ethan!!" sigaw ko sa labas.
Kinuha ko ang malaking flashlight at hiwa-hiwalay na kami ngayon. Narinig ko na agad ang inggay ng paglapag ng personal helicopter ni Tita Amber sa unahan at mas kinabahan na ako. Triple na ang kaba sa puso ko ngayon, dahil maliban sa gabi na ay baka sa dagat na nagtungo ang anak ko.
"Ethan where are you?"
Sa bawat hakbang ko ay puno ng pag-aalala na parang mababaliw na naman ako ngayon. Ilang beses na bang nangyari ito? Why can't I understand my son's feelings? Ano bang mali sa akin? Hindi ko alam. . . Nadadala na ako sa bawat emosyon at nakalimutan ko na ang damdamin ng bata.
Madilim na ang boung paligid at walang buwan sa gabing ito. Kaya ang ilaw lang din ng mga bahay na nasa gilid ng dagat ang nagbibigay gabay liwanag sa baybayin ng dagat. Hanggang sa naalala ko kung saang banda ko unang nakita si Ethan. Kaya mas binilisan ko na ang hakbang ko.
He's probably near where his dad is. I am sure he is there.
Nang makarating ako rito at tinanaw ang malaking puno ay wala akong ingay na narinig sa paligid. Kaya tinawag ko na siya.
"Ethan! Ethan!"
Pero wala pa rin. Kaya mas lumapit na ako at pumasok na sa loob ng bakuran nila. Tumingala ako sa kabuuang bahay nila, at malaki na nga ang pinagbago nito. Mas pinalaki at mas gumanda na ang lahat ng nandito. Maliwanag ang buong paligid at tahimik. May iilang cottage at mala modern style na desenyo na ginaya sa paris ang pagkakagawa. Ang dating maliit na pool sa unahan ay lumaki na rin.
May isang bahay na malaki pa sa gitna. Dati ay wala ito rito. Nakalabas ang dalawang vintage na sasakyan na mukhang kalilinis lang. Maliban nga lang sa treehouse na wala na rito ay lahat nagbago na.
"Ethan!? Lachie?" sa abot kaba ng puso ko.
Umilaw ang hallway ng hagdanan at may lumabas na babae galing mula sa loob.
"Sino po sila?" boses ng isang babae.
I swallowed hard while looking at her. She's probably the same age as me. Maikli ang short niya at naka puting t-shirt lang din. Her messy bun hair fits her perfect small face. Maganda nga naman siya.
"Um, si Lachie?" I politely asked.
She looked at me from head to toe and smile a bit.
"Wala, eh. Lumabas siya kani-kanila lang. Bakit? Importante ba? I can call him, wait lang," sabay talikod niya. Pero bago paman iyon ay may lumabas pang isa sa balkonahe nila.
"Who is it, hija?"
Napalunok na ako ng marinig ang boses ng Ina ni Lachie ngayon.
"I don't know, Tita. She's looking for Lachie. Umalis kasi siya kanina, tatawagan ko lang."
"Ah, ganoon ba," sabay lingon ng Mama ni Lachie sa banda ko.
"Faith?"
Unayos ko na ang tayo ko at napalunok na ako. Nakatitig lang din ako ng husto sa Mommy ni Lachie ngayon. Gumuhit din agad ang ngiti sa labi niya.
"Faith? Ikaw nga, hija!"
Nahinto agad ang babae na katabi niya at pabalik na nilingon ako. As far as I know, walang kapatid na babae si Lachie. Dalawang lalaki sila at nasa Amerika ang kuya niya. Wala rin akong alam na may kalapit na pinsan siya. So who is she? Asawa niya? Huh, ang laking tanga mo talaga, Faith!
Parang may kong anong kirot ang tumusok sa puso ngayon at mas nagpahirap ito sa paghinga ko. Halos bumigay na ang puso ko kanina sa kanya, at mabilis niya akong napaniwala na ako pa rin ang nasa puso niya. Damn it! Ang tanga ko talaga!
"Wala siya, Faith. Call him, Samantha please," sa utos ng Mommy ni Lachie sa kanya.
"Huwag na po, Tita. May hinahanap po kasi ako. Nagbabakasali po kasi ako na nandito ang bata. Sige po, mauna na po ako!" Sabay talikod ko.
"B-Bata? Sinong bata, Faith?"
Nahinto ako nang hakbang at napakagat ko ang pang-ibabang labi.
Damn it! Why did I even bothered! Nagmura na ang isip ko habang lumingon pabalik sa kanya. She stared at me seriously with so much worried and I smiled a little bit. Nakuha na niya siguro kung ano ang ibig kong sabihin sa sandaling ito.
Napahawak siya sa puso niya at tumango na ako. Tipid lang din na ngiti ang binitawan ko.
"I have to go, Tita. . ." At tumalikod na ako sa kanya.
I don't know where to go next. Para akong naglalakad na walang ulo at ang bigat ng puso ko. Gusto kong maiyak pero naubos na 'ata ang luha ko kanina. Hanggang sa tumunog na ang cellphone ko, si Yaya Neyah ito.
"Ma'am, Faith. Nakabalik na po si Ethan."
Pinatay ko agad ang tawag at halos patakbong bumalik sa bahay ngayon. Abot langit ang pasasalamat ko sa panginoon. I promise to myself that from now on I will listen to my little boy. My heart pounded for more when I arrived home and saw everyone outside.
"Ethan!"
"Mommy!"
Tumakbong yumakap agad ang anak ko sa akin at binuhat ko agad siya.
"I'm sorry, baby. I am so sorry. . ." Halik ko sa pisngi niya.
"Where have you been? You made Mommy worried to death, anak," haplos ko sa buhok niya.
"I went to the dinosaur grave land, Mommy. I don't want to go without saying goodbye to, Daddy. And I don't know how far is the cemetery here. So I prayed in the dinosaur's land for Daddy, Mommy," he smiled.
"At this hour? Ang dilim na anak? At wala ka pang kasama?"
Nangilid na ang luha ko habang tinitigan ang mga mata niya. Nahabag ang puso ko sa inosenteng mga mata ng anak ko.
"Tito Lachie was with me, Mom. He found me there. . . It was only between men and between us. Kami lang ang nakakaalam kung nasaan ang dinosaurs Island grave. I'm sorry, Mommy but I cannot tell you," ngiti ni Ethan sa taong nasa likod ko.
Kinabahan na ulit ako at nagsimula na namang bumilis ang tibok ang puso ko. Nilingon ko ang likod at ang maamong mukha ni Lachie ang tipid na ngumiti sa akin. Napakurap na ako at nag iwas nang titig sa kanya.
"Thank you, Tito. For taking me to Daddy. We have to go somewhere Mommy said and we're leaving tonight," si Ethan sa kanya.
"Yaya. . ."
"Are we going now, Mommy?" si Ethan sa akin at tumango na ako sa kanya.
Lumapit na si Yaya at kinuha na si Ethan sa akin.
"Bye Tito Lach, and I love you!" Ethan waved at him.
Napalingon na ako sa kanya at napa-tiim bagang siyang nakatitig nang husto kay Ethan ngayon.
"I love you too, little bud," sa boung boses niya.
Humakbang na siya at humarang na sa akin ngayon. Nagtitigan na kaming dalawa. There's a pain on his stare and it's drowning me crazy. Nakakabaliw ang titig niya at ramdam ko ang sakit nito.
"So, I was dead huh?" his brow furrowed.
Napalunok lang din ako at nagsimula na naman ang tibok ng walanghiyang puso ko! Kailan ba matatapos ito? Pagod na ako, pagod na pagod na. . .
"Mas mabuti nga iyon kaysa sa umasa ang bata sa wala!" Sabay iwas ko sa kanya. Pero mabilis din ang hakbang niya at humarang ulit siya sa harapan ko.
"Fuck, Faith!" pamaywang na mura niya at napayuko na siya ngayon.
Parang gyera na tuloy ang loob ko ngayon. Hindi pa pala kami tapos? Akala ko tapos na kami kanina pa.
"What else do you want from me, Lach? Tapos na tayong mag-usap 'di ba? Hindi pa ba sapat iyon?"
Hindi na siya nagsalita at titig na titig lang sa akin ngayon. I tried to match the way he stared at me but I got defeated again and I was the first one who looked away. Hindi ko kayang tapatan ang tagos sa pusong titig niya, dahil galit ang nararamdaman ko.
"Ilalayo mo sa akin ang bata?" tigas na tugon niya.
I smirked and walk away from him. I don't care about him anymore. Mag-isip siya sa ano man ang gusto niya at wala na akong pakialam pa! I just want to leave this area, away from him, away from everyone and away from stress.
.
C.M. LOUDEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro