Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

36. Cried



"Above all, love each other deeply, because love covers over a multitude of sins. Love bears all the things, believes all the things, hopes all the things, and endures all the things. Don't close your heart. Learn to forget and forgive. Always remember that forgiveness is the final form of love. So, therefore, what GOD has joined together let no one separate. . ."

I smile secretly while listening to the matrimony sacrament of marriage. Ang totoo marami ang katanungang nabuo sa isip ko tungkol sa pagpapatawad sa isang tao. Paano mo ba mapapatawad ang isang tao kung hindi pa handa ang puso mo? Paano mo ba malalaman na handa mo na siyang patawarin at hindi ka na masasaktan ulit ng husto?

Napailing na ako habang iniisip ito ngayon. Kagaya nga ng sinabi ni Mommy sa akin noon may dalawang klase raw ang pag-ibig sa mundo; Una ang mapayapa at walang dalang gulo, at ang pangalawa ay kagaya ng hagupit ng isang bago.

Noong una hindi ko maintindihan ito. Pero ngayon ay alam ko na ang kahulugan ng mga salitang binitawan niya.

Parang bagyo nga naman ang pinagdaanan ko noon kay Lachie, at magpahanggang ngayon ay hindi pa ito humuhupa. Oo, kinalimutan ko na, pero hindi pa ako handang patawarin siya.

How can I forgive him? Hindi ko alam kung paano ba. . .

And then Paul came to mind. . . Siya ang taong tumayo at sumuporta sa akin ng husto sa mga panahon na ang hina-hina ko at bagsak ang pagkatao ko. Siya lang ang taong nagtiwala sa akin. Sana nga pala hindi na ako nagkagusto sa iba. Sana nga pala siya na lang din ang unang minahal ko. Pero hindi, dahil noon hindi ko hawak ang puso ko at ngayon ay hahawakan ko na ito.

Nang matapos ang kasal ay nauna na akong umalis sa venue. I miss my little boy Ethan. Parang nauntog ang isip at puso ko dahil sa kulang na atensyon ko sa kanya. Nauna na sila ni Yaya kanina dahil napagud 'ata siya ng kakalaro talaga.

"Oh, aalis ka na? Hindi ka na sasali sa after party ngayong gabi?" si Bria sa akin.

"Hindi na. Napagod na ako, at hinihintay na ako ni Ethan ngayon. I promised myself to spend more time with my little men," sa lawak na ngiti ko sa kanya. Gumaan ang pakiramdam ko sa mga binitawang salita kay Bria. Parang nabunutan na ako ng konting tinik sa puso ko.

"Sige. Then, we will catch tomorrow okay? May after party pa kami mamayang gabi at alam mo na!" excited na tugon niya.

"Okay, have fun!"

Imbes na magpahatid ako sa driver ay naisipan ko na lang na maglakad sa dalampasigan patungo sa bahay nina Tita Amber. Hindi naman kalayuan ito at iilang minuto lang naman. Hinubad ko na ang stiletto na suot at nakapaang nakaapak sa butil ng buhangin ng dagat. Ang sarap pa sa pakiramdam ito.

Tahimik ang boung Isla at malapit na ang pagtakim silim ng araw. Naalala ko tuloy ang teenager na si Faith noon. . . Ilang beses ko rin na nilakad ang dalampasigang ito ng pabalik-balik dahil sa katangahan ko kay Lachie.

Noon, parang segundo lang ang layo ng bahay nila sa bahay ni Tita Amber, pero ngayon parang malayo ito. At ngayon na naisip ko siya ay napalingon na ako sa bahay sa bawat gilid na nandito.

A lot has changed and there are few more new resort vacation houses that are being built closer by. Hindi ko na napansin ito, dahil malaki na ang pinagbago. Hanggang sa napansin ko ang malaking puno at nahinto ako sa tapat mismo. Tinitigan ko itong mabuti at inisip ko kung ito ba ang puno nila noon na kung saan ay nakalagay ang tree house niya.

I swallowed hard when I saw the old marks and trademarks it has. Wala na ang dating tree house na nandito at may malaking bahay na sa gilid nito. The place is now covered and the tree is now surrounded by fence around. Pero nang mabasa ko ang nakaukit na letra sa ibabaw ng puno ay bumilis lang ang pintig ng puso ko.

"How stupid of you, Faith. . . " I silently utter.

Bumalik na ang alaala ko sa aming dalawa noon. Noong gabing baliw kaming dalawa, noong gabing nagsasayaw kami sa dilim na hawak ang buong pagmamahal sa puso namin sa isa't-isa. Naalala ko lang din ang binigay niyang singsing at ang binigay kong bracelet sa kanya. Inukit pa namin sa punong ito ang letra ng pangalan namin.

Napangiti na ako at dahan dahan na lumapit ako rito. Tumingala na ako at hindi nga naman ako nagkakamali. Nakaukit pa din ang pangalan namin sa bandang ibabaw ng puno.

Then I remember the music as it is silently playing in my ears. . . the 'perfect' song. The love, the happiness, the warm touch and warm hugs. Lahat 'ata bumalik sa akin ngayon at napapikit mata na ako pilit na dinadama ang ihip ng hangin sa mukha ko. Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang luha ko. Kaya mabilis kong pinunasan ito, at tumingalang muli sa puno.

Napaatras na ako at mas pinatuyo na ang luha ko. Nang humarap akong muli para sana matitigan ang dagat ay ang kabuuang anyo niya ang bumungad sa harapan ko ngayon.

He's wearing a white a rolled up white polo and white pants. Parang dumalo rin siya sa kasal na katulad ko. Parehong terno ang damit namin dalawa. Napatingin ako sa maamong mukha niya at nagpakaba ng husto ito sa puso ko. The way he stares at me is weakening my senses. I hate to admit it, but his stare alone can make my whole world stop in spinning.

"Faith. . ." tiim-bagang niya.

"Oh, hi! I-I, um, just walk pass by. . ."

Umiwas na agad ako at humakbang na. Alam kong huling-huli niya ako ngayon dahil nasa teritoryo niya ako. Mabilis ko lang din na pinunasan ang luha ko sa gilid ng mga mata. Ayaw kong makita niya akong ganito. I don't want him to see me like this.

"Faith!" Sabay hawak niya sa palapulsuhan ko at napatitig na ako rito.

My brows furrowed and I am back to myself, to the reality of us. Even my own memories of him from the past got carried away by the wind and hits me back so hard. Gusto ko mang isipin ang masasayang alaala namin noon ay hindi ko pa kaya. Dahil purong sakit at galit lang ang nararamdaman ko ngayon sa kanya.

"Is there something you want?" sabay bawi ko sa kamay ko.

Umayos siya nang tayo at humarap sa akin. Lumapit siyang bahagya at napaatras lang din ako. I don't want to get too close to him. Pakiramdam ko kasi matatalo lang akong lalo kung mas lalapit pa siya.

"A-About Ethan?"

Ngumiti na ako napailing na lang din. Hindi ko kasi inaasahan na marinig ito mula sa kanya. Ang akala ko kasi ang nakaraan ang itatanong niya? O baka nag-assume lang din ako ngayon.

"Hmm, yes? About Ethan?" kunot-noo ko.

"I know he is my son, Faith. I am sorry about what happened in the past. . . Alam kong hindi ko na maibabalik ang nakaraan, Faith. Pero sana naman pagdating kay Ethan-"

"Hindi mo anak si Ethan!" putol ko sa pagsasalita niya.

"Damn you, Lach! What right do you have for my son? And how sure are you that he is your own? Hindi ba pinagtabuyan mo ako noon? Ikaw na rin naman ang nagsabi noon 'di ba? God, nakalimutan mo na?" talas ng titig ko sa kanya.

"Faith-"

"Oh, shut up!" I smirked and shook my head.

"I don't want to hear your shit excuses, Lach. Hindi ibig sabihin na hinayaan ko kayong dalawa maglaro at mag-bonding ay okay na sa akin ang lahat. No freaking way!"

Umiwas na ako at humakbang para makalayo sa kanya. Napuno na ng galit ang puso ko ngayon. I hate myself for letting him getting too close to my son. I don't need him! Nabuhay kami ng mapayapa na wala siya, at kaya namin na mabuhay ni Ethan na walang kikilanin siyang ama!

"Faith," sa paos na boses niya sabay yakap sa likurang bahagi ko. Napapikit mata agad ako nang maramdaman ang mahigpit na yakap niya sa katawan ko. Nanghina lang din ang tuhod ko, at nalusaw ang puso ko.

"I'm so sorry, Faith. . . Sorry, baby. . . It was all my fault, Faith. Alam ko iyon, mali ko iyon, dahil naniwala ako sa kanila. I was blinded with so much jealousy and love. I was young, so stupid, and I believed them before you. . . Nagkamali ako Faith at pinagsisihan ko iyon ng husto," sa mas matinding yakap niya.

Ramdam ko agad ang init ng luha niya sa balikat ko. Pumatak na kasi ito. Gusto ko pa sanang pigilan ang nararamdaman ko ngayon pero hindi na nakaya ng damdamin ko at kasabay ng pumatak ang luha ko sa bawat luha niya.

"How dare you!"

Tinagal ko na ang nakapulupot na kamay niya sa akin sabay tulak sa katawan niya. Pero nang makita ko ang luha sa mga mata niya ay nabasag lang din ng husto ang puso ko.

"How dare you cry!? Wala kang karapatan na umiyak sa harap ko, Lachie! Sinira mo ang pagkatao ko! Sinira mo ang lahat ng pagmamahal ko sa'yo! You're not even worth-it to Ethan at all! Kaya huwag na huwag mo siyang matawag na anak mo dahil hindi mo siya anak!"

Malakas ang ang bawat sampal at hampas ko sa dibdib niya. Hindi man lang siya umilag at tinangap lang ang lahat ng ito. I want to scream, yell, and swear for more but all I can do is to cry while hitting his chest. Hanggang sa nanghina na ako at naramdaman ko na ang mahigpit na yakap niya sa akin.

"Don't touch me!" Sabay tulak ko ulit sa kanya.

"Faith. . . I'm sorry, baby," in his raspy voice.

Isang malakas na sampal ulit ang binitawan ko sa kanya. I am so furious right now and that I can probably kill him at this very moment and I don't care. Kahit pa siguro mamatay siya ngayon sa harap ko ay hindi ko makuhang mapatawad siya. Nag-uumapaw ang galit sa puso ko ngayon at hindi ko makuhang pakalmahin ang sarili ko.

"Sorry? A word sorry was never enough, Lach. . . Pinatay mo na ang puso ko noon pa," sabay pahid ng luha ko sa mga mata.

"You don't know what I've been through while I was pregnant with Ethan. . . Kaya wala kang karapatan sa anak ko!"

"Ethan is also my son, Faith. He needs a father-"

"He doesn't need one! May ama na ang anak ko at hindi ikaw 'yon!"

Napatiim-bagang na siya at napakurap na akong nakatitig sa kanya. I shook my head and looked away. Umatras na ako at tumalikod na.

"I know what I did is unforgivable, Faith. Hindi ko hinihingi na patawarin mo ako ngayon. Pero sana naman huwag mo alisin ang karapatan ko sa bata," sa habol na tugon niya.

Humarap ulit ako sa kanya na panay patak ng luha sa mga mata ko. I am walking away from him and here he is walking towards me. Hanggang sa niyakap ulit niya ako sa likurang bahagi ko.

"I've missed you, Faith. . . There was no one after you. I was broken and devastated too. Gusto kong sundan ka sa Italya, pero pinigilan ako ng lahat ng tao. I have nothing, Faith. . . Wala akong maipagmamalaki sa'yo. I was so confused and all I could think was to work hard. Iyon lang ang naisip ko sa mga sandaling iyon, kung magsisikap ako at maabot ko ang lahat ay kaya na kitang balikan muli, kayo ni Ethan. . ."

Napahagulgol na ako at nanghina na ng husto ang puso ko. Pakiramdam ko bibigay na ang mga tuhod ko ngayon. Mabilis siyang kumalas sa yakap at humarap sa akin, at napaluhod siya mismo sa paanan ko habang nakayakap sa mga tuhod ko. I looked above the sky and I don't want to look at him in the eye.

"But when I heard that you lost the baby. I also lost my heart, Faith. Kasalanan ko ang lahat kaya mas nagsimukap ako at mas naging handa para sa pagkikita natin dalawa. I have blamed myself and a lot of people, at isa-isa ko silang pinarurusahan, Faith. . ." sa tindi ng iyak niya.

Pinikit ko na ulit ang mga mata ko at huminga ng malalim. Kagaya niya nag-alon din sa mga mata ko ang luha.

"Let go, Lachie. . . Please," mahinang tugon ko.

"Faith. . . "

"I said enough! Tama na! Wala na! Tapos na! Nangyari na at wala na tayong magagawa, Lach. Kaya kalimutan mo na ako. Kalimutan mo na na may anak ka sa akin. Kalimutan mo na si Ethan."

Kumalas na ako mula sa pagkakayap niya at mabilis na iniwan siya. Tumakbo na ako habang panay ang patak ng luha sa mga mata ko. Ano pa nga ba ang silbe ng mga paliwanag niya? Wala na. . .

.

C.M. LOUDEN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro