34. Heartbeat
"Tito, Lachie!"
Napalingon agad ako sa maliit na boses ng anak ko. He's calling someone's name, and before I knew it he's already inside the garden with an open arms and Ethan ran towards him. Yumakap agad si Ethan sa kanya at kinarga niya agad ang bata. Napatingin pa ang lahat sa kanilang dalawa. Napatayo na ako at tinitigan ko na ang dalawang yaya. Tumayo na si Yaya Neyah at lumapit kay Ethan.
"You did not forget, Tito Lach," si Ethan sa kanya.
"How can I forget my little bud. And I have something here for you," sa lawak ng ngiti ni Lachie sa anak ko.
May dala siyang pasalubong na laruan kay Ethan ngayon. I never expect this and my heart just pounded for more while looking at them this far. Naningkit ang mga mata ko sa galit.
Why the hell does he needs to show up on a day like this? Then Tadeo walks toward him and pats his shoulder.
Hindi ko na narinig ang usapan nila. Pero napatango lang din siya. Napako pa ang paningin niya sa akin at umiwas agad ako sa titig niya. I am worried about my own son for Christ sake! At wala akong pakialam sa kanya.
"Yaya?"
Nilingon na ako ni Yaya Neyah at sumenyas na ako para madala niya si Ethan sa itaas muna. Pero makulit ang bata at ayaw humiwalay kay Lachie ngayon. Yumakap si Ethan nang mahigpit sa bahang hita ni Lachie at nakahawak naman si Lachie sa kamay niya habang kausap si Tadeo.
He secretly laid a stare at me every now and then. And as he carried Ethan everyone looks at them more. Kaya umiwas na ako at naupo na pabalik. Wala na akong nagawa at napatingin na si Ava at Bria sa akin ngayon.
"What?" My brows lifted as I am so furious right now.
"Hindi ba pinatay mo na ang daddy niya? E, 'di patunayan mo 'yan sa harap niya," si Bria sa akin.
"God, I knew this would happen. . . Magkasama kasi sila ni Kuya Tadeo sa iisang project kaya madalas talaga na nagkikita sila ni Lachie dahil sa projects nila," tugon ni Ava.
"Oo, at isama mo pa ang banda. The fan clubs want them to play for once. Ang tagal na kasi simula ng mawala sila sa lahat, at sa showbiz," pagpatuloy ni Maya.
Napalingon na ako sa kanya at kumunot na ang noo ko ngayon. Ang akala ko kasi natapos na ang lahat sa kanila noon. Nagsama-sama pa pala sila pagkatapos ng nangyari sa amin? Huh, ibang klase!
Bria shook her head and nodded. "Hindi alam ni Faith 'yan. Kaya huwag ninyo masyadong guluhin ang utak niya."
Napatingin na silang tatlo sa akin at ininom ko na ang orange juice ko. Honestly I want to know the story after I was gone, but my mind keeps blocking what my heart says. Sumama lang lalo ang pakiramdam ko, lalo na ngayon na karga niya sa bisig si Ethan.
"Well, I don't care!" direktang tugon ko.
Natahimik na sila at napalingon pabalik kina Lachie at Ethan. Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanila ngayon. He's still holding Ethan while talking to Tadeo. Tumayo na ako. Mas mabuting pabayaan ko muna sila at hayaan na muna si Ethan ngayon.
If I will grab Ethan away from him he will definitely bombard me with so much questions, and besides pinagtabuyan niya ako noon. Wala na siyang karapatan at hindi siya ang ama ni Ethan at iyon ang totoo!
"Excuse me."
Pumasok na ako, pero bago paman iyon ay nilingon ko muna si Yaya Neyah. Tumayo agad siya at lumapit sa akin.
"Just watch Ethan and don't let him get out in this area. Sa tabi ka lang niya, yaya. Kahit pa may kalaro siyang iba."
Tumango na siya sa akin at humakbang na ako papalayo sa kanila.
Nang makapasok sa loob ay sa kusina agad ako nagtungo. Gumawa na ako ng tsa-a. Mas mabuti pa na isipin ko na lang ang ibang bagay kaysa sa mga nangyayari sa paligid ko ngayon. Pero kahit ano pa ang isipin ko ay hindi nawawala ang galit sa puso ko ngayon.
Every time I saw him it reminded me of the past and all the hurtful words and memories that I kept for years. Hindi ko makuhang burahin ito sa isip at puso ko.
"Are you okay, Faith?" sa baritonong boses ni Seth.
"Oh, do you want some tea too?" I asked without looking at him. Abala na kasi ang kamay ko sa pagtimpla.
"Yes, please and no sugar."
Kumuha na ako ng isang tasa para magawan siya ng tsa-a. Tumabi siya sa akin at sumandal siya sa likod ng counter table.
"Kasama siya sa project namin ngayon. Tadeo and him are the main Engineer in this huge project, Faith. Kahit pa ayaw ni Tadeo sa kanya ay makikisama siya rito. It's just all for business, Faith and I'm sorry. . ." panimula niya.
Nagkibit-balikat na ako at humarap na sa kanya. Inabot ko na rin ang tsa-a na nagawa na.
"I don't care, Seth. I know how its like to be in the business. Our money always comes first. No string attached, no feelings involved and be the master of your own world. Kaya nga nasa itaas ang utak para mag-isip at para turuan ang puso kung ano ang tama 'di ba?" sabay inom ko sa tsa-a.
He nodded and stared at me.
"Everyone got devastated when we heard the news. . . Sa sobrang excited ni Mommy at Daddy na makita kayo ni Hope ay lumuwas sila ng gabing iyon. Thinking that you will be home with Hope, and that we can all have a nice picnic down the Island on the following day. . . Pero wala, hindi nangyari," sabay inom niya sa tsa-a niya.
"Sumunod ako kasi may pinakuha si Daddy. Gabi na nga nang makarating ako, at ang duguang mukha ni Lachie na ang nadatnan ko," pagpatuloy niya.
Napalunok ako at kinabahan na. Bumilis lang lalo ang tibok ng puso ko. Pero hindi ko pinapahalata ito kay Seth ngayon.
"Nakaluhod siya sa paanan ng hagdanan at puno ng pasa ang katawan at mukha, Faith. . . He was crying, face down , devastated and probably hurt. Nilapitan ko siya dahil nag aalala ako. But all I can hear from him was 'I'm sorry, Faith' . . . Ayaw niyang tumayo kaya pumasok na ako sa loob. Everything was at chaos. Si Mommy at si Tita Marga(Russel's Mom), they are talking and Russel's Mom was crying. Dad keeps walking back and forth, on the phone, talking to someone."
"I want to ask Dad straight away but I didn't and just waited. I looked outside again and the rain started to fall heavily. . . Hindi pa rin umalis si Lachie at nakaluhod pa din sa paanan ng hagdanan. He was waiting for you, Faith. But I guess he was too late. . ."
I bit my tongue inside my mouth when I heard it. I inhale deeply and I can still feel the heavy burden with me. Ang bigat, ang sakit padin. . . Nangilid ang luha ko dahil sa galit at inis sa kanya. Parang bumalik lang ang lahat ng sakit na ginawa niya sa akin noon. At sa bawat binitawan niyang salita noon sa akin ay parang tusok ng karayum ito sa loob ng puso ko.
How can I forget it? He neglected me first. He I left me hanging. He walk away first and left me broken.
I cleared my throat while drinking my last sip of tea. Maingat ko na itong nilapag sa lababo.
"I don't want to hear his story anymore, Seth. . . Para ano pa? Tapos na iyon at wala na. I'm not in the same Faith anymore. Do you think I'll be over the moon because of this?" I smirked and his jaw clenched while seriously looking at me.
"Don't be, Seth. . . You don't know what I've been through. Kung sakit at bighati lang ang pag uusapan ay baka namatay na ako. Oh, yes I forgot I was living in an empty shell and I ended my life a handful of times. Hindi mo pala alam iyon. Oo, maraming beses na akong namatay, Seth. Hindi lang isa, sobra pa. . ." sa taimtim na titig ko sa kanya.
He was taken aback of what I've said. Wala na 'ata siyang masabi ngayon kaya tinalikuran ko na siya. Natahimik na ako at hinugasan ko na ang kamay ko. Pinatuyo ko lang ito, at ng handa na ay tinalikuran ko na siya. Pero nahinto lang din ang ikot ng mundo ko nang makita ang pagmumukha niya sa gilid ng pinto.
It seems like my heartbeat stopped beating when I looked at him. He's standing still in the corner while holding his cup of-- I don't know! And who cares! I looked away and walk past him.
Ba't ba ako matatakot sa kanya? Ba't ko ba siya iiwasan. That was all in the past, Faith! Gumising ka!
But Damn it! My heart trembles and my knees are shaking when I saw his reddish eyes. Parang namuo ang luha sa mga mata niya at panay lang din ang kurap nito. Umiwas na agad ako, at taas noong nilagpasan siya.
Nang makalabas ako ng kusina at nakababa sa hagdanan ay napahawak ako sa hawakan nito sa gilid. Parang nanlamig ako sa sarili at nanghina ang loob ko.
Damn it, I hate my stupid heartbeat!
.
C.M. LOUDEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro