31. Lost
Si Tita Amber agad ang sumalubong sa amin pagkarating sa Isla. She hugged Ethan first and carried him. Tito Jaime grabbed him too. I can see the happiness on Ethan's face to everyone. It's overwhelming and overflowing with welcome. They're the only people that knew what happened to me and that Ethan existed.
Maya jaw dropped and Ava cried in tears. I smirked and shook my head at her. Naging dramatic na 'ata siya ngayon. Pero nakakatuwang makita silang lahat ulit sa buhay ko. The boys are not here yet, sa susunod na araw pa daw ang dating nila.
"You're so unfair, Faith." Yakap ni Ava sa akin.
"I'm sorry, Av. . . I didn't mean to lie," ngiti ko sa kanya.
"Look at you anyway? Hindi halata na may Ethan ka pala," singit ni Maya at yumakap din siya sa akin.
Lahat sila ay kay Ethan agad yumakap at pinagpasa-pasahan ang bata. I smile while looking at them. Ang saya nga naman nila talaga.
"Who's your daddy?" Pabirong tanong ni Ava kay Ethan. Tumaas na ang kilay ko at napailing na.
"Daddy Paul!" sa siglang sagot ni Ethan.
"Oh, si daddy Paul naman pala!" si Maya na nakatitig sa akin.
They are all looked at me as if there's something's hidden. I nodded. Ayaw ko ng magsalita. Kahit pa hindi ako magsasalita ay alam kong alam nila ang sagot sa mismong tanong nila ngayon.
"Kamukha ka nga naman ni Paul. Hindi ba?" pabirong tugon ni Ava at natawa na. Natawa na sila at pati na rin ako. Mga baliw nga naman talaga.
"Tama na 'yan at baka gutom na ang apo ko," si Tito Jaime at kinuha si Ethan sa kamay ni Maya.
"Bilisan mo kasi para may totoong apo na sina Daddy at Mommy," si Bria kay Maya ngayon.
"Oo na!" Irap ni Maya sa kanila.
Everyone laughs and we move to the dining area. Nakahanda na ang lahat ng pagkain at nakakatakam nga naman talaga. Ang dalawang yaya agad ang nagbantay kay Ethan at pinakain na ito. Masaya naman akong nakihalubilo sa kaguluhan ng mga babaeng pinsan ko.
Nang matapos ang dinner ay nagpalit at naligo na ako. When I step out from the bathroom I saw Ethan fast asleep with Yaya beside him. Tinitigan ko ang anak ko, at ngayon ko lang napansin na mas close siya sa dalawang yaya niya at minsan ay sabay pa niya ito sa pagtulog. Nakasanayan na kasi ng bata, dahil sa abala na trabaho ko.
I changed into my sleeping pyjamas. Lumabas muna ako sa balkonahe at nilingon ang baba. Sina Maya, Ava at Bria ang nandito. They're having a ball chatting with drinks while fishing. Nasa floating house kasi kami ngayon. Katabi ito ng floating restaurant sa gilid.
Nilingon ko ang buong paligid at pinikit ang mga mata ko. Ang dami ng nagbago sa paligid, pero hindi pa rin nagbabago ang puso ko. Parang may kong anong kirot ang naramdaman ko ngayon, at parang bumalik ang nakaraan nito.
I took a deep breath and shook my head, and I even smile while looking at the stars. I can see the seventeen years old Faith in me now. The once bubbly, happy and innocent Faith. . . Pero nawala ang ngiti ko ng maalala siya sa isip ko at napalitan ng sakit ito.
I thought I have forgotten it. . . Ang akala ko makakalimutan ko na ito, pero hindi pa pala. Dahil muling nabuhay lang ang alaala ko sa mga sandaling ito sa kanya.
"Faith!!"
Ang sigaw ni Bria ang pumukaw sa isip at puso ko ngayon, at nilingon ko na sila.
"Come here and join us!" si Ava, at tumango na ako at bumaba na.
THE NEXT day was so beautiful. Isinukat ko ang bridal gown ni Maya at gumawa ng adjustment dito. Natapos na ang meeting ko sa kompanya sa pamamagitan ng online meet up. Si Hope muna ang bahala habang nandito pa ako sa Pinas. Ethan was with the two Yaya's and he's pretty pre-occupied with other things too. Bata nga naman kasi. Kaya madalas laro at takbo na ang ginagawa.
He knows that when Mommy is working hard and he never bothers me.
Bria and Ava went to the market town for other stuff because the boys will be back tomorrow. Magiging abala at mas mainggay na naman ang lahat. Pero masasaya ito, dahil excited na akong makita sila.
Tadeo is now a Civil Engineer, and the CEO of Monde Mills Corporation. While Seth excels on his business venture. Real-state and pinasok niya at napakagaling nga naman niya talaga. Riley, Grayson and Cian are making their lives in a successful manner too. May kanya-kanyang negosyo at namamalakad din sa naiwan ng Ama nila.
Bria is doing her fashion designing in Paris at kakatapos lang din niya. Ava is the same, and just like me, she's got the business mindset too. While Maya is the simplest one. She's managing the Island and she's loving it. Mas gusto niya rito sa sariling Isla nila.
"Konting ayus na lang at okay na!"
"Thank you, cuz. Ang galing mo talaga!"
Tinapos ko na ang wedding gown niya, kaya halos boung araw ay abala na ako sa ginagawa. Ilang tawag ang ginawa ni Paul at pinindot on loudspeaker ko lang din ito with video pa. Halos hindi ko na napansin ang bagong gupit na mukha niya dahil sa ginagawa ko.
"Where's, Ethan?"
"Sa labas naglalaro sa dagat kasama ang yaya."
"I haven't seen my little boy," he looked dismayed.
"Bukas na, abala pa ako eh. I have to finish this for the wedding. . . Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Sana hindi ko na sinama si Ethan. Hindi ko matitingnan e. But the good thing, the yaya's are there, and I'm fine with that."
"Faith. . .You know why Ethan wants to go with you right?" He changes the topic.
"Ahm. . ." sagot kong hindi nakatingin sa video call. Abala kasi ang mga kamay ko ngayon sa ginagawa ko.
"Because he wants to spend a little quality time with you, babe."
Tumango na ako habang abala sa ginagawa ko. Natahimik na si Paul, kaya nag-angat na ako nang tingin sa kanya ngayon.
"S-sorry, babe. . . " I sighed deeply and massage my neck.
"Are you listening?" sa lambing na boses niya.
"Yes, babe. . . I am listening. Patapos na ako at hahanapin ko na rin sila. Mag-uusap na lang tayo mamaya okay. Love you! Bye!"
Tinapos ko na ang tawag para matapos ko na ang ginagawa. Pagkaraan ng dalawang oras ay natapos na ako. Inayos ko lang din ang damit ni Maya at niligpit ang mga gamit ko. Alas singko 'y medya na pala at hindi ko man lang narinig ang inggay ni Ethan sa baba.
Nang bumama ako nang hagdanan at nakalabas ay ang maalat na hangin ng dagat ang sumalubong sa akin. It's refreshing anyway and the sun will go down soon. Hinanap ko pa ang stinelas ko at sinuot ito. Maputi ang buhangin at tanaw ko agad ang tubig dagat sa unahan.
Kumunot lang din ang noo ko nang mapansin si Yaya na tumatakbo papalapit sa akin.
"Ma'am, Faith!" sa nag-alalang boses niya. Namutla ang mukha niya kaya kinabahan na ako.
"Where's, Ethan?"
"Ma'am. . . Kasi ano. . ."
"Where's Ethan, yaya!?"
"Ma'am hinahanap pa namin ni Neyah. Naglalaro kasi kami ng taguan. T-tapos-"
"The hell, yaya! Ang tatanga ninyo!"
Humakbang na ako at nilingon ang bawat paligid. Nawala na ako sa sariling isip, at halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko dahil sa sobrang kaba.
"Find Ethan, yaya! Malilintikan talaga kayong dalawa sa akin!" sigaw ko.
I looked at the time in my wrist watch. It's going to be six o'clock soon, and soon the sun will set. Ginulo ko na ang buhok ko at hindi ko na alam pa kung saang bahagi hahanapin si Ethan kaya naglakad na ako nang wala sa isip at panay lang ang tingin sa bawat paligid at tawag sa pangalan niya.
.
C.M. LOUDEN/Vbomshell
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro