Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

28. Visit


"Hindi mo isasama si, Ethan? At bakit?"

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at kinuha lang din ang iilang papelis se mesa ko at binasa ito. Napailing na ako.

"I'm not gonna sign this, Faith," tigas na tugon niya.

"Hope, I'm not taking him with me to the Philippines."

"Why not, Faith? Ano bang kasalanan ng bata at pinagkakaitan mo ng atensyon? You're not a mother anymore, Faith. You're being tied to your career. At least spend some time with him before it's too late."

Umikot sa siya at nasa likod ko. Mariin niyang hinaplos ang balikat ko, na parang minamasahe ito. Napatingin pa siya ng husto sa ginagawa ko.

"Dad won't be happy with this, Faith. Tinangal ka na nga ni Daddy sa Brazil na branch dahil wala ka ng oras kay Ethan, at ngayon na hawak mo na lang ang dalawang kompanya ay ganoon pa rin?" Sabay iling niya.

"E, 'di magsumbong ka!" inis na tugon ko, pero nakangiti naman ako sa kanya.

Alam kong siya lang naman ang nagsusumbong kay Daddy. I'm okay with it. Wala akong problema sa mga ganitong bagay sa kanya. Kung hindi rin dahil sa kanya ay baka wala na ako ngayon. I tried committing suicide a few times before while I was pregnant with Ethan. Hindi madali ang pinagdaanan ko. I hide myself inside the house for the entire pregnancy.

Mom and Dad supported me. I cut ties with everyone, and that includes all my cousins in the Philippines. I still remember when Dad was about to fly to the Philippines because of this matter, and I cut myself in front of him. He's infuriated and so down heartened with me. Galit na galit si Daddy noon, at gusto niyang parusahan ang lahat ng taong nanakit sa akin.

Everyone's eyes was one me, because I was so reckless and wanted to end my life so soon. Ilang beses na nila akong sinugod sa hospital noon. Hanggang sa bawat galaw ko ay may bantay na. My Ate Fenella, Kuya Enrico and twin sister Hope was so worried and was my guard too. Lahat sila sa akin nakabantay sarado. Hanggang sa nagising na lang ako isang umaga at napahalagahan ko na ang buhay ko.

Why would I end it? Just because I was broken? So stupid! Yes, I was like a puzzle that even until now remains unsolved. The baby inside was innocent, he's innocent. Kaya simula noon pinilit kong mamuhay ng maayos hindi para sa sarili ko, kung 'di para rin sa anak ko.

I want to prove to them that I can achieve a good life too. I wanted to prove to them that I can still reach my dreams and they can be proud of me again. And yes, I did that... And here I am now sitting on this big CEO desk of Benevente INC. Hindi man ako naging sikat na fashion designer ay hindi ko naman binitawan ang pangarap na iyan. Iba nga lang ang naging prioridad ko ngayon.

Ate Fenella is holding the main branch in Greece and the Rampage Society in Italy. Kuya Enrico is in charge of the main branch of Electronics in Greece and Asia. While I and my twin sister Hope are managing the branch here and other branches too. Tinangal lang sa akin ni Daddy ang branch sa Brazil, at pinaubaya muna ito kay Hope. Dahil sa kapabayaan ko kay Ethan.

"For your information, Faith. Hindi ako ang nagsusumbong kay Daddy ano!" Irap niya.

Tumaas na ang kilay ko. Alam ko naman na siya lang din ito.

"Huh, I know you, Hope. But it's okay because I can have my one-month holiday in the Philippines," kindat ko sa kanya.

Bahagya na siyang natawa at napailing na.

"Sana nga pala sinabi rin ni Ethan ang nangyari sa school. Para matangal ka ni Daddy sa isang branch pa," irap ulit niya.

Nahinto ako sa pag-type sa laptop at tinitigan siya. Hindi nga naman siya nagbibiro ngayon...

"What the- Is it Ethan?" namutlang tugon ko.

Tumango na siya at ngumiti lang din.

"Sabi ko namna sa'yo 'di ba? Ethan is not getting any way younger anymore... And he noticed that there's something missing, Faith. Hindi mo siya binibigyan ng atensyon, dahil sa trabaho mo. Kaya ayon kina Mommy at Daddy and sumbong niya," tawa niya.

Napabuntong hininga na ako. Ang anak ko talaga! Saan nga ba siya nagmana!

"Mom and Dad love him so much. Unang apo e..." Her brow lifted with a smile on her face

"Ugh!" I rolled my eyes at her.

"Faith... He's got your stupid personality now, I tell you. He's all packed up anyway. Excited siya dahil sasama siya sa'yo."

"What!? Did you?"

Namilog na ang mga mata ko sa kanya. I can't believe this!

"Yes... Kaya huwag ka ng magreklamo. I'll see you in the Philippines too. Susunod ako, promise!" ngiti niya habang palabas sa opisina ko.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala na 'di ba? Kaya wala na akong choice at isasama ko na siya.

I got home early and as expected my little baby is leaning on the window of his bedroom and patiently waiting for me. Ilang beses na sa akin sinabi ito ni Yaya. Palagi raw nakaabang si Ethan sa akin talaga. Minsan nakatulog na lang daw ang bata sa paghihintay na nakatitig sa bintana.

"Mommy!!" Sabay takbo niyang papalapit sa akin.

"I've missed you, Mommy!" yakap at halik niya.

"I miss you too, baby..." Halik ko sa noo niya.

Napatitig ako sa mga mata niya at halata ang sobrang saya nito.

"Mom, Tita Hope said that I'm going with you to the Philippines. That's why I picked up my stuff! And it's all ready!" Excited sa boses niya at tumango na ako.

"Yes, I'm taking you with me together with Yaya too okay... And your Tita Hope will follow too."

"Wow! That's gonna be fun, Mom! Yehhey!" Sabay lundag niya.

"Okay, go to bed early now, because Mommy will just fix all the stuff that we need to take with us okay? Be a good boy," sabay haplos ko sa ulo niya.

"Yes, Mom! I can't wait to visit Dad's grave too."

Nawala ang ngiti ko sa sinabi ng anak ko. Parang binuhusan ako ng malamig na yelo ngayon sa harap ng bata.

"Can we visit Dad's grave too, Mom?" lambing na boses niya.

"Ah, w-we will see, anak. It's been a while and probably-"

"Please, Mom... I've wanted to see him and visit him. Don't you feel sorry for Daddy? He died and you never even visited him?" kurap ng mga mata niyang nakatitig sa akin.

I lied... Alam kong sinungaling ang sabihin na patay na ang Ama niya. Pero ito lang din ang pinakamabisang paraan na naisip ko noon. He dead because he was at war and he's an army. He served and died for the country.

Napalunok akong nakatitig sa mga mata ng anak ko. His innocent smile and stare are giving me guilt inside. I nodded and hugged him.

"Okay, we will visit him, anak... We will..."

.

C.M. LOUDEN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro