27. Ethan
-at present- after so many years.
"Can you please do a little polish of this, Edna?" kalmadong tugon ko sa kanya.
"Sorry, Maam Faith. I will revise this again," mabilis na kilos niya.
Pinaikot ko lang din ang swivel chair at inabot ang cellphone ko na nasa kabilang banda. I finished the design and I just made it in time. Kanina pa ito hinintay ni Maya para sa kasal niya. After six years, she's getting married at the age of twenty seven. Ang mensahi niya agad ang nabasa ko.
Maya's message to me:
Oh my goodness! Ang ganda, Faith! The best ka talaga! I can't wait to see you on my wedding day, and please take care of my wedding dress. (Flying kiss emoticon niya.)
I reply with a big thumbs up and a heart shape emoticon. Then I looked at my calendar. I still have two weeks to go before her big day. Natapos ko na ang ibang detalye sa damit niya at konti na lang din ay matatapos na ito. I will take it with me, because I'll be attending her wedding too. Isa kasi ako sa mga bridesmaid niya, at ako rin lang naman ang exclusibong wedding gown designer niya.
"Ms Faith Mondragon!" ang boses ni Paloma.
Ang arteng kembot agad niya at pilantik ng daliri nito. Tumaas lang din ang kilay ko nang mapansin na may nakasunod sa kanya. Ang delivery boy ito, at may hawak pang dose-dosenang bulaklak.
"Good day, Ma'am. Delivery," he smiles.
Pinirmahan ko lang 'to at maingat niyang nilapag ito sa kabilang mesa. Umalis na din agad ang delivery man at naiwan kami ni Paloma.
"Oh, how thoughtful is he..." lawak na ngiti niyang nakatitig sa mga bulaklak.
Tumayo na ako at binasa lang din ang maliit na mensahi na meron dito.
Roses for my beautiful Faith.
I love you
Paul
I couldn't stop myself from smiling. Each day, every day, he always sent me flowers. Kung hindi man sa opisina ay sa bahay naman. He's out of town. He's in Greece for his business. He always makes me feel special in many ways. He's very thoughtful and very understanding. He loves me unconditionally and supports me in everything. He's one of the reasons why my life has changed so much.
"I have contacted Anna Lyse, Faith. Do you want me to book the same flight on the same day? She's on the aircraft as the steward," taas kilay ni Paloma.
"Oh, that would be nice! I'd love to catch up with her."
"Great! I'll get this all done, Ms Faith. And by the way, the school rang a few minutes ago... And, umm..."
I took a deep breath. Okay, I knew it...
"Is Ethan in trouble again?" seryosong titig ko.
Tumango lang din siya at hindi na nagsalita.
"I'll talk to the Principal, and I'll fetch him today, Paloma."
Tumayo na ako at kinuha lang din ang bag ko sa gilid. Ethan is growing up, a six-year-old boy with a character. Minsan hindi ko makuha kung bata pa ba siya dahil kakaiba siya magsalita. He's very clever and he thinks way too much with everything.
Pinirmahan ko lang ang iilang papelis na inabot ni Paloma sa akin at umalis na agad ako.
Nang maihinto ni Manong Ben ang sasakyan sa harap ng paaralan ay maingat akong lumabas dito. Nakangiti pa akong nakatingin sa malaking gate ng school. Dito rin kasi kami noon nag-aaral ni Hope. It bring backs memories during our younger years.
Sa Principals office agad ako nagtungo. Tahimik ang hallway at nahinto ako sa tapat ng pinto. I knocked three times before the door opens for me.
"Ah, Ms Faith Mondragon?" lawak na ngiti ng guro niya.
"Good Afternoon, Mrs Ezperanza."
Pormal ang tindig at ngiti ko. Pinapasok niya agad ako, at kitang kita ko sa gilid ang anak kong si Ethan. Nakayuko siyang nakaupo sa gilid na nakaharap sa Principal.
"Ethan..." mahinahon kong tawag sa kanya.
Nag-angat agad siya nang tingin at ngumiti na.
"Mommy!" Sabay tayo at yakap niya sa akin.
"How are you baby? What happen hmm?"
I looked at his eyes and it's reddish. He's got a bruise on his forehead. He looks messy. Every time I see him my heart always bleeds in silent. Kamukhang kamukha niya kasi ang Ama niya, lalong lalo na ang hugis ng mga mata niya.
"Did you get into trouble again?" Sabay ayos ko sa buhok niya.
"Yes, Mom... I'm sorry." Sabay yuko niya.
Huminga na ulit ako ng malalim at ngumiti lang din. Naging abala kasi ako sa trabaho at sa mga bagong proyekto. Kaya ang Yaya lang niya minsan ang kasama niya na nagiging tagahatid sundo niya.
"It's okay, baby... Let's see what Mommy can do okay?"
I smiled at him and he pouted his lips and hugged me. I stood up and stared at the Principal. Alam kong palaging nasasabak sa away ang anak ko dahil sa mga bullies sa school, at hindi ko siya masisi. I always listened to him, I always listen to his story before judging him.
"I believe my son didn't start this, Mr James Belvin? What do you think, Mrs Ezperanza?"
My brows lifted while staring at them.
"I've talked already to the parents of the other kids, Ms Faith. And they have admitted that-"
"And so? The problem is not with my son. Then I can't trust this school for the well-being of my son. I will withdraw everything and transfer him to a better one."
Mahigpit na yumakap si Ethan sa baywang ko. Hanggang baywang na kasi ang tangkad niya ngayon. Ang bilis nga naman ng panahon.
Namula na ang mukha ni Mr. James Belvin at napaawang ang labi ni Mrs Ezperanza. Ako kasi ang may pinakamalaking share donation sa ekswelahang ito.
"Ms Faith, we can talk about this nicely... We will do our best to maintain everything peacefully, and besides, we always believe in your son," sabay lunok niya at kurap pa.
"Mrs Faith, please..." tugon ni Mrs Ezperanza.
Napatingin ako sa anak ko na nakatingala sa akin ngayon. Napayuko ako nang bahagya para matitigan ng maayos ang mga mata niya. I hate to make an eye contact at him, because it remind me of his father. But I have to do this...He's my son after all.
"Ethan... Would you like to stay here, son? Or do you want to transfer to another school?" pilit na ngiti ko at titig sa kanya.
He stared at me while smiling, but then his eyes expression change. Ang mga mata na humihingi ng atensyon ko. Ang mga mata na humihingi ng buong pagmamahal ko. Parang nagmamakaawa ang titig ng anak ko sa akin ngayon. I know he's doing this on purpose to get my attention. I know that his classmates did not start the fight. It was him... It was my son...
I blinked my eyes a handful times while staring at him and smiling. He's not talking. Hindi siya nagsalita at nakatitig lang din sa akin ng husto.
"Okay, you're staying... Come on, let's go," sabay tayo ko.
Mabilis namang binuksan ni Mrs. Ezperanza ang pinto at lumabas na ako. Nakasunod lang din si Ethan sa likod ko. Mabilis din ang takbo ni Yaya Mercedes na papalapit sa amin ngayon. Tinawagan ko siya kanina lang para masundo si Ethan ng maaga.
"Ma'am Faith," takot na tugon niya.
Nahinto ako at matalas siyang tinitigan sa mata. Hanggang sa yumakap na si Ethan sa kanya.
"Yaya..."
"Umiwi na kayo ni Ethan, Yaya. Clean him up. He's such a mess!"
"Mommy, are you gonna be home early tonight? I would love to read stories with you before bedtime," sa nakakaawang boses niya.
Mas inayos ko ang postura at ngumiti na sa anak ko.
"I will try my best baby okay... Your Nanna or Nonno will fetch you tonight. You'll be staying with them for the weekends, okay?" pilit na ngiti ko.
Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan agad ng lungkot ang mga mata nito. I caress his head gently and kissed him for a goodbye. Nauna na rin akong humakbang papalayo sa kanila. Hindi ko na sila nilingon. Ewan ko ba...Pero naging matigas na 'ata ang puso ko dahil sa kagagawan ng Ama niya.
.
C.M. LOUDEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro