25. Broken
Broken
I tried to look cool in front of my cousins while I can hear them gossiping. Sinapak pa ni Ate Maya ang ulo nina Riley at Kean. Panay scroll kasi sa cellphone nila at panay mura pa. I know what they are up to, and I know that they're planning to fight back.
"Huwag na kayong dumagdag sa gulo!" si Ate Maya sa kanila.
"Go and fix everything! The yacht will be leaving soon!" tigas na boses ni, Ate Maya.
Napatayo na sila mabilis lang din, at kinuha ang maliit na maleta nila. They'll have to go back to Manila for three days just for the enrolment and then back again. Kailan lang daw, kaya maiiwan ako rito mag-isa na kasama ang dalawang Yaya at si Auntie Bebe.
At nang makaalis sila ay sumama na ako sa palengke kay Auntie Bebe.
Nakasuot ako ng summer dress maxi at pumasok kami sa loob ng mga gulay at condiments na paninda. Bumaliktad agad ang sikmura ko nang maamoy ko ang isang bagay na hindi ko nagustuhan.
"Excuse me, Auntie!" Sabay takbo ko patungo sa gilid na malapit sa toilet.
I felt like my intestine will come out any moment while vomiting. At nang umayos na ang sikmura ko ay agad na ininom ko ang tubig na dala ko. Huminga pa ako ng malalim dito. Kinabahan na ako, at nag umpisa kong bilangin ang araw. Then I've heard someone in the background.
"Lachie! Where have you been?" boses na babae.
Nang marinig ko ang pangalan niya ay nag-angat agad ako nang titig sa kanya. Nakatitig siya sa akin ngayon sa seryosong mga mata. My heart beats so much as his presence shockingly surprised me. Ilaw linggo ko rin na hinihintay ang mensahi niya? Ilang gabi ba na hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip ko sa kanya. And here he is staring at me like nothing's happened.
"Halika na! May nakita na ako roon." Sabay hawak ni Anette sa kamay niya.
Napakurap na ako habang tinititigan siya at umiwas agad siya nang titig sa akin at tumalikod pa. Parang sampal sa mukha ko ang inasal niya sa akin ngayon. Gusto kong maiyak pero ayaw ko namang umiyak dito. Umayos ako nang tayo at napalingod ako sa katabing gusali. Pharmacy ito at mahina akong naglakad palapit dito.
I felt so nervous as I tried to hold my breath for a moment. I'm too scared at this small thing in front of me. I covered it straight away after I put a few drops of my urine on the small top. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang nakasulat dito. Umupo na agad ako sa gilid at naghintay ng iilang minuto.
My heart is pounding so hard that I could almost lost my plot again. Wala na ako sa sariling isip, at hindi ko na alam ang gagawin ko pagkatapos nito. Mapapatay 'ata ako ni Mommy. Kaya tumayo na ako at dahan dahan na tiningan ang maliit na bagay sa lababo.
Dahan dahan kong inalis ang takip at maingat na tiningnan ang linya. There's a red colour on the first line. I paused for a moment and took a deep breath. Until I slowly see the other red line too. Mas bumilis na ang pintig ng puso ko ngayon. I'm pregnant... I'm freaking pregnant!
Kinuha ko pa 'to at tinitigan lang din. How can I be so clumsy? Paano nangyari 'to? Pinikit ko ang mga mata at tumingala sa kisame ng banyo.
Mom will kill me! And Dad will probably shoot him alive. I don't care! Umiling iling na ako.
Lumabas na ako para hanapin siya. I know things are bit rough on us lately. We haven't talk after that incident. Dalawang linggo rin na hindi ko siya nakita at hindi siya nagpakita sa akin. Nakita ko nga siya sa palengke, pero iniwasan niya lang ako na parang hindi niya kilala!
"Where are you going, Faith?" si Auntie Bebe.
I looked at her and smiled. She's holding a broomstick in her right hand. She's cleaning the yard and watering the plants.
"I need to find Lachie, Auntie."
"Si Lachie ba kamo? Akala ko ba hiwalay na kayo? Andoon kasama si Anette sa may tabing dagat, doon sa banda nila."
Namaywang siyang lumapit sa akin. Nahinto lang din ako.
"Huwag ka nga'ng paloloko sa lalaking iyon, Faith! Lahat ng babae rito hibang sa kanya!"
"Alam ko po, Auntie. May sasabihin lang naman ako sa kanya."
"Alam mo naman siguro kung ano ang nangyaring gulo 'di ba? Wala rito sila Ma'am Amber at sa akin ka binilin," seryosong titig niya sa akin, at mukhang nag-aalala pa siya.
"Na hala sige. Gusto mo bang samahan pa kita?"
"Huwag na po. Salamat."
Tinalikuran ko na siya at mabilis na akong humakbang palayo sa kanya. Nadaanan ko pa ang iba niyang mga kabarkada sa kanto.
"Hi, Faith!"
"Si Lachie?"
"Andoon sa may tabing dagat, Faith. Sa bandang bahay nila, at kasama si Anette."
Tumango ako at mabilis lang din na humakbang. Nang makarating sa bandang bahay nila ay nahinto akong saglit. Napatitig pa ako sa tree house niya na 'di kalayuan mula sa kinatatayuan ko. Napalunok na ako. Ayaw ko kasi na makita ako ng Ina niya o kaya ng Papa niya. Kaya agad na hinanap ko siya ng mga mata ko. Hanggang sa namataan ko sila ni Anette sa gilid. Lumapit ako sa kanila. Nag uusap lang naman sila na magkatabi at may kinakain pang banana que.
Humarap na ako. Ang saya nilang tingnan, dahil sa ngiti nilang dalawa. Alam kong napansin na niya ako ngayon, dahil nakatingin na sa akin si Anette. Pero hindi man lang niya ako nilingon.
"Lachie!"
Tumayo agad siya at nagpaalam na kay Anette.
"Bukas na lang ulit, Anette. Sige bye." Sabay talikod niya.
"Lachie!"
Patuloy lang din siya nang lakad at hindi na ako pinansin.
This is damn stupid, Faith! He's obviously doesn't want to talk to me! What mistake did I've done? Wala akong maalala na may kasalanan ako sa kanya? Maliban nga lang sa away nila ni Russel at ayaw ng pamilya nila kay Tita Amber, ay wala na akong alam pa...
"Lachie! Ano ba! Can we talk?"
Huminto siya nang hakbang at humarap sa akin. Nagtagpo lang din ang kapal ng kilay niya, at halata ang inis sa mga mata nito.
"What for, Faith? I'm busy."
"Busy yapping and flirting to someone? Is that you called busy?"
Hindi ko na napigilan ang bibig ko sa sobrang inis sa kanya. Dalawang linggo ko siyang hinintay, at na miss ko siya ng sobra. Pero ang makita na lang ang mukha niya sa social media ni Annette at ang hindi niya pagpansin sa akin, ay sobra na! I would still choose him over my family. Kung magulo ang mundo ng Ama niya at ni Tita Amber ay wala akong pakialam. Dahil siya pa rin naman ang pipiliin ko. Pero hindi man lang siya nagparamdam sa akin. At ngayon? Lantaran pa siyang makikipaglandian sa iba?
Huh, playboy nga naman!
"What do you want, Faith?" Sabay talikod niya.
Mabilis ang hakbang niya papalapit sa tree house, at sumunod lang din ako. Halos matalisud na ako, dahil sa tulis ng iilang bato na natapakan ko.
"Lachie... Hang-on. Can we talk in peace? Please..."
"Huh? Peace? You've ask for peace, Faith?" Sabay iling niya sa sarili.
"Ano bang kasalanan ko sa'yo, Lachie?"
Halos maiyak na ako ngayon sa sarili. Hindi ko talaga siya maintindihan. Ang hirap niyang intindihin...
"Stop it, Faith! You can't fool me anymore! I had enough of this!" galit sa boses niya.
I stop and I couldn't understand it. Why it has to be me? I can't remember I did such a mistake on him. Ano bang kasalanan ko? Oo, alam kong nagseselos niya noong mga nakaraang linggo kay Russel, at nagkagulo pa. But that was just nothing! Walang totoo sa mga chismis na 'yon! Umiyak na ako. Pumatak na ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na napigilan 'to.
"Fuck, shit!" mura niya.
"Don't shed your tears in front of me, Faith! Hindi mo ako makukuha sa paiyak-iyak mo!"
Mas umiyak na akong lalo. Gusto ko pa sanang magsalita pero wala rin lang lumabas sa bibig ko. Mas masakit pala na galing sa kanya ang insultong ganito. Hindi ko kasi inaasahan 'to sa kanya.
"Lachie..."
"Shut up, Faith!"
"Ayaw ko na! Sobra na, Faith! You're killing me inside! I'm losing my mind and I can't control it!" sigaw niya.
Napahagulgul na akong lalo habang nakatitig sa kanya. Kinuha niya ang malaking bato at galit na itinapon ito sa tubig. Nagmura na siya ng makailang ulit pa. Mas napahagulgul lang din akong lalo sa sarili. I don't know why is he so furious as hell. I can't understand it...
"Lachie, please..."
"Stop it, Faith! For Christ sake! Baka makapatay pa ako ng tao ngayon, Faith!" Sabay suklay ng buhok niya gamit ang sariling kamay. Kumalma na siya at tinitigan niya muna ako ng mariin bago siya tumalikod sa akin.
"Lachie, I'm pregnant!"
Nahinto siya, at kinabahan na ako.
"I don't know what to do, Lachie. I'm scared..." sabay iyak ko.
Nahinto siya sa hakbang at humarap agad sa akin. Parang bumagsak din ang mundo niya, pero kakaiba ito. There's a spark on his stare and I feel it... Alam kong mahal niya ako. Namaywang na siya at tumingin sa buhangin, sinuklay ang buhok gamit ang palad niya. Tumingala pa siya sa kawalan at tumitig ulit sa akin. Nanlumo lang ang puso ko nang makita ang luha sa mga mata niya.
"Lachie..."
Umiling iling na siya.
"That's not my baby, Faith? Akin ba? Sino ang totong ama? Stop torturing me, Faith... Tama na..." Sabay pahid ng luha niya sa mga mata.
Namilog na ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Hindi ko inakala na lalabas ang ganito sa bibig niya. How can he say that? What the hell is wrong with him? Is he crazy! My brows furrowed as I've stared at him.
"W-what do you m-mean by that?"
"Alam mo namang ikaw lang, Lachie! What the hell is wrong with you!?"
Namaywang ulit siya at tinalikuran lang ako.
"Let's be honest, Faith... I don't care about you anymore," sa lalim na titig niya.
Napaawang na ang bibig ko at halos matumba na ako ngayon. Humakbang na siya palayo sa akin. Hindi na niya ako nilingon pa. Napahagulgol na akong lalo at napaupo na lang din ako sa buhangin. Napahawak ako sa puso ko, ang sakit, sobra, parang mamamatay na ako sa mga sandaling ito. Sana nga pala namatay na lang ako ngayon. Parang pinatay na niya ang puso ko. Hindi lang puso ko, kung 'di ang boung pagkatao ko.
.
C.M. LOUDEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro