24. Missing You
Nagdaan ang apat araw at panay ang mensahi ko kay Lachie, pero ni wala man lang mensahi na galing sa kanya. He's phone is unattended too. Iniisip ko baka pinaparusahan siya ng ama niya ngayon. Ini-urong na ang kaso sa kanya, at naalala ko lang din ang sinabi ng ama niya kay Tita Amber.
He will do everything to keep Lachie away from us, from me...
While everyone is so excited going back to University. Here I am feeling lost and alone. I miss him so bad. Kung pwede nga lang bisitahin siya sa bahay niya ay ginawa ko na. Pero mahigpit ang bantay sa akin nina Tita at Tito, at kasali pa ang mga pinsan ko.
Today is special because Russel's family will be going back to Greece. Nagkaroon kami rito ng maliit na salo-salo na kasama ang pamilya niya. I can see how close Tita Amber and his Mom are. Parang magkapatid na sila.
"Kanina ka pa rito ah. Labas na tayo!" Hila ni Ava sa kamay ko.
"Tinatamad kasi ako at parang gusto lang din matulog magdamag," nguso ko.
"Ano ba, Faith! You will be home in two weeks soon. Let's enjoy the remaining days! Come here!"
Natawa na ako sa paghila niya sa akin ngayon. Kaya wala na akong nagawa at sumama na sa kanya.
Everyone is outside, but no one dive in the pool for a swimming. Tinamad din 'ata ang lahat mag swimming at gusto lang din na kumain. Russel's family sponsored the feast. At my litson pa talaga. Ito agad ang unang tinitigan ko dahil gutom na din naman ako.
I was about to grab a plate but then Russel handed it to me.
"Here."
"Thank you."
Kumuha na rin ako ng makakain sa mesa at nasa tabi ko lang din siya. Kumukuha din siya ng para sa kanya. Tahimik ako, at hindi ako nagsalita. Hanggang sa siya na ang nauna.
"I'm sorry, Faith..." lalim na hininga niya.
"Hmm? What for?" I shrugged but I didn't stare at him. I am focusing on the yummy foods in front of me. Mas masarap 'ata ang mga pagkain ngayon kaysa sa mukha niya.
"For all the messed. Have you gotten a hold of Lachie?"
"I don't know. I can't seem to keep in touch with him. Nawawala 'ata," kibit balikat ko.
Huminga siya nang malalim at kinuha ang crinkles at nilagay sa plato ko.
"Salamat."
"I'm sorry, and I meant it... Sana mag usap kayo. I tried to contact him to ask for an apology but I can't reach him."
"Hayaan mo na muna siya. Narinig ko ang higpit ng curfew niya kay Yaya," singit ni Bria.
"T-talaga?"
"Oo. I think his dad will throw him to the States if he keeps going on his own. Kaya mukhang sinusunod ang ama niya."
Napanguso si Bria at kumuha nang slice sa litson. Napatingin pa ako nito at napalunok na ako.
"Do you want?" si Russel sa akin.
"Yes, please," ngiti ko.
Siya na mismo ang naghiwa at nilagay ito sa plato ko. Umalis na din si Bria at pumwesto kasama ang mga kapatid niya na kumakain na ngayon. I looked at them and I smiled. My stare darted to Tita Amber and Russel's Mom. They're happy smiling too while staring at us.
"Sa Greece ka na mag-aaral?"
"Oo, tatapusin ko lang ang Uni ko. At babalik rin ako rito. Gusto mo bisitahin kita sa Italy?" lawak na ngiti niya.
"Kung may oras ka? That's fine with me," ngiti ko.
Humakbang na ako at umupo sa bakanteng mesa. Nakasunod lang din siya at naupo rin katabi ko. Tahimik kaming dalawa habang kumakain at ganoon din sila Tita. Napangiti ako sa Mommy ni Russel, dahil nakatitig kasi siya sa aking ngayon. I stared at Russel's face and I can still see his bruises. Naisip ko Lachie, kumusta na kaya siya? Kumusta na kaya ang mga sugat niya? Napabuntong hininga na lang ako sa kawalan.
"Ang sarap tingnan ng mga bata kapag ganito sila katahimik ano?" si Tita Amber sa Mommy ni Russel.
"Sinabi mo pa," tugon ng Mommy ni Russel.
"I'm happy that everything went well with them. I hope to see you in the future Faith as my son's wife," pabirong tugon ng Mommy ni Russel.
Natawa ang lahat at napangiti lang din ako. Umalma agad si Russel dito.
"Mommy, stop!"
"Nagmana sa'yo, ang dalang mainis!" si Tita Amber sa Mommy ni Russel.
Hindi na tuloy maipinta ang mukha ni Russel, at halatang naiinis na ito dahil namula na siya. Tumayo na sina Tadeo at Seth sa pagkakaupo at lumayo sa amin. I looked at them from afar and I've been wondering if they've communicated to Lachie. Malapit na magkaibigan silang tatlo. Gusto ko sanang malaman. E, panay iwas naman sila pagdating sa kanya.
The day was over and everything went well.
"Thank you for everything, Faith. And I'll see you next time," si Russel sa akin.
Tumango na ako at ngumiti lang din. Napansin ko rin ang mahigpit na yakap ni Tita sa Ina niya. Aalis na kasi sila susunod na linggo at papunta pa silang Maynila bukas. I give him my widest smile and open my arms. Kahit papaano ay naging mabuting kaibigan din naman siya sa akin.
"Good luck with your studies and career!"
"Thanks, Faith," sa matinding yakap niya.
Lumapit na din ang Mommy niya sa akin at niyakap niya rin ako.
"Mag-iingat po kayo, Tita..."
"Ikaw din, Faith."
Napatitig pa siya sa mukha ko at mariin na hinaplos ito.
"I won't forget my son's first love," sa gigil na ngiti niya.
"Mom!" si Russel sa kanya.
Narinig niya ito kahit na nakatayo na siya malapit sa kotse nila.
"Oo na..." ngiti ng Mommy ni Russel sa akin at sa lahat na.
THE next two days was so different for me. I feel so much lazy. Hindi ko alam pero ang tamad ng katawan ko palagi. Mas gusto ko lang na kumain at matulog at ewan ko ba! And I just miss him so much...
"Faith!"
Ang boses agad ni Bria ang nagbigay alarma sa katawan ko, at napabangon agad ako.
"Look at this!" Sabay pakita niya sa akin sa cellphone niya.
It's Annette's profile picture on her social media with a caption...'Having you again is more than enough for me. I love you!'
Kumunot na tuloy ang noo ko. Hindi ko kasi ma-gets ito.
"And so?" Titig ko kay Bria.
"Hang-on, scroll down," tugon niya.
I scroll down as I'm holding her phone. And to my surprise, I've seen Lach's photo with her, and she's kissing him on his cheek. Leaving that caption alone itself. It was taken yesterday. Damn it!
Umayos ako nang upo sa gilid ng kama at nag scroll pa. Wala na masyadong litrato at dalawa lang ang nandito na meron ang mukha niya.
"Sila na ba? Naghiwalay na ba kayo ni Lachie? Bakit?"
Nabingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko. It's ripping me apart inside and it hurts so much... I've been trying my best to reached out for him for the past two weeks but he never even bothered at all. Hindi ko tuloy alam kung ano ang problema niya. Well, maliban nga lang sa gulo na nangyari ay ano pa ba?
"Oh what a comment!" si Bria.
Binasa ko ito. Isa sa mga kaibigan ni Anette galing ang mensahi sa baba ng picture nila.
[Good on you, Anette and Lach, I've heard, his ex which is a Turner-Mondragon was a two timer! Pinagsabay raw sila ni Russel?]
[Ang landi nga niya ano? What's her name again?]
[Faith]
[oh, napaka unFaithful naman,] tawa nila.
At marami pang comments na masama tungkol sa akin. Pumatak na ang luha ko at tumayo na ako. Pumasok agad ako ng banyo.
"Faith..." si Bria.
"Okay lang, Bria. Maliligo lang ako. Can you wait," tugon ko sa pinto ng banyo.
.
C.M. LOUDEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro