17. Jealous
We had a good chat and night ended peacefully. Napuno ng katatawanan ang lahat sa amin ni Steve. It's like reminiscing memories since we were young. Babalik nadin sila sa Italya. Bumisita lang sila rito kina Tita Amber dahil nabili nila ang bagong Isla na katabi ng Isla nina Tita.
We took a lot of photos. Bria and Ava downloaded it directly to their social media accounts. Panay nga ang kulit nila sa akin at halatang gusto nila si Steve. Mabait naman siya talaga. Isang taon na lang din at tapos na siya sa kurso niya. But he will proceed a business administration course to help managing their business. BS Psychology ang kinuha niya. Medyo malayo nga ito sa linya ng pamilya nila.
Nagpaalam na silang lahat at binigay ko na ang cellphone number ko sa kanya. Kanina pa siya kulit na hinihingi sa akin ito, kaya binigay ko na.
"Ang gwapo ni Steve ano," ngiti ni Bria.
Halos lumabas na ang braces sa ngipin niya dahil sa kinang na ngiti sa mga mata nito. Panay lang din ang tingin niya sa litrato na kinuha niya kanina. Siya 'ata ang may pinakamaraming litratong kuha ng mukha ni Steven. Ang baliw lang din.
"I've noticed your closeness," si Ava sa akin.
"Were childhood friends. Magkapit-bahay kami noon. Pero napunta kasi sila sa Greece kay hindi ko na nakita, at ngayon lang din."
"Ah, that explained why."
"Any way have you seen the latest video of the band?" si Ava ulit.
I nodded. I saw it earlier. Bria showed it to me.
"Oo," tipid na tugon ko.
"Ang galing nila ano. But at the same time ang daming fangirl ni Lachie." Sabay higa niya sa kama.
Ngumiti na ako at nahiga na sa tabi niya. Nasa kwarto na kasi kami ngayon. Ang tagal din natapos ng dinner kanina. Napagod na ako kaya diretsong akyat na ako ngayon. Gusto ko pa sanang maligo, kaso mukhang wala na akong enerhiya.
"Oo ang gwapo niya rin," titig ko sa cellphone niya.
Kinapa ko ang sarili nang marinig ang mensahi sa cellphone ko. Nasa gilid lang din ito, at inabot ko na. Napakunot pa ang noo ko, dahil mensahi ito ni Lachie. Hindi ko namalayan na mayroong ten messages na pala sa inbox ko, at lahat ng 'to galing pa sa kanya mismo. Isa-isa kong binasa ito.
[Hi, Love. What are you doing?]
[Who's with you?]
[Enjoying huh?] angry emoticon.
[Who's that guy beside you? Ba't may paakbay pa?]
[Love?]
[Faith? Are you sleeping?]
.... And soon ...
Napabangon na ako para mag reply sa kanya. For the past five hours I didn't even open my phone. Wala naman kasi sa akin ang cellphone ko at naiwan ko lang din 'to sa kwarto.
Me to Lachie:
[I'm sorry, Love. Naiwan ko kasi ang cellphone sa kwarto. Nasa baba kaming lahat. May bisita kasi sina Tita Amber at Tito Jamie. How's your day?] -sent-
Lachie message to me:
[Sino iyung lalaki na nakaakbay sa' yo?]
Me to Lachie:
[Ah, si Steve. Kababata ko sa Italya. I haven't seen him for ages. Hindi ko naman inakala na kilala pala ni Tita Amber ang mga magulang niya. Sila rin ang bisita sa bahay kanina.]
Hindi siya nag reply at parang nagtatampo na, kaya panay na ang message ko ulit sa kanya. Pero hindi pa rin. I scroll down my social media. Bria tagged me some of her photos. There was a lot of comments, but most of it are Bria's friends. Pero may isang comment na nakuha ang atensyon ko, si Hope!
[Is he Steve? Oh my god, Faith! That's fate or meant to be?] Heart emoticon ni Hope sa comment.
Nabasa kaya ni Lachie ito? Wala namang masama sa litratong ito. Maliban nga lang na nakaakbay siya sa akin. Guilty na tuloy ako ngayon.
Me to Lachie:
[Love? Are you okay? Have you seen Bria's post? Hindi ko naman kasi alam.] message sent ko sa kanya.
I scrolled for some more and seen the family photo. Katabi ko lang din si Bria at Steve. Hay naku! Mababaliw ako nito kung mag iisip ako ng sobra! Masakit pa naman ang ulo ko. Kaya imbes na hintayin ang mensahi niya ay natulog na ako.
Me to Lachie:
[Goodnight, Love. I got a bad headache and I need to rest. I'll talk to you tomorrow.] mensahi ko sa kanya.
****
The next day I woke up with a heavy heart. I thought I can read messages from him but none! Galit pa 'ata siya at hindi ko makuha kung ano ang ikinagagalit niya sa litratong iyon.
Me to Lachie:
[Good Morning, Love.] kiss emoticon ko.
"Kumain ka na," si Ava sa akin.
Napansin niya siguro na hindi ko ginagalaw ang pagkain sa harap ko ngayon. Panay kasi ang tingin ko sa cellphone at wala man lang mensahi o reply na galing sa kanya.
"What are the boys doing in Manila?" tanong ko kay Bria.
Siya lang naman kasi ang mas higit na nakakaalam sa gigs nila.
"I've heard last night they've played in a few bars. And today I think magiging busy sila. Practice nila kasama ang sikat na banda."
Tumango na ako at kumain na.
"Why? Are you curious about, Lachie?" ngiti niya.
Natahimik na ako at ngumiti na lang din.
"Actually kuya got angry at him last night. Wala kasi siya sa sarili at panay ang mali niya. Kaya medyo napagalitan ni kuya."
Nahinto ako nang subo at nag-angat nang tingin kay Bria ngayon. Does it has something to do with me? Not being able to reply his messages last night? Hindi ko kasi napansin ang mensahi niya at dahil sa sobrang aliw ko kagabi nakalimutan ko siya. Pero iilang oras lang naman iyon para magtampo siya.
"Hindi mo ba siya nakausap kagabi? Tinanong ka niya sa akin?"
"Ha? Naiwan ko kasi ang cellphone ko sa kwarto. Pero nag usap na kami kagabi."
"Okay. Call him if he won't answer you. Medyo matampuhin si Lachie. That's his personality. Sa tagal na naging kaibigan siya ni Kuya Tadeo ay nakilala ko na ang ugali niya."
I nodded and hurriedly finished my food. I will call him after this.
Nang matapos kaming kumain ay tinulungan ko lang din si Yaya sa paghuhugas ng pingan. Ayaw pa nga niyang magpatulong pero mapilit ako. Samantalang sina Bria at Ava ay ayon nag unahan sa pag alis sa mesa. They're a bit lazy when it comes to house chores. Nasanay na kasi sa mga Yaya at katulong nila.
It was ten when I finished and I sat down in the balcony. I tried ringing him before, like half a dozen of times, but he never answered at all. Panay na ang message ko, at kahit 'seen' ay hindi magawa ito. Kinabahan na ako kaya tumawag ulit ako sa kanya.
And finally, he answered the call.
"Hello, Love... I'm sorry na."
Natahimik siya sa linya at rinig ko lang ang buntung hininga niya. Natahimik nadin ako at hinintay lang na magsalita siya.
"Kumain ka na ba?" mahinang tanong niya.
Napangiti na ako at ngumuso na, kahit na wala naman siya sa harap ko.
"Oo, tapos na... Ikaw?"
"Just finished... May practice kami mamaya at tugtog ngayong gabi."
"Ah, okay... Can we video call? Like now?"
"Ahmm," patay niya sa tawag.
Siya na mismo ang tumawag sa akin thru video messenger call. Tinakpan ko lang din ang bibig ko nang makita ang haggard na mukha niya. He comb the strand of his hair using his hand. Ngayon ko lang ba napansin na parang nag matured na siya. Kung e-kumpara ko ang mukha niya sa mga artista sa Pinas, ay ang binatang version siya ni Ian Veneracion.
"How are you?"
"I'm good now that I see you," malambing na tugon niya.
"Ba't mo hindi sinagot ang mga mensahi ko?"
Huminga ulit siya nang malalim bago nagsalita.
"I need to calm down, Faith. Or else I might say something to you bad and I don't want that to happen. I can't control my emotion, Faith. I get easily jealous and I can't stand it."
Napangiti na ako. Parang umapaw ang kilig sa puso ko. So after all he was jealous...
C.M. LOUDEN/Vbomshell
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro