15. Perfect
"Good Morning po," si Lachie kay Tita Amber at sa aming lahat.
Nakangiti akong nakatitig sa kanya. Maaga siya ngayon sa bahay at may bitbit siyang bibingka at suman. Sa pagkakaalam ko ay gawa ito ni Yaya Kuring. Nag order kasi si Tita Amber nito kay Yaya, at gumagawa si Yaya nito talaga.
Tinitigan lang siya ni Tita Amber na nakataas ang kilay at nag-iwas tingin na.
"Bebe, pakikuha nang bitbit ni Lachie at ang pera nasa katabi ng vase. Pakibigay na rin sa kanya. Salamat," si Tita Amber kay Auntie Bebe.
Sinunod ko nang tingin si Auntie Bebe at tumitig na ako kay Lachie. Napayuko lang siya habang naghihintay. Nakapwesto na ang lahat sa mesa at tahimik lang din sila. Nakatitig sina Bria at Ava sa akin at pati na sina Tadeo at Riley. Napako ulit ang tingin ko kay Lachie na nasa labas lang.
Tumayo na ako gusto ko kasing lapitan siya.
"Umupo ka, Faith!" si Tita Amber sa akin.
"Tita... M-May ibibigay lang ako para sa Mommy niya."
Tumaas ang kilay ni Tita Amber sa akin at dumating na si Tito Jamie. Siya lang din kasi ang hinihintay ng lahat bago magsimulang kumain.
"Oh, ba't nasa labas ka, Lachie? Get inside, son."
"Hindi na po... Salamat."
Napatingin si Tito sa akin. Nagtataka siguro siya dahil nakatayo na ako.
"Tito, may ibibigay lang ako sa Mommy ni Lachie. Wait lang po kukunin ko sa kwarto."
Tumango na siya at binilisan ko na ang hakbang ko. Sumenyas pa ako kay Lachie para maghintay siya.
Nang makabalik ako ay nasa labas na ng balkonahe siya. Kaya lumabas nadin ako.
"Saglit lang po, Tita..." tugon ko kay Tita Amber. Panay kasi ang sunod nang tingin niya sa akin.
Nakatayo lang din si Lachie at hinihintay ako.
"Lach!"
Lumawak agad ang ngiti sa labi niya.
"Here. Give this to your Mum. Sabihin mo sa kanya salamat ah."
May ginawa kasi kaming project ni Yaya at Auntie Bebe. Tinuruan nila ako kung paano gumawa ng fancy bracelets. Pinagkakaabahan ko ang pag-gawa ng kwintas at ipa pa. At napansin ko rin na mahilig ang Mommy ni Lachie sa mga accessories. Kaya gumawa ako ng exclusibo na para sa kanya.
Syempre gumawa rin ako ng para kay Mommy at Hope. Yari pa ang mga ito sa tunay na perlas at bato. Medyo may kamahalan pero okay lang. At least, sariling gawa ko 'to.
"Salamat. Magugustuhan to ni Mommy," sabay titig niya sa perlas na kwintas na gawa ko at bracelet.
"At sympre meron din ako para sa'yo. Pero hindi ko pa natapos, kaya mamaya ko pa maibibigay sa'yo ito."
"No need, Love."
Napansin agad niya ang kamay ko ngayon. Suot ko kasi ang singsing na bigay niya kahapon ng gabi. That was so crazy for us, because I got home at nearly dawn. Mabuti na lang at hindi ako nahuli. Tulog pa kasi silang lahat.
Humawak agad siya sa kamay ko at hinagkan ito. Napangiti na ako.
"I'll see you tonight, Love."
Tumango na ako. Mabilis lang din dahil alam kong nagmamasid si Tita Amber. Pinagmasdan ko lang ang pag alis niya bago ako pumasok sa loob.
"Boyfriend mo na ba si Lachie, Faith?" tanong ni Tita Amber habang kumakain kami.
Napatingin na ako kay Bria at Ava na ngayon at nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa kanila. Nakayuko naman sina Riley at Tadeo. Ayaw nilang makialam. Alam kong takot silang lahat sa Mommy nila. Kabaliktaran kasi sila rito. While me and Hope? Kay Daddy kami takot at hindi kay Mommy.
"Opo, Tita..." yuko ko.
I can never tell a lie when it comes to her, and even to anyone. Hindi ko ugali ang magsinungaling pero ugali ko ang maglihim. Nahinto si Tita nang subo at nag-angat nang tingin sa akin. Hindi maipinta ang guhit ng mukha niya. I know she doesn't like Lachie at all. Wala na akong magagawa kung ayaw niya kay Lachie. Mahal ko naman iyung tao.
"Oh, I don't really like his mother," lihim na tugon niya.
Tumikhim na si Tito Jamie at tumitig lang din siya kay Tita Amber. Hindi ko naman makuha kung bakit ayaw niya sa Mommy ni Lachie. E, mabait naman ito sa akin.
"Keep your distance from him, Faith. Alam naman natin na playboy ang batang 'yan," tigas na tugon ni Tita.
Tito Jamie smirked and shook his head. I looked at Bria and Ava's facial expressions, and they secretly rolled their eyes.
"Ikaw naman, Mahal. Don't judge the book by it's cover," si Tito Jamie sa kanya.
"I don't care. Basta keep your distance, okay? At kayo na rin Bria at Ava! Kung may ipapakilala man kayo sa akin na manliligaw ninyo siguraduhin niyong iyong galing sa prominanting pamilya!"
Kumunot na ang noo ni Bria at napangiwi na si Ava. Now I know how tigress Tita Amber is. No wonder, kapatid nga siya ni Daddy, na kinatatakutan namin.
It was dark when I managed to finished the bracelet that I've made for Lachie. Pang huling practice na nila ngayon, dahil bukas ay aalis na sila pa Maynila. I've heard the Bria went inside the studio to watch them but I did not join. Tinapos ko pa kasi ang ginagawa ko. Wala rin sina Tita Amber at Tito. Pumuntang kabilang Isla at bukas pa ang balik nila.
It was eleven o'clock at night when they finished the practice. Natulog na sina Bria at Ava. Naiwan na lang din na gising pa sina Tadeo at Riley. Pumasok ako sa studio habang nililigpit na nila ang bawat gitara.
"You're not sleeping yet?" si Tadeo sa akin. Napako agad ang tingin niya kay Lachie na ngayon at nakatingin na sa akin.
"Ibibigay ko lang 'to kay Lachie." Sabay pakita ko sa kanya sa maliit na box na hawak ko.
"Okay. Maiwan ko na kayo. Maaga bukas, Lachie kaya magpaalam ka na," tugon niya nito.
Nagpaalam na sila sa amin at naiwan kaming dalawa ni Lachie ngayon sa studio. Tapos nadin niyang niligpit ang gitara at nilagay sa gilid ito bago humarap sa akin.
"Yes, Love?" Sabay yakap niya sa akin nag matindi.
"Nakakapagod ba?" Haplos ko sa likod niya.
"Konti... Pero okay lang. Pangdagdag allowance nadin 'to bago ang pasukan."
"Here," abot ko sa kanya sa maliit na box.
Naupo na kami sa gilid na upuan na nandito at binuksan na niya ito. Ngumiti na siya nang makita ito. It's a handmade wood with beads bracelet. May iilang letra pa ito ng pangalan niya at pangalan ko. Maliit nga lang ito at hindi mo mapapansin kung hindi maiging basahin at tingnan.
Sinuot na niya ito at bagay na bagay nga naman sa kanya. It fits perfectly on his wrist. Adjustable din naman ito, kaya walang problema. Napansin agad niya ang gold locket na yari sa ginto. May letrang nakaukit na pangalan niya at akin. Pina-personalized ko pa ito sa isang jeweller dito sa Isla. Medyo may kamahalan, pero okay lang basta para sa kanya.
"You've spend so much for this," nakayukong tugon niya.
"Ano ka ba! Wala 'yan ano at bagay naman sa'yo," ngiti ko.
When it comes to fashions and designs ay magaling ako. Dito lang akong naging simpli sa Isla. Pero sa Italya ay kakaiba ang ayos ko.
"Come here..."
Maingat akong tumayo at hinawakan niya lang ang kamay ko. Humarap siya sa akin at seryoso. He looked at me so deeply and placed both of hands on his neck. Now he's way closer towards me. Halos magtagpo na ang ilong namin dalawa. Humawak din siya baywang ko. Natawa na ako. Naalala ko lang din ang Prom day ko sa Italya.
"Are we dancing without music?" I chuckled while whispering on his ears.
"I will sing... Just close your eyes, Love."
At nagsimula na siyang kumanta...
I found a love for me
Darling, just dive right in
And follow my lead
Well, I found a girl, beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me
'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
Darling, just kiss me slow, your heart is all I own
And in your eyes, you're holding mine
Tagos sa puso sa akin ngayon ang boses niya. He's got the most precious voice that I've ever heard. Parang kuryente ang lahat sa akin at mas yumakap na ako nang husto sa kanya.
My eyes were shut while I'm listening to him singing. Our dance is slow and it's so beautiful. Ito na siguro ang pinakamasayang alaala at sandali sa para sa akin. Memories like this is more than enough for me and is priceless. Hindi nabibili sa pera...
Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms
Barefoot on the grass, listenin' to our favorite song
When I saw you in that dress, looking so beautiful
I don't deserve this, darling, you look perfect tonight
Oh, no, no
Mm
Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms
Barefoot on the grass, we're listenin' to our favorite song
I have faith in what I see
Now I know I have met an angel in person
And she looks perfect
No, I don't deserve this
You look perfect tonight
.
C.M. LOUDEN/Vbomshell
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro