Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11. Kiss



"Mahuhulog ka!" sa mahigpit na hawak niya.

"Nahulog na nga," pilyong ngiti niya.

Sinapak ko na ang mukha. Natawa naman ako ngayon, kaya binitawan ko na.

"Kaya mo naman pala! Bahala ka na!" Tawa ko.

It's weekend today and here we are having fun climbing this tree house on top of the mango tree. Hindi ako sumama sa Isla at nagpaiwan ako sa bahay. Dinahilan ko na sasama ako kay Auntie Bebe, pero ang ending heto nakikipagtagpo ako kay Lachie.

Sa kabilang resort kami. Kanina pa kami nag iikot at panay ang kulitan naming dalawa. Hanggang sa napagpasyahan namin na akyatin ang lumang tree house nila.

They have this old tree house in this huge Mango tree on their backyard. Matibay pa naman ito at maganda ang pagkakagawa. Dalawa silang magkapatid, pero nasa Maynila ito. Ang pagkakaalam ko ay patapos na ng kursong HRM ang Kuya niya.


Hiningal akong pumasok sa loob ng tree house. Ang baliw ko kasi, imbes na sa hagdanan dumaan, E sadyang inakyat lang din namin ang puno. My god! I'm seventeen and I'm still acting crazy like a little girl. Umayos agad ako nang upo nang makita siyang pumasok dito.

"Ang galing mo pa lang umakyat."

Umayos na siya at may kinuha sa gilid.

Nilibot ko nang tingin ang buong tree house. Makakatayo ka naman dito dahil maganda ang pagkakagawa, pero maliit nga lang din ang loob. May dalawang unan at kumot. May ilaw at maliit na mesa at lampshade sa gilid. Napansin ko rin ang isang plastic na box na puno ng junk foods at biscuits.

"Natutulog ka ba rito?"

Nilingon ko na siya at nakatalikod siya sa akin ngayon. Naghubad siya nang damit. Nanlaki pa ang mga mata ko, kaya mabilis lang din na iniwas ko ang titig sa katawan niya. Uminit pa tuloy ang pakiramdam ko.

"Oo. I just like to stay here. Minsan kasi huli na akong umuuwi dahil sa practice sa banda. Kaya rito na ako natutulog," sabay harap niya. Nakadamit na siya ngayon.

"Nagpalit lang ako," papatuloy niyang salita.

Binuksan na niya ang maliit na refrigerator. Ito ang kadalasan na nakikita ko sa mga normal na hotel dito. Iyung maliit na ref lang para sa inomin at kung ano pa na ilalagay mo. Kinuha niya ang soda at dalawang baso.

"Here, drink this."

"Salamat."

At least, gumaan na ang pakiramdam ko. Ang init kasi ng pakiramdam ko kanina at hindi ako mapakali. Binuksan niya ulit ito at kinuha ang dalawang mansanas, at binigay sa akin ang isa.

"Pasensya ka na. Iyan lang ang meron ako rito."

"This is more than enough. Ano ka ba!"

"Let's eat something nice later for dinner. Sinabi ko kasi kay Mommy na rito ka kakain. Magluluto siya ng espesyal."

Napalunok na ako. Mukhang madalas na 'ata ang punto ko rito sa kanila, at mukhang nakakahiya na sa Mommy niya. Baka naman sabihin na 'atat ako. E, hindi ko pa siya boyfriend ano!

"Oh no! I should better be home, Lach. Ang paalam ko lang kasi kay Tita ay sasama ako kay Auntie Bebe. But look? Here I am with you," tawa ko.

Tumabi na siya sa akin ng upo at nagdikit lang din ang braso naming dalawa. Nasanay na 'ata ako na katabi siya, dahil parang bubblegum na kaming dalawa minsan. Napansin din ni Bria at Ava ito, kaya panay ang kantyaw nila sa akin.


"Is he courting you right? Faith?" si Ava.

"Is he? Omg! Sinagot mo na ba?" si Bria.

"No, not yet..." sagot ko sa kanilang dalawa. Nakangiti silang pinagmamasdan ako.

"If ever, siya ang unang magiging boyfriend mo ano?" si Ava sa akin.

"Take precautions okay. Alam mo naman na marami ng babae ang dumaan sa kanya. Huwag ka basta-basta bibigay agad," nguso ni Bria.

"Bakit nagka boyfriend na ba kayong dalawa?" Kunot-noo kong tanong sa kanilang dalawa.

Pinaikot lang ni Ava ang mga mata niya. "Tell me about it! Luckily it's school holiday. Hindi ko makikita ang bwesit na ex ko!"

Natawa na si Bria. "Kasi naman eh! Pumatol sa campus heartthrob."

"E, ikaw fangirl!"

Natawa na akong pinagkinggan ang banggayan nila.

Napangiti ako sa sarili ko ngayon habang iniisip ang pinag-uusapan naman magpinsan noong nakaraang araw.

Nabigla ako sa biglaag paghawak ni Lachie sa kamay ko. I looked at the piece of fashion bracelet that he put around my wrist.

"I want you to have this, Faith," sabay suot niya nito sa akin.

Isang silver na bracelet na may desenyong puso at bituin. Ang cute nga naman nito. I smile while looking at it.

"Thank you."

"Ano 'to birthday gift? Malayo pa birthday ko, in six months pa."

"Oo, E, babalik ka ng Italya..." lungkot na boses niya.

Ngayon na naalala ko lang na babalik na pala ako sa susunod na buwan ay parang natahimik na ako ngayon sa tabi niya. I heard him sighed deeper and slowly he caress my hand and hold it tighter. Napatingin na ako sa kamay naming dalawa. Our hands perfectly fit together...

"I love you, Faith," matinding titig niya.

I know that he's courting me and lately he's showing a lot of his physical affection. Gusto ko mang magpakipot e, ang arte ko lang din. I know I will be back in Italy in seven weeks. Mas maganda na kahit papaano ay ma-experience ko naman na maging buong boyfriend ko siya.

Natulala lang ako at agad na ininom ang soda ko. Panay lang din ang pisil at hawak niya sa kamay ko. Hanggang sa dumampi na siya nang halik sa kamay ko ngayon.

"Okay lang... Maghihintay ako," tikhim niya sabay pisil ng kamay ko.

Mas uminit lang lalo ang pisngi ko. Isama mo pa ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Should I say yes? Ba't ko naman patatagalin pa 'to.

Hindi na tuloy ako makangiti nang tinitigan siya. Panay lang din ang pisil niya sa kamay ko at titig na titig pa.

Oh, my heart!

"Okay," tango ko at ngumiti na sabay titig sa mga mata niya.

"I love you too..." sabay yuko ko.

Nabigla pa tuloy ako sa agad na yakap niya ngayon. My heart is beating so much that it's causing so much chaos inside me.

"Lach..." Titig ko sa kanya.

"I love you, Faith," sabay halik niya.

Imbes na itulak siya ay napapikit mata na ako. Paano nga ba ang halik? Hindi ka nga ginalaw ang bibig ko. Pero dampi lang din naman ang ginawa niya at sabay na niyakap ako nang mahigpit.

"Thank you for making me the most happiest person, Faith. Thank you." Yakap ulit niya.

.

C.M. LOUDEN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro