Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Tears of a Fallen Angel


A/N: This story is a repost. Entry ko ito noon sa Opening Line contest ng Wattpad Ambassadors. Anyways, written a year ago. Hindi ko ito naiproofread. Pasensya na XD


Tears of a Fallen Angel

"I can give you 121 reasons why this story isn't for you but..." I stopped bago ko pa man masabi sa kanya ang dahilan. Sa oras na masabi ko yun, talo na naman ako.

"But?" she asked.

"Forget it. Never mind," sagot ko.

"Then bakit mo binibigay sa'kin 'to?" tanong niya sabay taas sa folder na inabot ko sa kanya.

"I...I...I don't know," I sighed, feeling defeated.

Katangahan ko rin. Hindi ko gustong malaman niya ang dahilan kung bakit ibinibigay ko ngayon sa kanya ang isang storyang sinulat ko pero malalaman niya rin naman eventually kung ano yun sa oras na mabasa na nya 'to. Kaya kahit anong gawin ko, talo pa rin ako. Lagi nalang.

"Basahin mo nalang yan pag-uwi mo," dagdag ko.

"Sav, masaya ka ba?" she asked out of nowhere.

Napatingin ako sa direksyon niya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Pero nagkakamali siya dahil hindi na niya ako madadaan sa mga matang yan.

"Sobra. Sobrang masaya ako. Now, if you excuse me. Kailangan ko ng umalis, may mas importante pa akong pupuntahan. Don't worry, nabayaran ko na ang bill," paalam ko saka tumayo.

"Bakit, Sav? Why are you doing this? Bakit mo ako pinapahiya sa sarili ko? Masaya ka ba na makitang miserable ako ngayon?!" sunod-sunod nyang tanong.

"Hindi ka mapapahiya sa sarili mo kung malinis kang tao, Sar. And why am I doing this? Huwag kang umaktong wala kang alam sa nangyari sa 'kin noon," sagot ko dito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Huh, really, Sar? You really think na hindi ko alam hanggang ngayon na ikaw ang nag-utos kay Rin noon? Truth revealed itself, sis. Nahuli ka yata sa balita."

Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Wala itong naisagot kaya napagpasyahan ko ng umalis.

Pero bago ako tuluyang makalabas ay muli syang nagtanong.

"Asan na? Asan na ang kapatid ko? Bakit siya naging ganito? What happened to Savarah? What happened to that angel?" bakas sa boses niya ang pagkadismaya.

Seryoso sya? Tinatanong nya ngayon kung bakit ako nagkaganito? Tinatanong nya kung anong nangyari sa 'kin?

I stopped walking at muli siyang nilingon. I flashed a sarcastic smile bago sya sinagot.

"What happened to that angel? Matagal na siyang wala. She's now a fallen one, dear," I said and walked away.


**

Paano nga ba naging fallen angel ang isang dating hindi makabasag pinggan na anghel?

Hindi ko sisimulan ang istoryang ito sa isang "Once Upon a Time..." o kaya'y "Isang araw, sa kaharian ng blah, blah, blah..." kasi in the first place, my story is not a fairytale, and fairytales tend to have happy endings.

Hindi ako isang prinsesa. Siguro nga mas fit pa sa akin ang role na villain. Isa akong villain sa story ng nanay, tatay at kapatid ko.

Let me start this by telling you na isa akong anak sa labas. Anak ako ng isang babaeng hindi nakapagtapos ng kolehiyo dahil nabuntis ng isang negosyanteng may pamilya.

Nakatira ako kasama ang masakitin kong ina na wala namang ibang inatupag kundi ang pagsusugal at pakikipag-inuman. Hindi ko lubos maisip kung bakit nagagawa pa nyang uminom kahit alam naman niyang masakitin siya.

Pinipigilan ko siya pero hindi naman sya nakikinig sa 'kin. Lagi naman siyang hindi nakikinig actually.

Alam ng biological father ko at ng wife niya ang tungkol sa 'kin. Masaya naman ako kasi kahit papaano ay mabait naman sa 'kin ang asawa ni papa, mas mabait pa kay papa sa totoo lang. Sya madalas ang nag-aabot ng pera para sa pag-aaral ko.

May mga panahon ring naiisip ko na sana yung asawa nalang ni papa ang totoo kong nanay. Ni hindi kasi ako matapunan ng tingin ng mga sarili kong magulang. Parang nandidiri sila sa tuwing nakikita ako.

Ito ang pakiramdam ng isang unwanted.

Minsang nagkaroon si mama ng malubhang sakit na naging dahilan para maulila ako sa ina. Dahil sa pagpupumilit ng asawa ni papa, napilitan siyang patirahin ako sa kanila.

"Who is she?"

Yun ang unang beses na marinig ko ang boses ng kapatid ko. Madalas syang makwento ng mama niya sa 'kin dati. Mas matanda siya sa akin ng isang taon.

"Kapatid mo sya, Sar. Sya yung sinasabi ko sayo'ng half-sister mo," pakilala sa 'kin ng mama niya.

"Walang akong kapatid," matigas nitong tugon saka nagwalk-out.

"Sarina!"

Sa mga oras na yun, naiisip ko na na unang beses palang akong makita ng ate ko ay kinamumuhian na niya ako. Parang eksena lang na napapanuod ko sa isang teleserye.

Nilipat ako sa school kung saan nag-aaral si ate Sar. Naging dahilan yun para mas malayo ang loob nya sa 'kin.

"Dalhin mo yung bag ko sa kwarto tapos dalhan mo na rin ako ng meryenda," utos nito.

I obliged at binigyan ito ng ngiti. Dalawang linggo na syang ganito sa 'kin, madalas kung ano-anong inuutos at madalas pinapahirapan ako. Pero sinusunod ko pa rin siya kasi gusto kong magkasundo kami.

Kung fairytale lang sana ang buhay ko, ako na sana ngayon si Cinderella, pero hindi eh.

Nasa gilid lang ako ng pool isang araw ng itulak ako ni ate. Alam nyang hindi ako marunong lumangoy pero tinulak pa rin niya ako. Pinapanuod niya lang ako habang nalulunod. Hindi ko aakalaing magagawa sa 'kin 'to ng sarili kong kapatid.

Mabuti nalang at naihaon ako ng mga katulong sa bahay bago ako mawalan ng malay.

Nalaman ng mama ni ate ang ginawa nya. Dahil dun, grounded si ate Sar at confiscated ang mga gadget nya.

"I hate you! I hate you! I hate you!" sigaw nito.

"Ate Sar, sorry na."

"Shut up! Simula ng dumating ka dito puro nalang sakit sa ulo ang binibigay mo sa 'kin! You witch! Kontrabida ka talaga!" bulyaw nito at isinara ang pintp ng kwarto niya.

Kontrabida. Yun ako sa teleserye kung saan bida ang ate ko. Yun ako sa buhay niya. Isang dakilang kontrabida.

Natigil ang pang-aaway ni ate sa 'kin sa bahay pero baliktad naman ang nangyari sa school.

Madalas akong binubully sa pangunguna niya. Araw-araw iba't ibang pranks at pambubully ang ginagawa nila. Ayokong magsumbong, ayoko kasi magagalit lang lalo ang ate ko.

Araw-araw, iba't ibang masasakit na salita ang naririnig ko mula sa kanya. Masakit, pero hindi ko magawang depensahan ang sarili ko kaya hinahayaan ko nalang hanggang sa mamanhid na ako at nasanay na sa mga masasakit na salitang yun.

Habang nag-iisa sa school canteen isang araw, may biglang nakishare sa table kung saan ako naka-upo. Iyon ang unang pagkakataon na may lumapit sa 'kin.

"Hi, Sav," ani nito.

Nanlaki ang mga singkitin kong mata ng marinig ang pangalan ko.

"Kilala mo ko?" tanong ko.

"Oo, pansin ko kasing madalas kang ma bully. Hindi ko nga alam kung bakit eh, mukha ka namang mabait. Sa totoo nga nyan matagal na kitang gustong lapitan saka makipagkaibigan kaso parang ang distant mo. Rin nga pala," pakilala nito.

"B-bakit mo naman ako gustong maging kaibigan? Babae ako, lalake ka. Saka bakit ako?" pagtatanong ko. Nakapagtataka rin kasi.

"Kailangan ba ng dahilan para kaibiganin mo ang isang tao? Sa pagkakaalam ko kasi hindi naman kailangan yun. Wala namang kaso kung lalake o babae ang kaibigan mo ah," paliwanag nito.

At sa araw ding yun ay nagkaroon ako ng kaibigan.

Madalas na akong may kasabay tuwing lunch kasi nandiyan na si Rin. May nakakakwentohan na rin ako at dahil din sa kanya ay nakakalimutan ko kahit papaano ang mga problema ko. Nabawasbawasan na rin ang mga nangbubully sa 'kin.

Masarap pala ang pakiramdam ng may isang kaibigan. For the first time in history, naramdaman kong may nagpahalaga sa existence ko. For the first time naramdaman kong hindi ako unwanted.

Kaya lang gusto ata ni tandhana na ipaalala sa 'kin na dapat malungkot lang ako lagi.

Gabi iyon ng kaarawan ko. Wala ni isa sa bahay ang nakaalala nito. Napagpasyahan kong magpahangin at magmuni muni muna sa labas.

Ngunit hindi ko akalaing ang pagmumuni kong iyon ay mauuwi sa isang trahedya, sa isang pangbababoy at pang-aabuso.

Ginahasa. Binugbog. Pinagsamantalahan.

Walang tumulong. Wala ni isa ang nakarinig ng sigaw, iyak at pagmamakaawa ng babaeng pinagsasamantalahan.

At sa lahat ng taong pwedeng gumawa ng karahasang iyon, bakit siya pa? Bakit si Rin pa? Bakit ang matalik kong kaibigan?

Gusto kong ipikit ulit ang mga mata ko pagkamulat nito kinaumagahan. Naiyak ako hindi lang dahil sa nangyari kung hindi pati na rin dahil buhay pa ako. Mas gugustuhin ko pa sigurong mawala nalang sa mga oras na iyon.

Kinamumuhian ko ang mundo. Kinasusuklaman ko ito.

Hindi na ako bumalik sa mansion. Mas pinili ng mga paa ko ang maglakad patungo sa isang tulay at doon ay tumalon.

Akmang tatalon na sana ako ngunit isang pares ng kamay ang humila sa akin. At ang may-ari ng mga kamay na iyon ang tumulong at nagbigay pag-asa sa 'kin. Ang mga kamay na 'yon ang nagparamdam sa akin na may saysay pa rin pala ang buhay ko. Ang mga kamay na iyon ang dahilan kung bakit naging isang manunulat ako ngayon.

Life is unfair. Yan ang mga gusto kong iparating sa bawat istoryang sinusulat ko. Yan ang dahil kung bakit puro tragic stories and nababasa ng readers ko.

I originally wrote this story for myself. I wrote this story para ipaalala sa sarili ko kung paano ako naging successful.

But then later on, I found myself writing this story not for me but for that someone. For that someone na nag-iisa ngayon. For that someone na walang-wala ngayon. Nabankrupt ang family business nila. Her boyfriend cheated on her at iniwan sya nito matapos malamang buntis ito sa kanya.

Gusto kong mabasa niya to at ipaalalang kahit gaano man kasakit ang mga nagawa niya sa 'kin noon, nandito pa rin ako. I want her to know she's not alone, cause I know how it feels to be one.


**

I closed my laptop at nahiga sa kama ko.

Naisipan ko na namang basahin ang kopya ko nung storyang binigay ko kay ate Sar dati.

Everytime I read this, I can't help but wonder kung ano kaya ang naramdaman ni ate noong mabasa nya 'to.

Nagsisisi kaya siya? Naaawa? Hindi ko alam, at wala akong kaide-ideya kung ano yun.

Madalas kong marinig sa mga tao ngayon na nagbago na daw ako. Asan na daw yung mabait na Savarah. Maraming naiinis sa 'kin ngayon dahil sa maldita kong ugali.

Sa totoo lang hindi ko rin alam kung asan sya. Gusto ko syang hanapin pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

I guess it's true that pain changes people.

Pero kahit anong pilit kong kamuhian siya, hindi ko kaya. Kasi pamilya ko sya, kapatid ko and I will always love her.

Nakaramdam ako ng likido na tumulo mula sa mga mata ko. Pinunasan ko ito ngunit hindi sila tumitigil sa pagtulo.

Kahit papaano ay marunong pa rin pala akong umiyak.

Akalain mo yun, even a fallen angel still knows how to cry.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro