Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Cut the Chase

Cut the Chase

Would you still run after a person who's also trying to run away from you?

Three. Two. One.

"Raveeeeen!" sigaw ko na halos ikasira na ng vocal chords ko.

Hindi naman nasayang ang sigaw ko'ng iyon dahil napahinto ko siya sa paglalakad. Nilingon ako nito at wala akong ibang nakitang emosyon sa kanyang mukha kung hindi irritasyon.

Kinuha ko ang opportunity na 'yun para tumakbo at makalapit sa kanya.

"What?" tanong nito na may halong pagkainis.

Nasanay na rin naman ako sa kasungitan ng isang 'to kaya binaliwala ko lang ang tanong niya at binigyan siya ng isang malawak na ngiti.

Nagsimula muli itong maglakad noong nasa tapat na niya ako. Kumpara sa normal nitong lakad, which is sobrang bilis, medyo maliliit ang mga yapak nito ngayon.

If I know, binabagalan lang nito ang lakad niya para magkasabay kami. Bulong ng malandi kong konsensya.

Sige lang, umasa ka lang, May.

"Valentine's day na bukas," ngiting ngiti kong tugon.

Silent mode si chong.

"May plano ka na bukas?" tanong ko.

Wala pa rin itong imik at patuloy lang sa paglalakad habang nakakunot ang noo.

"Uy, bigyan mo ako ng regalo ha," with puppy eyes kong hiling.

"Bakit naman kita bibigyan? Ano ba kita?" masungit nitong tanong.

"Nililigawan mo ako!" self-declaration ko.

Nakita ko itong nagsmirk. Shems, ang gwapo nya talaga.

"Baliw ka na."

"Uy , sige na ha. Please," pangungulit ko dito na may kasama pang pagyuyog sa kanan nitong braso.

"Please..."

Bahagya naman akong nagulat no'ng marahas nitong inalis ang mga kamay ko sa kanyang braso.

"Ano ba?! Bakit ka ba sunod ng sunod?!" sigaw nito. Mabuti nalang talaga at sanay na ang mga tao dito na sigawan ako ng isang 'to.

"Ni hindi mo nga napansin na lumagpas ka na sa classroom mo!" dagdag pa nito.

Ang noo'y pagkagulat ay biglang napalitan ng isang malawak na ngiti.

Ang OA nito. Magkatabi lang naman classroom namin. Pero akalain mo yun, concerned siya kasi lumagpas raw ako. Sige lang, May, mag-assume hangga't gusto mo.

"Ito naman..."

"Shut up! And please lang stop following me!" sigaw ulit nito.

Hindi kaya masira ang vocal chords ng isang 'to kakasigaw?

"Yow, chill, dude. Saka no way. Habang buhay kitang susundan," sabi ko na may kasamang kindat.

Tinapunan ako nito ng isang nakakadiring tingin na para bang isang malaking kahibangan ang pinagsasabi ko.

"Sabi nila follow your dreams, kaya susundan kita," dagdag ko pa at bahagyang natawa sa mga salitang lumabas sa bibig ko.

"Baliw ka na talaga," bulong nito na may kasama pang pag-iling. Tinalikuran ako nito at pumasok na sa classroom nila.

"Oo, baliw sayo. Haha, bye Raven, kitakits mamaya," pahabol kong sigaw na may kasama pang flying kiss.

"Tsk. Ngayon lang kita nakitang ganyan ka baliw," komento ng matalik kong kaibigan.

"Hmmm...? 'Wag mo muna akong guluhin, nag-iisip ako ng pwedeng surprise kay Raven bukas."

"Hay, ang sarap iuntog ng ulo mo sa pader. Pero seryoso, May, alam ko naman seryoso ka dyan kay Raven eh, pero kasi nagmumukha ka na talagang desperado at atat," pagmamaktol nito.

Paminsan minsan talaga napapaisip ako kung kaibigan ko ba talaga ang isang 'to.

"Wow, napakabuti mo talagang kaibigan. Kasi naman eh, kung 'di ako ang gagawa ng moves walang mangyayari, Besh! Kita mo namang halos pagtaguan na nga ako ng isang yun."

"Kasi finifreak-out mo siya! Besh, babae ka pa rin, lalake siya. Mas maganda kung siya ang nanliligaw at hindi ikaw."

Napailing ako sa mga sinabi nito.

"'Wag mo akong daanin sa pagkasexist mo, Besh."

Nagpout siya dahil sa sinabi ko at hindi ko maiwasang mandiri. My gosh, mukhang pato ang best friend ko.

"Sayang din kasi yung friendship niyo na sinira lang nyang kabaliwan na 'yan. Close naman kayo dati diba? Sinimulan ka lang nyang iwasan no'ng nagsimula na yang kagagahan mo. Saka if I know, wala talaga yung gusto sa'yo. Kulang na nga lang masuka yun, halatang nandidiri sa mga pinaggagawa mo," ani nito at bumalik sa seselfie.

Binato ko ito ng French fries. Walang kwentang kaibigan 'to.

Sa kabilang banda ay hindi ko maiwasang mapaisip sa mga sinabi niya. Tama siya, sobrang close kami ni Raven dati. Isa siya sa mga lalakeng ka-close ko sa batch namin. Namimiss ko na yung suntukan at biruan namin.

Nagsimula kasi 'to nung hiniwalayan ako ng ex ko. Opo, nagkaboyfriend na ang isang baliw na kagaya ko.

At hindi ko matiis ang fact na nagpapakasaya yung ex ko sa ipinalit niya sa akin kaya naghanap din ako ng mapagtitripan.

"Palibhasa broken hearted si May," kanchaw ng mga kaibigan ko.

"Uy, anong broken hearted? May Monkey kaya ako," ani ko at inakbayan ang katabi kong si Raven.

Monkey ang palayaw namin sa kanya kasi minsan itong gumanap na Monkey no'ng ginawa namin ang play na The Monkey and the Turtle. Simula no'n monkey na ang tawag namin dito.

Todo hiyawan naman sila at may ilan na tumatawa pa.

*

"Uy, Raven!" agad naman akong nilingon nito.

"Oh?"

"I love you! Haha."

Simula din nun, Raven na ang tawag ko sa kanya at hindi na Monkey.

Pero 'di ko akalain na yung trip trip kong yun ay naging totohanan. Nagising nalang ako isang araw na hindi nalang basta para sa trip ko yung mga efforts ko.
Pinagpipilitan ko sa kanila na seryoso na 'ko, na may gusto talaga ako kay Raven pero wala namang ibang naniwala kundi ang matalik kong kaibigan.

Lahat kasi sila, inaakalang nangjojoke time pa rin ako hanggang ngayon.

Dumating sa puntong iniiwasan na ako nitong si Raven at halos mandiri na ito sa pinagagawa ko.

Yan, yan ang napala mo May sa kabaliwan mo. Sarap ng karma, noh?

Nang matapos ang klase namin ay agad akong lumabas ng classroom para puntahan at hintayin siya.

Pero ikinagulat ko nang madatnan ko itong nakasandal sa may pader malapit sa pintuan ng room.

Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Uy, ikaw ha, hinihintay mo 'ko," tukso ko dito.

"Assumera," masungit nitong sagot saka ibinato sa mukha ko ang isang nakalukot na papel.

Ang harass din talaga ng isang 'to minsan, kaya hindi nagkakagirlfriend eh.

"Ah, basta magdate tayo bukas ha. Tapos dapat may gift ka sa akin bukas," sabi ko dito with matching ngiting aso.

"Ewan ko sayo. Umuwi ka na," pinat nito ang ulo ko saka inayos ang pagkakasabit ng bag sa kanyang likod.

Walanghiya yun, napagkamalan pa akong aso.

"Uy, teka!" tawag ko ngunit nagpatuloy lang ito sa paglalakad.

Hindi na ata ako narinig nun.

Napabuntong hininga nalang ako habang pinagmamasdan ang likod nito.

Hanggang kalian ba ako magiging ganito sa'yo? Minsan nakakapagod din palang sunod ng sunod sa taong pilit rin namang tumatakbo palayo sa'yo.

-

"Oh? 'Bat parang hiniwa ng chainsaw 'yang mukha mo?" tanong ng napakabait kong kaibigan.

"Si Rave..." panimula ko at inilagay ang dalawa kong palad sa magkabilang pisngi.

"Duh, ano pa bang bago," ani nito at nagroll eyes pa.

Aba't kung tusukin ko kaya mata ng isang 'to.

"Wah! Valentine's Day ngayon pero wala siyang regalo sa 'kin, pagkatapos iniiwasan niya ako," pagrereklamo ko.

"May paiyak-iyak ka pa, para namang hindi ka sanay na iniiwasan at iniisnob nun," komento nito.

"Pero Valentine's Day ngayon!" pagmamatigas ko.

"Oh? Ano naman ngayon?"

Pinandilatan ko ito. Pwede bang kahit once lang suportahan naman ako ng isang 'to? Kainis.

Buong araw kong hindi nalapitan at nakausap si Raven. Akala ko pa naman magiging espesyal ang araw na 'to.

Aayain ko sana siya maglunch kaso wala naman siya sa classroom nila kaya ayun, buong araw akong nagmumok sa classroom.

Nagdismiss na ang last subject at walang gana akong tumayo.

"May, may nagpapabigay," inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang pagkagulat ng lalakeng kaharap ko.

Shit, mukha na ba akong zombie?

"S-salamat."

Tinanggap ko ang isang bouquet ng flowers at halos magnae-nae ang nagsisleeping beauty kong kaluluwa nang mabasa kung kanino ito galing.

Hindi mo binasa iyong papel na binato ko sa'yo kahapon. I was actually asking there kung pwedeng sabay tayo maglunch ngayon. Sinira mo diskarte ko, alam mo yun? Lagi mong sinisira, pinangungunahan mo kasi ako lagi.

Fine. I like you, May. I like you even before you played that joke of yours. I was already chasing you even before you started chasing me.

Let's just stop, cut the chase and walk together. Pwede ba yun?

Happy Valentine's Day by the way.

-Raven


"Oh. My. Gasoline Station!" sigaw ko na siyang ikinagulat ng lahat.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro