Final Chapter
Hi guys. This will be the final chapter of Every Game, after this will be the Epilogue.
Final Chapter
Lifeless, I was holding my breath while running away from my death. I hid from the grass but there were traps. Hopeless, I stopped from running when I saw a shot coming my way. I did everything to fight but I couldn't run anymore.
I stopped doing anything to survive but someone walked in front of me and took the shoot that could defeat me.
"Run..."
Mabilis na ginalaw ko uli ang character ko para magtago sa damuhan at nang masigurong malayo na ay bumalik ako sa base para ma-regain ang buhay ko. Natawa ako nang malakas nang mamatay ang kalaban na sumubok akong patayin.
"Poor dude," I whispered.
"Lucky," Sky teased me.
"Skill, bro," I teased back.
"I could have saved you, Maddy. Malayo ka lang sa akin," aniya pa bago tinigilan ang paglalaro at nag-stretch ng mga braso. "Ang hilig mo kasing umalis sa tabi ko."
"Salamat na lang, Sky," nanunuya kong sagot.
Napatingin ako sa wall clock ng compter shop. "It's time for the next subject," I mumbled. Bumaling ako sa kabila ko, busy pa rin ito sa paglalaro. Napansin ko ang mga nakaangat niyang daliri, ingat na ingat sa pagpindot. "It's time, Elisse. Baka ma-late tayo."
"One minute," she requested. "Oh, come, Mad. Mas late naman sa atin ang prof natin," pagdadahilan niya pa.
Kinuha ko ang phone kong nakapatong sa gilid ng keyboard. I checked the notifications. Nang wala namang importante ay ibinalik ko na 'yon sa bag ko at tumayo na.
Napatingin ako kay Sky na nasa counter na, kung nasaan ang babaeng nagbabantay rito sa computer shop. Nang mapatingin siya sa akin ay kinunutan ko siya ng noo. Kumindat lang ito bago ngumisi.
I rolled my eyes. He did it again.
"Magkano?" tanong ko nang makalapit sa kanya.
"Priceless," biro niya.
"Kaya kong magbayad, Sky. You don't need to treat me everytime we play."
Pinagmasdan ko si Elisse na umayos sa kanyang pwesto. Kinuha niya ang compact mirror sa kanyang shoulder bag at nag-ayos pa ng sarili. Napansin ko ang paninitig ng isang lalaki sa kabilang computer. Nang mapatingin ito sa akin ay sinamaan ko siya ng tingin kaya napaiwas ito.
Boys and their eyes.
Umakbay sa akin si Sky. "Good game," aniya. "Sama ka na kasi sa team namin. You could be a big help. Saka walang babae sa amin. Ikaw lang ang babaeng alam kong magaling."
Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin. "I'm not interested."
"You could seduce our enemy to let us win," biro pa niya.
"Funny."
I play when I have a vacant time, just to ease the boredom. Pero wala sa plano ko ang mga competition. Game should be for fun only. I don't want to take it seriously. I can quit the game in the middle, I can't do that in national arena. Saka I am not that good enough. Bolero lang 'tong si Sky.
"Let's go?" ani Elisse na natapos na ring mag makeup.
"Gago. Andyan si Ma'am Teresa!" dinig kong sabi ng lalaking papasok.
Sabay-sabay na tumigil ng pagpindot sa keyboard ang mga estudyanteng naglalaro rito at nagkukumahog na makahanap ng tataguan.
Namutla ako. Hinila ako ni Sky papasok sa counter at yumuko, hinila ko rin si Elisse na dumadaing pa dahil nahawakan ko ang bago niyang linis na kuko. Kaya pala ang arte niyang humawak sa keyboard.
Nahuli ang mga hindi nakapagtago. It's class hour, bawal ang mga students na maglaro sa computer shop. Kapag nahuli ka ay may parusa. Pwedeng paglinisin ng CR, papuntahin ang parents o iba pang nakakahiyang mangyayari kapag nahuli ka.
At mas lagot kami dahil dumaan kami sa likod para makalabas ng campus.
"It's class hour," dinig ko ang pagkadismaya sa boses ni Ma'am Teresa. "Lumabas pa talaga kayo ng campus para lang maglaro? Kapag may nangyaring masama sa inyo, ang school ang maaapektuhan. You are no longer kids but you are acting like babies."
Oh, no. Mga high school pa ang nahuli niya. Paano kaya kapag kami pa na college na? Baka hindi lang babies ang itawag niya sa amin, baka fetus pa.
Natawa ako sa naiisip ko.
"Enjoy, ah?" puna sa akin ni Elisse, bakas pa rin ang inis.
"Ano ba ang mas mahalaga sa 'yo? Mahuli tayo o masira ang bagong kulay mong kuko?" pabulong kong tanong.
Pinitik nito ang kanyang buhok. "Kahit naman mahuli tayo hindi ako paparusahan ni Dean. Ninong ko kaya 'yon.
Tumingala ako sa babaeng nagbabantay counter, hindi man lang kami nito magawang isuplong kay Miss Teresa. Of course, she's not going to. Andito lang naman si Sky, this girl has a crush on him.
Napaikot ang mga mata ko nang hipuin pa ni Sky ang binti ni Ann. Kumagat sa labi si Ann pero hindi makatingin sa amin. Bahagyang gumagalaw ang kanyang binti, malamang na nakikiliti.
"Stop," I whispered to Sky, annoyed.
Bumaling sa akin si Sky. "Jealous?"
"Your ass. I know Ann has a crush on you but try not to be a jerk to use it as leverage for your own advantage. That's respect, bro."
He chortled to annoy me more. "I would stop but she liked it."
"Whatever."
Pinakinggan ko ang mga eksena sa likod ng counter.
"Ma'am naman, vacant naman namin," dinig kong reklamo ng isa sa mga nahuli. "Saka hindi naman kayo ang masasaktan kapag may nangyari sa amin."
"Ridiculous reason. Sumunod kayo sa akin sa Guidance Office."
Napakagat ako sa labi nang makita ang mga binti ni Ma'am Teresa na lumapit sa counter.
"Miss Ann, maaari mo bang isumbong sa akin ang mga estudyanteng naglalaro rito tuwing class hour?" tanong ni Ma'am Teresa.
Seryoso? Sa tingin ba niya ay magsusumbong si Ann? Edi sila ang nawalan ng pagkakakitaan?
"Ang itim pala ng tuhod ni Ma'am Teresa," ani Sky.
Tumawa si Elisse habang ako ay napabuga na lang ng hangin.
"Sige po, Ma'am," ani Ann. Tumingin pa ito sa amin sandali. "I'll let you know."
Mayamaya ay lumabas na rin silang lahat. Lahat ng nakatago ay lumabas sa mga lungga, maging kami. Tawa nang tawa ang mga lalaking nasa dulo, inaasar pa ang mukha ni Ma'am Teresa na mukha raw dragon.
"I need to polish my nails again," Elisse said, looking at her nails.
Napatingin ako kay Sky na kinakausap si Ann. Hindi gaanong makatingin ang dalaga dahil naiilang ito sa sobrang lapit ni Sky sa kanya. Tango lang ito nang tango.
He's using his charm again.
Well, Sky has a charming smile, not to mention those deep dimples. He has this mannerism of licking his bottom lip. Plus point na parang naliligo ito sa pabango, kahit na pawis galing sa paglalaro ay mabango pa rin.
Elisse and I are both accounting student, si Sky ay sa architecture naman, ahead siya ng isang taon sa amin ni Elisse na nasa second year pa lang. Well, isa pa pala si Ricca na absent ngayon. Nilagnat daw pero alam kong napuyat lang 'yon dahil sa Kdrama na pinanuod.
It's been three years... sobrang bilis. Marami ng nagbago. Kael is on Grade 8 now. Hindi na ito gaanong nagkukwento tungkol sa mga nangyayari sa kanya sa school. He even said that he wanted to have his own house, para raw maging independent na siya. Si Papa naman ay busy sa business niyang auto repair shops.
Hindi natuloy ang pagbenta namin sa dating bahay. Dad saved that house, pero hindi na kami bumalik pa ro'n. Madalas kaming tinatanong ni Papa kung gusto ba raw naming pumasyal do'n pero iling lang ang sagot ko, gano'n din si Kael.
Everything is good so far.
Napangiti ako nang makita ang nakasimangot na mukha ng kapatid ko, walang gana itong naglalakad sa direksyon ko.
"How many times do I have to tell you, Mad?" pagalit na tanong niya agad pagkarating sa akin. Inalis niya ang headset sa tainga. "Marunong akong umuwi. Hindi mo na ako kailangang hintayin."
Well... his voice changed, too. Halos magkasing laki na rin kami, siguro ay sa susunod na taon mas matangkad na siya sa akin. Pumoporma na rin ang kanyang mukha, nawala na cute niyang pisngi. He is manlier now.
"Baka maligaw ka kasi," biro ko.
"Funny," irita niyang sabi bago ibinalik ang headset at nauna na itong naglakad.
Sumabay na lang ako sa kanya, wala itong imik hanggang sa makauwi kami. Napailing na lang ako. Siguro ay hindi ko na lang siya hihintayin sa susunod. He's right. Malaki na siya. He's no longer that cute Kael I know.
Sinalubong kami ni Tita Lora, ang kasam-bahay namin. Hindi rin kasi agad nakakauwi si Papa kaya minabuti na lang niyang kumuha ng kasama sa bahay, para may katuwang kami. She's been with us for almost a year. Wala naman akong masabi sa kanya dahil ginagawa niya ang trabaho niya. Hindi nga lang siya palasalita.
"Kael, your bag," puna ko nang inihagis niya lang ito sa sofa at patakbo na sana sa kanyang kwarto.
Kukunin sana 'yon ni Tita Lora pero umiling ako.
Bumaling sa amin ang kapatid kong paalis na sana. Pabagsak na bumalik ito para kunin ang bag sa sofa. Sinamaan pa niya ako ng tingin bago tuluyang umakyat.
Ano kaya problema no'n?
Uminom muna ako ng tubig sa kusina bago pumasok sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit bago inayos ang mga assignment ko. Sky texted me, tinatanong kung pwede ba raw ako ngayon maglaro.
Wala naman akong gagawin kaya pumayag ako.
Pinuntahan ko sa kwarto ang kapatid ko. Nakailang katok muna ako bago niya ako pinagbuksan. Katulad ng kanina, halata pa rin ang inis sa kanyang mukha. Pumasok ako sa loob at siya naman ay bumalik sa harapan ng computer.
"May problema ba?" tanong ko. Nanatili akong nakatayo sa gilid niya, naghihintay ng sagot.
Masungit naman siya lagi pero iba kasi ngayong araw. Parang may galit siya sa akin at hindi ko maintidihan kung bakit. I don't usually care when he acts like this, I'm used to it, but there's really something wrong this time.
"Nothing, Mad. If you forgot it then don't bother anymore," he said, eyes on the monitor.
"I didn't forget it," mapait kong sabi bago naglakad at umupo sa kanyang kama. "I just don't want to think of it."
He turned his swivel chair to me. "I miss him..."
"Kael..."
"Today marks the third year since you met him." Tinulak niya ang upuan palapit sa akin. "Don't fool me, Ate Mad. Kuya Sky has been courting you since forever. Hindi mo siya sinasagot hindi dahil wala kang gusto sa kanya, kung hindi dahil---"
"Enough," I cut him out. "He's not courting me, okay?"
"I'm not boo boo the fool." He sarcastically chuckled. "You're still holding onto the hope that one day, he will come back. Yes, he might. We can tell that. But come back for you? Stop."
I chewed my bottom lip. "Y-You don't know what you're saying."
"Oh, come on." He rolled his eyes. "I am no longer the innocent annoying kid three years ago. I actually had my first girlfriend last year. I had my first kiss, first hug. So spare me from 'you don't know what you're saying'."
Natulala ako sa kanya. Biglang bumalik ang mga alaala tatlong taon na ang nakalipas. Parang kahapon lang ang lahat. Malinaw pa rin sa isipan ko ang mga pangyayari. Everything about it... how he left me with nothing but a painful letter.
Until now... it still haunts me.
Where are you now?
Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang busina sa labas. Nakatitig pa rin sa akin si Kael, naiiling.
"Aalis muna ako," pagpapalam ko sa kanya.
Tumayo na ako at naghanda nang lumabas sa kwarto ni Kael.
"Do you know why I'm mad at you?" pahabol na sabi ng kapatid ko. "Because you always pretend you don't remember him when in fact you think of him every single time. Damn it. Don't make me hate him for leaving you."
Nanatili akong nakatalikod sa kanya. "D-Don't hate him. It's my choice, not his."
"I used to idolize him but as time passed by, I realized... he was such a jerk to leave without saying goodbye!"
Doon ko na hinarap ang kapatid ko, maluha-luhang sinigaw ang, "Hate me instead! It's not his fault I can't get over of this pain."
Nakita kong nangilid ang luha sa mga mata ng kapatid ko. Mabilis nitong iniikot ang swivel chair at muli na lang humarap sa computer. Dinig na dinig ko ang mabibigat niyang pagtipa sa keyboard.
"I'm sorry..." I whispered before skedaddling his room.
Nawalan ako ng ganang lumabas ngayon pero hindi na ako makakatanggi dahil nasa labas na sila. Inayos ko muna ang sarili ko bago sila nilabas. Tumambad sa akin ang inip na mukha ni Ricca, nakasandal ito sa sasakyan ni Sky na nasa loob, kasama si Elisse na kinukunan ng picture ang kanyang kuko.
"Ang tagal mo," reklamo ni Ricca.
Imbes na sumagot ay pumasok na ako sa likod. Sumunod din agad siya. Iniiwas ko ang tingin nang mapatingin sa akin si Sky. Naramdaman kong sumandal sa akin si Ricca.
"Iinom na lang ba natin ito?" dinig kong tanong ni Sky. "Someone is not in the mood," pagpaparinig pa niya.
I let a heavy sigh.
"Sure!" maagap na sagot ni Elisse. "I can't play right now, pinapatuyo ko pa ang mga kuko ko."
Bumaling ako ng tingin sa labas ng bintana. Umangat ang tingin ko sa kwarto ni Kael, nahuli ko siyang nakasilip sa kanyang bintana kaya mabilis niyang ibinaba ang kurtina.
"Sky, ano na naman ginawa mo kay Maddy?" dinig kong tanong ni Ricca kaya napalingon ako sa kanila. "Hindi lang ako pumasok, inaway mo na naman siya. Elisse, explain mo nga kung ano'ng nangyari."
"Maddy just ruined my nails," ani Elisse.
"Ewan ko sa 'yo," wika ni Ricca. "Hoy, Sky. Ba't nananahimik ka riyan?"
Tumawa si Sky. "I want to think she's jealous because I touched Ann's legs but I don't think so."
Nilingon ako ni Ricca, nagtaas ng kilay. "Si Kael ba?" tanong niya.
Umiling ako.
We've been friends since I don't remember, pero ni minsan ay hindi ako nagbukas sa kanila tungkol sa nangyari tatlong taon na ang nakakalipas. I thought them, not knowing what happened, would be easier for me. Pero no, mas mahirap. I have no one to talk to when it starts to haunt me again. Madalas ay nag-aalala sila sa akin kapag bigla akong lumalayo.
"I'm broken hearted," biro ko.
Tumawa si Elisse na nasa tabi ni Sky. "As if. Wala ka pa ngang naging boyfriend."
"I doubt it," ani Sky.
Nagsalubong ang tingin namin ni Sky sa rear-view mirror. Nginitian niya pa ako bago diniretso sa kalsada ang tingin.
"Just because she doesn't mention about him doesn't mean there's no him," panunukso pa ni Sky.
Bumaling na lang ako uli sa labas ng bintana. Naalala ko na naman si Kael. Hindi lang ako ang apektado sa mga nangyayari, maging si Kael ay naaapektuhan na rin. He's starting to blame him for what's going on with me. I don't want to ruin him to my brother. He was Kael's inspiration. Kaya nga nag-e-excel ngayon si Kael sa klase nila.
I don't want to ruin it.
Naramdaman kong hinawakan ni Ricca ang relo ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Why?" I asked her.
"Wala lang, para kasing nakita kong umilaw," sagot niya bago 'yon binitawan.
Kumunot ang noo ko. "Sira na ang ilaw nito," sabi ko.
Matapos ang gabing 'yon, naging ordinaryong relo na lang ito. Maging ang pag-ilaw nito ay nawala kaya imposibleng umilaw pa ito. To make sure, I checked my watch. Wala pa rin namang ilaw.
"Panglalaki talaga ang style," puna pa ni Ricca.
Tumawa na naman si Elisse. "Baka naman tomboy ka, Mad, ah? Baka magulat na lang ako, ako pala ang napupusuan mo."
"Shut up, Elisse," inis kong sabi.
"About that," pagsali ni Sky sa usapan. May kinuha ito sa kanyang likod at inabot 'yon sa akin. "I bought you a new watch. Pero ayos lang naman kung ayaw mong gamitin."
Sabay na tumingin sa akin sina Elisse at Ricca, naghihintay na hubarin ko ang kasalukuyan kong relo.
"T-Thanks," I said to Sky. Ngumiti lang ito. "Siguro ay sasusunod ko na lang susuotin."
"Try mo!" ani Ricca. Hinablot ko sa kanya ang kamay ko nang aktong aalisin niya ang relo ko.
"Pwede ba huwag niyo akong pangunahan?!" Hindi ko napigilang mapagtaasin sila ng boses.
"Whoa!" Nagtaas ng kamay si Ricca. "Sorry naman. Easy, Mad..."
Pinatong ko na lang sa hita ko ang nakakahon pang relo na ibinigay ni Sky. Hindi naman ito nagpumilit na isuot ko 'yon. Parang mas magandang umayaw na lang ako kanina kahit na nasa tapat na sila ng bahay.
"Who gave you that watch?" Sky asked.
Wala siyang nakuhang sagot sa akin. Tahimik kami hanggang sa makarating sa inuman. We rented one room. Nauna kami ni Ricca sa loob habang si Elisse at Sky ay nagpaiwan sa labas para bumili ng alak.
Umupo ako sa sofa at tumitig sa videoke. Halos mahilo rin ako dahil sa likot ng mga ilaw.
Tumabi sa akin si Ricca at kinuha ang song book.
"I'm sorry..." bulong ko.
"Huwag sa akin," aniya na ikinalingon ko. Nakatutok ito sa song book. "Kay Sky. You just ignored his gift." Tumingin sa akin si Ricca. "You know what, Mad? Why don't you just said you don't like him?"
I furrowed my eyebrows. "What?"
"Oh, come on!" pabagsak na ibinaba niya ang song book at mas humarap sa akin. "He likes you. Alam kong alam mo 'yon. Umaasa siyang baka gano'n ka rin. I know you never showed affection towards him, pero hindi 'yon sapat para putulin ang pag-asa niya. You need to voice it out. Say that you don't like him, straight into his face."
"Who says that I don't like him?"
Kumunot ang noo niya. "Maddy Grilliard?"
"Okay, fine. Crush ko siya," pagsuko ko.
Nanlaki ang mga mata ni Ricca, gumapang ang malaking ngiti sa kanyang labi.
"Matutuwa 'yon kapag nalaman niya!" excited niyang sabi.
"Sshhh... don't tell him yet."
"Fine." Bumaling si Ricca ng tingin sa pintuan bago mas lumapit sa akin. "Who is Rocky?" pabulong niyang tanong.
Nanlamig ang katawan ko.
"W-What?"
"Who is Rocky Brecken?"
"P-Paano mo siya nakilala?" tanong ko.
"I stalked your FB account," natatawa niyang sagot. "It was three years ago, but since you don't post often, it is easy to see."
No. He deactivated his account.
Wala sa sariling kumapa ako sa bulsan. Shit. I forgot my phone.
"Seryoso ka ba?" tanong ko.
Tumango siya.
He activated his account again?
Dumating din agad sina Elisse at Sky. Tumakabi sa akin si Sky habang si Elisse naman ay kay Ricca. Nagkukwento si Ricca tungkol sa pinapanuod niyang kdrama habang si Elisse naman ay nagco-concert na.
"Stop..." ani Sky nang kukuha na naman ako ng alak.
"What?" Siniko ko siya pero hindi niya pa rin binigay sa akin ang alak. "Oh, come on, Mr. Reveree. Don't be a dad here. Nagbayad din naman ako, ah?"
"Si Sky lahat ang nagbayad!" ani Elisse. "Nasa akin pera niyo."
Nilingon ko si Sky. "Why?"
"Why?" He raised his eyebrows. Nakainom na rin ito gaya ko. "Why do you always question my moves? Tinuloy ko lang ang notes mo nung makatulog ka, tinanong mo na ako kung bakit. Whenever I pay for your time after we play, you ask me why. Don't you really know?"
Napasinghap ako nang mas lumapit siya sa akin.
"Is it because you like me, huh?" I asked.
Umikot ang paningin ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.
"I like you, Maddy," he said. "Stop questioning my move now."
Tumulo ang luha sa mga mata ko. Buong lakas ko siyang itinulak palayo sa akin. Mabilis siyang nakabawi. Hinila niya ang batok ko at ginawaran ako ng halik sa labi.
"Stop..." I begged under my breath.
He didn't stop stop kissing me until he got me. I kissed him back.
Narinig ko ang sigawan nina Ricca at Ellise.
"Picture, bilis!" ani Ricca.
Walang patid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Matapos ang halik ay niyakap ako ni Sky.
"I'll help you forget him," he whispered.
That's the moment I pushed him away. Tumayo na ako at lumabas na. Marami akong nabunggo bago nakalabas. Halos gumapang na ako dahil sa panlalambot ng mga tuhod.
Pumunta ako sa parking lot. Hinanap ko ang sasakyan ni Sky. Nang matanaw ito ay saka pa bumigay ang tuhod ko. Napaupo ako sa malamig na sahig. Napangiwi ako nang maramdaman ang paggapang ng hapdi sa tuhod ko.
"Damn it!" Inalalayan ako ni Sky pero tinulak ko siya palayo.
"Stop. Go away, please?" I begged.
"Let me help you get in my car!"
"I said stop!" I screamed. "Just leave me alone, please?"
"Fine! Just let me get you in my car," aniya. "I can't leave you here. Ni hindi mo nga magawang maglakad nang matino."
Hinayaan ko siyang akayin ako papasok sa kanyang sasakyan. Isinandal ko ang likod ko sa upuan at ipinikit ang mga mata. May mga sinabi pa si Sky pero wala na akong naintindihan.
"Just don't open the door, okay?"
Iminulat ko ang mata ko nang umalis na siya.
Kinapa ko ang pinto nang maramdaman ang pagtaas ng kung ano sa sikmura ko. Mabilis akong lumabas bago ako sumuka. Medyo nasukahan ko rin ang damit ko.
"Miss, ayos ka lang?" biglang may nagtanong/
Nanatili akong nakayuko.
"Ihatid na kita sa inyo," dinig kong sabi pa ng lalaki. Hinawakan niya ang braso ko at tinulungan akong makatayo.
"Bitawan mo nga ako!" I pushed him away. "I don't know you. Jerk!"
"Ihahatid na kita," pagpupumilit niya pa.
"Stop or I'll call the police?" pananakot ko.
"You can't call the police in your condition,"
Wala akong nagawa nang akbayan niya ako at nilakad palayo sa sasakyan ni Sky. Muntik na akong matumba nang mawala bigla ang lalaking nakaakbay sa akin. Napansin ko na lang na nakatumba na ito.
"Hey, you okay?" I worriedly asked him.
Lilingon pa lang sana ako sa likod nang magsuka na naman. Nanlaki ang mga mata ko dahil nasukahan ko ang lalaking nakahandusay sa sahig. Ngayon ko lang napansin na dumudugo pala ang labi nito.
"Sorry..." Tutulungan ko sana siya nang may humawak sa braso ko.
Hinarap ko ito. Nanlamig ang buong katawan ko. Kahit na nakasumbrero ito at umiikot ang paningin ko, mabilis ko siyang nakilala. Umawang ang bibig ko pero walang lumabas na salita sa bibig ko.
He just stared at me.
"What are you doing?" he asked, infuriated.
Oh, god. I missed his voice.
Napaatras ako nang mag-umpisa itong maglakad palapit sa akin, hanggang sa nahawakan niya ang braso ko. Inakay niya ako pabalik sa sasakyan ni Sky. Inilingkis niya sa akin ang seatbelt saka na ito umalis.
Akala ko ay umalis na talaga siya. Pagbalik niya ay may dala siyang bote ng mineral water. Binuksan niya 'yon at ibinigay sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya habang umiinom ng tubig.
"You can't act like this anymore," pagalit niyang sabi. "Don't push everyone who tries to get near you. You don't need to forget the past to live in the moment."
Nabitawan ko ang mineral water na hawak ko. Bumuhos 'yon sa damit ko kaya mabilis niyang kinuha 'yon.
"Fuck it," he cursed, softly. Hinubad niya ang jacket niya at ibinalot sa akin.
I tried to touch his face but I couldn't. Hindi ko alam kung malayo lang ba siya o tumatagos sa kanya ang kamay ko. Hindi ko alam kung andito ba talaga siya o nasa isip ko lang ang lahat.
"I-I miss you..." I whispered.
Finally, he smiled. "I know."
"When will you come back?" I asked.
"You don't need me anymore, Mads," he said. "Iniisip mo lang ako pero hindi mo na ako kailangan. You're doing good now. Nabalitaan kong nangunguna ka rin sa inyo ngayon, pareho kayo ni Kael. I feel like a proud dad," he chuckled.
Nangilid muli ang luha sa aking mga mata.
"Are you good now?" I asked.
He nodded his head. "I'm better now, baby."
"Am I dreaming?"
"You're drunk," he teased me. "I'm just here to finally wave my goodbye to you."
My lips started to tremble.
"W-Where are you going?"
He just smiled. May kinuha ito sa kanyang likod. "Just like what I promised, I've finished the book."
Pumatak uli ang luha sa aking mga mata. Nanlabo siya sa paningin ko kaya mabilis ang paghawi ko sa mga luha. Natatakot akong kapag nawala siya sa paningin ko ay hindi ko na siya makikita pa.
"Here is our story," he gave me the book. "It's either you keep it or throw it away. It's up to you."
"Stay..." I begged.
Mas lumapit siya sa akin, ramdam na ramdam ko na ang hiningi niya sa mukha ko.
I missed those brown eyes.
"Our story is long over, baby..." he whispered.
Napapikit ako nang maramdaman ang labi niya sa noo ko.
"I finally have the courage to say... goodbye, Mads."
Pagkamulat ko ay wala na siya. Humagulgol ako.
"Maddy!" Napabalikwas ako nang may yumugyog sa akin. Bumungad sa akin ang nanlalaking mata ni Kael. "Sinasapian ka, Mad."
Inalalayan niya akong makaupo. Sumandal ako sa headboard ng kama at niyakap ang unan na nahagip ng kamay ko. Napahawak ako sa pisngi ko, may luha.
"You okay?" tanong ni Kael.
Hindi ako nakasagot. Ilang araw na rin akong binubulabog ng panaginip na 'yon. Minsan ko na ring hiniling na sana ay hindi na lang ako nagising. Hindi pa rin nawawala ang pag-asa kong baka bumalik siya.
Balik sa dati ang lahat. Mas naging malapit kami ni Sky sa isa't isa, gaya ng sinabi niya ay hindi na ako umaangal sa tuwing ililibren niya ako. Minsan na rin niya ako dinala sa kanila.
Tinigil ko sa pagtakbo ang character ko nang may balang papunta sa akin. Konti na lang ang buhay ko, isang tama na lang ay mamamatay na ako. Wala sa sariling kumabog ang dibdib ko nang tumama sa akin ang bala at namatay ang character ko.
"Wala na ang swerte mo, Mad," ani Sky.
Nanginig ang mga kamay ko. Saka ko lang napagtanto na wala na 'yung isang character na laging nakasunod sa akin. Sa tuwing may laro ako, andito rin siya. He would take the shot for me. He would die just to save me. Nitong mga nakaraang araw ay hindi na siya naglaro pa.
Dahil din do'n ay tumamlay ako sa paglalaro. Minsan ay tumatanggi na rin ako kapag nag-aaya sila.
It's Acquaintance Party, lahat ay required na pumunta. Wala kaming pagpipilian kung hindi ang dumalo. Nag-enjoy naman ako hanggang sa hayain ako ni Sky na pumunta sa parking lot dahil may ibibigay raw siya.
"What's that?" natatawa ako dahil itinatago pa niya sa kanyang likod.
Nakatingin lang siya sa akin. Bigla niyang inilabas ang isang bukalya ng bulaklak at lumuhod sa harapan ko.
"Will you be my girlfriend?" he asked, nervously. "I'm so tensed right now, don't mind my shaking hands."
Natigilan ako. "S-Sky..."
"If you can't say yes, just answer maybe, just don't say no, please?"
Natawa ako sa sinabi niya. "Fine. Maybe..."
Tumawa ito bago tumayo at inabot sa akin ang bulaklak. "At least, you didn't reject me."
He hugged me.
"I haven't said yes," I hugged him back.
"Okay na ako sa maybe," biro pa niya.
"Palagay muna sa loob ng sasakyan mo ang bulaklak, ah?" pagpapaalam ko dahil ayoko namang dalhin sa loob ang bulaklak. Aasarin lang ako nila Ricca at Elisse.
Ilalagay ko na sana sa dashboard ang bulaklak nang may mapansin doon. Nabitawan ko ang bulaklak na binigay ni Sky at nanginginig na kinuha ang isang libro roon.
"Your flower," sinubukang iabot sa akin ni Sky ang bulaklak na nabitawan ko pero hindi ko na 'yon natanggap.
Hinarap ko siya. "K-Kanino 'to?"
"I don't know. Bigla ko na lang nakita dyan, akala ko ay kina Ricca o Elisse. Why?"
Biglang tumulo ang luha sa aking mga mata. It was not a dream. Totoo ang lahat ng nangyari no'ng gabing 'yon.
"Is it yours?" tanong ni Sky.
I read the title. "Every Game..."
Wala sa sariling nayakap ko ang librong 'yon.
"I finally have the courage to say... goodbye, Mads."
He's here!
"Mad, saan ka pupunta?"
"Uuwi na ako," sabi ko nang hindi lumilingon.
"Ihahatid na kita,"
"Don't bother."
Narinig ko ang pagbuhay niya sa makina ng kanyang sasakyan kaya napatakbo ako. Nagtago ako sa isang puno para hindi niya ako makita. Pinanuod kong umalis ang sasakyan niya saka ko kinapa ang cell phone sa bulsa ko.
I tried to call his phone. Nanlambot ako nang sagutin niya ito.
"Where are you?" I asked.
"Mads..."
Nagsimula akong umakyat sa hagdan hanggang sa makapunta ako ng rooftop school. Mula rito ay ramdam ko ang sobrang lakas ng hangin. Nanginginig ang kamay kong may yakap sa libro.
"Mads? What's that sound? Nasa dalampasigan ka ba? Bakit mahangin?"
Lumapit ako sa edge ng rooftop. Mula rito ay kitang-kita ang mga maliliit na building sa ibaba.
"Mads?!"
"Stay..." I begged.
Tila nablangko ang isip ko sa mga sandaling ito. Iniisip ko pa lang na aalis na naman siya ay hindi ko na kaya. I don't want to wait anymore. Sawang-sawa na akong magpanggap na ayos lang.
"What?!"
"Bawiin mo ang sinabi mong aalis ka," madiin kong sabi sa pagitan ng pagluha. "Don't leave, Rocky. I need you. Stay... I need you here with me. I don't fucking want these memories if you are not with me."
"Tell me where you are!"
"Promise me that you will stay or I will jump here."
"What the fuck?!" Narinig kong naging magulo ang sa kabilang linya. Narinig ko rin ang pagbuhay niya sa makina ng sasakyan. "Stay still. Don't fucking move. I'll be there."
Humagulgol ako nang hindi ko nakuha ang gusto kong sagot. Ang gusto ko lang naman ay sabihin niyang hindi na siya aalis. Gusto ko lang namang marinig na ipangako niyang hindi na siya aalis sa tabi ko. Is that too much?
I survived three years... and I don't think I can't wait for another year anymore. It's either now or never.
"I love you, Rocky..." I whispered, sobbing heavily. "But I'm sorry. Kung balak mo akong iwan ulit, mauuna na ako."
"Damn it! Tangina. Stay---"
I ended the call as I hugged the book. Tumingala ako sa mga bituin sa itaas at ipinikit ang mga mata ko.
Matapos ang lahat, ikaw pa rin... ikaw lang... ikaw lang talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro