Epilogue (1/2)
Hi guys! I cut the epilogue into two parts. Here's the first part! Thank you for reading Every Game until here. It's been a long ride, how's it? Let me know in the comment section!
Tweet me your feels using our official hashtag: #BawatLaroWP
Now Playing: Lighthouse by Mike Perry, Hot Shade
***
EPILOGUE (PART 1)
I put my jacket on while staring at her, sleeping peacefully. Ilang mura pa ang mahinang lumabas sa bibig ko dahil nanginginig ako. Muntik ko pang maitumba ang lamesa dahil hindi ko ito napansin. Ipinatong ko ang envelope sa tabi niya, pigil na pigil na halikan uli siya.
I stared at her again. Nanlalambot ako sa tuwing nakatingin ako sa kanya. 'Yon bang kahit na gaano ako katatag, 'pagdating sa kanya ay isang pitik lang tiklop ako. That's why whenever I see her hurting, I am dying.
But it all ends now.
Huminga ako nang malalim bago siya tinalikuran. Dahan-dahan akong naglakad sa pinto, pigil na pigil na gumawa ng ingay. Gamit ang nanginginig kong kamay ay hinawakan ko ang seradura ng pinto.
Hindi ko napigilang balingan siya ng tingin. Bahagya itong gumalaw at kinuha ang malapit na unan at niyakap 'yon. She even pouted her lips after hugging the pillow tightly.
That made me smile... and made leaving harder.
"I will miss you... really miss you a lot."
Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang pinihit ang seradura ng pinto. Lumabas ako ng kwarto ni Mads. Kinapa ko ang susi ng sasakyan ko sa bulsa at pumunta sa kusina nila para ipatong 'yon sa lamesa.
I need to fulfill my promise to Kael, too.
"Be a good boy, Kael. Be the guy I will never be to your Ate Mads."
I will miss Kael, too. He's a clever boy and I can't wait to meet him again someday. Alam kong mas marami pang dapat abangan sa batang 'to. He has this aura that screams coldness, authority and his love for family is stronger than the anchor of a ship. I know he will protect Mads at any cost.
"Don't say that." Napalingon ako sa likod ko. Nakatayo ang Papa ni Mads, nakangiting nakatingin sa akin. "You are one of the best things happened in my daughter's life. Don't ever think you were not enough. You are more than enough, Rocky."
That melted me. Don't cry.
Tumawa ako. "She's not one of the best in my life." Pinasok ko sa bulsa ng jacket ang mga kamay kong patuloy sa panginginig. "She's the best thing happened in my entire existence. Thank you for bringing Mads into this world, Tito."
Tumawa rin si Tito bago lumapit sa akin. Inayos niya ang jacket kong gusot at pinagpagan pa 'yon. I was just staring at him while he was doing that.
"Don't worry about her," he finally said as he looked at me. "Don't ever feel bad for doing what's better for you, even if it's not for others. Don't ever feel bad for not having the courage to say it. Just... don't."
No matter how hard I try... tears started to loom around my eyes.
I nodded my head as I hugged him tight. "Protect Mads, Tito. Let her feel life. Goodbye..."
At least... I had said goodbye to her father.
"Ikaw rin, Rocky. Take care of yourself. Wherever you are, remember that this family is always open for you. Don't hesitate."
I will always be thankful I found these people
Akala ko ay napagaan na niya ang nararamdaman ko. Pero pagkalabas ko ng bahay nila ay mas dumoble ang sakit. Ang katahimikan at kadiliman ng paligid ay hindi nakatulong para mapatahan ang naninikip kong pakiramdam.
I can't calm down knowing this will probably be the last time I will see this things, everything will change after I leave. I don't know when I'll be back... or will I still be.
You know what is the worse part of leaving without saying goodbye? It's when... it's your only choice.
I stared at their house one last time.
"Sleep well, baby. Don't cry... I won't be there to wipe your tears anymore," I mumbled to myself, wishing she could hear me from her dream. "I won't be with you anymore. But baby... you don't need me. You are strong whether with someone or alone."
Naglakad ako sa tahimik na kalsada. It suddenly felt like I came back from where I used to be a long time ago. Homeless, vacant... and nothing. But I refused to believe that, I am no longer the lonely kid. I am braver now.
Hindi na ako babalik pa sa madilim na yugto ng buhay ko na 'yon. Ang mahalaga lang naman ay hindi ko makalimutan kung ano ang pakiramdam no'n at kung ano ang mga natutunan ko.
Kinapa ko sa bulsa ko ang cellphone. Habang naglalakad ako ay binabalikan ko lahat ng pictures namin. Hanggang sa unti-unti ko na 'yong binura... hanggang sa wala ng kahit na anong litrato ang magpapatunay na nakasama ko siya.
I'm starting another chapter...
Natigilan ako nang may pumatak na tubig sa cell phone ko. Mabilis na pinahid ko ang mata ko bago ibinalik sa bulsa ang cell phone. Ilang minuto akong naglalakad hanggang sa matanaw ko na ang isang sasakyan na palapit sa akin.
I'm leaving now...
Huminto sa tabi ko ang sasakyan. Bumungad sa akin si Tito Alvin. "Hey, boy. Let's go?"
Sumakay ako sa tabi niya. Napansin ko ang mga bagahe ko sa likod.
"Na-trasfer ko na ang pera sa bank account ng Papa niya," ani Tito Alvin. "Pati 'yung sampung libong hiningi ko sa kanya. Hindi ba talaga pwedeng akin na lang 'yon? It was not easy to stop her that night. Sinakripisyo ko pa ang sasakyan ko para lang makabili pa ng oras."
Natawa na lang ako habang naiiling. Naikwento niya sa akin nung nagkita sila ni Mads. He knew what she was up to that night, well he was the spectator, he always has our location.
"Kung hindi ko talaga siya napigilan no'n tapos nadatnan niyang bukas ang resto, baka nasira na agad ang game," aniya pa. "Pero roon ko rin napagtanto kung ano ang kakaiba sa kanyang sinasabi mo. No wonder why you are..."
Tumawa ako uli.
Shit baby. I miss you already.
Bumaling na lang ako ng tingin sa labas ng bintana. Ilang taon ba ang kailangan para magkita kami uli? Makakaya ko bang magtagal? Hanggang saan aabot ang pagpipigil ko?
This is the reason why I can't say goodbye to her. Kahit ayaw niya, hindi niya mapipigilang hindi umiyak. Alam kong sa oras na makita ko siyang umiyak sa harapan ko ay mapipilitan akong hindi umalis... o makapagbitaw ng pangako.
I don't want to promise her that... I'll be back. I don't want her to wait... that long. I don't want her to think of me whenever she'll make a decision. I don't want to confuse her feelings. It's either I will stay or go and leave nothing at all. I chose the latter one.
Promises scare me. Not because I can't keep it but because sometimes, no matter how tight you hold into the promise, time pushes you to loose it. Yes... Time scares me that most. That's why I prefer to live in the moment... when I have the assurance of things.
It's been a long ride with you, baby. But I am afraid I am not that someone you can ride with... forever. So... I'll just be fine as long as you remember. Just remember our story.
***
It's been a year... but I still can't finish this story. I still can't find the right words to fill in the spaces. I badly want to finish this novel but I suddenly don't know how to continue it. The frustration is killing me. What's wrong with me?
Inubos ko ang natitirang kape sa tasa ko. Hanggang ngayon ay bakante pa rin ang papel sa harapan ko. Hindi ko alam pero hindi ko talaga maituloy ang kwentong sinusulat ko. Hindi ko na rin matandaan kung kailan ang huling beses na may naisulat ako. But when I am almost finished... I run out of words.
Yep. There's really something wrong with me.
Pabagsak na ibinaba ko ang pen ko at kinuha na lang ang libro sa gilid ko. Napabaling ako sa labas ng bintana. It's snowing outside. Hindi rin ako gaanong makalabas dahil sa sobrang lamig. I'm stuck in here with nothing but a blank page.
"Oh, tapos ka na dyan, 'di ba?" Nilingon ko si Tito Alvin na kapapasok lang ng kwarto ko. Nakatingin ito sa librong hawak ko. "You're frustrated again," naiiling na sabi niya.
He sat on my bed, looking at me using those mischievous eyes.
"C-Can we-"
"No," he cut me out. "Fine, Mr. Brecken. Just finish that novel, I won't tease you anymore. Just don't request that."
I gulped hard. "I-I think I already know the reason why completing this novel is hard," I supposed.
Yes. Maybe the reason why I can't continue this story is because our story hasn't ended yet.
"Boy, I don't break promises. Hindi ba ang sabi mo sa akin dati kapag nagpumilit kang umuwi ng Pilipinas ay huwag kitang papayagan? You made me swear with all my soul. You even said it's for your own sake. So, no, boy. It's still a no."
Binitawan ko uli ang libro at hinawakan ang ballpen bago inikot ang swivel chair paharap sa kanya.
"But it's been a long time," I mumbled out of nowhere. "I need to see her, Tito. Kaya hindi ko matapos-tapos ang librong ito ay dahil kulang... may mga salita pa kaming hindi nasabi at nakaraan na hindi pa natatapos. I need to see her one last time and finish this book. After that... lalayo na uli ako."
I promised to write our story, I'm almost done. Tila isang piraso na lang ang hinahanap ko bago ito tuluyang magsara.
"Is that really your reason?" he asked.
"Y-Yeah," I stuttered.
He chuckled while shaking his head. "Don't fool me, boy. I saw the history in the browser of your laptop. You're stalking her social media accounts!"
"Fuck it. What about it? I miss her."
Dumadagdag pa siya sa pagkaasar ko.
"Whoa." He glared at me. "Don't curse in front of me, Rocky."
Napalunok ako bago huminga nang malalim. "Sorry..."
Magmula nung umalis ako ay si Tito Alvin na ang kasama ko. Inalagaan niya ako na parang sariling anak gaya ng ipinangako niya kay Daddy. Tito Alvin has been with me whenever I feel down. Sa tuwing natutulala ako ay aakbayan niya ako. He became my Dad. Kung hindi dahil sa kanya ay baka nas maging mahirap sa akin ang lahat.
"Hindi pa tapos ang treatment mo," aniya pa. "We can't leave yet. Fine. After you completed the treatment, I will bring you home."
Tila may sumabog na paputok sa dibdib ko matapos kong marinig 'yon. I just found myself smiling like a maniac.
Nilingon ko si Maddy na nakaupo sa lamesa. She was just staring at me using those big round eyes. Kinuha ko ito at niyakap.
I'm going to see her again...
I can't wait. Feels like having sex and you're about to cum.
Fuck. What's with that thought?
Hindi na rin ako magtatagal sa pagbalik-balik ng ospital. Malapit ng matapos ang palugit na ibinigay sa akin at pagkatapos no'n ay final test. Hopefully, wala na talaga para malaya na ulit ako. I want to see her so bad.
"You are still into her, dude," Wayne said, my doctor. Matapos niyang masuri ang blood pressure at temperature ko ay sinulat niya 'yon sa notes. "I didn't know it is possible to stay in love after a long time without connection."
Sumandal ako sa upuan. "I chose to," I answered.
"It won't take long enough, you will finally meet her again," he said as he leaned on his chair. Pinaglaruan niya ang panulat sa kanyang kamay. "You're almost done with your treatment. But... what about our plan, dude? I have a long list of places I want to go."
I gave a heavy sigh. Oo nga pala. May usapan kami dati na kapag tapos na akong maggamot ay magiging travel buddy kami at pupuntahan lahat ng lugar na gusto namin.
"I don't know, Wayne," I said, shaking my head. "Traveling takes time, and I can't wait that long anymore. I'm sorry."
"No," he shook his head. "I'm cool."
Wayne has become not just my doctor but also a friend of mine. Sa dami na ng napag-usapan namin ay kilala na niya si Mads. He even helped me on the basic knowledge about writing.
"Look at that smile," he teased me. "I remember the first time you came here, you were always spacing out and I couldn't even talk to you well. But look at yourself now, you're sparkling. Dude... is this what love can do?"
Sabay kaming tumawa sa sinabi niya.
"Fuck. Can we do the final test now? As in right now?!" I asked, thrilled.
"I don't think you still need that, Mr. Brecken. You looked good now. You don't smoke, drink alcohol or anything that kills your health. But..." Hinila niya ang upuan papunta sa mga cabinet niya at kumuha ng papel doon. "Let's schedule it as soon as possible."
"Yes! Thank you."
Nakaya kong maghintay nang isang taon pero hirap na hirap sa isang linggo. Ni hindi na nga ako halos makatulog dahil sa sobrang excitement. Wala rin naman gaanong posts si Mads sa social media kaya wala rin akong balita sa kanya.
"You're cleared," ani Wayne habang pinapakita sa akin ang brown envelope kung nasaan ang resulta ng final test na ginawa sa akin. "You've completed the treatement. But still, no alcohol for at least a month and no more smoking. Are we good?"
Nanginginig na kinuha ko sa kanya ang brown envelope. I checked the medical records. Fuck it! It's all good now. I'm trembling in so much emotion.
"Shit. Am I crying?" I asked Wayne.
"Invisible tears?" he mocked.
"Tears of joy," I smirked as gave him a tight hug. "Thank you so much, Wayne."
"No worries, Mr. Brecken. You can now go."
Later that night, Tito Alvin and I celebrated my health. He told me he has booked us a plane ticket to Philippines and we are coming home after three days. And it is insane that waiting for three days is more painful than a year.
Lagi kong yakap si Maddy habang pinapalipas ang mga gabi at habang inaalala ang mga nangyari dati.
"We will see your Mom again, baby girl," I mumbled.
Kinagabihan bago ang nakatakda naming flight, binuksan ko ang Facebook account ko at ang unang bumungad sa akin ay ang picture ni Mads kasama ang kanyang mga kaklase. Natigilan ako habang nakatingin sa kanyang mukhang nakangiti habang nakaakbay sa isang lalaki. It was Sky according to the tagged person.
I read her caption, "Living the moment 'cause why not?"
I stared at her face again. She looks good... and happier.
Pumait ang pakiramdam ko. I suddenly realized that I can't... I can't just appear again in her life like nothing happened at all. I am the reason why she was hurt... and I can't ruin her again. Masaya siya... 'yon lang kailangan ko sa mga sandaling ito.
That smile flastered on her face is more important than my need of seeing her in person again.
Ako ang umalis... ang ang nang-iwan... ako ang nanakit.
Ayoko nang guluhin pa ang buhay niya.
Siguro ay matagal na talagang tapos ang kwento namin at nag-iinarte lang ako kaya hindi ko makumpleto ang sinusulat ko.
Hindi ko maaalis ang tingin sa mukha niyang nakangiti. Kusang gumalaw ang kamay ko at inabot ang plane ticket sa ibabaw ng lamesa ko. I crumbled it and threw it in the trash bin.
I chuckled while reading her replies to all the comments. She is badass now. She has changed... a lot. There is this mixed emotion inside me. But above all, contentment. She's happy and that's what only matters to me.
"I miss you," I mumbled.
I deactivated my account again. Binitawan ko ang cell phone ko at binuksan ang drawer. Kinuha ko ang isang piraso ng papel doon at muling binasa ang invitation na mag-aral uli. I signed it.
I will stay here.
Kinuha ko ang papel at naglakad palabas ng kwarto ko. Naabutan ko si Tito Alvin na nanunuod sa sala. Tumabi ako sa kanya at inabot ang papel na hawak ko. Kumunot ang noo nito pero hindi nagtanong.
"I'm staying here," I said. "I accepted the invitation to study again. I will learn how to manage the company so I can totally help you. I-I'm not going home, Tito."
"What happened?"
"I am not going home," I said again. "Mag-aaral ako rito. I will finish what I've started."
Tumayo na ako at bumalik uli sa kwarto ko. Dumaan ako sa salamin at nakita ko ang pangingilid ng luha sa aking mga mata. Mabilis na umiling ako at huminga nang malalim.
No. This is wrong. I shouldn't feel bad seeing her happy now even without me. That's absurd. Ang dapat ko lang gawin ay pasayahin din ang sarili ko at huwag nang mag-isip pa ng mga bagay na magpapasakit sa akin.
I need to move on and let Mads live her life... alone.
Sa loob ng dalawang taon ay nagawa ko ang mga dapat kong gawin. Nakapag-travel kami ni Wayne sa iba't ibang lugar. I also finished my study and finally got my diploma. Pwede na akong pumasok sa company namin at tulungan si Tito Alvin.
"Cheers to all your success." Tito Alvin raised his wine glass so I raised mine too.
"Staying is worth it," I mumbled as I gulped the drink.
"Uuwi uli pala ako sa isang araw," ani Tito Alvin sa kalagitnaan ng celebration. "May konting aberya kasi sa mga documents ng company kaya kailangan kong ayusin 'yon nang personal."
Limang beses nga ata siyang pabalik-balik sa Pilipinas para sa company namin. Ang sabi ko sa kanya dati ay hindi na niya ako kailangang bantayan kaya pwede naman siyang manatili sa Pilipinas para hindi na siya mapagod pero mapilit lang siya.
"Babalik din ako sa Friday," aniya pa.
"Book me a plane ticket, too," I said.
Napatingin siya sa akin.
Bumaling ako ng tingin sa wine glass na hawak ko. "I will go home..."
"Are you sure?"
Tumingin ako diretso sa kanyang mga mata. "It's time to finally face what I left behind. Three years is long enough."
"But not long enough to forget her." He chuckled when I glared at him. "Chill, boy. Fine. We are going home together."
"I'm not going home for her," I said.
Humalakhak siya at halos ibato sa akin ang bote dahil sa sobrang pagtawa.
"You're damn funny, Mr. Brecken."
"Hindi ako nagbibiro," sabi ko. "Hindi talaga ako uuwi para lang makipag-ayos sa kanya."
"Fine, sabi mo eh."
Natatawa na lang ako habang iniisip ang usapan namin na 'yon. Kinain ko lahat ng sinabi ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong palihim na sundan si Mads pagkabalik namin ng Pilipinas. I even got her in-game name sa isang larong madalas nilang laruin ng mga kaibigan niya.
Ngayon ay mas napagtanto ko kung gaano kalaki talaga ang pinagbago niya. But there's something wrong. Whenever she plays, she doesn't take it seriously. She is a reckless player. I am always beside her to make sure she won't get killed.
May pagkakataon na minura rin siya ng kakampi namin dahil sa hindi siya mahilig makipag-teamwork.
"It's just a game, dude. Nothing happens here matter to me," Mads replied.
Hindi ko alam pero tinamaan ako sa sinabi niya. What about our game?
"Nakakasira ka ng laro," sagot pa ng kakampi namin.
"Fck off," she replied and that confirmed my thought.
She doesn't play because she enjoys it. It's just... she plays. Parang pinipilit niya ang sarili niya sa isang bagay na hindi niya gusto. And it still confuses me. What are you doing, Mads?
"Girls are annoying af," reply pa ng kakampi namin.
I was about to reply something when someone appeared on the chat. "Not my girl, dude," Sky replied.
Alam kong walang namamagitan kina Sky at Mads maliban sa pagkakaibigan. But I know the guy has something for Mads. He likes her. Hindi ko lang alam kay Mads. But whenever I see her smiling at him... I know she's almost in the same level as Sky.
I watched her from a far. Nakita ko kung paano siya ngumiti at tumawa. I wonder if she still thinks about me. I wonder if she still remembers me. I wonder if the answer is yes and it still matters to her.
I knew it. Sky likes Mads. Narinig ko minsan ang usapan nila ng mga kaibigan ni Mads sa isang coffee shop, nasa likod nila ako at nakikinig lang sa kanila habang humihigop ng kape. Kinukumbinsi pa siya ng dalawang babae na umamin na dahil mukhang naghihintay lang naman daw si Mads.
"Should I give it a try?" Sky asked them.
Natigilan ako. Hindi na dapat ako naapektuhan pero... I hate this. It feels like I am about to do something I will regret after.
"Yes, of course," sagot ni Elisse, isa sa mga kaibigan ni Mads. "Alam mo kaming mga babae, hindi sapat sa amin ang pinaparamdam lang, dapat inaamin din."
Gano'n ba 'yon? Hindi dahil sa hindi ko nakikitang may gusto si Mads kay Sky ay wala talaga?
What if she likes him, too?
"Fine. Sa Acquaintance party, aamin na ako," ani Sky.
Bumagsak ang tingin ko sa papel na nasa harapan ko. Humigop ako sa kape bago ko sinulat ang mga huling salita sa kwento namin.
Sometimes, someday is never, too.
I gave a sigh of relief when I finally put an end to our story.
"I'm done," I mumbled.
Pinasa ko ang manuscript sa editor at matapos niyang ma-proofread at layout 'yon ay inilabas namin ang unang copy ng book. Sobrang saya ko nang makita ang kinilabasan nito.
"Aren't you done yet?" Tito Alvin asked. "Come on, boy. You'll just hurt yourself again. Mads looks happy now."
I smiled. "That's why putting an end to our story should be done."
There is still one thing I need to do.
Isang gabi ay sinundan ko sina Mads kasama ang mga kaibigan niya. I thought they were going to play but they went in a videoke bar. Mula sa dilim ay nakita ko ang mukha ni Mads habang papasok sila... she looks sad.
What happened?
Hindi ko alam kung ilang minuto o umabot ba ng oras ang paghihintay ko bago napatingin sa isang babae na naglalakad palabas do'n. It was Mads... and she looked drunk. Pagewang-gewang pa ito ng paglalakad.
Nang mapaupo ito sa sahig ay tatakbo na sana ako para lumapit pero naunahan na ako ng isang lalaki. Lumapit si Sky sa kanya at kinausap ito. Nakita kong tinulak siya ni Mads pero hindi ito nagpatigil. Inalalayan niyang makapasok ng sasakyan si Mads bago ito bumalik sa loob.
Humigpit ang hawak ko sa librong nasa kamay ko.
Kailangan ko nang tapusin ang lahat ngayon... hanggat meron pa akong lakas ng loob.
Nakita kong lumabas uli ng sasakyan si Mads at nagsuka ito. Lumapit sa kanya ang isang lalaking hindi ko kilala. Mukhang hindi rin siya kilala ni Mads dahil tinulak niya ito palayo.
Bumali ang leeg ko nang makitang alalayan niya si Mads at sinumulan nang ilakad palabas ng parking lot.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa kanila at pinatama ang kamao ko sa mukha ng lalaki. Hindi ito agad nakatayo dahil sa sobrang pagkabigla. Dumugo ang ilong nito dahil sa ginawa ko. I was breathing heavily while glaring at the girl in front of me.
She seemed confused and the moment she laid her eyes on me... there was this familiar pain attacked me. Kahit na lasing ito ay nakilala niya ako. And it is insane that I can see longing through the way she stares at me.
"What are you doing?" I asked, a bit of angry.
Ano ang ginagawa niya sa buhay niya. Why is she acting this all of a sudden? Halos isang buwan ko rin siyang sinusubaybayan sa malayo at wala akong nakitang problema. At naiinis akong nakikita siyang ganito ngayon.
I thought you're good?
Umatras siya nang lumapit ako. Hinawakan ko ang braso niya at inalalayan siyang makabalik sa sasakyan ni Sky. Para mas masigurong safe ito ay inilingkis ko sa kanya ang seatbelt. She was just staring at me the whole time.
Nailing na lang ako. Sinara ko uli ang pinto at humanap ng tindahan para bumili ng tubig. Bumalik ako sa kanya. Naabutan ko siyang tulala. Inabot ko sa kanya ang bote ng tubig na binili ko. Nakatitig lang siya sa akin habang umiinom.
"You can't act like this anymore," pagalit ko pa ring sabi. "Don't push everyone who tries to get near you. You don't need to forget the past to live in the moment."
Tila sa salamin tumama ang mga salitang binitawan ko para bumalik sa akin ang tama.
Napamura ako nang mabitawan niya ang tubig kaya tumapon ito sa kanya. Mabilis ko 'yong kinuha at ibinaba. Hinubad ko ang suot kong jacket at ibinalot 'yon sa kanya.
Natigilan ako nang makita ang kamay niyang palapit sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit pero umiwas ako. Bumagsak uli ang kamay niya.
What are you doing, Mads? I'm confused as hell.
"I-I miss you..." she whispered and just like that... I lost my breath.
I smiled. I didn't know.
"I know," I said instead.
Nakita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. Marami mang nagbago pero hindi no'n naapektuhan kung paano siya tumingin. Ando'n pa rin kung paano niya ako titigan dati.
What's happening? Bakit ganito siya? She shouldn't be acting this way. Hindi ganito ang nakita ko sa kanya habang sinusubaybayan siya.
"When will you come back?" she asked.
I gulped. Don't do this to me, Mads.
"You don't need me anymore, Mads," I said. "Iniisip mo lang ako pero hindi mo na ako kailangan. You're doing good now. Nabalitaan kong nangunguna ka rin sa inyo ngayon, pareho kayo ni Kael. I feel like a proud dad," I chuckled.
Sa halip na magtanong tungkol sa mga sinabi ko, "Are you good now?" tanong niya.
After all... you still care about me.
I don't know but I am even more scared if nothing about us changed.
"I'm better now, baby..."
"Am I dreaming?"
I shook my head. "You're drunk."
Sinubukan kong hawakan ang mukha niya pero gaya ng nangyari kanina, hindi umabot ang kamay ko. Bumagsak uli ito.
This is wrong. I am no longer part of her moment.
Huminga ako nang malalim.
"I'm just here to finally wave my goodbye to you," I said.
"Where are you going?" she asked.
Kinuha ko ang libro at ibinigay 'yon sa kanya. Pumatak ang luha sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan 'yon. Mabilis na pinahid niya ang mga luha at tumingin sa akin.
I wanted to hug her but I refused to do it.
"Here is our story. It's either you keep it or throw it away," I whispered with my trembling voice but deep inside, I am hoping she'll keep it.
All I wanted was for this girl to remember this guy. Iyon lang ang gusto ko.
"Stay..."
Fuck it. Why? After all... why do you still want me to stay?
Mas nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Our story is long over," I said as I kissed her forehead. Sobrang sikip ng dibdib ko sa mga sandaling ito. Nangilid na rin ang luha sa aking mga mata. "I finally have the courage to say, goodbye, Mads."
Bago pa man pumatak ang luha sa aking mga mata ay mabilis na akong umalis.
Bawat hakbang na ginagawa ko palayo sa kanya at tila patalim na tumatama sa dibdib ko.
Nang hindi ko kinaya ang bigat ng dibdib ko ay kay Tito Alvin ang bagsak ko.
"Here." Inabutan niya ako ng tubig. "Where have you been?"
Mahigpit na hinawakan ko ang baso. "I did it."
Natahimik siya.
Suminghap ako. "I finally had said goodbye to her."
"Why?"
"Dahil 'yon ang tama," sagot ko. "She begged for me to stay and made me feel like... nothing has changed. Siguro ay dahil lasing lang siya, Tito. Sinubaybayan ko siya eh. Ni minsan ay hindi ko nakitang malungkot siya."
"You're not a fool, Rocky. Alam mo kung ano ang totoo," seryoso niyang sabi.
Inisahang inom ko ang tubig at ipinatong ang baso sa tabi.
"You're scared," he said.
Mapait na ngumiti ako. "I'm always scared for her."
"Life is too short not to take risks, Rocky."
"And life is too short just to hurt someone over and over again."
"Ano ba ang kinakatakot mo?" bigla niyang tanong. "Takot ka bang kausapin siya kapag hindi na siya lasing at baka iba na ang sabihin niya? Na baka kapag nasa huwisyo na siya ay mag-iba ang lahat?"
Natigilan ako sa pangalawang pagkakataon. What if she was just emotional due to alcohol? Paano kung kabaliktaran ang mangyari kapag hindi na siya lasing?
"I just want her to be happy," I mumbled out of nowhere.
"What if you're depriving her the real happiness she has been looking for?"
Natawa ako. "I don't know, Tito. Sa ngayon ay lalayo muna ako. Nagawa ko naman na ang gusto ko."
Saka isa pa, may plano na si Sky. At kung tama sila... sasaya rin sa kanya si Mads.
Isang araw habang naglalakad-lakad ako sa mall ay nakasalubong ko ang isa pang taong iniwan ko. Kael has matured. I suddenly forgot how he looked like the last time I saw him. He was now colder... and still the authority through the way he looks remained the same.
Natigilan sa paglalakad si Kael pero tumitig lang siya sa akin.
"H-Hey..." I greeted him.
Tumango lang siya at nilampasan ako.
"C-Can I buy you a coffee?" pahabol kong sabi.
Tumigil ito sa paglalakad pero nanatiling nakatalikod sa akin.
"It's true that you're back, Mr. Brecken," he said. "But unfortunately, I can afford a coffee now."
"I just want to buy you a-" Natigilan ako nang bigla siyang humarap sa akin.
"If you hurt her again, I'll come after you. Mark my words, Mr.Brecken," madiin niyang sabi bago tuluyang umalis.
Naiwan akong tulala at gulat.
Imbes na mabahala ay natuwa pa ako. He's no longer the cute Kael I know. But still, protective to his sister.
"I'm proud of you," I uttered out of nowhere.
Lumipas ang mga araw na hindi ko sinundan si Mads, hindi rin ako bumisita sa Facebook account niya. Pero hindi maalis sa isipan ko ang mga huling usapan namin. I could still see her crying while begging for me to stay.
Are you still into me after all?
Should I give it a try?
Am I worth the pain?
Paano kung masaktan ko na naman siya?
I'm so confused. Siguro ay tama si Tito Alvin kailangan ko siyang kausapin kapag maayos na siya. Gusto kong magkalinawan na kami. Kung wala na talaga, wala akong magagawa. I need to fix everything before it's too late.
As I walking on the pavement my phone vibrated. Kumabog ang dibdib ko nang makita ang phone number ni Mads na naka-flash sa screen. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ano. I am not prepared.
Sa huli ay sinagot ko rin.
"Where are you?" she asked.
I gulped. "M-Mads..."
Kumunot ang noo ko nang marinig ang pagbigat ng hininga niya. Mayamaya ay naging magulo ang tunog. Dinig na dinig ko ang malakas na hangin. Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan.
"Mads? What's that sound? Nasa dalampasigan ka ba? Bakit mahangin?"
No. I can't hear the waves.
"Mads?!" Lumakas ang boses ko nang hindi siya sumagot.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatakbo papunta sa sasakyan ko. Sobrang nanginginig ang katawan ko. Nanlambot ako nang marinig ang mahina niyang paghikbi sa kabilang linya.
May sinabi pa siya pero hindi ko gaanong marinig dahil sa lakas ng hangin at sa sobrang pagkagulo ng isipan ko.
"What?!" I asked.
May mga sinabi siya pero hindi ko talaga maintindihan. Garalgal pa ang boses niya.
"Tell me where you are!" I demanded.
"Say that you'll stay or I'll jump from here."
"What the fuck?!" I bursted out.
Mas bumilis ang pintig ng puso ko. Pumasok ako sa sasakyan ko at binuhay ang makina nito.
"Stay still. Don't fucking move. I'll be there," I begged.
Sa pagkakaaalam ko ay ngayon ang aquaintance party nila. Mabilis na nagmaneho ako. I was beyond terrified at this moment. Sana mali ang inisiip ko. No, Mads. Don't do this.
"I love you, Rocky..." she whispered, sobbing heavily. "But I'm sorry. Kung balak mo akong iwan ulit, mauuna na ako."
"No, baby. Wait for me," I said. Saka ko lang napagtanto na binaba na niya ang tawag.
Nabitawan ko ang cellphone ko kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa aking mata.
No.. No, wait for me. You can't end it like this.
Dala ng sobrang kaba at pagmamadali ay hindi ko napansin ang isang sasakyan na nakahinto. Para maiwasan ito ay iniliko ko ang sasakyan ko. I pressed my foot on the break, napabagal ko ang sasakyan ko bago ako bumangga sa isang puno.
For a moment, everything went black.
Nang matauhan ay gumapang ako palabas ng sasakyan. Ramdam ko ang sakit sa katawan ko pero hindi ko alam kung saang parte. Nang mapagtantong malapit na rin ang ang school nila Mads dito ay tumakbo ako.
Hinawi ko ang luha sa aking mga mata. Nang mapatingin ako sa kamay ko, hindi pala ito luha kung hindi dugo.
Ipinagsawalang-bahala ko 'yon.
Naabutan ko sa gate ng school sina Sky, Elisse at Ricca. Mukhang balisa rin ang mga ito at natataranta.
Nang mapatingin sila sa akin ay si Ricca lang ang mukhang nakakilala.
"H-Hey... it's you," she said.
"May malapit bang dagat dito?" tanong ko sa kanila.
"W-Wala," sagot ni Elisse. "Alam mo ba kung nasaan si Maddy? Tumawag na kami sa kanila pero wala pa raw siya."
"Dude, you're bleeding," ani Sky.
Umangat ang tingin ko. "N-Nasa rooftop siya," sabi ko.
Tatakbo na sana ako nang biglang bumigay ang tuhod ko. Bumagsak ako sa sahig. Mabilis na inalalayan ako ni Sky na may sinasabi pa pero naging malabo ang lahat at maging ang pag-iisip ko ay tila binalot ng mga ulap.
"Ako na ang magdadala sa kanya sa ospital," dinig kong sabi ni Sky. "Puntahan niyo na si Maddy!"
Hinawi ko ang kamay ni Sky at tumayo akong mag-isa. Gamit ang natitira kong lakas ay tumakbo ako papasok ng gate. Sinundan ko ang sign na pataas hanggang sa makarating ako sa rooftop.
Sumalubong sa akin ang malakas na hangin. Paika-ika akong naglakad palapit sa barandilya. Pinulot ko ang cell phone ni Mads. Napaluhod ako kasabay ng pagsuka ko ng dugo.
Gumapang ako kahit na sobrang labo na ng paligid.
"W-Where are you?" I asked.
Napabaling ako sa bandang dulo nang may marinig na hikbi. Kahit na malabo ang paningin ko ay nakita ko ang isang babae, nakaupo, yakap ang mga tuhod, nakayuko habang mahinang humihikbi.
There was a relief seeing her safe. I knew it. She wouldn't do it.
Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kanya.
"B-Baby..." I called her.
Umangat ang tingin niya. Punong-puno ng luha ang kanyang mukha habang nakangiting nakatingin sa akin.
"I-I'm so scared and cold, baby..." she whispered, breathing heavily.
Lalapit na sana ako sa kanya nang may humarang sa akin. It was Kael and his scorching eyes.
"Stay... away," he said.
Pumasok din ang Papa ni Mads at lumapit sa kanya. Nakita kong nawalan ng malay si Mads dala siguro ng matinding pagod sa pag-iyak. Binuhat siya ni Tito at tumingin sa akin... saka na umalis.
Lalapit pa sana ako pero humarang uli sa akin si Kael.
"You did it again," he smirked.
"I-I'm sorry..."
Suminghap ako nang biglang magdilim ang paningin ko. I collapsed and before I even hit the floor, someone hugged me.
"Someone help me here!" I heard him, screaming for help.
"Give me another chance," I begged.
"Do it," he said.
That made smile.
And after that... everything went black.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro