Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9: Believe

The day has come! I coulnd't contain my feelings. Kabado ako sa maaaring kahinatnan nitong pagpapanggap. Dalawa lang naman 'yon eh. Mapaniwala ko silang kami ni Rocky o mabulilyaso ang pagpapanggap namin. I wouldn't consider the latter one, that would be embarrassing. No. I have come this far and I won't let it be wasted.

Papunta na kami ngayon nina Raf at Ericka sa malapit na coffee shop sa school. They are still clueless. Ang sabi ko lang kasi ay manlilibre ako dahil isa ako sa may pinakamataas na score sa last exam namin.

Surprisingly, Ericka nodded her head without asking. I mean... I don't usually do this. She should be doubting my intention. Minsan lang ako manlibre, sa tuwing birthday ko pa. Madalas ay kanyan-kanya kami kapag lumalabas. Well, except on Ericka, madalas ay si Raf ang sumasalo sa kanya. He does it to me too, but not as often as to his girlfriend.

"Pwede ba kaming um-order kahit na ano?" tanong ni Raf na nakaakbay kay Ericka. Nasa pavement kami, naglalakad. Ako ang nasa bandang kalsada, sa gitna si Ericka at sa dulo si Raf.

"No," sagot ko. "My treat, my choice."

Tumawa siya. "Akala ko pa naman..."

Napatingin ako kay Ericka. Nahuli ko ang ngiti sa kanyang labi. Tinaasan niya ako ng kilay at kinindatan. Mukhang kinikilig siya. Alam ata niya ang dahilan ng libreng ito. Maganda na rin para hindi na ako mahirapang magpaliwanag.

Inalis ni Ericka ang pagkakaakbay sa kanya ni Raf at dumikit sa akin. Kinawit niya ang kamay sa braso ko.

"Makikita na ba namin siya?" pabulong na tanong nito.

As expected, she already knew.

We got in the coffee shop and occupied a four-seater table. Nagsabi agad si Raf ng order niya sa akin pero hinampas siya ni Ericka sa balikat.

"Not yet, babe." She rolled her eyes. "Hindi magandang mauna tayo habang may hinihintay pa."

They both looked at me. Ericka with her mischievous smile and Raf with his confused look.

Nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Pagkalabas ko nito ay isang text message mula kay Rocky ang tumambad sa akin. Napangiti ako nang mabasa ito, pero mas nangibabaw ang kaba.

"Dito na po. Park lang ako ng sasakyan," he said.

Pinagpawisan ako at hindi na mapakali. The play will start in a few. I must do my best to make them believe. Right, that's what will save me from embarrassment.

"Okay, Mad. Rocky is your boyfriend today. You'll formally introduce him to your friends," I mentally reminded myself.

I kept my phone in my bag. Ibinaba ko sa hita ko ang mga kamay kong namamawis.

"Sino ba hinihintay natin?" tanong ni Raf sa akin. "Your brother?"

"Just wait, babe..." Nakangising sabi ni Ericka.

"Ako na lang ba ang hindi nakakaalam sa mangyayari?" tanong pa ni Raf. "Am I not allowed to get spoiled too? Come on, girls."

I shook my head.

"His boyfriend," Ericka said.

Namilog ang mga mata ni Raf bago sumilip ang mapang-asar na ngiti sa labi. "Dalaga na talaga si Maddy Grilliard. May ipapakilala na siya sa atin, oh."

"Shut up," madiin kong sabi na ikinatawa niya.

Nang-aasar pa talaga.

Mayamaya ay sabay-sabay kaming napatingin sa isang lalaking bagong pasok. He was wearing a navy blue polo shirt paired with black pants. And what surprised me the most was... The bouquet of red roses in his arms.

He roamed his eyes around before it laid on me. A dashing smile flashed on his lips as he walked towards us. Hindi ako nakagalaw nang halikan niya ako sa pisngi. It felt like a wind, I didn't see it but it lingered on my skin.

"I'm sorry for making you wait, baby..." he whispered, apologetic.

Napatingin ako kina Ericka at Raf na parehong nakanganga.

And just like that... The show has started.

I cleared my throat. "Hmm, Raf, Ericka. Meet my man, Rocky."

"Nice to meet you," ani Rocky nang makipagkamay kay Ericka. Pumihit ito ng tingin kay Raf, nakita kong sumilip ang nakakalokong ngiti sa kanya. "Oh, Raf. Pleased to finally meet you."

"Same, bro." Raf motioned the seat beside me.

Umupo naman si Rocky.

"This flower symbolizes my love for you, baby." Inabot niya sa akin ang bukalya ng pulang rosas. "Red roses for I am bloody in love with you."

What the heck?

Huminga ako nang malalim bago ngumiti. "Thank you..."

He laughed, softly. "Can I have a kiss instead?"

Oh, gosh. He is playing a game here. He didn't come to save me, but to tease the hell out of me. Damn this guy.

Pekeng tumawa ako at hinampas ang kanyang braso.

"Pwedeng magtanong?" Si Rafael.

"Oo naman, pagkatapos kong um-order," nangingiting sagot ni Rocky. Batid ko ang panunuya roon. "May I know your order? Anything you want, my treat."

"My treat, Rocky," sabi ko.

Bumalin siya ng tingin sa akin. "You're so sweet." He pinched the bridge of my nose. Gusto ko siyang batukan pero pigil na pigil ako. "No. Ako ang magbabayad. Seat here with your friends."

Sinabi nina Ericka at Raf ang kanilang order. Dahil sinabi ni Rocky na kahit ano ay pwede, maraming ginusto si Raf. Pero lang sa amin ni Ericka na kape at chocolate cake lang. Tumayo na si Rocky at pumunta sa counter.

It's lunch break. Hindi rin kami maaaring magtagal dito.

Napatingin ako sa bulaklak na hawak ko. Pinatong ko ito sa sahig.

"Oh, gosh. Madudumihan." Pinanlakihan ako ng mata ni Ericka. "That's not good, Mad. You have a boyfriend now. Act like a lady."

Wala akong nagawa kung hindi ang ipatong ito sa hita ko. Mukhang napapaniwala ko na siya. Pero lang kay Raf na nakangisi sa akin. Hindi ko alam kung ano ang meron do'n pero kinakabahan ako.

"He is so sweet," Ericka giggled. "And damn girl, you got a hot guy."

Mahina akong tumawa. "That's what caught my attention at first. But as we get to know each other..." I gulped. "He is more than the head-turner guy. Nasa kanya ang mga hinahanap ko sa isang lalaki."

"Talaga? Ano naman ang hinahanap mo sa isang lalaki?" tanong ni Raf.

Damn it.

"Mabait, maalaga, malinis, maunawain."

"I didn't know you were looking for a babysitter." Humalakhak si Raf.

"Not a good joke, babe." Umirap si Ericka.

"Pero joke lang, baka ma-offend ka. He's fine, Mad. I can see it," pagbawi ni Raf. "Mukhang mayaman din siya. But... There's something strange about him, I mean, the way he looks at you."

Napalunok ako sa kaba. We are just starting, damn you, Raf. You'll see later.

Mayamaya ay bumalik na rin si Rocky, may kasama itong waiter. Ipinatong nila sa table ang mga orders namin. Inihiwalay ni Raf ang sa kanila ni Ericka, habang si Rocky naman ay itinabi niya sa akin ang orders namin bago siya umupo.

"Kung may gusto pa kayo, just tell me," said Rocky.

"It's enough," I said.

Napatingin si Rocky sa kamay kong nanginginig, nasa itaas 'yon ng table. Ibababa ko na sana nang hawakan niya ito. Mahina niyang hinaplos ang kamay ko na 'yon bago ibinaba sa kanyang hita.

"How's school?" Rocky asked me.

"Nothing special," sagot ni Raf kahit na hindi naman siya ang kinakausap. "Hindi ka ba pumapasok sa school?"

"Pumapasok---" Naputol ang pagsagot ko nang magkasabay kami ni Rocky sa pagsagot.

"Hindi," sagot naman niya.

Mas nanginig ang kamay kong nasa hita niya. Mabilis na hinila ko 'yon. Kinulong ko sa mainit na tasa ng kape ang aking mga palad. It somehow helps me to relax. Kaya kapag may meeting ako ay madalas sa coffee shop, kapag kinakabahan ako ay dadamdamin ko lang ang mainit na kape.

Raf smirked as he took a sip on his coffee.

"You don't go to school?" Ericka asked.

"Tumigil na ako kahapon," sagot ni Rocky bago tumingin sa akin. "Tinatawagan kita kagabi para sabihin sa 'yo pero tulog ka na ata. I decided to tell you personally. I'm sorry."

"I-It's fine." I smiled. "Napagod din kasi ako kaya maagang natulog."

"Bakit ka naman tumigil?" sunod na tanong ni Ericka. "May plano ka bang mag transfer sa school namin para mas makasama mo si Mad?" pang-aasar pa nito.

"That was my plan, until I realized it would be just a waste of time," Rocky answered. "Mag-aaral na lang ako about sa company namin. Para kahit papaano ay matulungan ko si Tito sa pag manage nito. In that case, I can also prepare for my future, as well as Mad's."

You're doing good.

I took a sip on my coffee.

"Oh. You have a company?" Raf became interested.

"Yes. We've produced some of the popular games nowadays, especially multiplayer online battle arena." Rocky stopped to sip on his coffee. "I want to takeover the position that my parents left."

That's not a make up story. Nakwento na rin sa akin ni Rocky na kasalukuyan siyang nag-aaral tungkol sa pag-manage ng company nila na kasalukuyang nasa pangangalaga ng kanyang tito na kaibigan ng kanyang parents.

"Why? Nag bakasyon ba parents mo?" tanong ni Ericka.

Doon unang beses na nahirapang sumagot si Rocky. He's been smooth when it comes on answering their question. Pero kapag parents niya pa rin ang pinag-uusapan, nababakante pa rin siya.

Ako naman ang humawak sa kamay niyang nakapatong sa table.

Napatingin siya sa akin kaya ngumiti ako. "It's okay..."

He let out a heavy sigh as he smiled back.

Bumalin siya ng tingin sa mga kaibigan kong naghihintay ng sagot. "I-I lost them..."

"Oh. I'm sorry to hear that," malungkot na ngumiti si Ericka. "Mabuti na lang at may Maddy ka."

"Yeah. Thank God, I have someone like her." Hinawakan niya pabalik ang kamay ko. "She's been very supportive to my dreams. She gave me another reason to wake up."

I don't know why I can't find any sarcasm with that.

"You're a tough man," I said. "You could save yourself even without me."

"I could but I wouldn't. What for?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Baliw ka ba? Did you plan on taking your life?"

"I was lifeless before I met you," he winked.

With all the cringe lines we said, I couldn't still see any satisfaction on Raf's face. Parang nanunuod lang siya ng palabas. Nadadala pero hindi naniniwala.

Bahagya kong nilapit ang mukha ko sa kanya. "Medyo hindi pa natin napapaniwala si Raf. I'm scared," I whispered.

"So, what?" He whispered back. "We don't need his validation to make our relationship valid. Who cares if he won't believe?"

Kumunot ang noo ko. Nagbubulungan kami, hindi nila naririnig, pero umaarte pa rin siya.

Umayos ako ng upo. Naabutan ko ang kinikilig kong babaeng kaibigan. Nakakawit na ito sa braso ni Raf habang nakangiting nakatingin sa amin.

"So sweet..." Ericka complimented our play. "Medyo naninibago pa rin ako. You know what, Rocky? Ugaling matandang dalaga 'yan eh. Masungit sa mga lalaki. She never cared about her looks, well, until now. It is fascinating to see her with someone. I can still believe."

Mahinang tumawa si Rocky. "She doesn't need to dress up, her angelic face can kill other girl's million-worth fashion."

Bahagyang namula ang mukha ko sa sinabi niya.

Natatandaan ko ang bilin ko sa kanya. Hindi niya kailangang magsalita. Pero siya ang may pinakamaraming nasabi ngayon.

"How did you two meet each other?" Raf suddenly asked.

It's my turn.

"It was the end of that day, after school. Naglalakad ako sa pavement nang may dumaan na sasakyan, katatapos lang ng ulan no'n. Natalsikan ako ng putik sa damit. Hindi tumigil ang sasakyan niya. I though that was mud and ran, but no. Hinintay pala niya ako sa bandang dulo ng kalsada since bawal huminto ro'n. Lumuhod siya sa harapan ko at nag-sorry." Mahina akong tumawa.

Napansin ko ang mahinang pag-ubo ni Rocky.

"That's so sweet!" Si Ericka. "And then?"

"Syempre, galit ako. Who wouldn't be? Your white uniform just got stained. Hindi ko tinanggap ang sorry niya. I was furious. After that, he's been persistent for my forgiveness. He would wait for me at the end of the road everyday, saying sorry. Wala sana akong panahong kausapin siya, until he cried."

"He cried?!" Ericka was so easy to believe. "OMG. That's so pure of you, Rocky. I felt your sincerity."

Bahagyang lumapit sa akin si Rocky. "I don't remember that story," he whispered.

"Aw. My precious man, you are also clueless how we met," I whispered back.

Umayos ng upo si Rocky.

"Then?" Ericka asked again. "Come on. Ang memorable ng unang pagkikita niyo. Parang sa mga nababasa kong story."

I was about to continue my story when Rocky interfered. "I didn't know that time she's slowly falling in love with me. We became friends after that incident. But little did I know that she has a hidden desire to me."

OMG!

"Marupok si friend." Humalakhak si Ericka. "Oh, Tapos?"

"Well, Mads is not that hard to love. We fell in love with each other. The end," Rocky ended our make up story.

Tumingin sa akin si Rocky. Napailing ito bago kinuha ang tissue sa lamesa at pinunasan ang labi ko. Mas lalong nanuot sa ilong ko ang kanyang pabango. Imbes na kumuha siya ng ibang tissue para pamunas sa kanyang labi ay ginamit niya rin 'yon.

"Saan ka pupunta matapos dito?" tanong ko.

"Home, probably. I have a lot of books to finish." Sumandal ito sa kanyang upuan habang nakatingin sa akin. "Do you want to come over later?"

Umiling ako. "Baka makaistorbo lang ako."

He frowned. "Come on. You can bring Mikael too!"

"Seryoso ka ba? Makulit 'yon. Sabi mo magbabasa ka---"

"Magbabasa ako kung hindi ka pupunta. I can't focus on reading while you are around. Pinalinis ko na rin 'yon kaya mas kumportable ka na."

I shrugged my shoulder. Bumalin ako ng tingin sa mga kaibigan ko. Nag-uusap din silang dalawa. Tahimik, nagbubulungan. Nakaakbay si Raf kay Ericka. Mahinang tumawa si Raf kaya hinampas siya ni Ericka sa dibdib.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. That's something Rocky and I can never do. Iyon bang hindi nila kailangang magbatuhan ng mga matatamis na salita, tignan mo lang sila ay mararamdaman mo agad. That's it. We can never fake our feelings.

Naramdaman ko ang kamay nin Rocky sa ulo ko at iniharap niya ako sa kanya. Sumalubong sa akin ang nakakunot niyang noo.

"Does it hurt?" he asked.

Payak na ngumiti ako.

"When it hurts, close your eyes."

"He looks happy, right?" pumait ang boses ko. "That's what hurts. He looks happy even without me."

"Stop..."

Nangilid ang luha sa akin mga mata. "H-Help me... I might ruin this game. The reason why I can't afford to lose this friendship is not because of them. It is because I think... I don't to be away from him. I want to be with him... even if we are just friends."

Hinila niya ang batok ko pasandal sa dibdib niya. Inabutan niya ako ng tissue kaya mabilis na pinahid ko ang luha sa aking mata.

Damn it, Mad. Stop being insensitive. You're ruining the game.

"Don't close your eyes when it hurts," he whispered. "Look at me instead."

"I-Is this still part of play?" I asked under my breathe.

"We are not playing a game here, baby..." He whispered back. "I never played this game in the first place."

Humiwalay ako sa kanya at kinunutan siya ng noo. Magtatanong pa lang sana ako nang mapansin ang tingin ng dalawa. Sa tingin ko ay alam ko na kung bakit sinabi ni Rocky 'yon. Because they were listening.

We are still playing... Everything that happens today is nothing but a mere play.

"Hmmm... Mad?" Ericka interrupted us. "I think time na for next subject natin."

I nodded my head.

Huminga ako nang malalim.

"Can we talk in private?" Rocky asked me.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko. Tumango naman si Ericka. Si Raf naman ay nakatingin lang sa amin.

Lumabas kami ng coffee shop. Nasa likod lang ako ni Rocky. Dala ko pa rin ang mga pulang rosas. Kinuha ko sa bag ko ang phone ko nang mag-vibrate ang phone ko. May tatlong message pala sa akin si Raf.

"What are you doing?" That was his first message.

"I don't know what is your purpose on doing this but you must stop right now."

And his latest message was, "Feels like I am watching soap opera. It doesn't feel real."

And that's it. We failed.

Mas lalong bumagsak ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay ako pa rin ang talo sa larong ako ang gumawa.

Kinuha ni Rocky sa akin ang bulaklak at ipinasok 'yon sa loob ng kanyang sasakyan. Hinarap niya ako. Napalunok ako nang makita ang nanlilisik niyang mga mata.

What did I do wrong?

"Itigil mo na ang pakikipagkita sa kanya," madiin niyang sabi. "Look, Mads. Feelings don't fade just like that. You need to choose. It is either confront him and be true to yourself or stop the shit right now and leave him alone with his girlfriend."

Sumama rin ang tingin ko sa kanya. "Don't tell me what to do."

"This is stupid." He laughed, sarcastically. "You are hard to beat when with me but vulnerable with him."

"Because I like him!"

"No, Mads. You don't just like him." He bit his bottom lip. "You love him."

Natigilan ako. "I-Is this love?"

"And you know what enrages the shit out of me?" He brushed his finger through his hair. "I don't know what but the way he looks at you... He damn cares. He will never believe because he doesn't want to."

Natutop ako.

"B-Because I'm his friend."

"No, Mads. You will lose this friendship whether you like it or not."

"W-What are you talking about."

Huminga nang malalim si Rocky bago umiling. Nakipagtitigan siya sa akin. Napansin ko ang mga kaibigan kong palabas na ng coffee shop. Nakatalikod si Rocky sa kanila kaya ako lang ang nakakakita.

"Fix yourself, baka akala nila ay inaaway kita," ani Rocky.

Napatingin sa amin si Raf. I don't want to lose you so you must believe.

Tumingin ako uli kay Rocky. Isang hakbang ang ginawa ko bago hinila ang batok niya at hinalikan siya sa labi. It should be a smack one but he pulled me for a long and tight kiss.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro