Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8: Peace

We had lunch together. As usual, it was a treat by the most generous person I've known. It was not as luxurious as before but still quite pricey. Unlike the last time, we spent longer in that resto. We talked about the favor I asked.

"Why not just tell them the truth?" He raised his thick eyebrows.

I shook my head as I sipped on the glass of water. As if naman hindi ko pa naisip 'yon. But I can't... I won't. Hindi naman importanteng malaman nila dahil alam kong balang araw ay maaalis din ito. I know this won't last. So, why bother?

"You don't need to do anything, don't you worry." I gave him an assuring smile. "Pwede kang hindi magsalita habang andyan sila. You can either smile, nod and smile again. No need to talk."

He groaned. "You know that I can't stay long not talking. Saka hindi ba mas suspicious 'yon? Baka akala nila ay napipilitan lang ako at hindi kita mahal."

"Mahal?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi mo ba maintindihan? Hindi mo kailangang mag-act na boyfriend material. You don't need to be those guys in fictional stories. Just your presence is enough."

He eyed me, lazily.

"How about kiss?" He smirked. "I think one kiss can eradicate their doubts. I mean... We did it before. I wouldn't mind doing it again."

Nanlaki ang mga mata ko. Kinuha ko ang table napkin sa lamesa at itinapon 'yon sa kanya. Imbes na mainis ito ay mas nilawakan niya pa ang kanyang ngiti.

Yeah, boy. You have a dashing smile that can magically captivate easy-to-get girls. I yield about that.

"I wonder how many girls have been captivated by that smile?" I suddenly got curious. "Sigurado naman ako na may mas maganda sa akin---"

"Who says you're beautiful?"

I rolled my eyes, ignoring that insult.

"My Dad and Mom," I mentally answered his question,

"Bakit ako ang napili mo? I mean, to play this game," I asked.

Pinagsalikop niya ang kamay sa ibabaw ng lamesa at bahagyang dumungaw papunta sa akin. Pinaningkitan niya ang mukha ko na parang sinusuri ang bawat detalye nito. It felt awkward but I fought the urge to look away.

"You have that beautiful small eyes," he muttered. "Those deluding lips, small and pointed nose." He nodded his head before leaning on the chair, still looking at me. "I like your hair too. Yeah, nothing special about you. But I was running out of time that time to be choosy. Ikaw lang ang pag-asa kong maituloy ang game. Kung hindi ka pumayag siguro no'n ay malamang na failed na agad ang first task."

I ignored his description of mine and focused on the three last sentence. "Naka-time limit ka no'n?" paglilinaw ko. "Nasaktuhan mo ako sa daan? Wala kang choice? Kaya napilitan ka lang?"

"Yep! Yeah. Yes. Yah."

"Pero kailangan ba talaga babae ang kasama mo? Can't it be a friend? Lalaking kaibigan? Don't you think that would be better. Hindi ka na mahihirapang pakiusap---"

"I have no friends," he cut me out.

Ilang segundo akong natahimik. "You're kidding me, aren't you?"

"Why make friends? Do you really have to invest feelings for those extra baggage in your life? Life is a long journey full of different branches, not everyone will come your way. So... Why bother?"

I nodded my head. I respect his perspective about that.

"Can I say something about that?"

He laughed. "Spill it out."

"Life is a long journey and walking it alone is yeah, lonely. Hindi ba mas masaya kapag may kasama ka? You're right, not everyone will go the same way as yours. You might get hurt along the way. But you can still meet a lot of people on the way. It is all about taking chances and gaining experiences. Something worth to put in your baggage. Something worth to carry until you reach the finish line."

Mahinang tumango si Rocky. "Don't worry, I have one now."

"I'm sorry, dude?"

"I have..." He pointed his finger on me. "You. Can I keep you until the finish line?"

My eyes widened in shock. Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Hindi ko matantiya kung seryoso ba siya o isa na naman ito sa kanyang mga banat na kalokohan lang.

"Ayaw mo ba?" bahagyang lumungkot ang kanyang boses.

"H-Hindi naman---"

"It's okay. I have God," he cut me out. "He won't abandon me no matter how evil I am."

"Sira. Iba pa rin 'yung tao na maituturing mong kaibiga---"

"Are you suggesting yourself?" Ngumiti ito nang nakakaloko. "Okay, fine. Hindi naman kita matitiis."

Natawa na lang ako. Maaga pa naman kaya napagpasyahan akong dalhin ni Rocky sa kanyang tinutuluyang condominium. Since, alam na niya bahay ko ay gusto naman niyang sa kanya ang malaman ko. Medyo malayo pa ang binaybay namin bago kami huminto sa isang nakakalulang building.

We got in the elevator and stopped at the 79th floor. Naglakad pa kami nang bahagya bago huminto sa isang room. Binuksan 'yon ni Rocky. Napangiwi ako nang makita ang pinakamakalat na bahay na napuntahan ko sa buong buhay ko.

Nakakalat sa sala ang mga balat ng mga junkfoods, mga unan, may bote pa ng alak. Kitang-kita ang lahat ng kalat dahil nakataas ang puting kurtina at nakatutok ang sinag ng araw.

"Pasensya na medyo magulo," ani Rocky bago pinulot ang unan at binato sa sofa.

"Okay lang. Medyo lang naman magulo eh," pabalang kong sagot.

"Ayaw mong pumasok?" tanong niya sa akin nang manatili ako sa gilid ng pinto.

Ako ang nahihiya sa gulo ng condo unit niya. May mga damit pa sa sahig. Namula ang mukha ko at mabilis na umiwas ng tingin nang makita ang kulay itim na boxer short sa sahig.

"Maupo ka," turo ni Rocky sa sofa na kung saan may isa pang laptop na nakapatong. "Sige na. Huwag kang mahiya. Kukuha lang ako nang maiinom natin. Juice, coffee, tea or softdrinks?"

Tumabi lang ako sa sofa at hindi umupo.

"Juice na lang," sabi ko habang pinipigilan ang sariling mapatingin na naman sa bagay na 'yon.

"Sige." Kumunot ang noo nito. Napansin ata niyang hindi ako umuupo. "Baka mangawit ka. Kukuha lang ako ng juice." Saka na siya lumabas.

Napabuntong-hininga na lang ako bago tinignan ang couch. Inayos ko ang mga throw pillow do'n at itinabi ang laptop. Lumapit ako sa kurtina. Mula rito ay kitang-kita ang taas namin. Nakakalula. Alam kong maganda ang view dito kapag gabi. Bahagya kong ibinaba ang kurtina para naman maitago ang ibang kalat.

May malaking flat screen TV. May dalawang kwarto rito. May isang aquarium sa gilid na may isang isda. Nilakasan ko ang AC dahil naiinitan ako. Nang mangawit ay umupo na rin ako.

"Medyo..." bulong ko habang nakatingin sa mga kalat.

Lalaki rin naman si Mikael at minsan ay makalat, pero marunong naman siyang maglinis. Hindi ko alam kung ano ang trip ni Rocky. Paano niya nasisikmura ang ganito karuming bahay? Maganda nga ang condo unit na ito pero nagmumukhang low class dahil sa hindi nalilinis.

Ang pinakakaiba sa bahay na ito ay wala man lang picture frame na nakalagay sa kahit na saan. The white wall was like a blank sheet of paper. Sa babasagin na lamesa rin sa harap ay wala man lang picture. Tanging ang remote control ng TV at in-can drinks.

Dumating si Rocky na may bitbit na dalawang baso ng tubig.

"Wala na palang stock," aniya.

This guy... Can't he be at least be apologetic? Hindi ba siya nahihiya na kapag may ibang tao ang pumunta rito ay makita ang lagay ng bahay niya? Hindi ba siya nahihiya sa akin? I'm still a visitor!

He sat beside me. Kinuha niya ang remote control ng TV at in-on ang screen. He rummaged the stations until he stopped on the sports one. Pinatong niya uli sa maliit na lamesa sa harapan namin ang remote. Sumandal ito sa sofa at ipinatong ang paa sa lamesa. Nakasapatos pa siya!

Wala sa sariling kinuha ko ang tubig at inisahang inom 'yon.

"Hindi ka ba marunong maglinis?" tanong ko.

"Pinalinis ko na 'to kahapon," aniya nang hindi man lang tumitingin sa akin.

"At nagawa mo ang kalat na ito sa loob lang ng isang araw?" I couldn't hide the amusement in my voice.

This guy has some kind of rare talent.

"Yeah."

I gulped hard. "H-How about that boxer short?" Hindi ko napigilan ang sarili ko. "Paano napunta 'yan dyan? Did you just bring a woman here yesterday? And you were so horny to even reach your room."

"Nah." He took a glimpse of me. "I always walk around here naked." Ibinalik niya sa pinapanuod ang kanyang tingin. "I am alone anyway. Kahit saan ako maghubad pwede naman."

"Are you a snake?" I blurted.

"No. That's snake." He pointed his finger to the fish in the aquarium.

Snake ang pangalan tapos isda ang alaga. May ikaka-weird pa ba ang isang 'to?

"Wala ka bang hilig mag picture?" tanong ko. "Wala ba kayong family pic ng parents mo? You're alone here. A simple family picture can totally change the atmosphere."

Hindi niya sinagot ang tanong na 'yon kaya hindi na rin ako nagpumilit.

After a few second, Rocky turned off the TV. Pinanuod ko kung paano niya pulutin ang mga balat ng pinagkainan sa sahig. Tinapon niya ito sa basurahan. Napalunok ako dahil maging ang boxer shorts at ibang damit na nakakalat ay itinapon niya sa basurahan.

Kumuha rin ito ng walis tambo at nagsimulang magwalis. Magulo ito magwalis, may mga naiiwan pa pero hindi na niya binalikan. Mayamaya ay pumasok siya sa isang kwarto at paglabas ay may spray na siyang hawak. Nag-spray ito ng pabango sa buong paligid bago tumingin sa akin.

"Is this how you do the cleaning?" He asked.

Hindi ako nakasagot. He was being sarcastic. Nagalit ba siya sa akin dahil sa dami ng tanong ko? Did I exceed the limit?

He laughed... And there! My hunch was accurate. Mukhang nadala nga ako sa pagtatanong.

"I think I need to watch cleaning tutorials," he grinned. "What do you think?"

"I-I'm sorry for asking too much about your personal life."

"No, Mads. We don't have a family picture. But I have a lot of stolen shots of them. Whenever there's an occasion, I was silently taking a picture of them. I took a picture of Mom while she was holding her laptop doing work. I took a picture of Dad while he was on call. I took a picture of them while they were busing in their own world on a holiday. I silently watched them... get big and earn a lot. You know what hurts? They didn't do the same. They didn't watch me grow up. They didn't take a picture of mine. I started to think... What if they didn't also know that they have a son?"

Tinakasan ako ng mga salita. His grief suddenly filled the atmosphere. His hands were trembling. He was on the verge of breakingdown.. into tears. But just like before... There was nothing at all.

He's keeping all inside him.

Kaya ba... Kaya ba kinukuhanan niya rin kami lagi ng picture? Dahil alam niyang aalis din ako at hindi rin magtatagal? Is this his way of keeping memories?

Damn. I wanted to hug him, to tell him he's fine and I'm here.

"I-I'm sorry..." Tila natauhan ito. "I shouldn't have said that. Nadala lang ako. I'm sorry for being emotional... again. But thank you..." He let out a heavy sigh before flashing a slight smile. "Thank you for listening."

I nooded my head. Do something to ease the suffocating atmosphere, Mad.

"'Yung mga damit mo." Turo ko sa basurahan. "I'm sure branded ang mga 'yon. Pwede pa 'yon, sira!"

"Sa 'yo na lang?" Ngumisi ito. "Mabango pa 'yon. Lalo na 'yung boxer short. Fresh na kahuhubad lang bago ako pumunta sa inyo."

Nanlaki ang mga mata ko. "B-Baliw! Huwag ka ngang gastador. Maraming nagugutom na tao sa lansangan!"

"Mapapakain ba sila ng boxer shorts na 'yon?"

"Nagpapatawa ka ba?" I glared at him.

He shook his head. "Akala ko ba gusto mong makauwi bago mag 5 PM?"

"What time is it?"

"4:30. Let's go?"

Tumango ako. Ako ang unang lumabas dahil may kinuha pa siya sa kanyang kwarto. Pagkalabas ko ay mas lumuwag ang paghinga ko. Sumunod din agad si Rocky. Bumaba kami sa second floor kung saan naka-park ang kanyang sasakyan.

"30 minutes na byahe," aniya pagkapasok namin sa sasakyan.

"It's okay. Hindi mo kailangang magmadali. Hindi rin naman agad mag-uumpisa ang misa."

"Yes, ma'am!" Mahina itong tumawa bago inumpisahang magmaneho.

Pasimple akong tumingin sa kanya. Hindi na siya naka-jacket ngayon. Simpleng gray shirt na lang. Pero nakasuot pa rin sa kanyang ulo ang sombrero. Palihim kong kinuha ang phone ko at kinunan siya ng pic.

"I saw you..." he whispered.

I showed him his pic. "Cool, right?"

"Yeah. Send it to me later," sabi nito.

"Sure!"

4:50 P.M ay nakauwi na kami. Dahil andito na rin si Rocky ay isinama na namin siyang magsimba. Pumasok kami sa loob ng simbahan at humanap ng upuan. Nasa magkabila kaming dulo ni Papa habang si Mikael at Rocky ang nasa gitna. Katabi ko si Rocky at si Kael naman kay Papa.

"Damn. Ang tagal ko nang hindi nagsisimba," bulong sa akin ni Rocky.

"Stop cursing here." Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ang tagal ko na pong hindi nagsisimba," pag-ulit niya.

Natawa na lang ako.

Pasimple kong tinignan ang kapatid kong tahimik lang. Ganito talaga siya kapag nasa loob ng simbahan. Halos hindi makausap. Kapag nga tinatangka ko siyang kausapin ay tinatakot niya ako na lilipat ng upuan eh.

Maayos na nag-umpisa ang misa. Nag-lecture ang pari about family. Nakakagulat man pero interesadong-interesado si Rocky. Kapag nagbibiro pa ang pari ay tumatawa rin ito.

"Peace be with you..." Rocky whispered at me.

Ngumiti ako.

May you also find peace someday.

Humalik ako sa pisngi ni Kael, sinimangutan pa nga niya ako. Humalik din ako sa pisngi ni Papa at niyakap siya.

"Si Kuya Rocky rin!" turo ni Kael kay Rocky.

"Family lang daw ang may kiss eh," ani Rocky.

Nung tumayo na kami para maghawak kamay ay ang higpit ng hawak sa akin ni Rocky. Ang sa isa naman niyang kamay ay medyo nakababa para maabot ni Mikael.

Pagkalabas namin ng simbahan ay nagpaalam na rin si Rocky. Pagkauwi ko sa bahay ay agad ako pumasok sa kwarto ko at kinuha ang phone ko. Walang message mula kay Rocky.

I sent him the picture I took earlier with a caption that says, "Hey, Mr. Driver. You look cool with that serious look. But you're dashing when you smile. Choose."

I waited for response but he didn't. Ilang minuto ang lumipas bago may notification galing sa FB.

Rocky Brecken tagged you in a post.

I clicked the notification.

"1k likes, id-dp ko si crush. – with Maddy Grilliard"

What the hell?

Wala pang sampong minuto ay naabot na agad ang target number of likes.

Naghuramentado ang dibdib ko sa sobrang kaba. Oh, no. Don't do this to me.

Mabilis na nag-exit ako sa FB.

"Calm down, Mad..." I whipered to myself.

One notification again. Rocky Brecken tagged you in a post.

Nanginginig ang kamay ko sa sobrang kaba. I clicked the notification.

Rocky changed his profile picture. It was the photo I took earlier with a caption that says. "Don't make me smile, you might fall. © Maddy Grilliard."

Wala sa sariling naibagsak ko sa kama ang phone ko.

Napahalukipkip ako.

It's not like I expected it to be me.

But I know he did it on purpose.

Nag-beep ang phone ko kaya kinuha ko ito. One message from Rocky again!

"Pa-heart naman po ng dp ko. Tnx!"

I just found myself gnashing my teeth in annoyance.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro