Chapter 7
Chapter 7: Acceptance
Rocky treated us to a luxurious restaurant. Both Mikael and I refused and suggested a more affordable one but he insisted. We've been to a luxurious restaurant before but not like this one. Halos mapapakain na kami nang ilang linggo ng presyo. But, Rocky being generous... We just nodded.
We've been taught by our parents to act classy even if things are new to us. Hindi ako nahirapan na pakiusapan ang kapatid ko pagdating sa pagkain, mas mukha pa ngang first timer sa amin si Rocky.
I looked up at the grande chandeliers above. Pinunasan ko ang labi ko bago kinuha ang phone ko at kinunan ito ng picture. I smiled as I kept my phone in my pocket.
Naabutan ko ang titig ni Rocky. He just smiled at looked away.
"Whoa." Namilog ang mga mata ni Mikael nang tignan niya ang price ng pagkain namin. "You sure is one hell of a badass guy full of gold in your bank account. This is insane!"
"Mikael... Your words, please?" I glowered at my brother.
Rocky chuckled. "Where do you want to go after this?"
"Home?" I answered, unsure.
Tumingin sa akin ang kapatid ko kaya nginitaan ko siya. Napatango naman ito bago ngumuso.
"Sure? Maaga pa naman," ani Rocky.
"Oh noobs! I need to go home." Niyugyog ako ng kapatid ko. "ASAP, ate. 'Yung sinusubaybayan ko, mag-uumpisa na niyan."
"You can watch it on Youtube---"
"Nah. It takes time before they upload it!"
Napangiwi ako nang mamula na ang mukha ng kapatid ko kaya wala na rin kaming nagawa kung hindi ang agad na lumalabas ng restaurant na 'yon. Sayang lang dahil hindi namin nasulit ang engradeng lugar na 'yon.
"10 minutes before it starts," Mikael counted on the backseat. "It takes 15 minutes before we get home based on the calculation I made earlier. I am such a noob to forget it! Now, I am going to miss one episode."
"Shut up, Kael!" Pigil akong sigawan ito dahil kanina pa siya nagdadabog. "Hindi na kita isasama sa susunod. Mas mahal mo pa ang mga anime na 'yan kaysa sa amin."
"Of course! It entertains me while you bore me only."
Tumawa si Rocky kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napatikhim na lang ito bago mas binilisan ang pagmamaneho.
"Ate!"
I bit my lip as I looked outside the window. Oh, gosh. This boy is testing my patience. Ano kaya ang magagawa ko? Sumama-sama pa kasi tapos biglang magdadabog kapag nakaligtaan ang anime.
The moment Rocky's car stopped in front of our house, Mikael waved goodbye and skedaddled the car. Hindi ko pa man nakakalas ang seatbelt sa katawan ko ay nakapasok na siya sa bahay.
"I'm sorry for that," I mumbled.
"Can't blame him. We all have a thing we can't afford to miss." He turned his face to me. May kinuha ito sa kanyang bulsa at inabot 'yon sa akin. "Your prize, partner."
I gulped hard when I felt its thickness. "M-May I ask how much is this?"
"30 Thousand?" Bahagya pang tumaas ang kanyang tingin habang inaalala. "Ah, no. 35 I think. Why?"
Nanlaki ang mga mata ko. Wala sa sariling naibato ko sa kanya ang sobre na may lamang pera.
"T-This is absurd. You think I'll accept that?" I laughed, offended. "Hindi nga ako halos gumalaw sa game. And you treated us to a luxurious resto. I am not that fancy, Rocky."
He eyed me, lazily.
I shook my head. "I'm sorry but I can't accept it."
"Oh, come on." Hinawakan niya ang braso ko nang aktong bubuksan ko na ang pinto para lumabas. "Accept it, Mads. Gusto kong fair tayo sa game na ito. I will earn my prize, you will earn yours."
A lightbulb suddenly popped in my head.
"Fine, dude." I let out a heavy sigh. "Keep that money. I need something else from you..."
He looked at me suspiciously. A mischievous smile formed on his lips.
"Tell me..." He grinned.
I rolled my eyes. "PM na lang kita."
"Tell me now," he growled.
Namula ang mukha ko bago madiin na umiling at lumabas ng kanyang sasakyan. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi na ako lumingon pa. Dumiretso ako sa loob ng bahay. Naabutan kong nakadapa sa sahig si Mikael habang nanunuod sa TV.
"Wala pa si Papa?" tanong ko. As expected, I didn't receive any respond from him.
Bumuntong-hininga ako bago dumiretso sa kwarto ko. Humarap ako sa salamin. Inalis ko ang kaba sa dibdib ko. Kailangan kong gawin ito para maalis na ang pagdududa sa akin ni Ericka. Rocky was right, we all have a thing we can't afford to miss. But in my case, it is possible to lose it... my friendship with them.
Nag-vibrate ang phone sa bulsa ko. Pagkakuha ko no'n ay pangalan agad ni Rocky ang lumitaw. It was our picture together with Kael. The caption says, "Happy family, bff."
I sat at the edge of my bed. Ilang buntong-hininga ang ginawa ko bago nag-type ng reply sa kanya. Hindi ko pa man 'yon natatapos ay may bagong message na naman siya.
It was a candid picture of mine. Nakatingala ako habang habang ang aking phone. Ito 'yung kinukunan ko ng picture ang chandelier. Damn. The guy has a nice photography skill. And seems like he took it effortlessly.
I continued my reply. "Fine, dude. I'll tell you personally tomorrow."
Yeah, right. Baka maguluhan siya sa pabor na hihingin ko kung sa text ko sasabihin. I don't want him to misterpret it. Some of us only find courage to say things through text and that's totally fine. But sometimes, it leads to confusion. The receiver might misinterpret the message.
"Whoa. I'm dying to know it," he replied.
Later that night, Dad greeted us with a good news. He has a new job with a better salary than the previous one. He brought us foods to celebrate the day. Nag-stargazing kami sa likod ng bahay. Naglatag ng carpet, naglagay ng lampara sa gitna kasama ng mga pagkain, habang si Papa ay naggigitara habang umiinom ng alak.
We had a blast night until the two boys fell asleep. Si Mikael na nakahiga sa hita ko na nakatulog, habang si Papa naman na nakahiga sa carpet at lasing na. Nahirapan akong ipasok ang dalawa. Naglinis muna rin ako bago humiga sa kama ko.
Kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng lamesa. May bago na naman palang message galing kay Rocky.
"Good night, Mads. Can't wait for tomorrow."
I shook my head. Umayos na ako ng higa at agad na nakatulog. Pagkagising ko ay wala na sina Papa at Mikael. Malamang na nagja-jogging na. Hindi talaga nila ako ginigising. Minsan pa lang ako nakasama sa kanila, nung ako ang naunang magising.
May pagkain nang nakaluto kaya kumain na ako. Pagkatapos ay naligo sandali. Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan kong papasok na ng bahay sina Mikael at Papa. Pawis na pawis ang dalawa at bahagya pang hinihingal.
"Can I come again?" Mabilis na lumapit sa akin ang kapatid ko. "Please?"
Kumunot ang noo ko.
"Someone is waiting for you outside," said Dad.
Mabilis na sumilip ako sa labas ng pintuan. Naabutan ko si Rocky na nakasandal sa kanyang sasakyan. Ngumiti ito sa akin at kumaway. Ang aga-aga ay naka-jacket na naman siyang kulay abo.
"Hindi na, Kael. Andito naman ako," dinig kong sabi ni Papa. "Wala akong kasama rito sa bahay."
Bumuga na lang ako ng hangin bago humarap kina Papa at Mikael.
"Umuwi ka rin bago mag-alas singko, ah? Magsisimba tayo," paalala ni Papa.
Pumasok ako uli sa kwarto ko at kinuha ang phone ko. Sandali akong nag-ayos ng sarili sa harap ng salamin. Nang makuntento ay lumabas na rin ako ng kwarto. Nasa kusina sina Mikael kaya hindi na ako nakapagpaalam.
"Good morning, Mads," Rocky greeted me with a wide grin.
"Yeah." I nodded my head.
Ako ang unang pumasok sa loob ng sasakyan bago siya.
"So..." Humarap siya sa akin. "Tell me now."
I frowned. "Task first," I said,
"Fine!" Tumaas pa ang isang sulok ng kanyang labi bago binuhay ang makina. "Ang hilig mong mangbitin," pabulong pang sabi nito.
Inayos ko ang seatbelt sa katawan ko. "I need to be back home before 5 P.M."
"Noted."
"What's the task?" I asked.
"Rummage the CCTV footages of the Hotel."
Naguluhan ako sa sinabi niya pero hindi na ako nagtanong pa. Natandaan ko ang tinatahak naming daan. Mayamaya pa ay tumambad na sa amin ang malaking hotel building na pinuntahan namin kahapon. Nang makapag-park ay hindi na muna kami lumabas ng sasakyan.
Humarap sa akin si Rocky. "Who is the bitch?"
Nanlaki ang mga mata ko.
"We need to find out," desidido niyang sabi.
We made our way in the hotel. Nakangiting guard ang sumalubong sa amin. Dumiretso kami sa Information Desk sa lobby. Katulad ng lahat ay nakangiti rin ang dalawang babae sa amin.
Kinakabahan ako sa gustong mangyari ni Rocky. That's confidentiality. Hindi 'yon basta-basta ibinibigay sa kung sino mang may gusto lang. And as expected, gano'n nga ang nangyari. We failed to request for the footage.
"Why not?" Rocky asked.
"We can only grant a request for CCTV footage if the information is related to you or your property. We can label it as personal information. But requesting for someone else's?" The woman shook his head, apologetically. "That would break the rights of others to have their own personal data protected as well as their privacy right. I'm sorry, Sir."
"Do we have another choice to get that?" Ako na ang nagtanong. "I'm sure there is."
May isang lalaki ang lumapit sa amin. Ayon sa ayos nito ay dito rin siya nagtatrabaho.
"Sir," the woman called him. "They are requesting for someone else's CCTV footage. What should we do?"
Kumunot ang noo ng lalaki. "Why didn't you call the CCTV operator instead?" pagalit na sabi ng lalaki. "You're taking too much time here. Go and call the operator. I'll assist them while you do so."
"Y-Yes, Sir."
Humarap sa amin ang lalaki na ngayon ay nakangiti na. "I'm sorry, Ma'am, Sir. Please have a seat first while waiting for the CCTV operator." He motioned the nearest couch.
"Fuck it," Rocky whispered.
Hinawakan ko ang braso niya at hinila paupo sa couch.
"Calm down," bulong ko sa kanya.
He was frustratingly biting his lower lip. "Ang daming arte. We just need a glimpse of the fucking footage. It's not like their company will collide if we see it."
"It's confidentiality. Come on, Rocky. May company rin naman kayo. Hindi mo ba alam 'to?"
I almost rolled my eyes. Ang short-tempered talaga ng isang 'to. The company is just protecting the privacy of their customers. Dapat ay alam niya 'yon since may kumpanya rin naman silang pinapatakbo.
Napatingin ako sa lalaking nag-assist sa amin. Bumalik ito sa mga nasa Information Desk. Mayamaya ay may isa pang lalaking lumapit sa kanila. Napatingin sila sa amin. Tumango ang bagong dating na lalaki bago lumapit sa amin.
Tumayo ako para salubungin siya pero lang kay Rocky na tamad na nakaupo.
"Kayo po ba ang nagre-request ng CCTV footage?" magalang na tanong nito.
"Yes, kami nga," sagot ko.
"Hmmm..." He nodded his head. "Personal or---"
"Someone else's," I cut him out. "Please. We just need a glimpse of it."
"May I ask why?"
Narinig ko ang mahinang pagdaing ni Rocky.
"It's actually for our Dad. Nawawala kasi ang black na bag niya na may lamang pera at importanteng details. We just need to find out if he carried the bag when he checked out. It's just a matter of important thing. Nothing else, Sir. Please..."
"Oh, your Dad? Where is he?"
"Heaven..." Pasimple kong sinipa si Rocky dahil sa ibinulong niya.
I cleared my throat. "He was on the other company, humihingi rin sila ng CCTV footage. Pero baka mamaya rin ay andito na siya. Pwede bang ayusin niyo na para kapag kadating niya ay tapos na?"
"Sure." Tumingin ito kay Rocky bago bumalik ang tingin sa akin. "Please follow me."
"Finally," Rocky mumbled.
Nasa likod lang kami ni Rocky habang nakasunod sa lalaki.
"Shut up, will you?" pabulong kong sabi sa kanya.
"It was a lie." He chuckled. "My dad is probably in hell."
"Shut up."
"Fine!" Umakbay siya sa akin. "Let's find out our dad's important bag."
Namula ang mukha ko sa sinabi niya.
Sinabi ni Rocky sa lalaki ang exact date at time kung kailan nag-check out ang Daddy niya sa hotel na ito. Alam din niya kung ano ang hotel room number. Pinaghintay kami ng lalaki sa labas ng isang room kung saan siya nagmo-monitor ng mga CCTV cameras. Umupo kami sa couch na nasa gilid habang naghihintay.
"I must commend your lying skill," Rocky teased me. "I almost believed you were my baby..."
"Baby?!"
"Yeah, someone younger than me." He nodded his head. "So baby... Tell me what's next."
"Stop..." Pinanlakihan ko siya ng mata.
"What's wrong, baby? Remember that this is for our Dad." He gave me an innocent smile. "But, Dad is in hell. Should I give him a call?"
"What's wrong with you?!" Hinila ko ang tela ng jacket na suot niya at inilapit sa akin. "Isa pa at mara-rocky na kita."
"Huh?"
"Mababatokan," I laughed at my own damn joke.
"I don't understand."
Binitawan ko ang pagkakahawak sa jacket niya. Tumikhim ako at humalukipkip na lang. Inisip ko na lang ang magiging palusot ko mamaya. Walang darating na Daddy dahil wala naman talaga. Baka hindi rin naman ibigay ng lalaki ang copy kapag hindi dumating ang sinasabi kong Daddy.
I let out a heavy sigh. "I don't know..."
Tumunog ang pinto at may lumabas na lalaki. Mukhang hindi lang isa ang CCTV operator sa loob. Humarap sa amin ang lalaki.
"Just more minutes," he said. "Almost done na rin po."
"Ang dami niyo po atang CCTV operator?" tanong ko.
"Ah, tatlo kami actually. Kaso absent ang isa," aniya sa amin. "Sige po. Kuha lang ako ng kape. Gusto niyo rin?"
Umiling ako.
"Sure!" sagot ni Rocky. "Coffee rin po kami ng kasama ko."
"Sure." Saka na umalis ang lalaki.
Tumingin ako kay Rocky. Napalunok ako nang makita ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Parang may binabalak itong hindi maganda. Or should I say, may binabalak nga talaga siya.
"What's your plan?" tanong niya sa akin.
Hindi ako nakasagot.
Ipinasok niya sa loob ng jacket niya ang kanyang kamay. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang gusto niyang mangyari. Madiin na umiling ako pero hinila niya ako palapit.
"Practice," he mumbled.
"No... No. Please?" I started to tremble.
"Come on, Mads." Mas lumapit pa siya sa akin. "You can't? Gusto mong i-practice ko rin sa loob ng damit mo para alam mo?" Ramdam ko na ang mainit nitong hininga sa mukha ko dahil sa sobrang lapit niya.
"No!" I refused.
"Come on... Wala na tayong oras. Hindi naman ibibigay ng lalaking 'yon ang copy. You lied about Dad. Let's just continue the show."
"A-Ano ba ang plano mo?"
"Pretend you have a gun under your blouse," he whispered. "Kunwari ay ikaw ang magbabantay sa pinto sa loob. Ako ang lalapit sa lalaki para kunin ang flashdrive. Copy?"
"W-What if we get caught?"
"Come on!" Hinila na niya ako patayo. "Kailangan mabilis ah? Baka biglang dumating 'yung kasama niya."
Nanuyo ang lalamunan ko nang pihitin niya ang busol ng pinto. Tumingin pa siya sa akin at tumango bago tuluyang binuksan ang pinto. Sa sobrang gulat ko sa paghila sa akin ni Rocky papasok ay napasigaw ako.
"Holdup 'to!" sigaw ko sa loob.
Oh, my god. I'm trembling!
Napatayo ang lalaking nakaupo sa harapan ng mga CCTV camera at napataas ang dalawa niyang kamay. Ako ang nagbantay sa pinto habang si Rocky ang lumapit sa kanya. Nasa loob ng damit ko ang isa kong kamay na naghugis na parang may baril sa loob.
"Where is the copy?" mababa ngunit nagbabantang tanong ni Rocky. "Where?!" ulit niya nang hindi ito nakasagot.
"I-I haven't finish copying it yet," the man said.
"Go and finish it now!" Tinulak ni Rocky paupo ang lalaki. "Go or I will blow your head off."
I bit my bottom lip. Hindi ako mapakali habang nagbabantay sa pinto. Gusto ko na ring maiyak sa sobrang kaba. Paano kung mahuli kami? Sigurado akong lagot ako kay Papa kapag nalaman niya... Lalo na kapag naabutan niya ako sa likod ng rehas.
"Come on!" I exclaimed.
Rocky looked at me and mumbled, "You're doing good, baby."
"Here." Inabot ng lalaki ang flashdrive kay Rocky.
"Your silence means your life, dude. The moment you broke the silence would be the moment you lost your life. Copy?" Rocky threatened him.
"C-Copy..."
Tumingin sa akin si Rocky at sinenyasan akong maunang lumabas. Huminga ako nang malalim bago lumabas. Tahimik na naglakad ako pabalik sa lobby kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko. Nakasalubong ko pa ang lalaking kumuha ng kape pero hindi ko siya pinansin. Nang makalabas ng hotel ay halos tumakbo na ako papunta sa parking lot.
"Oh, god. What just happened?" I mumbled to myself.
Papasok na sana ako sa loob ng sasakyan ni Rocky nang mapagtantong nakasara pa ito. Ilang segundo ang lumipas bago ito tumunog. Napatingin ako sa lalaking payapang naglalakad sa direksyon ko. He was wearing his hood while hands inside the pocket.
How could he walk calmly after the crime we just did?
I immediately got in his car and buckled up.
Pinatong ko sa hita ko ang mga kamay kong nanginginig.
"Let's get out of here," I whispered the moment Rocky got in. "Immediately."
"Calm down..."
"Come on!"
"Shit. Fine. Just... Calm down."
Nakahinga na rin ako nang maluwag nang makalabas na kami ng parking lot at nakapunta sa highway. Sumandal ako sa upuan, ipinikit ang aking mga mata at kinalma ang sarili.
Whenever I remember what just happened... My anxiety intensifies. What if we get caught? What if we end up in jail? What if... There are so many what ifs in my mind.
"H-Hey..." Rocky tried to hold my hand but I flinched it away.
Ilang minuto pa ang lumipas bago niya itinabi ang sasakyan at tumingin sa akin.
"Damn! Stop crying..." He almost begged.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa aking mga mata. I don't know... It's just... I am so scared for my life. Paano kung malaman ito ni Papa? I don't know. This is insane.
"I-I'm sorry..." bulong ng katabi ko.
Natigilan ako at napatingin na lang din sa kanya.
"I-I'm scared..." And that's it. Mas bumuhos ang luha sa aking mga mata. "I'm sorry but I am really so scared, Rocky. I know I shouldn't. I know this is part of the game. But... I can't help it."
I wiped away the tears blocking my sight.
"No, No, Mads. It's okay. But let me say this..." Hinawakan niya ang balikat ko at iniharap sa kanya. Wala akong nagawa kung hindi ang tumingin sa kanya. "I will never leave you. Yes, Mads. Trust me... You are safe with me."
Bahagyang tumigil ang pag-iyak ko. Hindi ko alam kung bakit pero nung narinig ko ang mga sinabi niya ay bahagyang tumaas ang kampante ko. Kampanteng tama ang sinabi niya... Kampanteng magtiwala sa kanya... Kampanteng... Ligtas ako sa kanya.
"Dry those tears... Don't cry. " He smiled. "That's the last thing I want in this fucking game."
I sniffed and nodded my head.
"Thanks..." I tried to smile. "Did you get it?"
He looked at me for a few second before nodding his head. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang isang flashdrive. Napabuga na lang ako ng hangin. At least hindi nasayang ang krimen na ginawa namin.
May kinuha si Rocky sa likod ng kanyang sasakyan. Laptop.
"Now. Let us see who is that bitch..."
He plugged in the flashdrive. Nag-browse siya sa mga folders bago huminto sa isang folder. The folder name was the date when the video was taken.
Napatingin ako kay Rocky nang hindi niya ito binuksan. He was reluctant. That's what I saw. He was eager to know the answer but reluctant at the same time. Pretending, you say. Pretending he doesn't care at all.
One click... He opened the folder. There were three videos in it.
"Shit!" Binitawan ni Rocky ang pagkakahawak sa laptop at bahagyang tumawa. "Where are just about to see the actual footage of betrayal. Maybe the confrontation is also included. This will be a disgusting video."
"It's okay... Let's just pretend we are just watching some soap opera," I laughed.
Muling hinawakan ni Rocky ang laptop. He opened the first video. Ito ang kuha na kung saan may isang lalaki ang lumabas sa isang room. Tumingin-tingin ito sa magkabilang pasilyo na parang nagmamasid.
"T-That's Dad..." Rocky mumbled.
Matapos ang ilang segundo ay may isang babaeng lumabas ang sumunod. Nag-usap pa ang dalawa at nagtanguan. Inayos ng babae ang kanyang damit at kalmado silang naglakad ng lalaki palayo. Iyon ang kuha sa unang video.
"Kilala mo 'yung babae?" tanong ko kay Rocky.
He looked at me and shook his head. "No. Medyo malabo... Maybe on the next video."
He played the next one.
Naglalakad ang dalawa papunta sa lobby nang matigilan ang dalawa. Napaatras nang isang beses ang babae na halatang nasindak sa kanyang nakita. Mayamaya ay may isa na namang babae ang lumitaw sa video at hinila ang babae. At doon natapos ang ikalawang video.
Napatingin ako kay Rocky nang mapansin na nakakuyom na ang kanyang kamao.
"Y-Your mom?" I asked.
He nodded his head as he played the last video. And he was right. It was the confrontation of the three of them. Sinabunutan ng Mommy ni Rocky ang babae kaya sinubukan siyang awatin ng Daddy niya.
We didn't get to finish the video because Rocky ended it already. Pabagsak na itinupi niya ang laptop at halos ibato sa likod. Hinampas niya ang busina ng sasakyan at halos sirain ang manibela sa sobrang higpit ng hawak niya.
Umilaw ang relo sa kanyang kaliwang kamay. And that's it. We finished the task.
"A-Are you okay?" I gulped.
Pabagsak na sumandal ito sa upuan at tumingala. Mabibigat ang paghingang ginagawa niya. He was contending his overflowing emotion. I couldn't blame him. He just saw the actual reason why his life is now messed.
"I-I hate them..." He mumbled.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumingin lang sa kanya.
"I really hate them but..." He looked at me. "W-Why am I still hurting?"
I shook my head. "That's how tricky feelings can be. They are hard to distinguish. Sometimes, we tend to acknowledge love as hate."
He laughed sarcastically. "No. I loathe them..."
I doubt it. I can still see the eagerness to meet his Mom. No, not the eagernerss to burst out the anger but the eagerness to... Just finally meet her again.
He let out a heavy sigh. "That was his secretary..."
Nanlaki ang mga mata ko. "R-Really?"
"Yeah. My hunch was damn accurate." He shrugged his shoulders. "I forgot her name but I know that face. Napansin ko rin na may namamagitan sa kanila dati pero ipinagsawalang bahala ko lang. Damn. I should have done the first move. Dapat ay pinutol ko na agad."
That's it! Kahit na anong pagkakaila niya, lumalabas na apektado siya. I could smell the regret in his deep voice. Maybe he was thinking now that... He was also at fault.
"W-We are getting there..." I said.
Napatingin sa akin si Rocky. "Are we?"
Tumango ako. "A-Are you ready?"
He looked away. "I-I am..."
I let out a heavy sigh.
No. He's not. He's just deluding himself...
Bigla siyang lumingon sa akin. Napakurap ako nang makita ang ngisi sa kanyang labi. Bilis naman mag-shift ng emotion nito.
"The task is finished. Should we satisfy my curiosity now?" His smile gotten wide. "Tell me... What do you want from me?"
Lumunok ako at umiwas ng tingin.
Damn... I am regretting my decision now. I think... It's better to say it through text.
"I-I'll just send you a PM."
"Oh, come on!" pangungulit niya.
Okay. I think I can't get out of his car without him knowing.
Humugot ako ng mabigat na hininga bago humarap sa kanya.
"Be my boyfriend for a day," I said without hesitation.
Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Sure..."
Namilog ang mga mata ko. "W-What?"
"I'll be your boyfriend for a day."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro