Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Chapter 6: Clue

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Nakabukas ang bintana sa gilid ko kaya pumapasok ang malamig na hangin. Sinulyapan ko si Rocky, diretso lang ang tingin nito sa daan, tila malalim ang iniisip.

He's no longer a stranger to me. Kalmado na ako. Hindi na gano'n kung pag-isipan ko siya ng masama. It all makes sense to me. The desperation on his brown eyes, how he almost begged to me. Naiintindihan ko na.

"Quit staring," he said,

Mabilis na inilihis ko ang tingin. "I was staring outside your window."

"It doesn't feel good when someone is staring at me." He took a glimpse of me. "It feels like you are planning something."

Hindi na lang ako kumibo.

Pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng bahay namin ay mabilis na kinalas ko ang seatbelt sa katawan ko. Hinawakan ko na ang pinto nang maramdaman ang paghawak sa akin ni Rocky, pinipigilan ako sa paglabas.

I looked at him. Napatingin ako sa hawak niyang phone.

"Let's take a picture?" he asked.

Kumunot ang noo ko. "Is it part of the game?"

"Yeah." He nodded his head as he moved closer to me.

Itinaas niya sa harapan namin ang kanyang phone. He smirked on the photo while I was just staring. It was only a one shot. Pakiramdam ko ay ang panget ko sa picture, gusto ko pang ulitin pero nahihiya ako.

"Look." He showed me the picture and I was right, I looked devastated. Gulo-gulo pa ang buhok ko dahil sa hangin kanina.

Habang siya? With that messy hair and playful smirk? He was damn fine. Kahit na anong anggulo ata ay bagay sa kanya. Unfair.

"Do you want a copy?" he asked.

Tumango ako. Lumabas na ako ng sasakyan at diretsong pumasok sa loob ng bahay nang hindi na lumilingon pa pabalik. Naabutan ko si Papa na nakaupo sa couch, nakatutok sa TV, nagmano ako sa kanya.

"Oh, ba't ang bilis niyo ata?" tanong niya.

I shrugged my shoulder. "Nagpasama lang siya sa malapit."

"Puntahan mo muna si Mikael sa kwarto namin. Hindi pa 'yon lumalabas magmula nung umalis ka."

Pumasok ako sa kwarto nila Papa at Mikael. Tumambad sa akin ang mga unan na nasa sahig. Masyadong magulo. At ang kapatid ko ay nakadapa sa kama at nakatutok sa kanyang phone.

"Nagwala ka ba?" tanong ko habang pinupulot ang mga unan sa sahig. "That would be so childish, Kael. Akala ko ba ayaw mong masabihan na bata?"

Umupo ako sa tabi niya. Naglalaro na naman pala siya at tutok na tutok siya roon. Halos mahilo ko sa dami ng ganap pero wala akong maintidihan. Ilang segundo pa ang lumipas ay natapos na ang laro.

"Defeat," basa ko.

Umupo si Mikael at masamang tumingin sa akin. "Who are you?"

"Kael..." Tumamad ang tingin ko sa kanya.

"Only my family is allowed to call me that way," mapait na sabi nito sa akin. "Sumama ka na sa ibang lalaki. Akala ko ba magtatanan na kayo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Anong tanan? Saan mo ba nakukuha ang mga salita na 'yan? Huh?"

Sinubukan ko siyang hawakan pero umatras ito. "D-Don't you love me anymore?" he asked, dramatically.

"Of couse, I do."

"Then, why?" Tumaas ang mga kilay niya. "Why can't you bring me with you? Gusto ko ring sumama. Maliban na lang kung ayaw mo talaga akong kasama."

Napabuga na lang ako ng hangin. "Maybe some other time, Kael. Nagmamadali kami kanina."

Namilog ang kanyang mga mata. Ipinakita niya sa akin ang kanyang phone at may pinindot ito.

"Then, why? Why can't you bring me with you? Gusto ko ring sumama. Maliban na lang kung ayaw mo talaga akong kasama."

"Maybe some other time, Kael. Nagmamadali kami kanina."

He recorded our conversation! What a wise boy.

"I love you, Ate!" He kissed me on my cheek.

Napailing na lang ako habang pinapanuod siyang humiga sa kama. Itinaas niya hanggang leeg ang kumot at ipinikit ang kanyang mata. Mabilis na nakatulog ito.

Inayos ko muna ang kwarto nila bago pumasok sa kwarto ko. Nagpalit ako ng pantulog na damit bago humilata sa kama. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang isang message galing kay Rocky.

It was our picture together, and there's a caption that says, "First pic together. Memories, bff."

That made me smile. Bff? Seriously?

I typed a reply, "Where's my prize, dude?"

"Oh, f! I forgot," he replied.

I smirked. "May utang ka, ah?"

"Yeah, unlike you, I keep words."

I didn't bother to reply back.

Kinabukasan ay nagulat ako na nakabihis sina Mikael at Papa. Saka ko lang napagtanto na ngayon pala ang unang taon ng kamatayan ni Mama. Hindi ko pinahalatang nakalimutan ko. Nagbihis din ako.

Pumunta kami sa sementeryo kung saan nakalibing si Mama. Nagtirik si Papa ng kandila habang si Mikael naman ay pinatong ang mga bulaklak sa gilid. Naglatag naman ako ng tela para roon kami umupo. Inayos ko ang mga pagkain doon.

"It's been a year," dad said. "But it feels like just yesterday."

Nagkatinginan kami ni Mikael. Tumabi siya sa akin habang si Papa ay nanatiling nakatingin sa lapida ni Mama. Pinasadahan niya 'yon ng kamay. Ramdam ko ang sobrang lungkot niya.

"Hey, Fatima. I'm sorry," dad said. "I once dreamed of you, scolding me for being over protective to our children. And I am really sorry for that," bahagyang gumaralgal ang boses ni Papa.

Tumayo ako at umupo sa tabi niya. "Hey, Mom. Don't be mad at Dad. Gusto niya lang kung ano ang makakabuti sa amin. But... He's good now."

Niyakap ako ni Papa at hindi na niya napigilan ang pag-iyak. Nagbadya na rin ang luha sa aking mga mata pero agad ko 'yong hinawi. Yumakap din sa amin si Mikael.

Humangin... Pakiramdam ko ay nakayakap din sa amin si Mama.

I miss her... so much.

Sa una lang ang iyakan, matapos no'n ay kasiyahan na. Nagkwento sa amin si Papa kung paano sila nagkakilala ni Mama, kung paano siya nito sungitan. Hanggang sa kung paano nito sinuway ang mga magulang niya para sumama kay Papa. Tutol ang mga ito sa pagmamahalan nila.

That hits me. May mga pagkakataon talaga na kailangan nating magdesisyon para sa sarili natin, ito ang mga desisyon na hindi sinasang-ayunan ng iba pero ito ang desisyon na alam nating ang mas magpapasayasa sa atin.

"We lived together, out of our parents' reach," dad said. "Until one day, it felt like there was something wrong. We were happy, but it really felt strange. And that's the time when we learned something... We can decide for ourselves without leaving everything behind. We could have fought for our love without escaping. We should have stayed, until they got tired of tearing us apart."

Dad looked at us, teary eyed.

"Escaping is never a good idea, it's like cheating." Dad chuckled. "That's what I want you two to do. When you feel like I don't agree, think deep, then decide. Make me agree. Show me you can. But please... Don't leave me."

"I want someone who's older than me," Mikael suddenly said. "I find them cute. If I would have a girlfriend, don't be surprised she's older than me."

Sabay kaming natawa ni Papa dahil sa sinabi niya.

"Like a grandma?" I teased him.

Nanlaki ang mga mata ng kapatid ko at pumula ang mukha. "Y-You are absurd, Mad---"

"Ate, Kael. Ate Mad," dad cut him out.

Ngumuso ang kapatid ko bago sumubo ng biscuit. Pasimple ang pagtingin niya sa akin nang masama. Nginisian ko siya na mas ikinainis ng kanyang mukha.

"Mad first, Kael," biglang sabi ni Papa. "Bago ka magkaroon ng girlfriend, si Mad muna natin. You are too young for that though."

"Pa!" I exclaimed.

"Ate is heartless, Papa," biglang sabi ng kapatid ko. "You can't expect her to love someone."

Tumawa si Papa. "Huwag ka, Mikael. Sa ganda ng Ate mo, imposibleng wala pang nagkakagusto sa kanya. Parang ang Mama mo lang 'yan, masungit sa una."

Pumula ang pisngi ko nang tumawa nang malakas si Kael.

"Manahimik ka nga, Kael!" bulyaw ko sa kanya.

"May boyfriend ka na ba, Mad?" tanong ni Papa na nakangisi. "Hindi naman ako magagalit kung meron man."

"Wala." Si Kael ang sumagot. "Yung mga foreigner na nagko-comment sa profile picture ni Ate sa FB. It could be one of them if ever."

Hindi ko napigilang batukan ang kapatid ko. "Tigilan mo ako, pwede ba? Baka nga ikaw dyan eh. May boyfriend na ang crush mo na halos kasing edad lang niya. Mas gwapo pa sa 'yo."

Natigilan sa pagtawa ang kapatid ko. "Who cares about looks? It will also fade someday. Who cares about age? We all have the same ending. Care for what you are feeling, that's the only thing that lasts and never fades."

Nagkatinginan kami ni Papa dahil sa sinabi ng kapatid ko. We were both shocked. I mean... Who would have thought that a 10 year old boy has that kind of thought?

Napainom ako ng tubig nang wala sa oras.

"That's what I've learned on watching anime," Kael continued. "If you were wondering how did I know that with my current age, it's because not all things can only be learned through experience, some are just by reading, or by observing."

Muli akong napainom ng tubig. Minsan talaga ay natatakot din akong kausap ang kapatid ko. Maybe I should also try watching anime. Baka maging kagaya niya rin ang pag-iisip ko.

"Learn from your younger brother, Mad," dad teased me.

"Maybe the knowledge, Kael. You said it, the only thing that lasts in this world are feelings. And that only acquires through experience," I said.

"What are you talking about, Ate Mad? I am pertaining to the things that you can get by reading and observing."

Napaismid na lang ako. "Whatever."

Halos dawalang oras din kaming nanatili ro'n bago napagpasyahang umuwi. Kumain kami ng lunch sa bahay. Nagpaalam si Papa na may pupuntahan, sa trabaho na bago niyang ina-apply-an. Nakulong kami ni Mikael sa bahay.

Nanunuod ako ng movie sa TV habang nakaupo sa couch. Habang ang kapatid ko ay nakahiga sa sahig, nakatutok sa kanyang phone. Nakaakyat ang mga binti nito sa couch sa tabi ko.

"Umayos ka nga, Kael."

"I am bored, Mad." Ibinaba niya ang kanyang cellphone para tumingin sa akin. "Can we play Hide and Seek? Or sing for me? Not dance because you are a bad dancer."

I shook my head. "Manuod ka na lang ng anime."

"Wala pang update eh."

"Manuod ka ng iba."

"Ate, may advertisement sa isang website na pinuntahan ko. Bastos kasi nakahubad. I am curious..."

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na inagaw ko sa kanya ang cellphone. Wala naman, nasa wallpaper ang phone niya at naka-off ang mobile data.

"It's in the browser history," Kael said. "I didn't click it since it.. is bad."

Ibinalik ko sa kanya ang cellphone. "Bad talaga 'yon, Kael. Bastos. Don't click those links. Some are virus. Baka masira ang phone mo."

"But I am so sick of waiting for the update. I am really curious, Mad."

"That's not a movie, Kael."

"Wala na akong ibang mapanuod! I'm so bored."

"Matulog ka," sabi ko.

Napangiwi ako nang matapos ang movie na pinapanuod ko nang hindi ko man lang naintindihan ang ending. Tumingin ako kay Mikael na nakatutok sa kanyang phone. Pinaningkitan ko siya ng mata.

Pasimple kong hinablot ang kanyang phone. Lumuwag ang paghinga ko dahil naglalaro lang pala siya. Binalik ko sa kanya ang cell phone niya.

Napatingin ako sa phone ko na nasa gilid. May bagong message na galing kay Rocky.

"What time do you prefer for the next task?" he asked.

Napaisip naman ako. Since wala naman si Papa, at bored ang kapatid ko. Mas maganda sigurong ngayon na. Saka gusto kong isama si Kael dahil naipangako ko ito sa kanya. He even has our recorded conversation.

"Ngayon na," I replied.

Tumingin ako sa kapatid kong pagulog-gulong sa sahig habang naglalaro sa kanyang phone. Mukhang inip na inip talaga ito.

"Magpalit ka ng damit, Kael," sabi ko.

Napatingin siya sa akin, namimilog ang mga mata. "Clarify, please?"

"Hindi ba nangako akong isasama kita sa susunod na lakad namin ni Rocky---" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin nang biglang tumayo si Mikael at kumaripas ng takbo sa kanilang kwarto.

Napailing na lang ako.

"Sure. OTW na po," Rocky replied.

Nagpalit na rin ako ng damit. Paglabas ko ng kwarto ay nakahanda na si Mikael. Nakasuot pa ang batman cap niya sa ulo. May hawak siyang baseball bat na hindi ko alam kung para saan.

Ano na naman ba ang iniisip nito?

"Ba't may hawak kang baseball bat?" tanong ko.

"This is fashion, Mad." He giggled. "Kunan mo ako ng picture, please?"

Natawa ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa.

Pumorma ang kapatid ko. Nakapatong sa balikat niya ang baseball bat habang seryosong nakatingin sa camera. Hindi ko maiwasang mapangiti rin habang kinukuhanan siya ng video.

"Aren't you done yet?" tanong niya.

I stopped the video. "Done."

"May I see it, please?" Lumapit siya sa akin kaya ipinakita ko. "Why video?" He frowned.

"Let's talk first." Hinila ko ang kapatid ko sa couch. "Listen, Kael. Mag headset ka habang kasama ka namin. You are not allowed to hear anything about our conversation. Kapag sinuway mo ako, ito na ang huling pagkakataon na makakasama ka."

Tumango ang kapatid ko. "I promise..."

Ipinakita niya sa akin ang kanyang phone. He recorded our conversation again.

Mayamaya ay may bumusina na sa labas. Mabilis na tumakbo si Kael palabas, nakasunod lang ako sa kanya. Naabutan ko sina Rocky at Kael na parehong nakasumbrero. Gusto kong matawa. Kunwari pa ang kapatid ko, gusto niya lang gayahin ang style ni Rocky.

Umupo si Kael sa likod ng sasakyan habang kami ni Rocky sa harap. Katulad ng ipinangako ng kapatid ko, nakaheadset ito habang nakatingin sa labas ng bintana. Tahimik lang ito.

"Buti isinama mo siya?" tanong ni Rocky.

"I made a promise, nagtampo kahapon nung hindi ko sinama eh."

Umayos ako ng upo.

"Whoa. You are true to your words now," he teasted me. "Unlike last time."

Napatingin ako sa phone niyang nasa harapan. He's using GPS.

"What's the task?" I asked.

"Follow the white arrow," turo niya sa GPS.

Tumango ako. It's 3 P.M only. Mamaya pang gabi uuwi si Papa.

Tumingin ako sa rear-view mirror. Nakatingin pa rin ang kapatid ko sa labas ng bintana, pinagmamasdan lahat ng madadaanan namin. Ang baseball bat na dala niya ay nakapatong sa kanyang hita.

"I'm not sure this is a good idea," Rocky said. "I mean, I don't really mind being with Mikael. But there are things about this mission that, that's not for him. You know?"

I let out a heavy sigh. "Alam ko naman 'yon, it's just... I made a promise to him. Saka wala ngayon si Papa eh. Ayoko naming iwan siyang mag-isa lang sa bahay."

Wala nang nagsalita sa amin pagkatapos.

"Hmmm... Wala bang katapusan 'yan?" tanong ko dahil kanina pa namin sinusundan ang arrow.

"Umiikot lang naman tayo, syempre walang katapusan," biglang sabi ng kapatid ko.

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin pa rin ito sa labas.

"Kanina ka pa ba nakikinig sa amin?" Pinaningkitan ko siya ng mata.

Tamad na tumingin siya sa akin.

"Just see, Mads. Maybe after a minute, may madadaanan na naman tayong malaking puno na may kulay asul na basurahan sa gilid," ani Mikael. "I've seen that many times that I had memorized every angle it has. Do you want me to draw it?"

Kumunot ang noo ko.

At tama nga...Nadaanan namin kung ano ang sinabi ni Kael.

Itinigil ni Rocky ang sasakyan sa gilid.

"We've been here three times," Mikael mumbled. Parang bored na rin ito.

"We need some clue," Rocky said. "There must be one. Hindi naman pwedeng pinaglalaruan lang tayo ng GPS."

"Bakit naman kasi hindi mo napansin na umiikot lang pala tayo?" paninisi ko sa kanya.

"Kinakausap mo ako. I haven't had the chance to familiar the way, saka sinusundan ko ang GPS. I thought there's something more than the route."

"Drive slowly as we look for clue," I suggested.

Gaya ng sinabi ko ay bumagal ang pagmamaneho ni Rocky sa sasakyan. Palinga-linga kami, nagbabakasakaling may makitang clue. Halos nakaikot na naman kami pero wala man lang kaming nakita.

"Baka naman ang task ay ikutin lang?" tanong ko.

Rocky shook his head as he showed me his wrist watch. "There's no indicator of completion yet. Ibig sabihin ay hindi pa natin natatapos ang task."

I let out a heavy sigh. "Then... What?"

Napatingin ako kay Mikael, inalis niya ang headset sa kanyang tainga at lumapit sa amin.

"The arrow in your GPS is white color," Kael pointed his finger on the phone. "The usual color of that arrow in GPS is blue. Why white? The map is almost white. It's bearly recognizable. Bad design, you say. But since you are looking for some clue, that's quite strange. Or... That's the clue?"

Nagkatinginan kami ni Rocky. Nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mukha. Habang ako? Hindi na nagulat. Sanay na ako sa kapatid kong ito.

"So... We need to search for something white on our way. That's the clue?" I asked Mikael.

"It could be something white," Rocky mumbled. "Whoa. Ang galing mo, Mikael," puri niya sa kapatid ko.

Mikael let out a heavy sigh. "Or it could be the theme of a particular company, like their uniforms. I've noticed one," he said. "There's a shortcut when you turn left, or we could continue the route on your GPS. You choose."

"Ikaliwa mo na lang," sabi ko kay Rocky na ginawa naman niya.

Bumungad sa amin ang isang malaking hotel. May mga empleyadong palabas ng building, kulay puti ang uniform nila. Even the guards, white ang uniform. Some of the exterior design of the building was colored in white.

"Fuck it!" Rocky cursed and then I realized... There's something about this building.

I looked at Mikael. Tumango ito bago umayos ng upo at ginamit uli ang headseat.

"Why?" I asked Rocky.

"It's a hotel," he said.

Inihinto ni Rocky ang sasakyan sa gilid habang nakatingin sa building. Napatingin ako sa kamay niyang nakakapit sa manibela, masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya roon.

Every task is a piece of puzzle. I remember that.

Rocky was so frustrated while looking at his wrist watch. "We found it. Why is it not completed yet?"

"Baka kailangan nating pumasok?" tanong ko.

Napatingin siya sa akin. "Fine!"

Kinalas nito ang seatbelt at naunang lumabas.

Tumingin ako kay Mikael. He nodded his head. "I'll wait in here," he said as if he could hear my thoughts.

Habang palapit kami nang palapit ni Rocky sa entrance ay pabagal nang pabagal ang paglalakad niya.... Hanggang sa huminto na ito.

"Funny... Why my mom would bring dad in the place where the mess happened?" Rocky mumbled. "The irony, though."

I gulped. That's it.

Ngumiti sa amin ang mga guwardiya. At sa pag-apak pa lang namin sa loob, tumunog ang relos ni Rocky. The green light flased with the key word.

"Congratulations."

Hinawakan ni Rocky ang braso ko at hinila na ako palabas doon na tila diring-diri ito. Hindi ako kumibo hanggang sa makabalik kami sa loob ng sasakyan. Napatingin ako kay Mikael na nakatingin lang sa amin.

"We did it," I mumbled.

Napatingin ako kay Rocky nang mahina itong tumawa. "If this task brought us here, the next one is probably here too. I wonder why... Ano ba ang gustong mangyari ni Mommy?"

"M-Maybe... This is the clue where we can find her? Maybe she left some clue inside?"

Rocky looked at me. Payak na ngumiti ito.

"Mom was so selfish... No wonder why dad didn't make it." Naramdaman ko ang matinding galit sa bawat pagbigkas niya. "I hate her... I really do. It feels like this grief is forever. Is it possible, huh?"

Mapait na napangiti na lang din ako. It is possible but not reasonable. It's possible to hate someone to death but not reasonable to bear it forever.

"Damn. I should not be hating her because I wouldn't be here without her."

Nagpakawala ito ng mabigat na hininga bago kinuha ang cell phone niya.

Itinaas niya ang phone niya. "Let's take a picture?"

"Can I join?" Kael asked.

Napailing na lang ako. Malamang na narinig niya lahat ng usapan namin.

"Sure!"

Nagdikit kami ni Rocky. Si Mikael ay nasa likod namin. Todo ngiti sa camera habang nakapatong sa kanyang balikat ang baseball bat. At sa wakas ay nagustuhan ko ang itsura ko sa camera.

"Let's eat," Rocky said.

I couldn't help but to think about the game, not the task but the game. At this point I know it is possible that Rocky will end up like his dad. Failed.

Maybe my purpose on this game... Is to make sure that, that will not happen.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro