Chapter 5
Chapter 5: About The Game
Nakatingin lang ako kay Rocky na umiinom ng juice. Katabi niya si Mikael na todo ngiti. Nag-uusap ang dalawa tungkol sa isang game na hindi ko maintindihan.
"Common sense lang naman, Miks," ani Rocky sa kapatid ko. "You know when to go farming, when to defend your turrets and when to engange in a clash. It should be balanced."
Nakinig lang ako kahit na hindi ako maka-relate. Palihim ko ring inaabangan ang pagbalik ni Papa mula sa kusina, ang sabi niya ay kukuha lang ito ng makakain.
"I know. Pero minsan kuya, may mga players talagang kinulang sa common sense," sagot naman ni Mikael. "It's really hard to do a solo gaming. You have no control over your teammates. Can we do a duo sometimes, please?"
Rocky smiled as he took a sip from his orange juice. "Of couse. Add mo na lang ako."
Mas pumula ang labi nito dahil sa basa ng orange juice, may bahagyang sugat do'n dahil sa pagsuntok sa kanya ni Papa. Katulad nung una at huling pagkikita namin, may jacket ito na suot, kulay gray ngayon. Ang tatak no'n ay isang logo ng isang sikat na brand. Yayamanin nga ang loko.
Napatingin ako kay Papa na kalalabas lang ng kusina, may dala itong mga cookies sa isang platito at inilagay 'yon sa lamesa.
"Thanks, Tito," Rocky said.
Tito?
"No worries." Umupo si Papa sa tabi ko. "Ilang years na kayong magkaibigan ni Maddy?" paunang tanong nito.
Nagkatinginan kami ni Rocky, tinaasan ko siya ng kilay na parang naghahamon kung ano ang isasagot nito.
"Hindi naman po importante 'yon sa isang friendship," sagot ni Rocky na mas ikinataas ng kilay ko. "I value the bond most because at the end of the day... The only thing that matters are the memories."
Tumawa si Papa. "Sabagay, may punto ka rin naman. I like that idea."
"Basta best friend forever kami ni Mads," dugtong pa ni Rocky.
Napaubo ako sa sinabi niya. What the heck is he talking about? Nangingilabot ako.
"What about me?" Mikael interrupted the conversation. "Am I not your best friend, too?"
"Of course, we are best friend, Kael," sagot ko sa kapatid ko.
"Not you." He looked at Rocky. "I am talking to this adventurous cool guy named Rocky. Please be my friend too."
Napasandal na lang ako sa sofa. Minsan talaga ay gusto kong batukan ang kapatid ko. Mas interesado pa siyang mapalapit sa ibang tao kaysa sa akin.
"Yeah, sure." Si Rocky na todo ngiti.
"Ah, Mad?" Napatingin ako kay Papa. "Pwede mo ba akong samahan sa kusina?" Binigyan niya pa ako ng makahulugang tingin na parang nagsasabing huwag na akong magtanong.
Hindi pa man ako nakakasagot ay tumayo na ito at umalis.
Binalingan ko uli ng tingin ang dalawang lalaki. Si Mikael ay kumakain ng cookies habang nakatingin sa akin at si Rocky naman ay nakasandal sa sofa, magkapatong ang binti, feeling nasa bahay nila at malikot ang tingin sa paligid.
"Mad?" tawag uli ni Papa mula sa kusina.
"Don't do anything bad here, Rocky," I warned him.
"You are so rude to your visitor, Mad," pag-epal na naman ng kapatid ko.
Sumunod na ako kay Papa. Naabutan ko siyang nakasandal sa lababo. At nung makita niya ako ay napaayos ito ng tayo.
Lumapit ako sa kanya.
"What was that?" tanong ko.
"My apology for what happened last night. I know I've been very strict to you ever since your mom died. And I'm sorry. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi matapos ang pagtatalo natin, at bago pumikit ang mga mata ko ay napagtanto kong... Tama ka."
Nagulat ako sa sinabi niya. Sumaya ako... Pakiramdam ko ay gumagaan na ang pakiramdam niya at nakakahinga nang maluwag para mapagtanto ang bagay na ito.
"I'm really sorry for everything, Mad. Ipinagkait ko sa 'yo ang kalayaan. It was such a selfish move."
"It's for our sake, dad," I said.
He shook his head. "It's for myself only, Mad. Alam kong naging makasarili ako na sarili lang ang iniisip. Hindi ko man lang naisiip ang mararamdaman niyo, lalo na ikaw, dahil sa higpit ng hawak ko."
"I get it, dad. No need to apology." Mas lumawak ang ngiti sa labi ko. "I am happy for you."
Niyakap ko siya... And that's the best thing that happened for a long time.
"I love you, Maddy... Kayo na lang ni Mikael ang tanging mayroon ako," bulong nito. "That's it..." Hinarap niya ako at hinawakan ang aking pisngi. "You may now have your teenager life, Mad."
Tumawa ako. "But study first," I uttered.
Umiling si Papa. "Live your life, Mad. Get yourself a good friend, be in a relationship, feel the love, accept the pain... But always remember, my princess. I am always here."
Napanguso ako nang magluha ang aking mga mata. "Parang tinutulak mo na ako magkaroon ng boyfriend, Pa, ah?"
"Just fall whenever you feel to. Be happy, Mad."
"I will, dad..." I hugged him again.
Nauna siyang bumalik sa sala para puntahan ang dalawang lalaking naiwan. Sandali akong nagpaiwan sa kusina para ayusin ang sarili. Pakiramdam ko kasi ay lumulutang pa rin ako sa sobrang saya.
Pagkabalik ko ay nagpapaalam na rin si Rocky.
"Salamat po, Tito," ani Rocky na nakatayo na sa gilid ng pinto.
Napatingin sa akin si Mikael. "Gusto ka raw makausap ni Kuya Rocky bago siya umuwi," nakangusong sabi nito sa akin.
Hinatid ko sa labas si Rocky.
Pagkalabas namin ng gate ay mabilis na hinatak niya ang aking kamay. Napasinghap ako nang isandal niya ako sa kanyang sasakyan. Kinulong niya ako sa kanyang mga kamay na nasa magkabila kong panig.
Ngumisi ito habang nakatingin sa akin.
"Let's start the game?" he asked.
"W-What?"
"Let's fulfill the promise you made? I told you that I keep words."
I shook my head and tried to push him away but I failed. Masyadong malakas siya para hindi man lang magalaw. Nangangawit na rin ako dahil hindi ako gaanong makagalaw.
"Baka makita ka ni Papa," inis na sabi ko. "This is harassment! Marami na akong pwedeng isampang kaso sa 'yo."
"And so, what? Hindi naman kita sinasaktan. And a case needs more than words." Ramdam ko ang kaunting inis sa kanyang boses. "You made me wait for almost two hours. That's what I hate the most, I don't wait, Miss Grilliard. Huwag mo akong ginagago."
"You are being arrogant, Mr, Brecken. Remember that you.need.me."
"Remember that I can tell Raf your secret too, Mad."
I rolled my eyes.
"Tell him then," I dared him. "Go on, Mr. Brecken. The embarrassment would not last forever."
"That's it."
A dangerous smile flashed on his lips... And I know, something is about to be revealed.
Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting lumapit sa akin ang kanyang mukha. Lumihis ito papunta sa aking tainga at may ibinulong na dahilan kung bakit nangatog ang aking mga tuhod.
Tila tinakasan ako diwa sa sobrang gulat... At takot.
"Y-You can't do that." I started to tremble in fear.
Umayos ito ng tayo, nawala ang pagkakakulong niya sa akin. Walang bahid ng pagloloko sa kanyang mukha.
Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa aking mga mata. Parang umaalingawngaw pa rin ang kanyang sinabi sa utak ko, paikot-ikot, palalim nang palalim.
"You pushed me," he simply said.
"D-Damn you..." Hindi ko na napigilan ang luha ko. "Y-You are so selfish, Rocky. I am starting to hate you."
"Hate me then, Miss Mad. The only thing that matters to me right now is the game." Mahina itong tumawa. "I guess... I won this game. You can't say no anymore. Am I right?"
Napatitig na lang ako sa kanya. I didn't know he can be this selfish. For the sake of his damn game.
"Go, tell your dad that you need to come with me tonight," he commanded.
I wiped away my tears. I guess I have no choice but to come with him, to play this game. Yes, that's the only thing I can do.
"N-Ngayon na talaga? Wala akong mairarason sa kanya!" giit ko.
I hated him for blackmailing me and I hate him even more now.
"It's not my problem." Walang pasabi itong pumasok sa kanyang sasakyan.
Wala na akong magagawa. Inayos ko ang sarili ko bago pumasok uli para magpaalam.
Sinabi ko pa lang kay Papa na may pupuntahan muna kami ni Rocky ay pumayag agad ito, hindi ko pa nga nasasabi ang rason. Mukhang seryoso itong luluwagan ang kapit sa akin.
"Can I come too?" Mikael asked. "Please, Ate?"
I shook my head. "Bawal. Wala namang pasok bukas kaya okay lang kung hanggang 10 P.M ka manuor o maglaro. Pero matulog ka rin agad, ah?"
"Madaya!" sigaw nito.
"Oh, please, Kael." Kung alam mo lang kung gaano ko kinasusuklaman ang gagawin ko.
"Heh!" Saka na ito tumakbo sa kanyang kwarto.
Natawa na lang si Papa.
Lumabas na ako. Nakabukas ang kabilang pinto ng sasakyan ni Rocky kaya sumakay na ako ro'n. Pagkasara ko ng pinto ay agad itong nagsalita.
"Let's forget what I just said," saad nito, nakahawak sa manibela at malayo ang tingin. "Let's pretend you are just fulfilling the promise you made." He looked at me with a slight smile on his lips. "Is that okay, Mads?"
I nodded my head. Humugot ako ng mabigat na hininga bago inayos ang seatbelt sa katawan ko. Pakiramdam ko ay lilipad ang sasakyan na ito papunta sa ibang kalawakan para kalabanin ang mga alien at sakupin ang kanilang mundo.
Oh, right. This is an adventure. I guess, I will be breaking my normal routines starting now. No more boring school-house only routines.
Rocky started the engine. "Don't worry, Mad. I won't bore you," he said as he started to drive.
As if I am bored with my boring life.
"Yeah, right. What's the task today?" I asked. "Do we need to climb a skyscraper just like Spiderman? Swim the ocean to search for Titanic? Or cross a river full of crocodiles?"
Natawa ito habang naiiling. "Gusto mo ba?"
Nagbibiro lang naman ako. Hindi naman siguro gano'n ang mga tasks na gagawin namin. Crossed fingers.
"Where are we going?" inip na sabi ko dahil hindi man lang ito umiimik. "Can't you tell me? Ang task ba ay dapat mapasuko mo ako sa pagtatanong kung saan tayo pupunta?"
"Damn, Mads. I am starting to love how sarcastic you are." He laughed. "Take it easy girl. Just enjoy the free ride. Not everyone can have your seat. Yeah, Mads. For now on... No one can take that seat beside me except you... Only Maddy Grilliard."
I laughed sarcastically. "Damn, boy. Ang swerte ko pala."
"One of the luckies girl right now, yep."
"Whatever, Rocky boy..."
Umayos ako ng upo at hindi na nagtanong pa. After 20 minutes of driving, he finally stopped the car. Hininto niya ang engine ng sasakyan at kinalas ang seatbelt sa kanyang katawan.
Kumunot ang noo ko. Wala namang ibang kakaiba sa lugar na ito maliban sa dagat na malapit. Maliwanag dahil sa mga ilaw at sa buwan, may mga tao pa rin sa dalampasigan. Hindi naman siguro totoo ang mga hinula ko kanina.
Lumabas si Rocky ng sasakyan kaya sumunod ako. Umikot ito sa likod ng sasakyan at may kinuha roon. Dalawang in-can beer. Inalok niya ako kaya umiling ako.
Sumandal ito sa sasakyan habang nakatingin sa dagat. Binuksan niya ang nakakalasing na inumin at uminom do'n. Umihip ang maalat na hangin kaya bahagyang gumalaw ang buhok nito.
"Thank you," he mumbled before taking another sip.
Nanatili akong nakatayo sa gilid niya, naguguluhan. Tumabi na lang ako sa kanya, sumandal sa sasakyan habang nakatingin sa dagat sa malayo. Mula rito ay dinig na dinig na ang hampas ng tubig sa dalampasigan.
"This is not the task, right?" I asked.
Tumingin ako uli sa kanya. Nanatiling ang kanyang tingin sa malayo habang umiinom ng alak. Pakiramdam ko ay napakabigat ng dinadala niya. He seemed really desperate to win this game... Napaisip ako. Pera ba talaga ang mapapanalunan niya? Kung gano'n ay mababaw para malungkot ito.
"Quit staring."
Namula ang mukha ko nang bigla itong humarap at ngumisi. Mabilis na umiwas ako ng tingin.
"Confused kaya ako," dahilan ko. "Ano ba ang ginagawa natin dito? May connection ba ang task sa dagat? Do we need to swim?"
He chuckled. "The task for today is already accomplished."
Napatingin ako sa kanya. Ipinakita niya sa akin ang kanyang relo, nakailaw ang kulay berdeng kulay nito at may salitang bumabati sa pagkapanalo.
"How?"
"The moment you got in my car," he simply said. Uminom ito uli sa hawak niya.
"So... What's next?" tanong ko pa.
"Take it easy girl," he laughed softly. "Bukas na ang next task."
"Okay. Pwede mo na ba akong iuwi?"
"Easy..." Humarap ito sa akin, nanatiling nakasandal sa sasakyan. "Let's talk about the game."
I stared at his eyes. Why am I seeing sadness even though he is smiling?
I gulped before nodding my head.
"I lied---"
"It's not about money, right?" I cut him out.
Tumango ito bago muling sumimsim sa alak. "Yes. But that doesn't mean na hindi kita babayaran. Hindi pera ang mapapanalunan ko sa larong ito. Something money can't buy. Something..." He gulped when tears started to loom around his eyes.
Natutop ako. He is about to cry... But no, he didn't. Mabilis na nakabawi ito at parang nawala ang luha. Nagbalik ang pagiging seryoso nito.
"Pwede ba akong magmayabang?" pabirong tanong nito. "Tama ka. We own a huge company, I mean, ang mga magulang ko. My Mom and Dad have been fascinated about games, nagkakilala sila dahil sa isang game. They created their own game, ayon, lumago. Marami na rin kaming na-produce na games, especially online games."
"Whoa. E 'di bilyonaryo nga kayo?" manghang tanong ko.
"I don't know. Hindi naman ako nakikialam sa mga pera nila." Nagkibit-balikat siya. "So, yeah. Nothing to worry, Mads. Malaki pa rin naman ang ibibigay ko sa 'yo dahil sa pagsali sa game na 'to."
Pero hindi pera ang nakapukaw ng atensyon ko... Hindi pa rin siya nagbubukas ng usapin tungkol sa larong lalaruin namin.
"And... What we are about to play is also---"
"Created by them?" I cut him out. "Para patinuin ka ba?"
"Mukha ba akong barumbado?" tanong nito sa akin.
"Mukha lang ba?" pang-aasar ko pa. "Joke lang. Proceed, please?"
He let out a heavy sigh. "No. Only mom created this game... Before she left us."
Natahimik ako. Sa tingin ko ay nasagot na kung bakit may nararamdaman akong lungkot sa kanya. Truly, money can buy anything you want but not anything you get can make you happy.
"Mom caught once dad with another woman... And so the evolution of this damn game started. When she finally completed the game, she left us. To punish my dad for being an ass."
"W-What's the game?"
"You mean the non-sense game?" mapaklang tumawa ito. "It's a puzzle, actually. Makukuha mo rin ang sagot sa mga palaisipan kapag natapos mo ang laro, malalaman mo kung nasaan si Mommy. Every task is a piece of puzzle."
"Nagpapakabait ka bang anak para akuhin ang pagpapatuloy sa laro?" tanong ko.
Muli itong umayos ng tayo, sumandal sa sasakyan at bumalin ng tingin sa dagat.
"He didn't get to finish the game. Loneliness killed him..." Humugot ito nang mabigat na hininga. "He killed himself. Suicide, you call it. And now... My whole life is fucked up. I should not be affected because of the drama but damn... It hurts. I used to be alone, even if they were still here. But when they literally gone, it hit me hard. I am literally alone in this fucked up world with nothing but grief inside me."
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. That was insane. I didn't know that this guy, who pulled me in the dark and asked for a kiss, and started to blackmail me, was this... miserable.
"I-I'm sorry to hear that---"
"Don't," he cut me out. "That's the least thing I need right now. But funny, right? One mistake, and everything fucked up. Damn it! But it makes sense, they love games... But love is not a game."
He opened another beer and gulped it straightly. May mga tumagas pa sa kanyang bibig kaya napaayos ito. Inis na pinunasan niya ang bibig bago itinapon sa malapit na basurahan ang mga lata ng beer.
Bumalik siya sa tabi ko.
"That's the reason why I am going to play this game. To find mom and tell her how... How hurt I was, I am..."
"H-Hindi niya pa alam na wala na ang daddy mo?" tanong ko.
He shook his head. "She doesn't even know that he is already buried down the hole."
"Y-Your mom must got hurt so much. She wanted to test your dad. You know, one mistake is still a mistake."
"Enough to leave her family behind?" mapakla itong tumawa uli. "No. My goal is to find her... I want her to see how miserable I am, how she fucked up us, how insensitive she was to forget because of one damn mistake. And you are going to help me."
I gulped. "Paano kung nagawa mo na 'yon? What's next?"
"Then, the game is over... I can live without her, anyway. Gusto ko lang ipamukha sa kanya na ang kamalian na ito."
"Tutulungan kita..." seryoso kong sabi habang nakatingin sa kanyang mata. "Pero ngayon pa lang ay tatapatin kita. You will never win this game, Rocky. With your goal, at the end of the game... Ikaw pa rin ang talo."
"Fuck it. But, thank you..." Ngumiti ito.
Natigilan ako nang yakapin niya ako. Mabilis na naamoy ko ang alak na kumapit sa kanya. Hindi ako kumilos para itulak siya... I suddenly want to give him a comfort. Nalusaw ang galit na nararamdaman ko sa nalaman ko.
How can someone like him go through life's shit like this? I mean... Insane. Ako pa nga lang na wala ang isang magulang ay parang namatayan ng kalahati, paano pa kaya siya na wala talaga?
"Do I smell good, Miss Grilliard?"
Natauhan ako at mabilis siyang tinulak palayo. Tumawa ito nang malakas.
"Iuwi mo na ako."
"Okay po..." He chuckled.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro