Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Chapter 4: Text

Nang makauwi ay agad na pinapasok ni Daddy si Mikael sa kanyang kwarto para magpalit ng damit, habang kami ay nanatili sa sala ng bahay. Walang nagsasalita sa pagitan namin pero alam kong kahit na anong segundo ay maaari na siyang sumabog.

Napatingin ako sa kamay kong magkasalikop, nanginginig ang mga ito. Hindi ko inakalang matatakot ako nang ganito sa kanya. Hindi niya ako kailanman napagbuhatan ng kamay pero hindi na ako sigurado sa mga sandaling ito.

He's furious as hell. Naiintindihan ko naman. Hindi na naman ako sumunod sa bilin niya at isinama ko pa si Mikael sa kapabayaan ko.

"Hindi ko na alam, Mad..." pag-uumpisa nito sa mababang boses.

Napatingin ako sa kanya. He was teary eyed while looking at me, I could see the pain and worried in his eyes. And... I was damn mad at myself too, for making him feel like this.

"I'm sorry..." No, I only said that mentally. Parang tinakasan ako uli ng mga salita sa mga sandaling ito.

"I still remember the day before your mother died. Nakiusap ako sa kanya na huwag na munang pumasok sa trabaho kasi masama ang pakiramdam ko. I don't know, maybe all I wanted that day was to be with her. But... She insisted. She kissed me... And that was the last time I felt her."

Nakatingin lang ako kay Papa. Hindi ito ang unang pagkakataon na naikwento niya sa akin ang pangyayaring 'yon, pero parang laging bago. Parang laging bago ang sakit na nararamdaman niya. Hindi ko alam pero natatakot ako... Natatakot akong habambuhay na ang nararamdaman niyang ito.

Huminga nang malalim si Papa, tila bumalik ang mga luha sa kanyang mata. Ang malungkot niyang mukha ay napalitan ng galit.

"Who's that guy?" he asked.

"A friend." Iyon ang unang pumasok sa isipan ko.

"Ayokong makita ka pang nakikipagkita sa kanya," utos nito. "Tignan mo ang nangyari ngayon. Masyado na kayong late na nakauwi, kasama pa ang kapatid mo. That kind of friend won't do anything good to you."

"Do you think this kind of arrangement will do anything good to me?"

Shit. Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Papa. "Ayoko ang tono ng pananalita mo, Maddy. Remember that I am just worried---"

"Na magaya ako kay Mama?" putol ko na naman sa kanya. "Hanggang kailan ba, Pa? Hanggang kailan ka mangangamba?"

"Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko," madiin niyang sabi. "Nawala ang Mommy mo. I can't afford to lose---"

"A-Ako ba pa?" May bumara sa lalamunan ko, hapdi. "Naiintindihan mo ba ang nararamdaman ko?"

Bahagyang bumali ang kanyang leeg. "Ano ba ang mas gusto mo, Mad? Na wala na lang akong pakialam sa 'yo? Na hayaan kang umuwi kahit na anong oras mo gustuhin? Na pasamahin kahit sa na sinong gusto mo? Iyon ba?"

Nakangiting umiling ako. "Normal life, Dad," I whispered. "I want to have a normal life, na hindi iniisip ang mga masasamang bagay. Ikaw ba, pa? Ayaw mo?"

"I don't understand, Mad. What's normal to you?"

"Like what we were used to when mom was still here." Pumatak na ang luha sa aking mga mata.

"Your mom was a lesson-learned to us---"

"No, dad. It was an accident, something humans, like us, can't predict. It was a lesson-learned and not something to be afraid of, not something we should avoid every single time, not something..." I bit my bottom lip. "that will deprive us happiness."

At iyon ang unang pagkakataon na tinalikuran ko si Papa. Masakit, hindi ko kinaya kaya napatakbo na lang ako sa kwarto ko. Kinandado ko ang pinto bago pabagsak na humiga sa kama.

I covered my mouth with my two hands. And... I cried the pain.

Masakit din naman sa akin na wala na si Mama, hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong babalik siya. Pero... Dahil sa pagtanggap na ginawa ko, unti-unti akong nakalaya sa sakit.

Siguro nga, ang mainam na gawin para mabilis na maibsan ang sakit na nararamdaman natin ay ang pagtanggap. Pagtanggap na tao lang tayo, hindi natin kayang mabuhay nang masaya lang, hindi natin kayang mabuhay nang hindi nakakaramdam ng sakit.

"Ate?" dinig kong tawag ni Mikael sa labas, mahina niya pang kinakatok ang pinto. "Kain na raw tayo sabi ni Papa. Lumabas ka na. Stop crying, please."

Hinawi ko ang mga luha sa aking mata. "Give me a minute, Kael..."

"Okay. Stop crying."

Matapos no'n ay wala na akong narinig sa labas.

Nagpalit ako ng damit, inayos ang sarili. Bahagyang namula ang mga mata ko dahil sa dami ng iniluha ko. Naghintay pa ako nang ilang segundo, para pababain ang nararamdaman. At nang makuntento ay lumabas na ako.

Dumiretso ako sa kusina. Naabutan ko sina Papa at Mikael, tahimik lang.

Nang makaupo ako sa tabi ni Mikael ay nag-umpisa na kaming kumain. Walang nagsasalita sa amin, hindi ko rin matignan si Papa. Si Mikael naman ay palingon-lingon lang. Hindi gaya ng madalas, tahimik siya at walang baon na kwento galing sa school.

Natapos kaming kumain nang walang nagsasalita. Dumiretso sa labas ng kusina si Papa, kami ni Mikael ang naiwan.

Tinulungan ako ni Mikael sa pagliligpit ng pinagkainan.

"A-Ate?"

Napatingin ako kay Mikael. Nanlambot ako nang makitang namumutla ito.

Mabilis na hininto ko ang aking ginagawa at lumapit sa kanya. Nang mahaplos ang noo ay napagtanto kong mainit ito.

Binuhat ko siya at inupo sa upuan. "Ikukuha lang kita ng gamot."

Pumunta ako sa maliit na cabinet kung saan nakalagay ang first aid kit. Kumuha ako ng gamot doon. Nagsalin ako ng tubig sa baso at inabot 'yon kay Mikael. Sandali lang niyang nalunok 'yon. Hindi naman siya gaya ng ibang bata na pahirapan sa pag-inom ng gamot.

"I-I'm sorry..." bulong ko.

Nanatili lang itong nakatingin sa akin. Dumaan ang antok sa kanyang mga mata.

"I promise, hindi na ito mauulit." I gave him a sweet smile.

"Ate, can I sleep with you tonight?" he asked.

"Baka mas gusto ni Papa sa tabi niya."

"Please?" Pinaglapat niya pa ang kanyang mga palad sa harapan, kumurap-kurap ang kanyang mga mata.

Natawa na lang ako. May magagawa pa ba ako?

"Of couse." I kissed his forehead. "Tapusin ko lang ang ginagawa ko sandali. O baka gusto mong mauna na sa loob?"

"I'll wait for you."

Inayos ko sandali ang iba pang kalat. Hindi nagbukas si Mikael ng usapin sa nangyari kanina, mas mabuti na rin 'yon dahil wala akong maisasagot sa kanya kung sakali. It was complicated, nahihirapan ako sa mga nangyayari.

Pagkalabas namin ng kusina ay wala rin si Papa, madalas ay nanunuod muna ito sa T.V bago matulog pero mukhang maaga siyang pumasok sa kwarto ngayon.

Dumiretso kami ni Mikael sa kwarto ko.

Mabilis na tumalon si Mikael sa kama ko at humiga. Itinaas niya hanggang leeg gang kumot, ipinikit ang mga mata. "Good night, Mad..." At mabilis siyang nakatulog.

Nakaupo ako sa tabi niya, pinagmamasdan ang mukha nito. Sa kanya na lang ako kumukuha ng lakas sa mga sandaling ito, kung wala siya ay malamang na dati pa ako bumigay.

Naramdaman ko na naman ang panunubig ng mata ko, ginawa ko ang lahat para hindi na umiyak. May pasok pa ako bukas, ayoko namang namumugto ang mga mata ko kapag pumasok.

Kinabukasan ay bumuti ang kalagayan ni Mikael. Wala pa rin kaming kibuan ni Papa, pero napansin ko na nakapang-bahay lang ito. Mukhang tama ang sinabi ni Rocky, naalis nga ito sa trabaho.

"Ipagpapaliban ko muna ang school service niyo," biglang sabi ni Papa habang nag-aagahan kami. "Pero kapag nakahanap agad ako ng trabaho ay itutuloy ko na ito."

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Naalis sa trabaho si Papa, mas mahihirapan siya. Pero dahil din don ay napagpaliban ang pakikisama ko sa mga elementary students sa school bus service.

Rocky texted me that morning to meet him again later, same time, same place.

I don't make promises that I can't keep. Pero hindi ko kayang sumuway na naman. Saka ayoko sa alok niya. It involves mission, I am not a player. I don't even play online games. I remember the first time I played an online game, nang mapatay ko ang kalaban ay nalungkot ako. I don't know why, I am just... I just don't like seeing someone's defeat, especially when I win the game.

Hindi katulad kahapon, taas-noo kong hinarap si Kuya Guard ngayon dahil may suot na akong ID. Tinanong niya pa ako sa nangyari kahapon pero tinawanan ko lang siya.

Magkasabay kami ni Mikael sa pagpasok sa campus.

Natigilan ako sa paglalakad nang may maalala. Oh, shit. May nasabi nga pala ako kina Rafael at Ericka, masyado akong nalula sa nangyari kahapon kaya nakalimutan ko ang kahihiyan na 'yon. Naiwasan ko sila kahapon pero alam kong hindi ko na magagawa 'yon ngayon.

"What's wrong, Mad?" Mikael asked me.

I looked at him. "Bakit ba Mad lang ang tawag mo sa akin sa labas? Kapag andyan si Papa o kaya ay nasa bahay tayo ay Ate ang tawag mo sa akin?"

He shrugged his shoulders. "I just don't want your classmates to think I am that young, especially Ericka."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Crush mo siya?"

"Of course, she's an intelligent woman. Pretty good at playing online games, nakalaro ko na siya minsan pero 'di niya alam na ako 'yon. Pwede mo bang sabihin na crush ko siya?"

"Ewan ko sa 'yo." Nilagpasan ko siya ng lakad.

Sumunod naman ito. "Please, Mad?"

Hindi ko alam kung bakit pero naiinsulto ako sa kanya. Bakit ba napakadali lang para sa kanya na umamin? Why can't I be like him? E 'di sana dati ko pa nasabi kay Raf na gusto ko siya.

I shook my head. Of course, Mikael is still a kid. May mga bagay na hindi pa niya kayang seryosohin.

Naghiwalay na kami ni Mikael ng daan. Pagkapasok ko sa classroom ay dumiretso ako sa tabi ni Ericka. Nakita kong sumunod ang tingin sa akin ni Raf na nasa bandang unahan ang upuan. By surname ang arrangement namin. Kami naman ni Ericka Hilles ay magkatabi.

Inayos ko ang sarili ko. Ramdam kong nakatingin si Ericka.

"Bwisit na Mikael." Kunwari ay bad mood ako. "Ang aga-aga ay nabwisit ako. Sabing hindi ako ang kumuha ng chocolate niya, pinagdidiinan pa rin ako.Bad mood ako ngayong araw."

Damn, Mad. You are pretty good at acting.

"Bad mood ata tayo ngayon?" untag ni Ericka sa akin.

Tumingin ako sa kanya. "Yung kapatid ko kasi. Saka si Papa, nagkasagutan na naman kami kagabi. Bad mood talaga ako ngayon, Kang. Baka kapag may nang-asar sa akin ay paduguin ko ang ilong niya."

Tumayo si Raf sa kanyang upuan at tumabi kay Ericka. Wala pa ang teacher namin kaya kalahati sa mga kaklase namin ay nasa labas pa.

"Uy, Mad. Pwede mo ba kaming ipakilala---"

Siniko ni Ericka si Raf. "Bad mood siya ngayon, huwag na muna nating dagdagan," dinig kong sabi nito.

Pinilit kong hindi mapangiti.

"Anyare ba?" tanong ni Ericka.

I let out a heavy sigh. "As usual. A worried father and a good daughter drama."

"Na naman?" Si Ericka na nakangiwi.

"At natanggal sa trabaho si Papa," sabi ko pa. "I don't know. Masyado kaming binagsakan ng problema ngayon."

Napabuga na lang ako ng hangin.

Hays, life. Pwede bang dahan-dahan lang? One at a time, please?

I saved my face that morning, hindi sila nagtanong tungkol kay Rocky. Pero nung Lunch na ay wala na akong takas. Hindi na rin ako makapag-bad mood dahil masyado nang obvious.

"When? How? Why?" Si Ericka na kulang na lang ay kumandong sa akin sa sobrang lapit niya.

Sumimsim ako sa juice habang nag-iisip ng panibagong kabanata sa isang kwentong kasinungalingan na naumpisahan ko.

"Ang akala ko ay wala kang boyfriend?" tanong din ni Raf.

"Akala ko rin eh," bulong ko. "I mean... Masyadong mabilis ang pangyayari. Alam niyo ba yung isang movie na tumigil ang oras pero lang sa tatlong bidang lalaki? Parang gano'n. Nakatigil kayong lahat, kami lang ang gumagalaw. Kaya parang mabilis pero hindi naman talaga, 'di niyo lang napansin."

Naguluhan ang mukha nilang dalawa.

Kinagat ko ang straw ng juice. What's next, Mad?

"Curious tuloy ako sa kanya," sabi ni Raf. "Dapat gwapo 'yan, ah? Saka mabait at matalino. Dapat matino rin. Seryoso."

"Are you derscribing yourself, babe?" tanong sa kanya ni Ericka.

"Shhh... Don't say that. I'm humble, babe."

And... They both laughed.

Tila nawalan na rin ako ng ganang magselos. Kahit na siguro maghalikan sila sa harapan ko ay matutulala na lang ako. Masyado na akong maraming dindala para pairalin pa ang selos sa katawan.

Nag-asaran na silang dalawa at nakalimutan ang topic namin. Buti na lang mabilis sila magbago ng usapin, nablangko na rin ako ng isasagot sa kanila kung sakaling may tanong pa about sa imaginary boyfriend ko.

Mabilis na dumaan ang araw. Pauwi na kami nang mapansin kong nakasunod sa akin sina Raf at Ericka. Kunwari ay nag-uusap sila at hindi alam na nakasunod sa akin.

"Sinusundan niyo ba ako?" Hinarap ko sila.

"Huh? Ang galing mo naman." Hinampas ako ni Ericka nang libro sa braso. "Pakilala mo naman kami kay Rocky. Saka sabihin mong i-accept ako sa FB. Ang snob ata."

"Bakit mo naman siya in-add?" tanong ni Raf kay Ericka. "Come on, babe. Remove your friend request. That guy must be loyal enough to Mad. Gano'n din ang ginagawa ko sa mga stranger na babaeng nag-add sa 'kin"

"Fine!" Bumuntong-hininga si Ericka bago tumingin sa akin. "Basta. Gusto namin siya makita. Kung totoo nga..." Pinaningkitan niya ako ng mata. "Baka kasi alibi mo lang 'yan para pagtakpan ang totoo."

Napatingin ako kay Raf na nakaakbay kay Ericka. Naguguluhan ang tingin nito, halatang hindi alam kung ano ang sinasabi ng girlfriend niya.

"Why would I?" I rolled my eyes.

Why would I not? Duh. Mas kaunting hiya pa rin naman ako sa sarili. Ayoko ring ma-awkward sila sa akin kapag nalaman ang totoo.

"Then, introduce us to him." Ericka gave me a warning look. "Come on, Mad. Gusto kong matahimik. I can't. You know what I mean. Or... You could just admit something, you know? I told you, no hard feelings. Well... It's up to you. Let's go, babe..."

Pinagmasdan ko lang sila hanggang sa mawala.

"What will you do now, Mad?" I asked myself.

Paglabas ko ng gate ay hinahap ko ang kapatid ko. Natagpuan ko siya sa waiting shed. Tulala ito at halatang malalim ang iniisip. Ni hindi nga niya napansin na nakalapit na ako sa kanya.

"May problema ba?" tanong ko.

Napatingin siya sa akin. Napansin ko ang pamumula ng kanyang mukha.

"Ericka pinched my cheeks." Mas lalong pumula ang kanyang mukha. "She even said that I am cute."

"Oh... Like a kid?"

Sumama ang tingin niya sa akin. "No! May kasama siyang lalaking classmate. Mukhang nagseselos nung nilapitan ako ni Ericka. May crush din ata siya sa kanya."

"You mean her boyfriend?"

Natigilan ito. "B-Boyfriend?"

I nodded my head. "Rafael Andes. Ericka Hilles' boyfriend."

"Y-You are lying. It can't be. Don't ruin her to me, Mad!" Parang maiiyak na ang mukha nito. "You are just teasing me!"

I pouted my lips. "Don't cry, little cute kid," pang-aasar ko pa.

"Who's crying?"

Natawa ako nang pumatak ang luha sa kanyang mata pero mabilis na hinawi niya 'yon. Imbes na malungkot ay natawa na lang ako. Mukhang pareho kaming sawi ng kapatid ko.

Tahimik lang si Mikael hanggang sa makauwi kami. Inasar ko na ito pero hindi man lang kumibo, mukhang dinibdib niya talaga ang kasawian.

Wala si Papa pagkauwi namin, tanging ang isang note lang na nakadikit sa refrigerator.

"Gagabihin ako husto. Initin niyo na lang ang ulam. Matulog nang maaga, ikandado ang pinto. Mahal ko kayo." Ilang beses kong binalikan ang mga tatlong huling salita.

Nagpalit ako ng damit bago bumalik sa kusina. Ininit ko uli ang ulam. Palingon-lingon ako sa kapatid kong nasa upuan, tahimik lang ito habang naglalaro sa kanyang phone.

"Marami namang babae sa mundo, Kael. And a better player than your crush. Cheer up."

"I know right."

Namilog ang mga mata ko sa sagot nito. "You sound like a bitter girl who just got rejected." Binitawan ko ang sandok at bahagyang hininaan ang apoy.

Nilingon ko ang kapatid ko.

Padabog na binitawan niya ang kanyang phone sa lamesa.

"Would you please stop teasing me? I am not in a mood for some freaking joke. And what's bitter?"

"Something happens to a person when someone rejects her." I shrugged my shoulders. "Katulad mo. You want to think you are not affected, that the rejection is just nothing to you!"

He crossed his arms infront of his chest. "Well, then I am not. Come on, Ate. Sino ba kasi ang lalaking nabasa ko sa notebook mo? 'Yon bang may drawing na puso tapos nasa loob ang pangalan niyong dalawa?"

Nagulat ako sa sinabi niya. "Ang hilig mo talagang makialam ng gamit ko!"

"No, not really. Tinignan ko lang ang laman ng bag mo baka ando'n ang chocolate ko."

"Wala nga sa akin ang chocolate mo!"

Pinatay ko na ang apoy at inumpisahan nang maglipat ng sabaw sa bowl.

"But I am not talking about the chocolate here. Ang tinutukoy ko ay ang guhit-bata mong puso, hindi pa nga pantay eh. And what's more cringe is your name with Raf inside."

"Ouch!" Bahagyang tumapon ang sabaw sa kamay ko nang ilapag ko ito sa lamesa. Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko. "Stop talking to me like that. Matanda pa rin ako sa 'yo."

He frowned. "Don't use your age in an argument. Just because you are older doesn't mean you know better."

I rolled my eyes. Umupo ako sa kapatat niyang upuan.

"Okay. What do you want to know. I know you are curious again."

Naningkit ang kanyang mga mata. "Is it possible that, that guy in your drawing is the same as Ericka's boyfriend?"

Umiling ako. "Hindi lang isa ang Raf sa mundong ito."

Tumango naman siya. "Okay. Thank you for answering my question, Ate. It's him, I know."

"Hindi nga eh!"

Hindi na niya ako sinagot. Nagsandok na ito ng kanin sa kanyang plato at nag-umpisa nang kumain. Hindi na niya ako kinibo kaya sumabay na ako sa kanyang kumain.

Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko rin agad ang pinagkainan.

Wala pa rin si Papa nang matapos akong maglinis. Mukhang gagabihin nga talaga siya nang uwi.

Nasa sala kami ni Mikael, pareho kaming abala sa mga kanya-kanyang assignment. Nabulabog ang pananahimik namin nang may bumusina sa labas.

Nauna pang sumilip sa akin sa bintana si Mikael. "It's him!"

Sumilip din ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rocky sa labas. Nakatingin ito sa aming dalawa ni Mikael habang nakasandal sa kanyang sasakyan. Pinakita niya sa akin ang kanyang phone.

"W-What should I do?" I asked.

"Let him in! He's a visitor."

Pinigilan ko si Mikael nang bubuksan na sana ang pinto. "H-Huwag. Magagalit na naman si Papa. Remember what happened yesterday? Baka mas lumala ngayon."

"B-But, Mad..." Ngumuso si Mikael bago tumango.

Bumalik si Mikael sa paggawa ng assignment.

Binuksan ko ang phone ko. Bumungad sa akin ang flood messages galing kay Rocky, mukhang kanina pa siya naghihintay.

"I'm here."

"You still studying?"

"Hey, Mads. It's been 30 minutes."

"You stuck there? Sunduin kita sa school?"

"Come on, Mads."

"I went in your school. Seems like you are already home."

"You made a f promise!"

"Do you think you can get away from this?"

"Freaking no, Muddy!"

"You are such a mud."

"Answer my f call!"

"Sht. Don't push my dmn buttons."

"I've been f waiting for almost two hours."

"I'm gonna count."

"One."

"F two."

"Putik. Pupuntahan kita dyan."

"I'm serious."

"Fck it."

"I'm outside."

"I see you."

"I will stay t f here."

Namula ang mukha ko sa mga messages niya. And did he just call me... Muddy?

May panibago na namang message. "I can climb a gate, fyi. Mud."

I replied, "Climb then. I can call the police, trespasser. Fyi."

Binaba ko na ang phone ko sa sobrang inis. Nakatingin pala sa akin si Mikael. Ngumuso ito uli bago bumalik sa kanyang ginagawa.

"He must be tired waiting outside, I'm sorry, Rocky. I have a heartless sister," Mikael mumbled.

"You don't understand. Patay tayo kay Papa kapag nalaman niya ito."

Bumalik na lang ako sa ginagawa ko. Ilang sandali pa ay narinig kong bumukas ang gate. Nagkatinginan kami ni Mikael.

Padabog na tumayo ako at binuksan ang pinto. Nakahanda na ang nakakabingi kong boses at ang mga rason nang tumambad sa akin si Papa, sa kanyang gilid ay si Rocky na nakangiti.

"Mukhang hindi mo ata naririnig na may bisita ka, Mad," nakangiting sabi ni Papa.

I looked at Rocky and gave him a death glare...

But the jerk just winked at me as he said, "Good evening, Mads..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro