Chapter 3
Chapter 3: Game
My whole day is a disaster, I haven't been this humiliated in my whole existence. Hindi ko na rin naharap pa sina Rafael at Ericka, sa tuwing tatawagin nila ako ay mabilis na aalis ako. Nakatungo lang din ako habang palabas ng gate para itago ang mukha kay Kuya Guard.
Nang makalabas ng school ay bumaba kahit papaano ang pagkabagsak ng pakiramdam ko.
Napatingin ako sa kapatid kong nasa gilid ng gate. Hawak nito ang kanyang suitcase, seryosong nakatingin sa akin. Sa gilid niya ay may dalawang babaeng tumatawa, kasing edad niya lang ata 'yon o baka kaklase pa.
Kinalbit si Mikael ng isa sa mga babae. May sinabi ito sa kapatid ko. Nakita ko ang pagdaan ng inis sa mukha ni Mikael. Nasa kalagitnaan pa ng pagsasalita ang babae nang talikuran na niya ito para pumunta sa akin.
"Oh? Kinakausap ka pa ata ng classmate mo, ah?" puno ko sa kanya.
He shook his head. "Not interested. Let's go? I am so tired, Mad."
"Ipagpapara lang kita ng masasakyan na jeep, mauna ka na," sabi ko.
He raised his eyebrows. "And... Why? Hindi ba sabi ni Papa ay sabay tayong uuwi?"
"Ipapa-school service na niya tayo next week, magiging sabay na rin tayo no'n." Hinawakan ko ang kanyang balikat. "May aayusin lang ako. Sabihin mo kay Papa uuwi rin ako agad, may dinaanan lang."
He frowned. "I hate lies, Mad. I am not like you."
"It's not a lie, may dadaanan talaga ako."
"I will come then."
Natigilan ako. Makikipagkita ako sa hindi kilalang tao, ayokong idamay siya kung sakaling may mangyaring masama. Saka ayokong malaman niya ang mga nangyayari sa akin. Mas gusto kong isipin niya ang kanyang sarili.
Hinawakan ko ang braso niya. Papunta na kami sa gilid ng daan kung saan may mga naghihintay ding estudyante ng jeep. Angal ito nang angal habang padabog na naglalakad. Hindi ko na lang siya pinansin.
"Gawin mo na homework mo pagkarating sa bahay, kapag hindi mo alam, iwan mo na lang sa table sa sala, ako ang gagawa."
"I am curious, Mad."
I looked at him, confused. "Curious of what?"
"The mystery behind the disappearance of your ID. It could be connected to the mud on your uniform. Also, I saw you texted your friend, you don't waste money for load just to text your friend, you do it through FB's messenger. Sino nag-load sa 'yo?"
I cursed under my breathe. How could he noticed all that?
"Tatlo pa!" sigaw ng isang driver ng jeep.
Hinila ko na si Mikael papunta sa jeep. Hirap na hirap ako dahil ayaw pa niyang magpahila.
"Mad..." pagmamaktol nito.
"Come on, Kael..."
"Fine!" Hinablot niya bigla ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ko. Kinabahan ako nang makita ang ngisi sa kanyang labi. "I'll tell dad you are in danger. That you didn't get the mud by accident but someone pushed you, and that someone has been blackmailing you to do things!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Natagpuan ko na lang ang sarili kong hinihila ang kapatid ko palayo sa jeep. Sumilong kami sa waiting shed. Hinarap ko sa akin ang kapatid ko.
"A-Are you crazy, Kael? I thought you don't make lies?"
And... I am frustrated again.
"It's not a lie!" He insisted. "I know. You've been seeing someone."
"You are being ridiculous with your nonsense assumptions, Mr. Grilliard," seryoso kong sabi sa kanya. "Alam mo ba kung ano ang mangyayari kay Papa kapag sinabi mo sa kanya 'yon? He would get mad at me, baka pagbawalan na niya akong pumasok sa school o lumabas ng bahay."
"That's my purpose."
Napahilot ako sa sintido dahil sa kaangasan ng lalaking ito. Mauubusan talaga ako ng dugo kapag kausap ito. Dumagdag pa siya sa mga hindi magandang nangyari ngayong araw.
I looked at him again, he was staring back. Walang kahit na anong pag-aalangin sa kanyang mukha. He really seemed desperate to come and to satisty his damn curiosity about things.
Oh, ghad. What a curious little boy!
"Okay, ganito." Tumikhim ako. Bahagya akong umupo para magkasing-taas kami. "I am going to meet someone, you are right. He's been blackmailing me, but not in a bad way..."
"Blackmailing is never good, Mad. What are you saying?"
I let out a heavy sigh. "Fine, okay. So, yeah. But he's not that bad. Isasama kita..."
His face brightened up, sunud-sunod na tumango ito habang nakangiti.
"But I want you to promise---"
"Not to tell anything to dad? I get it," he cut me out. "I've seen this one, Mad! This is gonna be exciting!" He giggled.
Tipid na napangiti na lang ako. I have an insane young brother. But yeah, cute.
Nagpalipas kami ng oras sa waiting shed, para kapag pauwi na kami ay pagdaan namin sa bakanteng lote ay oras na rin. Pinanuod namin ang unti-unting pagkaubos ng mga estudyante, ang paglubog ng araw, at ang paghina ng ingay.
Madilim na rin nung nag-umpisa na kaming maglakad.
Hawak ko sa braso si Mikael, nasa kaliwa ko siya para mas ligtas sa mga sasakyan. Sa kanan ko namang kamay ay ang kanyang suitcase. Patalon-talon pa ang kapatid ko habang sinusunod ang guhit sa pavement.
"Stop it, Mikael," pagbawal ko sa kanya.
"So... Lalaki ba 'yon? Or some cute teenage girl?" He smiled.
Unlike any other kids, mas gusto ni Mikael ang mga mas matanda sa kanyang babae. Katulad ng mga kasing edad ko. Annoying para sa kanyang ang mga babaeng kasing edad niya.
Umiling ako.
"Then, a guy?"
Tumango ako.
"Okay."
Huminto muna kami sa paglalakad. Malakas na ang kabog sa dibdib ko dahil malapit na rin kami sa bakanteng lote. Parang hindi ko tuloy kayang sumabak sa giyera ngayon dahil andito ang kapatid ko. Nakahanda na ang mga murang maaari kong sabihin pero nilunok ko lahat.
"Pauwi na ba tayo?" tanong ni Mikael.
"Gusto mo na bang umuwi?" tanong ko.
Umiling ito.
Nagpatuloy kami sa paglalakad, hindi katulad kanina, dahan-dahan na ngayon. Ipinahawak ko uli kay Mikael ang kanyang suitcase dahil malapit na kami sa bakanteng lote. Sa hindi kalayuan ay may natanaw na akong sasakyan, sa bungad ng bakanteng lote at sa ilalim ng lamp post.
That's his profile picture!
"He's here," I muttered.
Habang palapit kami nang palapit sa sasakyan ay palakas nang palakas ang kabog sa dibdib ko. Nang masyado na kaming malapit ay may lumabas na lalaki roon. He was wearing black jacket and a cap on his head. Nakasandal ito sa sasakyan, nakaharap sa amin. Hindi ko pa rin makita ang kanyang mukha dahil sa shadow ng cap niya.
"Is that him?" Mikael asked in amusement.
I gulped hard. Sa sobrang kaba ko ay hinila ko si Mikael patawid sa ibang panig ng kalsada. Mas binilisan ko ang paglalakad para hindi siya madaanan, hawak pa rin si Mikael.
"Hey!"
Natigilan kami ni Mikael nang harangin kami ng lalaki. Napatitig ako sa kanyang mukha. Alam kong may ipagmamalaki itong mukha pero hindi ko inakalang pwede ring ipagmayabang.
Inalis niya ang sombrero sa kanyang ulo.
He has this messy type of hair, a pair of brown eyes, a pointed nose and a mischievous red lips. Pero ang pinakanakaagaw sa atensyon ko ay ang tattoo sa gilid ng kanyang leeg, ang angas tignan.
I blinked... I shouldn't complimenting him!
Tumingin ito sa kapatid ko. "Hey! What's your name young boy?"
"I'm Mikael, and you are?"
"Rocky."
"Okay." Mikael looked at me. "Mad? Why are you stunned? I thought you are mad at him? He's blackmailing you, right?"
Namula ako sa sinabi ni Mikael, buti na lang gabi na kaya medyo hindi na gaanong halata.
Lumunok ako uli bago pumalad sa kanya.
"Humihingi ka ng pera?" Mikael asked me.
"No. Give my ID back, Rocky," I said.
Tumango ito. May kinuha siya sa kanyang bulsa at inabot 'yon sa akin.
Napangiti ako. I checked my ID. Andito ang susi ng gate namin, andito pa rin ang ID card ko... Pero wala ang pinakaimportanteng bagay na kailangan ko.
"May malapit na coffee shop dito," sabi ni Rocky. "I'm sure alam niyo. So..."
"Sure!" Si Mikael ang sumagot.
"Kael." Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko. "Hindi magandang sumama sa ibang tao, lalo na kung hindi mo kilala."
"Oh, no worries! Pwedeng lakarin 'yon, I won't use my car para mas comfortable kayo. No harm at all, Mads."
Wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon. Gusto ko ring makuha ang letter ko sa kanya. Pumunta kami sa malapit na coffee shop, pumupunta rin naman kami rito ni Mikael dati, pero magmula nang mawala si Mama ay dumalang na.
Naghintay kami ni Mikael sa isang table. The ambiance here is kind of aesthetic, the dim red and blue lights and coffee aroma. Minsan na rin akong gumawa ng project dito. Ang chill kasi pati ang soft music.
Magkatabi kami ni Mikael sa isang magkarugtong na pangdalawang tao, magkaharap ang mga upuan na pinapagitnaan ng parisukat na lamesa. Sa bandang dulo ay may bilyaran.
"He seems nice naman, Mad," sabi ni Mikael na ikinalingon ko.
"Just because of the free coffee?" I laughed. "You really can't tell, Kael."
"Wala ka namang trust issue sa pagkakaalam ko, Mad." Ngumisi ang kapatid ko na tila may ibang iniisip. "Why is it so hard for you this time? Are you afraid?"
"Yes. Afraid of the danger he might bring to us." I rolled my eyes. "Can you be not so nice to him? Baka akala niya ay kaibigan na ang turing natin sa kanya. He might take advantage of it."
Mikael nodded his head. "But not this time, Mad. Free coffee, eh?"
"You talk like a teenage boy, Kael." I pinched his nose.
Mayamaya ay bumalik na si Rocky, may dala itong tray at may isa pa siyang kasamang waiter na may dalang isa pang tray. Pinatong nila ang mga kape sa harapan namin at may may chocolate cake pa.
Halos sa table lang ako nakatingin. Sa peripheral vision ko ay nalaman kong umupo na rin si Rocky at inayos ang mga order namin sa lamesa.
"Thanks for you coffee," dinig kong sabi ni Mikael.
"No worries," sagot naman ni Rocky.
"Say thank you, Mad," bulong sa akin ng kapatid ko pero 'di ko siya pinansin.
Kinulong ko sa mga palad ko ang mainit na tasa ng kape, pakiramdam ko ay nilalamig ako. Paikot-ikot ang paningin ko, nilalagpasan ng tingin ang lalaking nasa harap ko.
He faked a cough to get my attention which is a success.
I raised my eyebrows.
"Did you get the load?" tanong nito.
"Whoa." Siniko ko si Mikael.
"Yes. Para saan 'yon?" tanong ko.
"For the ki---"
"Shut up!" Namula ang mukha ko dahil sa napalakas ang pagkakasabi ko no'n, at muntik nang marinig ng kapatid ko.
"You asked me." Tumawa ito.
Sinamaan ko siya ng tingin at pasimpleng tinuro ang kapatid ko. Mukhang nakuha naman niya 'yon base sa pagtango niya.
"What do you want?" tanong ko. "I mean... It's not like I will help you to get what you want."
"You are intimidated, Mad," pag-epal ng kapatid ko.
Tumingin ako sa kanya. "Kael... Pwede bang huwag kang sumama sa usapan? Just drink your coffee and..." Inilapit ko sa kanya ang slice ng cake na nasa harapan ko. "Just eat, please?"
Tumango naman ito.
Muli kong hinarap si Rocky. "Come on. I-Ibalik mo na lang sa akin 'yung letter, please?"
I can't believe I'm pleading now. Basta. Gusto ko nang makuha ang letter na 'yon para tapos na ang problemang ito at matatahimik na rin ako. Hanggat wala sa 'kin 'yon ay patuloy pa rin akong pangangamba.
"Hindi ko naman ibibigay ang letter na 'yon, basta ba..." Pambibitin nito.
"Ano ba 'yong letter?" tanong na naman ni Mikael. "Love letter? Can I read it?"
Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang aking phone at earphone. I clicked the shuffle button on music and plugged in the headset. Pinasuot ko 'yon kay Mikael para hindi na niya marinig ang usapan naming ni Rocky.
Muli akong humarap sa lalaking nasa harapan namin.
"Please, Rocky. I can't help you. Humanap ka na lang ng iba."
"It's not in the maximum volume, Mad," sabi ng kapatid ko. "I can still hear you. Do you want me to max the volume?"
Napabuga na lang ako ng hangin.
"Kael..." I warned him.
"It's already in the maximum volume, Mad," sagot ng kapatid ko.
"Can you hear me?" tanong ko.
"No," sagot naman nito.
Tumawa si Rocky habang ako ay hindi na alam ang gagawin.
Inalis ko ang headset sa tainga ng kapatid ko. "Wait us here, Kael. Ubusin mo na lahat ng cake. May pag-uusapan lang kami in private, is that okay?"
"If I say no, will you stay?"
"Kael..."
"Fine!" He pouted his lips. "I'll wait here. Pero bilisan mo, ah?"
Tumayo na ako at lumabas ng coffee shop. Ramdam ko naman na nakasunod sa akin si Rocky. Pumunta kami sa Smoking Area ng coffee shop sa labas. May dalawang tao ang nag-uusap sa dulo pero wala na rin akong pakialam kahit na marinig nila.
Hinarap ko ang lalaking kasama ko.
"Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa pamba-blackmail mo sa akin?" pananakot ko sa kanya.
"Ano'ng kaso naman?" He put his hands inside the pockets of his black jacket.
Acting cool, eh?
"I still don't know, pero I'm sure meron."
"Come on." He chuckled. "Ibabalik ko rin naman sa 'yo ito." Kinuha niya sa kanyang bulsa ang isang papel na gusto kong makuha.
Sinubukan kong agawin pero mabilis na naiiwas niya 'yon sa akin. He put it back on his pocket. Bumuga ito ng hangin bago pinasadahan ng tingin ang paligid.
"I like this place," he mumbled.
"Alam mo ba ang kahihiyan na naranasan ko ngayong araw dahil sa pagkuha ng ID ko?" Pumait ang tinig ko habang inaalala ang nangyari. "Muntik na akong hindi makapasok sa school, nakapasok nga pero may deduction ako sa bawat quiz namin. Ayoko na, Rocky. If this is still a game for you, give me a damn break. I don't play games."
He looked at me. At... Hindi niya sineseryoso ang mga sinasabi ko. Parang pumapasok sa kaliwang tainga at lalabas sa kabila.
"That's why I'm here, to ask you to play a game... with me."
Napakurap ako bago mahinang natawa. "And what makes you think that I will accept it? You are delusional, Mr. Brecken. I already helped you, remember that kiss?"
"You won't die in this game, Mads. And yeah, I still remember that boring kiss."
"Boring your face. I am not interested."
Humalukipkip ako. Kaya ko ng magtaray ngayon dahil hindi naman ako naririnig ng kapatid ko. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko.
"Sa bawat panalo natin ay babayaran kita," seryosong sabi nito. "I am not talking about a little amount here, Ms. Grilliard. Alam mo bang natanggal ngayon sa trabaho ang Papa mo?"
Nanlumo ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung totoo 'yon pero... Masyado nang naghihirap si Papa para sa amin ni Mikael.
Mas lumapit sa akin si Rocky. "Pareho tayong makikinabang sa larong ito, Mads. Every mission has a prize, and yes, may hati ka sa mga premyo. Makukuha mo pa ang letter na nasa akin, and you can still ask me for favors. I won't mind. Just... Just play with me... I need to complete this game."
Napatitig ako sa kanyang mata. Why am I seeing sadness now? Parang napakaimportante ng larong ito sa kanya, na halos lumuhod na siya ngayon sa harapan ko para lang tanggapin ko ang alok.
"A-Ano ba ang larong 'to? Are you part of an underground thingy just like in movies? Is this illegal? Marami ba kayo? Paunahan ba ito? Mamamatay ka ba kapag hindi mo natapos?"
Natulala ako nang ngumiti ito. "No. No, Mads. It's not illegal, and I have no competitors for this game. Pero nakasalalay rito ang future ko. This is a huge amount just to get wasted."
"Who cares about your future?" I shook my head. "Your offer is not that tempting, Mr. Brecken."
"Then tell me what the fuck do you want, anything, Miss Grilliard." Bahagyang bumali ang kanyang leeg. "Do you want me to buy you a car? A damn house and lot? Pay for your tuition fee?"
I gulped hard... Seryoso ba siya?
"Are you a billionaire?" Naningkit ang mga mata ko. "Like the CEO of a huge company? Are you a prince? Like... In movies! But... Why would you still want money for completing that game if so?"
Parang sinapian ako ngayon ni Mikael, ang pagiging mausisa nito.
"Maybe you are right." Nagkibit-balikat ito. "But I still don't own those things. And the only way to get those is by completing this damn game."
I nodded. "Okay, Prince Brecken..." Mas lumapit pa ako sa kanya. "You are delusional."
Nilagpasan ko na siya. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang hawakan niya ang braso ko. Napahinto ako at galit na tumingin sa kanya. Mabilis din na nawala 'yon nang mapansin na inilabas niya sa kanyang bulsa ang letter ko.
"Kapag ba binigay ko 'to sa 'yo ay tutulungan mo na ako?" seryosong tanong nito.
I nodded my head without hesitation.
"Promise, Miss Grilliard?"
"I promise, Mr. Brecken."
Binitawan niya ako.
Napangiti ako nang ibigay na niya 'yon sa akin. Mabilis na binuklat ko ang nakatuping papel. Lumuwag ang paghinga ko.
Bumalin ako ng tingin kay Rocky. "Baka may copy ka nito, ah?"
He shook his head as he smiled. "Don't worry, Miss Grilliard. I don't keep receipts, I keep words."
"Thanks!" I mentally laughed... But promises are meant to be broken, bruh.
I'm done with you.
Tumalikod na ako at nag-umpisa nang bumalik sa Coffee Shop nang makitang palabas na rin si Mikael. Nakanguso ito habang naglalakad palapit sa akin.
"What happened?"
"Dad texted me and---"
"Mikael, Maddy." Nanghina ako nang marinig ang malamig na boses ni Papa sa likod ko.
Madiin akong pumikit bago hinarap si Papa. Napalunok ako nang makasalubong ang nagbabagang mata niya. Halos pumula na rin ang mukha niya sa sobrang galit.
"Sinusubukan niyo talaga ang pasensya ko."
"Excuse me, Sir." Pag-epal ni Rocky. Pinanlakihan ko siya nang mata at sinenyasan na umalis na pero hindi niya ako pinakinggan. "A-Ako po ang may kasalanan kung bakit hindi sila nakauwi agad. I'm sorry---"
Nanlaki ang mga mata ko nang dumapo sa mukha ni Rocky ang kamao ni Papa. Napaupo si Rocky sa sementadong sahig, pumutok ang labi nito pero wala man lang bakas ng hapdi sa kanyang mukha.
Lalapit na sana ko kay Rocky para tulungan siya nang hawakan ni Papa ang kamay ko, mahigpit na nasasaktan na ako.
"Uuwi na tayo..." Madiin na sabi ni Papa. "Mikael!"
"Opo!"
Hawak ni Papa ang kamay ko habang naglalakad pauwi. Binalikan ko ng tingin si Rocky, nakatayo na rin naman ito. Pinunasan nito ang dumugong labi bago napailing.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro