Chapter 29
Chapter 29: Where It All Ends
"Bilis na kasi!" ani Rocky na nauna nang umakyat sa puno.
Matagal-tagal na rin kasi nung huli akong umakyat ng puno. Hindi naman kataasan pero hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. Kanina pa nakaakyat si Rocky at halatang inip na dahil sa kabagalan ko.
"Isipin mo na lang na ako itong puno, yakap lang hanggang sa makaakyat ka," aniya pa.
Napailing na lang ako dahil hindi ko makuha ang punto niya.
"Gabi na kasi eh," paggawa ko ng dahilan. "May may duwende tayong maapakan! OMG. Baba ka na, pasok na tayo."
Tumamad ang tingin niya sa akin.
Huminga ako nang malalim bago inalis ang tsinelas ko. Inapakan ko ang magaspang na bahagi ng katawan ng puno. Nang malapit na ay hinawakan ako ni Rocky para makaupo sa isang sanga.
"Good job," puri ni Rocky. "Pwede ka ng si Jane at ako ang Tarzan mo."
"Manahimik ka nga." Ngumuso ako bago tinanaw ang ibaba. "Hindi ko na tuloy alam kung paano bumaba."
"Edi dito na lang tayo."
Napatingin ako kay Rocky. Nasa iisang sanga lang pala kami. Ako ang nakasandal sa katawan ng puno, natagilid at nakababa ang dalawang paa. Habang siya naman ay nakaharap sa akin, nasa pagitan ng kanyang hita ang kapit sa sanga ng puno.
"Ano'ng tinitingin-tingin mo dyan?" pagsusungit ko.
Umiling ito bago mas umusod palapit sa akin. Hinarang ko ang kamay ko para panatilihin ang malaking puwang sa pagitan namin. Hindi ko gusto ang posisyon namin. It's awkward, lalo na kapag mas lumapit pa siya.
"Masama bang titigan ko ang girlfriend ko?"
Pakiramdam ko ay mahuhulog talaga ako rito kahit na anong segundo. Kahit na hindi ako gumalaw o kahit na hindi umihip ang hangin, sa mga salita lang ng lalaking 'to nanlalambot na ang kapit ko.
"You're my third girlfriend," aniya pa.
Oh, that answered my question. Well, kahit naman na malimit siyang mag-isa, hindi ko inalis ang duda na nagkaroon din siya ng girlfriend. Just like what I said before, he could have as many girls as he can with that sweet tongue.
"I had my first girlfriend when I was in kindergarten. Christmas party no'n. May palaro na itinatali ang mansanas tapos partner-partner, kakagatin at unahan maubos. We accidentally kissed each other."
"Dahil lang sa kiss, girlfriend mo na?" pang-aasar ko.
Umiling siya.
"Araw-araw no'n akong nagdadala ng mansanas, tapos kaming dalawa lang ang naglalaro."
"Grabe. Ang maniac mo."
"Uy, 'di ah. It's just a kiss. Kaso nag-break kami nung isang araw ay nakalimutan kong magdala ng mansanas," malungkot niyang sabi. "Hindi niya ako pinansin. And that's where it all ended."
"Ilang araw kang nagdala ng mansanas?" tanong ko.
Bahagyang umangat ang tingin niya na parang nag-iisip.
"Two consecutive weeks?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Araw-araw kang nagdala ng mansanas, walang palya?" gulat kong tanong.
Tumango siya.
"Ibig sabihin..." Lumunok ako bago napaismid.
Araw-araw silang nag-kiss? Well, they were just kids that time. Malamang na wala lang sa kanila 'yon. But still, really? 2 weeks?
Pinanlakihan ko siya ng mata nang umusog pa siya palapit sa akin. Tumigil naman ito pero hindi umaatras.
"I had my second girlfriend when I was in third year high school. She was the campus---"
"Sweetheart. Sa dami ng nanliligaw sa kanya, ikaw ang nakakuha. I get it, dude."
Humalakhak siya.
"He was the campus best journalist, I mean," aniya, naiiling. "She was not the type of girl, you know? Let's just say, the total opposite of your expectation. We shared same interest when it comes to books. She helped me with my essays. I helped her with her articles. Dahil sa kanya ay nasama ako sa honors. Our relationship was intimate---"
"Intimate?" I furrowed my eyesbrows. "You had sex, you mean?"
Nanlaki ang mga mata ni Rocky bago malakas na tumawa. Muntik na nga itong mahulog dahil sa sobrang tawa niya.
What's so funny? Pinagandan niya lang ang description niya. Duh.
"We had," aniya matapos tumawa. "Pero tatlong beses lang."
Lang?
"Gabi na kasi no'n, naiwan kami sa SSG Office ng school para tapusin ang editing. She was the secretary, kaya may iba pa siyang inaayos maliban sa article. At syempre, I was being gentleman to join her. Until... it just... happened. It's fine, walang CCTV camera. And uh, I knew how to pull it off. The second we did that is after the Junior and Senior Prom Night---"
"I didn't ask the details, jerk!"
"Well..." He shrugged his shoulders. "How about you?"
"What do you mean?"
"Hindi ba kayo nag-kiss ng past boyfriends mo?" nakakalokong tanong niya. "You said I got your first kiss. How come?"
No. I never had a boyfriend before.
"I don't like this topic," pag-iwas ko.
"Oh, come on." He chortled mischievously. "You said I won your heart better than anyone else before? That's cool. Pleasure, to be honest. But I just can't help but to wonder, how come? Were you a playgirl before? You didn't take your past relationships seriously?"
That's not it. Nagkagusto ako sa mga lalaki, pero hindi ako kailanman umamin. Pero pagdating kay Rocky, hindi ako nag-atubiling umamin. I'm comfortable with him. Sa sobrang pagkakumportable ko ay nasasabi ko sa kanya ang mga hinanakit ko.
Yumuko ako at muling tiningnan ang taas namin.
Pag-angat ko nang ulo ay nakalapit na pala sa akin si Rocky. Hindi naman gano'n kalapit. Nakaharap ito sa akin. Seryosong nakatingin. Sinabayan ko ang malalim niyang tingin.
"K-Kailangan mo na ba talagang umalis?" tanong ko.
Hindi ito umimik, nanatili lang siyang nakatingin sa akin.
Suminghap ako. "M-Masakit ba? I'm here. I'm all ears."
For the last time, I want to see what's behind the sweet words and precious smile. Gusto kong bago siya umalis... nakapaglabas siya ng sama ng loob sa akin. Hindi ko alam kung may gagawa pa nito sa kanya.
"It hurts like hell," he whispered.
"I-I'm sorry," I mumbled. Nakaramdam ako ng hiya sa kanya. "Kung hindi dahil sa akin ay matagal mo nang tinigilan ang larong ito. Kung hindi siguro kita tinulak pa para ipagpatuloy ito, hindi ka na sana nasasaktan ng ganito. I should have just sat beside you and let you decide on your own. I'm sorry for acting like I know everything."
Hindi na naman siya kumibo. He just stared at me.
"You won the game, but got nothing," I said.
"You are everything to me."
Umiling ako. "No. Not that. Akala ko kasi ay magkakasama kayo uli ng Mommy mo pagkatapos ng laro. Kaya tinulak-tulak kita para tapusin ito. It's just..." I bit my bottom lip. "Gusto kong maranasan mo kung gaano kasarap magkaroon ng ina. I though I could make you feel complete again."
"We finished the game because of you."
"Yeah." I laughed sarcastically. "And because of me, you won the prize. When I say prize, this pain. Right? Ang premyo ng larong ito ay sakit lang sa 'yo. Right. And that's because of me."
"Labas ka sa kung ano mang hirap ang dinaramdam ko ngayon." Mas umusog siya sa akin pero hindi ko na siya pinigilan. "You just played the role I asked you to. Kung may kasalanan man dito, ako 'yon. I cheated the game all the way here."
"Hindi ako dapat ang partner mo sa larong ito, hindi ba?"
Huminga siya nang malalim bago tumingala. "It should be Dad," he whispered. "Mom created this game for Dad and I. Every task is a step to tie the bond between us. She also wanted to show her mistake through this game."
Nanatili akong tahimik, nakikinig lang sa kanya.
"Remember the first task? I should get myself another player to play this game with. That person should be someone special to me... which should be Dad. But I cheated when I chose you instead. I kissed you to make you special to me And well, wala na rin naman si Dad no'n.
"Y-Your Dad... who played with him?"
"Alone. He cheated the game when he played it alone. Remember the second task? I should make Dad get in the car without using force. I don't think I would have the guts to ask Dad to come with me. But since you are that someone I chose to play with, ikaw ang dapat kong pasakayin sa sasakyan nang hindi gumagamit ng dahas. And yeah, I cheated again when I blackmailed you." He chuckled.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ito.
"Remember the third task? Halos ang tagal nating umiikot bago makuha ang clue sa game --- which is the Hotel where the incident happened. Siguro kung si Dad ang kasama ko sa sasakyan no'n, nakapag-usap na kami sa tagal nang pag-ikot. Iyon din siguro ang pakay talaga ng task na 'yon, makapag-usap kami ni Dad. But then again, kayo ni Kael ang kasama ko. That was fun. Your brother was genius!"
It all made sense now. Ginawa nga ang game na ito para kanilang dalawa.
"The fourth task? We need to watch the CCTV footage of that incident. Nasaksihan natin ang pag-aaway nila. But the truth is, Mom wanted me to know that I don't have anything to do with the mess... na kasalanan nila ang lahat kaya nagkaganito ako. See? She wanted to show us... all the mistake they couldn't undo anymore. And she wanted me to learn from their mistakes."
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"And the fifth task, nung pinuntahan natin ang secretary. Sinabi niyang binayaran siya ni Mommy para akitin si Daddy. Dad has been longing for Mom's attention, too. They both worked hard but Mom worked harder. Ni hindi na nga rin niya naaasikaso si Dad. Nung nalaman ni Mom ang sakit niya, he tried to make a way to cause a commotion between them. Gusto niyang magkaroon ng rason ang pag-alis niya. Gusto niya na ang rason ng pag-alis niya ay ang pag-aaway nila at hindi ang sakit niya. But Mom failed... Dad couldn't get mad at her."
"It's so sad she had to learn her mistake the hard way... kung kailan wala ng panahon," bulong ko. "But at least, she realized her mistake."
Their story was tragic. It's the power of time. Naubusan sila ng panahon.
"Remember when you asked the secretary if she loved Dad and she shook her head, doon na rin natapos ang task natin. No, Mads. Ang task na 'yon ay hindi para alamin ang nararamdaman niya kay Dad. Naalala mo ba ang batang kasama niya? She used the money Mom paid her for her child. The truth is... Mom wanted to show me the use of love and money... which is... you use the money to protect the love. Still, above all, love first. That's their mistake. They focused on earning."
Yumuko siya kaya inangat ko uli ang kanyang ulo.
"Then?"
He let out a heavy sigh.
"The sixth task, nung nasa mall tayo. Remember when I left you? Gano'n kasi ang task, iwan ka nang hindi nagpapaalam. Nagsinungaling ako nung sinabi kong nakauwi na ako pero hindi pa rin completed ang task. The moment I stepped in my condo, the task has been completed. But... I couldn't leave you alone. Bumalik ako. That's where trust works. I can't leave you... I came back for you. And you trusted me when you stayed."
"Because I know... you would come back."
Ngumiti ito.
"The seventh task is to test how much we know each other. We failed," he laughed. "Hindi mo naman ako gano'n kakilala para maging ang mga tinatago ko ay alam mo. You didn't know I was allergic to peanuts. Pero paano kung si Dad ang kasama ko no'n, mapipigilan niya ba ako? Alam niya kayang bawal akong kumain do'n?"
I suddenly remembered what happened after. Bumalik 'yun mukha niyang namumutla at kung paano siya kapusin ng hininga.
He's right... I still don't know him.
"And the next tasks are connected. You'll keep the truth from me and it's up to you if you'll tell me or not. May I ask you, Mads? What if I had no clue that you hid the truth from me? Paano kung alam mong patay na si Mommy at hindi ko pa 'yon alam. Would you tell me even though it could hurt me?"
Nanuyo ang lalamunan ko.
"I-I don't know," I answered. "I don't think so. Siguro ay hindi mo malalaman dahil kahit kailanman ay hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob para saktan ka."
"At ikaw ang magdurusa." Sumama ang tingin niya sa akin. "You know that I can handle the pain, Mads. Pero ibang usapan kapag ikaw. You can tell me everything. I don't mind getting hurt anymore."
"But the choice would be mine, Rocky. I'll always choose to save you."
Napasinghap ako nang mas lumapit pa siya sa akin, nagkabunggo na ang katawan namin. Naramdaman kong niyakap niya ang katawan ng puno, kasama ko. Sinandal niya ang sarili sa akin.
"You're the prize of this game, the greatest prize I could ever win on a game," he whispered. "Marami na akong natapos na laro, marami na akong naiuwing panalo. But this is the best game ever. This is the first I felt I won. I didn't know I would be thankful to Mom for creating this game. She did it, Mads. Mom given me the best thing in this life. Thank you. Thank you for being in the same lifetime as me."
Pinakawalan ko ang kapit ko sa puno at yumakap sa kanya.
"I'm going to miss you so bad," bulong ko at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Every game has an end," he whispered. "I'm afraid this is where it all ends."
"Hey. May bukas pa. Pupuntahan pa natin ang puntod ng mga magulang mo."
Humigpit ang yakap niya sa akin.
Why?
"I love you, baby..." he whispered.
"Rocky..."
"Every game has a story, remember ours."
Nag-vibrate ang relo ko kaya tiningnan ko ito.
'Congratulations, you completed the tasks. This is where the game ends. Remember everything."
The game... is completed. Natapos namin ang laro.
Sumikip ang dibdib ko. He has no reason to stay now. He's free. Sa wakas, magiging malaya na siya. This game won't hurt him anymore.
"We did it," I whispered.
Naramdaman kong may tumulong tubig sa balikat ko, kasabay no'n ay nanginig ang katawan ni Rocky. He's crying. My baby is crying in my arms.
"I-I'm planning to delete all the pictures," he mumbled.
"It's okay..."
"Even ours..."
Madiin akong pumikit.
"It's fine, baby."
I won't stop you anymore. Whenever I am sad, I want him to stay. Whenever I see him hurting, I want to set him free. But this time... I won't choose for him anymore.
It's his choice now.
To remember or to forget...
"It hurts like hell..." he whispered. "I'm sorry if I have to leave everything behind to start a new one. I'm sory for not having the courage to stay. Forgive me, baby. Forgive this unfriendly brat."
"Don't say that. You are the bravest person I've known, you'll always be."
He sobbed harder.
"I will always be proud of you, Mads. When you think the world is against you, think of me... I am with you."
Oh, god. Why is he giving me the feeling like...
I don't want to stop him but... my heart hurts.
"Just like what I've said before, you saved me. You will always be the savior of this lonely boy."
"You are no longer lonely. I am with you."
Humarap siya sa akin.
Ako na naman ngayon ang humawak sa kanyang pisngi at pinunasan ang luha roon. Napatitig ako sa kanyang mga mata. I will miss those beautiful brown eyes, the anchor tattoo, the playful smile... I will miss everything about him.
"I-I'm tired..." he whispered as he smiled. "Let's sleep?"
"Sure, may adventure pa ulit tayo bukas. We need enough energy," nakangiti kong tugong. "Doon ka na lang matulog sa kwarto ko."
Natulog kaming dalawa sa kwarto ko.
"Good night, Mads," he whispered.
Hindi ako agad natulog. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Hinaplos ang bawat parte no'n. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan ang kanyang noo... at labi.
Who would have thought that the stranger who pushed me in the dark, asked for a kiss and forced me to join his game would be the someone I could love this intense?
I don't want to sleep. I want to treasure every second of being with him. I don't want to regret this night.
On the first night of February, I met this brave boy who fought hard to survive the uncertainty of this life.
"Shit." Napamura ako nang pumikit ang mga mata ko. "Don't sleep yet, please?" pagmakakaawa ko sa sarili ko.
Tatayo sana ako nang gumilid sa akin si Rocky at niyakap ako. Wala akong nagawa kung hindi ang humiga, tumitig sa kanyang payapang mukha hanggang sa makatulog.
Kinabuksan ay nagising ako sa ingay ni Kael, katok ito nang katok sa pinto. Bumangon ako at nag-inat ng katawan. Shit. Late na ako nito. Mabilis na binuksan ko ang pinto. Tumambad sa akin si Kael na nalilito. Nakabihis na ito.
"Hintayin mo ako, ah? Magbibihis lang ako sandali."
Hindi ito kumibo. "A-Ate Mads..."
Inangat niya ang isa niyang kamay, nakasara 'yon.
"Ano 'yan?" tanong ko.
Binuksan niya ang kanyang kamay.
"I found this on the table," tukoy niya sa susi ng sasakyan ni Rocky.
Napatingin ako sa kama ko. Umuwi na siya?
Patakbo akong sumilip sa bintana sa labas. Andito pa ang sasakyan niya.
Naguluhan ako.
"Nag-commute ata si Rocky," bulong ko. "Ikaw kasi! Ang kulit mo, sabi kong huwag mo munang tanggapin ang susi eh. Tingnan mo. Nag-commute tuloy si Rocky!"
"A-Ate..." Niyakap niya ako bigla.
"Magbibihis lang ako. Tapos papasok na tayo." Tinalikuran ko na ang kapatid ko. "May usapan pa kami ni Rocky na magkikita mamaya sa bakanteng lote. Pupuntahan namin ang Mommy at Daddy niya."
"Ate Mads..."
Naglakad na ako pabalik sa kwarto ko. Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman ang luha.
"Magkikita pa kami mamaya," bulong ko.
Kinuha ko ang tuwalya.
"I don't want to wave my goodbye to you. I just want to fade like I didn't even exist in your life at all."
You're kidding me. Magkikita pa tayo mamaya!
Pagkalabas ko ng kwarto ay tumambad sa akin si Papa. Lalagpasan ko sana siya nang hilahin niya ako at kinulong sa kanyang mga braso.
Narinig ko ang pag-iyak ni Kael.
Don't cry, Mads. Magkikita pa kayo mamaya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro