Chapter 28
Chapter 28: Is This The End
Ramdam kong tumamlay si Rocky. Hindi ito nagsalita hanggang sa makalabas kami ng bahay nila at hanggang sa sasakyan. Tahimik lang itong nagmamaneho, sa kalsada ang tingin. Hindi rin ako kumibo.
We failed the game. Iyon ang akala niya. Pero ang hindi niya alam ay matagal nang tapos ang kanyang papel sa larong ito. It's my game alone now. Whatever happens, I won't lose it. This is for him. This fight is for him.
"I'm sorry," he whispered.
Hindi pa rin ako kumibo.
Kumuyon ang mga kamao kong nakapatong sa aking hita nang makita ang mahigpit na yakap niya sa manibela. Gusto kong hawakan ang mga 'yon at pakalmahin. He's feeling it again. The pain of losing something he fought hard to get.
Hold on, baby. I got you.
"Hanap tayo ng store na bukas pa?" suhestyon ko.
Hindi siya nagtanong kung bakit pero hininto niya ang sasakyan sa isang 24/7 store. Nauna akong lumabas bago sumunod si Kael na agad na humawak sa akin. Hanggang sa pagkapasok namin sa store ay hindi sumunod si Rocky. He stayed in the car.
I'm shaking, too. Pakiramdam ko ay sobrang hina ko ngayon. I can't even make him feel better. My love is hurting and it hurts me, too.
Bahagya akong gumilid para ayusin sa likod ko ang brown na envelope. Curiosity is killing me but I can't open it here. Baka makita ni Rocky. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko pero alam kong kung ano man ito ay hindi ito maaaring malaman ni Rocky.
"J-Just tell him..." Napatingin ako sa kapatid ko. "Kuya Rocky is sad. You can make him happy again by telling him the truth, why take it away?"
Tumingin ako sa paligid at nang masigurong wala si Rocky ay mas lumapit ako sa kapatid ko.
"Can you do Ate Mads a favor, please?"
"Not to tell Kuya Rocky that you found something? You know me, Ate Mads. I don't meddle in someone else's business. But-"
"Please?" I pleaded. "Just this time."
Wala rin itong nagawa kung hindi ang sumang-ayon.
Dumiretso ako sa mga drinks at kumuha ng mga beer. I want to be wasted tonight. I just want to forget how it feels to have this kind of pain inside. Hindi naman siguro ako pipigilan ni Papa dahil minsan lang ito.
It's just I'm afraid... I might lose him any moment. I don't want to regret this day.
Hinanap ko ang kapatid ko nang matapos akong makakuha ng mga inumin na nakalalasing. Natanaw ko ito, tumatakbo palapit sa akin bitbit ang iba't ibang junk food na kinuha niya. Todo ngiti pa ito sa akin.
"May pera ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Ate Mads..." Binigyan niya ako ng makahulugang tingin.
"You said blackmailing is never good?" I teased him.
Kinuha ko sa kanya ang mga hawak niya.
"It's not blackmailing. It's returning the favor."
Napailing na lang ako. Dumiretso na kami sa counter at ipinatong doon lahat ng pinamili namin. Kakapa pa lang sana ako sa bulsa para kumuha ng pera nang maunahan na ako ni Rocky. Naglapag ito ng pera sa counter nang hindi nagsasalita.
Bahagya akong gumilid dahil baka mabangga niya ang likod ko at mapansin ang itinatago ko roon.
Napasinghap ako. He smoked. Amoy na amoy ko sa kanya ang usok kahit na nagpabango ito.
Si Rocky rin ang nagbitbit ng mga pinamili namin papasok sa kanyang sasakyan. Dumiretso uli si Kael sa likod ng sasakyan habang ako ay sa tabi ni Rocky. Hindi pa kami nakakapagbyahe ay kumakain na agad si Kael.
"Hindi ka pa kumain ng kanin," puna ko kay Kael.
"Isa lang," pagrarason nito.
Tumingin ako kay Rocky nang magmaneho na ulit ito. Nakabukas na ang bintana sa gilid niya kung saan pumapasok ang hangin mula sa labas. Bahagyang gumagalaw ang kanyang buhok dulot ng hangin.
Don't leave me... just don't yet.
Nakangiting bumati si Rocky kay Papa, pero alam kong pilit 'yon. Hindi rin ito gaanong nagsasalita. Saktong nagluto si Papa ng paborito ni Rocky. Pumasok muna ako sa kwarto para itago ang envelope bago lumabas at dumiretso sa kusina.
Gutom ako pero nawalan ng gana nang makitang halos hindi maubos ni Rocky ang kanyang pagkain.
Naramdaman ko ang pagbabadya ng luha sa aking kaya tumayo ako at walang pasabing pumasok sa CR. Doon ko hindi napigilan ang mga luha sa aking mga mata.
"I'm sorry..." Tinakpan ko ng kamay ko ang aking bibig para pigilan ang pagtagas ng hikbi.
Hindi rin ako nagtagal do'n dahil baka mag-alala sila. Pagkabalik ko sa hapag-kainan ay sinundan ako ng tingin ni Rocky. Ngumiti ako sa kanya pero wala man lang siyang reaksyon.
Hindi maubos-ubos ni Rocky ang kanyang pagkain, maya't maya ang pag-inom nito ng tubig para malunok 'yon. Alam kong hindi niya tatanggihan ito, pipilitin niyang ubusin. Nagulat ako nang kunin ni Kael ang pagkain ni Rocky at siya ang kumain no'n. Nakita kong nasusuka na ang kapatid ko pero pilit pa rin niya itong kinakain. Ngumiti ito kay Rocky.
"Nagutom ako sa adventure kanina," pagdadahilan ng kapatid ko.
"Sorry..." bulong ni Rocky.
Napatingin ako kay Papa na tahimik lang na kumakain.
"Pa, bumili ako ng mga alak," diretso kong sabi. "Pwede ba tayong maglatag uli sa likod?"
Umangat ang tingin ni Papa. "May pasok ka bukas-"
"Please?"
Bumuntong-hininga ito bago tumango. "Pero huwag magbabad, ah?"
"Hindi na. Uuwi na rin po ako niyan," biglang sabi ni Rocky.
"No," may diin kong sabi.
"Maddy, please? I'm tired," Rocky pleaded.
Maddy?
"Stay. Sleep here."
"P-Please-"
Padabog akong tumayo. "Aayusin ko na ang carpet saka lamp sa likod. Sunod na lang kayo," sabi ko bago umalis.
Patakbo akong lumabas ng kusina at pumasok sa kwarto ko. Sumalubong sa akin ang envelope na iniwan ko sa ibabaw ng kama. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Nanginginig ang mga kamay ko sa hindi malamang dahilan.
It's just a damn envelope but I can't open it.
Nakarinig ako ng mga yabag palapit sa kwarto ko kaya mabilis na itinago ko sa ilalim ng kama ang envelope. May kumatok sa kwarto kaya pinagbuksan ko ito. Akala ko ay si Rocky pero si Papa lang pala.
Without saying a word, he pulled me for a tight hug.
I didn't shed a tear but I tightened the grip.
"I'm so scared," I whispered.
"Gawin mo lang kung ano ang sa tingin mo'y mas makakabuti sa inyong dalawa," bulong niya. "That kid has been through a lot. You can see it in his eyes. He needs a break."
Doon ko na hindi napigilan ang mga luha ko.
"Sometimes, staying is more painful than leaving," he whispered.
Ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang balikat at iniiyak lahat ng sakit.
"Just be strong for that boy, Mads."
I will.
Naunang lumabas ng kwarto si Papa at nagpaalam itong siya na ang mag-aayos sa likod ng bahay. Inayos ko ang sarili ko. Namalayan ko na lang na nagpabango pa ako at nagtirintas ng buhok.
Napatitig ako sa sarili ko sa salamin. Namangha ako nang mapansin na mas humaba ang buhok ko. Sa dami ng nangyari ay hindi ko namalayan ang pagbabago ng mga maliit na bagay.
"Ate Mads!" Pumasok si Kael sa kwarto ko. "Tara na!"
"Give me a second."
"Tara na kasi. Rocky promised to sing for us!"
"Good."
"And he will also give me the key on his car tonight!"
Napatingin ako sa kapatid ko. "You won't accept it."
Natigilan ang tuwa ng kapatid ko. "W-Why?"
"Not tonight, Kael. You can't give him all the reason to leave tonight."
Kahit na naguguluhan ay tumango ang kapatid ko.
Damn it.
Bakit ba ganito siya? Bakit ginagawa niya ang mga bagay na dapat ay matagal pa?
He can't leave tonight. No, please. Not tonight.
Pagkarating namin sa likod ng bahay ay naabutan namin sina Papa at Rocky na nagtatawanan. Tumakbo si Kael papunta sa kanila. Napatingin naman sa akin si Papa. Habang si Rocky ay nakatingin lang sa hawak niyang alak.
Humugot ako ng lakas ng loob bago naglakad at umupo sa tabi ni Rocky.
"Kanta ka na, please?" pagpupumilit agad ni Kael kay Rocky.
Kukuha sana ako ng alak sa plastic nang hawakan ni Rocky ang kamay ko at pinatong 'yon sa kanyang hita. Gagalaw pa sana ang isa kong kamay pero mabilis na binitawan ni Rocky ang alak na hawak niya at hinila ako para akbayan, para hindi makakuha ng alak.
"I bought those drinks," pagalit kong sabi kay Rocky.
"I paid for it." Ngumiti ito.
"I didn't ask you to pay in the place place!"
Umiling siya. Kinuha niya ang iniinom niyang alak na kalahati na lang ang laman, inabot niya 'yon sa akin.
"Ito lang?" tanong ko.
Lumapit ito sa akin at may ibinulong. "Sayo na lang lahat ng tira ko. I want to make sure the poison won't touch your lips."
Wala sa sariling napainom ako sa alak na hawak ko. Halos isuka ko rin ulit 'yon pero pinilit kong lunukin.
"Just a taste," dinig kong reklamo ni Kael kay Papa. "Just a drop on my tongue, please?"
Napailing si Papa bago kinuha ang isang alak. Dumila naman ang kapatid ko at pinatakan 'yon ng alak ni Papa.
Sabay-sabay kaming natawa nang makitang halos isuka ni Kael 'yon.
"Can we add sugar on it?" request pa nito.
Naramdaman kong sumandal sa akin si Rocky kaya tumukod ako ng kamay sa gilid.
"Ang sabi ko sa 'yo ay hindi mo kaya," ani Papa bago tumungga sa alak.
Tumayo ang kapatid ko at nag-aktong matutumba. "I think I'm drunk."
Tawa nang tawa si Rocky habang pinapanuod ang kapatid kong paikot-ikot sa amin. He doesn't look like a drunk man, he looked like a zombie. Nakaangat pa ang mga kamay niya.
Nang maubos ko ang binigay sa akin ni Rocky ay inabot niya uli sa akin ang iniinom niya bago kumuha ng bago. Nakasimangot ako habang pinagmamasdan ang laman ng alak na binigay niya. Halos maubos na rin ito.
"This is unfair," I mumbled.
"Not really. The tip of that bottle touched my lips which made it better."
Nangiwi ako nang kunin niya ang hawak kong alak at siya ang umubos no'n. Saka niya binigay sa akin ang hawak niya.
I rolled my eyes.
"What's so good about stars?" Napalingon kami kay Kael. Nakahiga ito at nakaunan sa hita ni Papa. Nakatingala ito sa mga bituin. "They only shine in the dark but invisible in the light. What's so good about that?"
"How they manage to shine alone," Rocky answered.
"That's great. But what's so good about being alone?"
"They don't depend on others," sagot na naman ni Rocky. "Kaya nilang lumiwanag nang walang tulong sa iba. Ang galing, 'di ba?"
"Ah. Kaya pala kahit na nasa tabi na nila ang iba, hindi pa rin sila lumalapit? Look. Walang magkadikit sa kanila. But I think they will shine brighter together."
"Yup. Pero para saan pa? They are good alone."
"Hindi pa rin. They are better together. In that case, they won't only shine in darkness, they will also be visible in the light. They won't lost. Unlike when alone, they fade, too."
Tumawa na lang si Rocky.
"Oh!" Umayos ng upo si Kael. "Kapag ba nagsama-sama ang mga stars, pwede silang maging araw?"
"Lasing ka ba, Kael?" tanong ko sa kapatid ko.
"I drank a little," pagrarason nito bago bumalik sa pagkakahiga sa hita ni Papa.
"Ah, oo nga pala, Kael." May kukunin sana si Rocky sa kanyang bulsa pero pinigilan ko siya. Alam ko kung ano ang ibibigay niya. "What? Pinangako ko sa kanyang ibibigay ko ito."
Hindi ako kumibo. Basta hawak ko lang ang kamay niya, para hindi makuha ang susi sa bulsa.
"Huwag muna ngayon, Kuya Rocky," saad ni Kael. "Sa susunod na lang."
"B-But..."
"Please," I begged.
Hindi na rin nagpumilit pa si Rocky. Tumayo ito at inayos ang kanyang damit bago humiga. Pinatong niya ang kanyang ulo sa hita ko, nakatitig sa aking mukha. Hindi ko tuloy magawang ibaba ang tingin ko.
"We met on the first night of February," he whispered. Hindi ko napigilang mapatingin sa kanya. "You are the anchor of my life, my lighthouse from afar. As long as you're with, I won't get lost. Remember. Remember everything."
Pumikit siya.
Pinaragasa ko sa kanyang buhok ang aking mga daliri habang pinagmamasdan ang kanyang mukha.
"But you can only look at the lighthouse from afar, you can't get near to it," he whispered. "And you need to release the anchor to sail in the vast sea."
Hinawakan ko ang kanyang mukha at hinaplos 'yon.
Narinig kong nagpaalam na sina Papa na papasok, nakatulog na raw si Kael.
"The game is over," he whispered. "I need to go."
"Stay for awhile," I whispered back.
Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata.
"I don't have a home," he mumbled. "I don't have a place to go back to. I am planning to travel the world, look for my place. I need to find where I really belong."
"More days, please? Stay. What if there's more in this game?"
"I'm so tired playing the role of a fool," he whispered and I felt his pain. "Keep it, Mads. I don't need that. When you find out, don't open your mouth. Consider your task completed. Don't feel bad. I'll be fine."
I knew it. Alam na niya.
"My Mom is dead," he whispered.
Walang pagbabadya o pagbabanta lamang, biglang pumatak ang luha sa aking mga mata. Hindi ako nagulat. May hinala na ako. Pero nakakagulat na alam na rin niya. Yumuko ako para yakapin siya.
"Alam ko na 'yon, dati pa. Pero sa tuwing lumalabas tayo, nabubuhay ang pag-asa kong baka mali ako," pagsisiwalat nito. "Ang sabi ng doktor na tumingin sa akin nung nagka-allergic reaction ako ay naging pasyente niya raw si Mommy. Nagising ako sa kahibangan. Doon din siguro nalaman ni Daddy na wala na si Mommy. Sumuko si Daddy sa parteng 'yon, dapat ay sumuko na rin ako. If you were not on my side, I'd probably gone, too --- just like dad. You saved me again, Mads."
Humagulgol ako sa kanyang dibdib.
How could he tell something so painful that smooth like it was not his story?
Naramdaman kong gumapang ang kanyang kamay papunta sa likod ko at hinagod 'yon.
"Kaya pala..." bulong na naman nito. "Nakapagtatakang madalas akong lapitan ni Mommy no'n. Pero sa tuwing lalapit siya sa akin ay lalayo ako. May gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi-sabi. Malalim na ang sakit no'n, malalim na ang galit ko sa kanila. Hindi ko alam kung ilang buwan kong iniwasan si Mommy, hanggang sa no'ng handa na ako ay umalis na pala siya."
Suminghap ako ng hangin nang kapusin.
Umupo si Rocky kaya napaayos din ako ng upo.
Nakangiti ito habang nakatingin sa akin. He's smiling like everything is good now and he's ready to leave.
In that moment, I knew I can't do anything to make him stay. Or even if I can, I won't be selfish to embrace him with my arms. Dad is right. My baby needs a break. Masyado na siyang nasaktan.
Leaving is better than staying...
"Iyong envelope na tinago mo sa likod ng damit mo, that's her medical documents. Hindi ko alam kung saan niya 'yon tinago. I'm glad you found it."
"I'm sorry..." Iyon lang ang tanging lumalabas sa bibig ko.
"Your final task is to hide that document from me. Kapag nalaman mong patay na si Mommy, hindi mo ito masasabi sa akin. And I don't want you to get hurt again. Sinigurado kong alam ko na ang katapusan ng larong ito bago pa natin matapos. Sinigurado kong hindi na kita masasaktan pa. Yes, I cheated to save you."
"R-Rocky..."
"Mads... ang sakit," nangilid ang luha sa kanyang mga mata. "I regret the time when I let anger overpowered my heart. I should have talked to her. G-Gusto na niya sigurong sabihin no'n na may sakit na siya pero hindi niya magawa kasi... alam niya ang kanyang mga pagkakamali at pagkukulang. She didn't want to put the burden to me so she just left."
"It's not your fault."
"She loved me, right? Hindi niya gagawin 'yon kung hindi niya ako mahal." He seemed desperate to know the answer to that. "Siguro ay may mga pagkakataon lang talaga na sa sobrang pagkaligaw natin ng landas, kapag nakabalik na sa matuwid na daan ay huli na, may mga bagay ng nagdaan na hindi mo na mababalikan. But at least... I felt the love."
Tumawa ito.
"Pinagpatuloy ko ang larong ito para makasama kita... at para malaman ko kung saan nakalibing si Mommy. I have no idea. What kind of son am I? Hindi ko alam kung saan nilibing ang mga magulang ko. Gusto kong magpaalam sa kanila bago umalis. Samahan mo ako. Gusto kong puntahan natin sila. Gusto kitang ipakilala sa kanila. This is not part of the game anymore. Be with me one last time, even if it's not because of the game anymore."
"So... is this the end? Tapos na ba ang laro?"
"I'm afraid, baby." Hinawakan niya ang pisngi ko at hinawi ang mga luha roon. "I'm glad I found you."
"I love you. Whatever happens. Remember that you're capable of being loved whoever you are or whatever you're going through. Alam kong hindi lang ako ang makakakita nito sa 'yo."
He pulled me for a tight hug.
"I'm sorry, Mads. Please, be brave enough to let go of me," he whispered.
I will never be brave enough to let go of you but I will never be selfish enough to own you either.
This is your life and I'm just a part of it --- that I'm just a supporting character in your story.
Kumawala siya sa pagkakayakap at tumawa.
"Stop crying, I'm not going to die." Ginulo niya ang buhok ko habang nakangiti. "Nagbuhol ka na naman pala ng buhok."
Suminghap ako. "About the game. Is this it? Ito na 'yon?"
Tumingala siya sa kalangitan. "Mahaba-haba pa ang gabi," aniya saka tumingin sa akin. "Pwede pa tayong magkwentuhan, hindi ba? Gigisingin na lang kita bukas o kaya'y bubuhatin ko na lang ang kama mo papunta sa school niyo."
Tumawa ako. "Sira!"
"I wonder what would happen if Dad and I played this game?" he said.
Natigilan ako.
"W-Wait... don't tell me." Nanlaki ang mga mata ko.
"Hindi ko pinagsisihan na ikaw ang nakasama ko sa laro. Pero hindi ko lang maiwasang isipin, paano kung sinunod ni Daddy ang larong ito? Paano kung natuloy ang layunin ng larong ito na pagsamahin kami ni Daddy sa iisang kotse, habang gumagala sa gabi at sinusunod ang mga task?"
That's it.
I took the place that, that should be for his Dad.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro