Chapter 27
Chapter 27: Failed
I gulped all my fear as I stared at the tremendous house. With all the lights around, darkness didn't totally fade. It made sense why Rocky chose to live in a condominium rather than be trapped in this house. It looked fancy, yes, but it was not built for a single person. I would do the same if I were him.
"Mads. It's okay if you don't want to play tonight," Rocky said for the nth time. "Kung gusto mo ay babalik na lang tayo bukas nang umaga para maliwanag. I can't push you on something you fear."
"We have classes tomorrow," Kael interrupted. "We can't help you."
Bumuntong-hininga ako saka umiling. "Let's do it tonight."
Sinabayan ni Rocky ang tingin ko. Wala rin itong nagawa kung hindi ang tumango. Humarap din ito sa malaking bahay na parang tinatanaw kung hanggang saan ito, na parang hindi rin kilala ang pinanggalingan.
I stared at him. I couldn't help but to feel proud.
"Let's have a tour first?" tanong ni Rocky.
Mabilis na tumakbo si Kael pahawak sa kamay ni Rocky. "Please?" He agreed, thrilled.
"Sure," I agreed, too.
Napasinghap ako nang hawakan ni Rocky ang kamay ko. Pero mabilis din na naputol 'yon nang pumagitna sa amin si Kael at hinawakan ang magkabila naming mga kamay.
"Gitna dapat ako, baka may kumuha sa akin," ani Kael. "This really feels like a haunted mansion. Just like the game I once played, ghosts are probably hovering around."
Maglalakad na sana ako nang pigilan ako ni Rocky. Umupo ito sa harapan ni Kael at may ibinulong. Nakita ko ang panlalaki sa mga mata ng kapatid ko bago sunud-sunod na tumango.
"I'd love that!" he exclaimed.
Nilagay ni Rocky si Kael sa kanyang balikat at nang makatayo sila ay hinawakan ni Rocky ang aking kamay. Hindi ko sana ibibigay 'yon pero mabilis niyang nahuli. Mahigpit ang kapit niya sa akin.
"Let's go!" excited na sabi ni Kael.
"Ayos ka lang ba talaga?" pabulong na tanong sa akin ni Rocky.
I don't know. I'm fine. Wala akong ibang nararamdaman sa katawan ko. I'm also eager to play tonight. But... I don't feel like moving. Maging ako ay naguguluhan sa sarili ko.
"Mads..."
"I'm good." I forced a feeble smile. "Let's go?"
Hinaplos ni Rocky ang kamay ko bago tumango. Sabay-sabay naming tinahak ang loob ng malaking bahay. Nakabukas lahat ng ilaw kaya kitang-kita ang buong paligid. Sa pag-apak namin sa loob ay ang pagsaboy ng alikabok sa aming mga paa. Bahagyang nasira ang katahimikan sa yapak ng aming mga paa.
Napatingin ako sa marmol na sahig na binabalot ng alikabok. May mga bote na nakakalat. May mga basag na vase. Sa gitna ay may malaking piano na pinamugaran na ng agiw ng mga gagamba. Sa likod no'n ay may malaking paikid na hagdan papunta sa itaas. There were paintings in the wall.
Binitawan ko ang kamay ni Rocky at naglakad sa isang painting. Tumingala ako para pagmasdan ang malaking portrait. It was a portrait of a happy couple. Sa material na gamit pa lang ay malalaman mong hindi ito ginamitan ng mga mamahalin na gamit. Nothing is elegant on the portrait. Simple things, priceless moment.
Is that really it? The best things in life happen in the simplest way?
"The guy looks like you," Kael said.
Hinawi ko ang alikabok sa mukha ng mga nasa portrait. Kael is right, the guy looks exactly like Rocky. Maging ang babae.
"Scary unless I came from them." Rocky chuckled.
"Your dad looks like you," I mumbled. Nakasandong puti lang ang lalaki habang nakaakbay sa babaeng nakasimpleng asul na blusa. "You got the color of your eyes from your Mom and the bed hair from your Dad."
"Where are your parents, Kuya Rocky?" Kael asked.
"Somewhere out of my reach," Rocky simply answered.
"Just like Mom..." Kael mumbled.
Napangiti na lang ako. Mabilis talagang makaintindi ang kapatid ko. And I'm happy that he didn't throw follow up questions that would make Rocky feel uncomfortable.
"Kailan 'to kinunan?" tanong ko.
It looks old.
Bumaling ako kay Rocky. He was looking at me, too. Was he looking at me all this time?
"When life was still simple," sagot nito sa mababang boses. "Let's go somewhere else?"
Hinawakan niya uli ang kamay ko. Napatingin ako kay Kael na mukhang enjoy na enjoy sa balikat ni Rocky. Palinga-linga pa ito sa paligid na parang nasa isang museum na lahat ng bagay ay mahalaga.
"Baka napapagod na si Rocky," sabi ko sa kapatid ko.
Nilingon naman niya ako. "Palit tayo?"
I glared at him.
My brother just smirked to annoy me even more.
Napairap na lang ako.
"Do you play piano?" Muli kong binitawan ang kamay ni Rocky para lapitan ang piano.
May upuan pa sa harap nito. Inikot ko ang malaking piano bago napansin ang mga salitang nakaukit. It was Rocky's name embedded on the piano. Malamang na regalo sa kanya ito ng parents niya
"Dati," tipid na sagot nito. "Actually, I could play almost all intruments. They were my childhood friends. They sang for me when I was alone. They stayed with me even if their strings were broken. But when I left this house, I left everything."
Fuck it. Can't he say something without hurting me?
Nakaramdam ako ng pagkasayang habang nakikinig sa kanya. That's why he sounded good when he sang in the car. I wonder how it feels like when Rocky is singing while playing piano or guitar?
Siguro ay hindi ko na mararanasan 'yon. Pero alam kong darating ang araw na muli siyang maglalaro ng gitara habang kinakantahan ang babaeng mahal niya.
"You were incredible," Kael mumbled.
Nakita kong natigilan si Rocky. That compliment from Kael stunned him, like it was the first someone praised him for these things.
"Don't you think that's weird?" tanong ni Rocky kay Kael. "Your parents were into games and adventure and there was their son, playing piano while singing. Lame kid. Old-style."
Umiling si Kael. Hindi naman siya matanaw ni Rocky na sa piano nakatingin. Tumagos ang tingin nito papunta sa akin.
Suminghap ako bago umiwas ng tingin.
"Your parents could play games, how about music? I don't think so," Kael responded. "And there you were, playing two different things. Absolutely incredible. If that was lame, I would rather be as lame as you."
"Y-You think so?"
Muling naagaw nila ang atensyon ko.
"Yep. Come on. Who even said music is lame?!" pagalit na sabi ng kapatid ko.
Kael is fluttering Rocky. Kitang-kita ko ang pagsigla ng mukha ni Rocky matapos sabihin 'yon ni Kael. He was looking at the piano. Ibinaba ni Rocky si Kael mula sa kanyang balikat. Lumapit ito sa piano. Pinagpagan niya ang maalikabok na upuan at umupo roon.
Tumabi sa kanya si Kael.
"Here's for the two precious people I love," he said as he started playing the piano.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. May sinasabi pa si Rocky kay Kael habang naglalaro ito ng piano. Halata naman sa mukha ng kapatid ko na hindi niya makuha ang mga sinasabi ni Rocky.
Naramdaman kong nag-vibrate na naman ang relo sa palapulsuan ko. I fought the urge to look at it.
Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa paligid. Wala naman gaanong rooms dito sa ibaba. Malamang na nasa taas ang mga kwarto. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may aninong dumaan sa labas.
Tila umakyat ang dugo sa ulo ko.
It was a silhouette but... I saw it. Long hair.
I gulped. Sadako?
"Mads?"
"Shit!" Nahampas ko sa braso si Rocky sa sobrang gulat.
Gulat din pareho ang mukha nila ni Kael. Nakapatong na uli si Kael sa balikat ni Rocky.
"W-What happened?" Rocky asked.
"I knew it. There's a Sadako here!" Kael exclaimed.
Napalunok ako uli.
No. It's not.
Sa halip na magsalita tungkol dito ay umiling na lang ako.
"You sure?"
"She's not!" Kael interrupted. "Nakita mo ba mukha ni Maddy, Kuya Rocky. She was shocked. It's either she saw Sadako or she saw herself in the mirror!"
Umangat ang tingin ko sa kapatid ko. Seryoso pa rin ito na parang 'di siya nagbitaw ng salitang panunukso sa akin.
"I told you to not look in the mirror, right?" pagsakay ni Rocky sa sinabi ni Kael.
"You think you're funny?" I furrowed my eyebrows.
Umiling siya. Inalis niya ang coat niya at inihagis sa kung saan. Nakaputing tshirt na lang siya ngayon. Itinaas niya ang manggas ng tshirt niya para ipakita sa akin ang biceps niya.
"See it, baby? I did this for you."
I crossed my arms in my chest.
"Mine, too!" Ginaya ni Kael si Rocky. Itinaas niya ang manggas ng tshirt niya. Ngumuso ito nang mapagtantong wala siyang maipagmamalaki. Ibinaba niya rin 'yon. "How to have that, Kuya Rocky?"
Napailing na lang ako sa kalokohan nila. Nilagpasan ko sila. Nag-vibrate na naman ang relo sa aking palapulsuan pero hindi ko ito pinansin.
"Y-Your watch."
Nanlambot ako nang mapansin 'yon ni Rocky.
"It's time na kasi," mabilis na paggawa ko ng alibi. "Kanina pa tayo rito tapos wala pa tayong natatapos."
"Fine. Let's go upstairs."
Nauna sa akin si Rocky pero hindi niya binitawan ang kamay ko. Umakyat kami sa paikad na hagdan. There was a huge chandelier at the center. Ito ang halos nagpapaliwanag sa paligid.
Nag-vibrate na naman ang relo.
Pagkalapag namin sa ikalawang-palapag ay nagpababa sa balikat si Kael. Humawak ito sa akin, halos yumakap na nga. Gaya ng inaasahan ko ay dito lahat ng rooms. Hindi ko mabilang kung ilang kwarto ba ang nasa bahay na ito.
"Where to start?" I asked.
Bumaling sa amin si Rocky. "Okay lang ba kung maghiwalay tayo sa paghahanap? Ako ang sa mga dulo, kayo rito sa unahan para nakikita ko kayo."
"Okay ka lang?"
Mukha kasi siyang natataranta.
"I forgot to tell you that this has a time-limit." He showed me his phone. "We only have five minutes left to find that map."
"W-What happens if we fail this?" I asked.
"We can't." I could sense his fear. "Come on. Masyado na tayong nasaktan para 'di matapos ang larong ito."
"I'm asking you, what if---"
"Then, that's it." He shrugged his shoulder. "If we fail this game, the probability of me, coming back to you? I will totally lose."
Is that it? If that's the case, there's still a way for him to come back. Yes. We need to finish this game. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na kung saan magagawan ko pa ng paraan para bumalik siya sa akin.
"Let's go!"
Naghiwalay kami ni Rocky, sa akin sumama si Kael.
Pumasok kami sa unang silid. Hindi naman nakakandado ang mga pinto.
Pinigilan ako ni Kael.
"What?"
"Nothing is special in this room." Itinuro niya ang loob. "Isa lang ang kama, maliit pa. Parang guess room lang. If we are looking for something important, the place should be important, too."
Naintindihan ko naman ang sinabi niya. Muli naming isinara ang pinto at pumunta sa sunod. Gaya ng una, gano'n din ito, maging ang mga sumunod. Hanggang sa mapadpad kami sa isang malawak na silid. Library.
"Whoa. Ang daming libro!"
"Ssshhh!" I hushed Kael. "Let's look around."
Papasok na sana kami nang mag-vibrate na naman ang relo. Tiningnan ko na ito. There was a map flashed on it. Tila GPS na may maliit na arrow. Hinawakan ko ang kamay ni Kael at sinundan namin ang GPS. Hanggang sa dalhin kami nito sa harap ng isang kwarto.
Bumaba ang tingin ko sa mop. Binitawan ko si Kael para umupo. Itinaas ko ang basahan. Tumambad sa akin ang isang brown envelope na binabalutan ng alikabok. Kinuha ko ito.
Nag-vibrate na naman ang relo kaya tiningnan ko ito.
"Keep it, like a dark secret. Cover your mouth, like it's your death. This is your final task, just don't ask."
"I-Is that-" Umiling ako sa kapatid ko.
Nang makarinig ng mga yabag ay mabilis na ipinasok ko sa likod ng damit ko ang envelope at inipit. Tumayo ako uli at hinawakan ang kamay ni Kael. Bumukas ang pinto at tumambad sa amin si Rocky na pawis na pawis.
"Fuck it. May nahanap kayo?" tanong niya sa amin. Natataranta na ang hitsura nito.
Umiling ako.
Naramdaman ko ang pagbaling sa akin ng kapatid ko pero hindi ito nagsalita.
Tumagos ang tingin ko sa loob ng kwarto. "Is this your room?"
Hindi pa nakakasagot si Rocky pero pumasok na ako. Gumulat sa akin ang mga libro sa sahig. May mga gitarang nakasabit sa wall. May mga guhit din ang pader na parang sinulat gamit ang krayola.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang kwarto. I imagined him as a kid, writing things on the wall, singining every night using his guitar, reading books in the bed. I found this cute.
"Iwan ko na muna kayo riyan, maghahanap pa ako sa iba," ani Rocky bago nagmadaling lumabas.
Mas pumasok pa ako sa loob. Pinulot ko ang isang libro sa sahig. Natawa ako dahil mga fairy tales ang mga ito. Maging ang mga sulat sa pader, gamit ay iba't ibang kulay.
"The brown envelope..." dinig kong sabi ni Kael. "Iyan ba ang hinahanap ni Kuya Rocky?"
Sumikip ang dibdib ko. Hindi ko pinansin si Kael.
Dumiretso ako sa isang papel na nakadikit sa wall.
"Places that I want to go with Mom and Dad," it says.
"Get lost in a forest, build a tent and look at the stars."
"Get lost in an island, build a bonfire as I sing for them."
"Get lost in the middle of a desert, build a castle out of the sand. I'll be the knight to protect Mom and Dad."
"Get lost in a garden full of flowers, and take a lot of picture of us."
"Get lost in the depth of an ocean, and lose our breath together as we are hugging each other."
"Get lost in a fairy tale story, to have a happy ending."
And the final note says, "I just want to get lost with Mom and Dad. Anywhere in this world, as long as they are with me."
Hinaplos ko ang papel. "I'm sorry..." bulong ko.
Guilt pinched me. These were simple things only. But why? Bakit ito pinagkait sa kanya?
Nabaling sa ibang papel ang aking tingin.
"Good things are invisible and bad things are noticeable. How to be a Bad Kid 101 by RockyPogi."
"Don't eat vegetables."
"Don't go to school."
"Don't pray."
"Break the rules."
"Drink wine."
"Eat peanuts."
"Draw things on the white wall."
"Break a vase."
"Get a tattoo."
"Ruin the database of their games."
And the final note says, "Failed.'
"I can't find it!" dinig kong salita ni Rocky sa likod.
Humarap ako sa kanya. Namumula na ang mukha nito at pawis na pawis na ang noo. Mabilis din ang pagtaas-baba ng kanyang mga balikat habang hinahabol ang napatid na hininga.
Kinuha ko sa bulsa ko ang panyo at lumapit sa kanya. Pinunasan ko ang kanyang noo, pababa sa kanyang mukha at leeg.
"I can't find it, Mads..."
Tumunog ang kanyang cell phone.
"We failed," he whispered in a feeble voice.
I smiled without saying a word.
Hinawi niya ang kamay ko. "What are you doing? We failed!"
Hinhawakan ko ang braso niya at hinila siya palapit sa akin. Pinagpatuloy ko ang paghawi ng pawis sa kanyang leeg.
"M-Mads..."
"Gusto mo bang matulog sa bahay ngayong gabi?" tanong ko. "Let's watch movies. Sing for me. Tell a story. Let's get lost tonight, baby."
Umawang ang kanyang bibig.
This is all I can do before the game hurts him again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro