Chapter 25
Chapter 25: Remember
Nakanguso ako habang hirap na hirap sa pag-alalay kay Rocky palabas ng ospital. Nakaakbay siya sa akin at nasa akin ang lahat ng bigat niya. Gusto ko siyang batukan dahil paika-ika pa itong naglalakad na parang napilayan.
"Hindi naman tayo nabangga pero parang daig mo pa ang nabangga, ah?" puna ko sa kanya.
"Masakit nga paa ko. Hindi ako makalakad nang walang umaalalay," pagrarason na naman nito. "May sakit pa ako. Gusto mo ba akong paglakaring mag-isa tapos masasaktan na naman ako?"
Napaismid na lang ako. Akala naman niya maniniwala ako sa rason niya. He is just taking advantage of his condition. Alam niyang hindi ko siya kayang sungitan o awayin ngayon.
"Oh, sige." Bigla itong humiwalay sa pagkakaakbay sa akin. "Huwag mo na akong alalayan," nagtatampong sabi pa nito.
Huminto ako sa paglalakad at pinanuod siyang maglakad. Mas umarte ito ngayon dahil para siyang lasing maglakad na parang matutumba kahit na anong segundo. Dumadaing pa ito habang naglalakad.
"Ang sakit," dinig kong sabi niya.
Ang arte!
Humalukipkip ako habang pinapanuod siya. Dahan-dahan pa ito na parang batang nag-aaral pa lang maglakad.
"Okay lang naman, Rocky. Baka kasi nahihirapan na si Maddy," bulong nito at sinigurado niyang maririnig ko 'yon.
Napatakbo ako nang matutumba na ito. Mabilis na umalalay ako sa kanya at umakbay naman siya sa akin. Muntik pa kaming matumbang dalawa dahil sa biglaan niyang pagdiin sa akin.
"Mamamatay na ata ako," bulong niya.
Peke akong tumawa. "Huwag kang overacting, Rocky."
"Ang bad mo po."
"Heh." I rolled my eyes. "Stop trying hard to be cute, dude."
He chuckled. "I didn't even try. Why, baby? Am I cute?"
Hindi na lang ako kumibo pa.
Nakahinga ako nang maluwag nang maipasok ko siya sa driver's seat. Umayos ako ng tayo at nag-inat ng katawan. Parang ako ata ang mababalian ng buto dahil sa ginagawa niya.
"Why here?" He suddenly asked. "Am I not supposed to be beside the driver's seat?"
"And I'll drive?" Nagtaas ako ng kilay.
He shrugged his shoulders. "Yeah. I mean... your baby is still sick and weak."
Padabog kong isinara ang pinto bago lumipat sa kabila. Kumunot ang noo ko dahil nasa tabi na ng driver's seat si Rocky. Prenteng nakasandal sa upuan, nakatingala at nakatitig sa bubong ng sasakyan.
"Bakit andyan ka?" malamig kong tanong.
"May sakit ako, I can't drive," he reasoned out. He looked at me again using those faked-innocent eyes. "Oh, come on, Mads. Ayaw mo naman na maaksidente tayo 'di ba?"
"I just started to drive! Mas maaaksidente tayo kapag ako ang nagmaneho! Baka imbes na sa bahay tayo makauwi ay sa sementeryo na tayo humantong. And I don't have a driver's license!"
Tumitig lang ito nang ilang segundo sa akin bago mahinang tumango. Bumuntong-hininga ito bago walang-gana na lumipat sa driver's seat. Hindi na ito umimik matapos no'n at hindi na rin niya ako nilingon pa.
Habang nagbibyahe kami ay napansin ko ang kamay ni Rocky na maluwag ang kapit sa manibela. He was driving lazily. Mayamaya't rin ang mahina niyang daing na parang sinusuntok siya ng pagmamaneho.
Madiin akong napapikit. "Sinasadya mo bang panginigin ang kamay mo?" mahinahon kong tanong.
"Why would I?" he answered, eyes on the road.
"Hold the steering-wheely tightly."
Napanganga ako nang ibaba niya ang isa niyang kamay.
"It still hurts. I can drive with one hand only anyway."
He's doing this on purpose. Napailing na lang ako at nung ilang minuto lang ang lumipas ay bumigay na ako.
"Fine!" Napabuga ako ng hangin bilang pagsuko. "Itabi mo sandali ang sasakyan at ako na ang magmamaneho, Sir Brecken."
Napaismid ako nang makita ko ang pasimpleng pagngiti nito.
Itinabi niya ang sasakyan. Napasandal ako sa upuan at pinigil ang hininga nang hindi siya lumabas para lumipat, dumaan siya sa harapan ko kaya nagdikit ang katawan namin. Nagkabunggo kami habang nagpapalit ng pwesto.
"Bilis naman!" angal ko dahil ang bagal niyang lumipat sa kabila at sobrang lapit namin sa isa't isa.
Mahina itong tumawa nang tuluyang makaupo sa kaninang pwesto ko.
"Let's go home, Mama."
"Shut up," I lazily said.
I started to drive. Napasandal ako uli sa upuan nang bahagyang lumapit sa akin si Rocky. Kinuha nito ang seatbelt sa gilid at pinadausdos ang kanyang kamay sa puson ko papunta sa gilid bago kinandado ang seatbelt.
What's with the touch?
Walang kumibo sa amin hanggang sa matapos ang pagpapalit namin ng pwesto.
Pero ramdam ko ang sobrang pagpula ng mukha ko at dagundong sa dibdib ko. He's causing too much trouble inside me unconsciously... or he intended to do it? Sinadya niya bang gawin 'yon dahil alam niyang iba ang impact niya sa akin? Well-played then.
"You know what?" He started another conversation. "I decided to stop acting cold to you since, yeah, it's hard. Bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko kung pwede namang ganito?"
Hindi ako kumibo pero sinigurado kong nakikinig ako.
"I refused to believe that I can leave you without hurting because I know... it's not and it will never be." He chuckled softly. "So, I decided to act normal, like I won't lose you after the game. You know why?"
"Why?"
"Because what matters is the moment," he said. "Fuck your goals in the future if you can't be good in the present. Masasaktan ako kapag aalis na pero hindi ko na muna iisipin 'yon. I'll live in the moment and carry everything in the future."
Humigpit ang hawak ko sa manibela.
"W-Why can't you promise to stay anymore?" I asked.
It took a moment before I heard his answer.
"I can still bear this pain and set aside it for your sake, but unlike after the game, I am not sure if it is still tolerable. Even if I want to stay, if the pain in me is too much to handle, I need to leave."
"Then, be back after you regain yourself."
He snickered playfully.
"Scary how people underestimate time." Naramdaman kong umupo ito paharap sa akin. Mas nahirapan tuloy ako sa pagmamaneho dahil sa titig niya. "Time is so powerful that it can change everything in just a snap. We can never tell what happens after."
"Yep. That's why they say, 'time is gold'", I agreed. "But the choice is still within us."
"You know what, Mads? The reason why I take pictures all the time is because pictures take the moment you are not sure if will happen again. Pictures capture moments time can't change."
I nodded my head. I get it now.
Dumiretso ito uli ng upo paharap sa daan.
"I only once cried for as long as I remember. That's when I lost my memory card where I stored all the pictures I took --- together with the moment when Mom and Dad were still here."
"You never cried after that?" takang tanong ko.
"No. I promised not to cry anymore. When Mom disappeared, I didn't cry. Same as when I lost Dad. I got teary-eyed but never shed a tear."
"You must be strong enough to hold back your emotions."
Mahina na naman itong tumawa. "Not really. The loudest cries happen inside. I might not shed tears in my eyes but I am drowning inside."
Just like how you fake your laugh.
"Why don't you cry and let it out?" I asked out of curiosity. "Crying doesn't make you less of a human. It doesn't take away your masculinity, dude. It's actually good for you."
"I don't know." He let out a heavy sigh. "Sometimes, I get scared of myself, too. You know what is funny, Mads? Minsan ay hindi ko rin kilala ang sarili ko. Parang gusto kong sumigaw at itanong sa mundo kung bakit ako nandito."
"They say everything happens for a reason. You happened to be here and that has a reason. Sometimes, it takes time to find that out but surely, someday, you'll find it."
"You have class today, right?" He suddenly asked.
"May bukas pa naman."
"We'll do the task after your class tomorrow?" he asked.
"Don't you want to rest first?"
"I can rest after the game. Why now? We are almost over."
Almost over...
"Mads. Can we have a deal?"
Itinabi ko muna ang sasakyan. Hindi ako makapagmaneho nang mabuti dahil sa dami ng sinasabi niya. I want to pay more attention. Pakiramdam ko ay kapag nagpatuloy ako sa pagmamaneho ay mabilis na lilipas ang oras.
"Sure." Nakangiting humarap ako sa kanya. "Basta ba walang pera na-involve eh."
Umiling ito.
"Kung sakaling kailangan ko nang umalis, gusto kong huwag mo na akong isipin."
"That's impossible, dude." Nilunok ko ang pait at hindi inalis ang ngiti sa labi ko. "Fine. Binabawi ko na ang sinabi ko. Okay na kung invole ang pera."
"No, Mads." Sumeryoso ito nang tingin. "I want you to do what you've told me last night. Don't wait for me anymore."
"Sabihin mo na lang kasi na wala ka nang balak bumalik!" pakunwaring singhal ko habang tumatawa. "Pero kasi... hindi madaling makalimot, Rocky. You can't just ask someone to forget you like that."
"All right." He nodded his head. "But that's not the deal. Remember when we pretended to be together for the sake of your game?"
I gulped the lump in my throat. "What about it?"
"Let's make it real."
"Sure," I answered without hesitation.
"Let's be together for real until the last breath of this game."
My lips shuddered when I forced another smile.
"W-Why do you keep on mentioning almost...last...at least?"
"Because that's where it all ends."
"Stop it." Seryoso ko siyang tinitigan. "Stop thinking about the end. Look at me, baby. I don't want to end this and if you keep persisting on mentioning that, you will just hurt me. Do you want me to be hurt, baby? Huh?"
His lips parted. "No. Of course not."
"Then, don't."
"Right." Tumango siya bago ngumiti uli. "Can I take a picture?"
"Go."
Kinuha niya ang cell phone sa kanyang bulsa. Ako ang mabilis na lumapit sa kanya. Kinawit ko ang aking braso sa kanyang leeg at inilapit sa kanya ang aking mukha. His moves stiffened because of that but he managed to click the capture button.
"Video," I whispered.
He clicked the video recorder.
"Sorry. But this girl won't forget you." I talked to the camera. Nakatingin siya sa akin habang ako ay sa camera nakatuon ang atensyon. "There are things I want to say." Kinuha ko sa kanya ang camera at itinutok 'yon sa akin.
"First, I want to thank you for choosing me to be your partner. Second, you said that no one can take this place beside you. I'll claim it mine now. I want this place permanently. And lastly, I want to tell you that you've won my heart better than anyone else before."
Nakangiti pa rin ako habang nakatingin sa camera.
"We met on the first night of February. I am the other player of this game. I am Maddy Grilliard. Remember. Remember. Remember me!"
Kinuha sa akin ni Rocky ang kanyang cell phone at ipinatong 'yon sa dashboard. Hinarap niya ako sa kanya. Nakita ko na naman ang kanyang mga mata. Oh, dude. I'm going to miss those brown eyes.
"Can I say something, too?" He asked.
"Hurt me more."
"You touched not only my feelings, not just my heart or my life. Baby, you were in my soul." Hinawi niya ang luha sa aking pisngi. "You ignited my drenching faith. And for that... you will always be the savior of this lonely boy."
Ako ang humila sa batok niya para sa isang halik. At gaya ng nangyari dati, siya ang dumiin at nagpalalim sa pakiramdam.
Kinapa ko sa dashboard ang kanyang cell phone at itinaas 'yon paharap sa amin.
Remember this moment...
Hinatid ako ni Rocky sa bahay. Naabutan namin sina Papa at Kael sa sala. Nanlaki ang mga mata ng katabi ko at patakbong yumakap kay Rocky. Binuhat siya ni Rocky at iniharap sa kanya.
"What's up, Mr. Player?" Rocky smiled at him.
Natawa kami nang umiyak ang kapatid ko.
"I-I'm good," Kael answered in between of sobs. "I thought you are gone."
"Not tonight. Do you want to play?"
Nanlaki ang mga mata ng kapatid ko at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang mata.
"All night?" Kael asked.
"May pasok ka," pagsingit ko.
Masamang tingin ang ipinukol sa akin ng kapatid ko. "You're so selfish. Stop owning Rocky!"
"Sige lang." Napatingin kami kay Papa dahil sa sinabi niya. Todo ngiti rin ito. "Go and play all night."
"Yes!" Kael looked at me and stuck his tongue out.
Iniwan muna namin sila ni Rocky sa sala. Pumunta kami ni Papa sa kusina para maghain ng dinner. Napansin ko ang mga sangkap na kinuha niya. Napangiti na lang ako dahil lulutuin na naman niya ang paborito ni Rocky.
"P-Pa?" tawag ko sa kanya. "S-Sorry-"
"No need, Maddy," he cut me out. Sandali itong humarap sa akin. "Nung nakita ko pa lang na kasama mo si Rocky, nawala na ang pagdududa ko. And you are fine, that's what only matters to me."
"I love him..." That came out of nowhere.
Tumawa si Papa at lumapit sa akin. He hugged me tightly as he whispered, "You love him that you can set him free for his sake. I'm proud of you, my princess."
"There's a possibility that he won't come back anymore."
"As long as there's a possibility, don't lose hope."
We had dinner together. Suprisingly, hindi nagreklamo si Rocky dahil sa tambak na pagkain na inilagay sa kanya ni Papa. Tumatawa pa nga ito habang nagpapasalamat. Tinanong din siya ni Papa kung bakit may pantak siya sa kamay ay dinahilan lang niya na skin rashes.
"Hindi mo pa ba pinatingin sa doktor?" alalang tanong ni Papa.
"Nakapagkonsulta na kami, Pa," sagot ko. "Binigyan na siya ng gamot para dyan."
Lumapit sa akin si Rocky at may ibinulong. "He cares for me, right?"
"Yeah, of course," I whispered back.
Mas sumaya ang mukha niya sa isinagot ko.
Just like what Rocky have promised to Kael, they played all night. I mean... until Kael fell asleep on Rocky's lap. Hawak pa nito ang kanyang cell phone habang mahimbing na natutulog. Binuhat siya ni Rocky papasok sa kwarto.
"Umuwi ka na rin," sabi ko kay Rocky matapos niyang mailapag sa kama si Kael. "You need to take a rest. Hindi pa rin gano'n kabuti ang lagay mo. Saka para mas makabawi ka ng lakas. May task pa tayo bukas."
Pumayag din si Rocky. Nagpaalam siya kay Papa at hinatid ko naman siya sa labas.
"See you tomorrow?" Nakangiting sabi ni Rocky.
"Yeah. Let's do the third to the last task tomorrow."
Kumunot ang noo niya. "Akala ko ba ayaw mong binabanggit ang mga salitang gawa ng last?"
Natawa ako sa kanya."Oo na. Sorry."
"Oh sige na. Kiss mo na ako."
Napalingon ako sa likod ko at nang masigurong walang makakakita ay mabilis na humalik ako sa kanyang pisngi.
Sinapak ko siya sa balikat nang halikan niya rin ako sa pisngi.
"We are even now." He chuckled. "You know what, Mads? I reget that I born in this lifetime until I met you."
"Grabe. Aalis ka na nga lang, magpapakilig ka pa."
"Aalis na po ako."
"Wait!" pigil ko sa kanya.
I want to tell him what happened on the watch. Hindi ko alam kung para sa akin lang ba 'yon o kung kailangan niya ring malaman. Saka masama ang kutob ko sa mga mangyayari.
"What? Gusto mo bang dyan na lang ako magpalipas ng gabi?" biro niya.
"Kasi..." Napapikit ako nang maramdaman na nag-vibrate ang relo sa aking palapulsuan na parang binabalaan ako. "Sige na. Baka mas gabihin ka pa. Kita na lang tayo bukas."
Sa huli ay hindi ko rin nasabi.
Pinanuod ko siyang pumasok sa kanyang sasakyan. Kumaway pa ito hanggang sa makalayo siya.
Pagkaalis niya ay saka ko tiningnan ang relo. Napalunok ako nang mabasa na naman ang mga salitang 'yon. "Keep it, like a dark secret. Cover your mouth, like it's your death. This is your final task, just don't ask."
This is my final task? Wait. Ibig bang sabihin nito ay...
Nag-vibrate na naman ang relo.
"This is your game alone now."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro