Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24


Chapter 24: Run Away From The Truth

Rocky has a peanut allergy. The reason why he didn't want to eat anything from that restaurant was because everything in there has a peanut --- the main ingredient of their foods is peanut. I thought he just really lost his appetite just like what he reasoned out. I thought he didn't want to eat because that place reminded him about his parents.

What did I do? I forced him to eat. I don't want to blame myself because I didn't know but I can't hide the fact that I am at fault. If I didn't just force him and just focused on my thing, this wouldn't happen.

He was rushed in Emergency Room. Tinanong pa ako ng doktor kung ano ang nakain niya kaya sinabi ko agad ang nalalaman ko. Pinaghintay ako sa labas. Wala akong nagawa kung hindi ang sumandal sa pader sa gilid ng pinto at maghintay.

He's good and if he's not, he will be. I know.

Nanginginig pa rin ako. When I saw how pale his face was and how rashes almost covered his skin... I lost myself. Hindi niya ako binitawan pero wala siyang nagawa kung hindi ang bumitaw nang ipasok siya sa loob.

"Baby, I'm scared..." That was his words before thet pushed him inside.

What's with this game? Hindi na lang ito basta-basta nananakit ng pakiramdam, pati ang katawan ngayon ay nadadamay. Maybe this is a sign that we are approaching the end --- that just like what Rocky said, the next tasks will be fatal.

Nang mapansin na baka matagalan pa sila sa loob ay lumabas muna ako para humanap ng payphone. Mabuti na lang at may barya pa ako sa bulsa at kabisado ko ang phone number ni Papa.

I held my emotion as he answered the call.

"Pa..." Suminghap ako ng hangin.

"Maddy?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Papa. "Nasaan na kayo? Bakit hindi ka pa umuuwi? Totoo bang kasama mo si Rocky?"

"Opo," kalmado kong sagot. "Baka medyo matagalan lang kami ng uwi ngayong araw pero mayamaya rin po ay uuwi na ako. Don't worry, Pa. I'm good."

Sinigurado kong hindi niya mahahalata na may mali sa akin dahil baka mas mag-alala lang ito. Rocky is being treated, it will all be better soon. The seventh task is finished. We can continue this game next time. Right. This won't get worse anymore.

"A-Akala ko umalis na siya?" tanong ni Papa. "How did you two meet again?"

I bit my bottom lip as I wiped away the tears blocking my sight. Bahagya kong inilayo sa akin ang telepono para mahinang suminghap ng hangin.

Sumagot din agad ako. "Just because of some unfinish businness, Pa. Where is Kael?" pag-iiba ko sa usapan.

"Pumasok na siya. Hindi ka ba papasok ngayon?"

"Baka hindi na muna siguro, Pa. Baka medyo hapon na rin ako makauwi."

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Ngayon ay ramdam ko na ang pagdududa sa kanyang boses. "Your voice sounds tired and sleepy. Where are you? Bakit hindi cell phone mo ang gamit mo ngayon?"

"Naiwan ko sa kwarto ang phone ko, Pa," ang tanging nasagot ko sa dami ng mga tanong niya. "Sige na, Pa. Ibababa ko na ito. Uuwi rin po ako mamaya."

Narinig ko ang pagpapakawala nito ng mabigat na hininga.

"I have no idea what's happening but better come home earlier that you promised me. Hindi ako pumasok ngayon sa trabaho. I'll wait for you."

"S-Sige pa..."

Mabilis na ibinaba ko na ang tawag.

Inayos ko ang sarili ko bago bumalik sa loob ng ospital. Saktong palabas ng Emergency Room ang doktor na nakausap ko kanina. Lumapit ako sa kanya kaya humarap naman siya sa akin.

"He's in good condition now." He gave me an assuring smile.

Napangiti ako. That's what I only need right now.

"Mabuti na lang at naisugod siya agad dito. Severe allergy or anaphylaxis is a case that may lead to life-threatening emergency. It suffocates you that can also turn into loss of consciousness. You did a great job here by seeking for medical help immediately."

Yeah, and I also did a great job by pushing him into this.

"T-Thank you po."

"Kaanu-ano mo nga pala ang pasyente? Are you his friend?"

"I'm his friend."

"Siguro mas mabuting tawagan mo ang parents niya para masabihan sila at para maayos din ang bills. Sa ngayon ay pwede mo na siyang puntahan. Nagpapahinga na lang siya."

Muli akong ngumiti bago nagpasalamat sa kanya. Pagkapasok ko sa loob ng Emergency Room ay mabilis na naabutan ko si Rocky na nakahiga sa hospital bed. Kaalis lang ng nurse na kumausap sa kanya.

He smiled when he saw me.

I held back my tears as I approached him.

"H-How's your feeling?" tanong ko.

May pantal-pantal pa rin ang katawan niya pero hindi na gano'n kapula gaya ng kanina. Maging ang kanyang mukha ay maaayos na kahit papaano. He's no longer shaking.

Thank God!

Mas nakahinga ako nang maluwag sa pagkakataong ito.

"I'm good," he said, still smiling. "Better when I saw you."

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay. Pinagmasdan ko ang pantal doon. Bigla ko na naman naalala ang nangyari kanina. Iyong nanginginig siya sa lamig habang nahihirapang huminga.

"I'm sorry..." bulong ko habang nakatingin lang sa kanyang kamay.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako pahiga sa kanya. He hugged me as he whispered, "Thank you for staying..."

For the countless time, I cried.

I never cried for anyone this hard --- I mean, I cried hard when my mom died. Pero kinabuksan ay kahit papaano tumila ang pakiramdam ko. But when it comes to this guy. I cry everyday. I cry for the life he has. I cry for his sufferings. I cry for my love.

"Sshhh..." He hushed me while chuckling. "Ang sabi ng doktor ay kailangan ko munang manatili rito nang ilang oras at pagkatapos ay pwede na akong umuwi. I'm good with that. Pero mas gusto ko na lang ata manatili rito para hindi mo ako iwan."

"Then let's stay here until you want."

He laughed softly. "Good. But no. You need to go home."

Muli akong umayos ng pagkakaupo at pinunasan ang aking mga mata.

Nakangiti pa rin si Rocky habang nakatingin sa akin. How could he smile like that after what just happened? Hindi ba niya alam na muntik ng manganib ang kanyang buhay... o wala lang talaga sa kanya iyon?

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na allergic ka sa peanuts?" tanong ko habang pakunwari ay masama ang tingin sa kanya.

I really want to scold him and get mad but I can't. His smile is shaking my poise.

"You don't know what I felt when I saw you suffocated. You could have died, Rocky," malumanay kong sabi.

He shrugged his shoulder. "It's a pleasure to die in your arms."

Hahampasin ko sana siya nang bigla niyang ipinakita sa akin ang mga pantal niya sa braso, na parang binabalaan akong hindi ko siya maaaring saktan ngayon.

"May sakit ako, bawal akong hampasin."

"Idiot. Akala mo ba nagbibiro ako? You scared me!"

"In what way?"

Kumunot ang noo ko. "What do you mean in what way?"

"In what why did I scare you?"

I gulped hard. "Do you really want to hear that you almost killed me when I thought I would lose you? Yes, Rocky boy. Natakot ang mawala ka. I mean... it's not surprising, right?"

"Damn it, baby. I want to kiss you."

Napatingin sa amin ang nurse na dumaan nang marinig ang sinabi ni Rocky. Ngumiti lang ito bago nagpatuloy sa pag-alis.

"That nurse is cute," Rocky whispered.

I glared at him. "Pasalamat ka may sakit ka dahil kung hindi, ako talaga ang magbibigay ng sakit sa 'yo dahil sa mga sinasabi mo. Can you please, even just this time, stop playing around? Your life is at risk here."

"Pwede mo ba akong tulungan na makaupo?" tanong niya. "Nangangawit na ang likod ko sa kakahiga rito. Please?"

Bumuga ako ng hangin bago mas lumapit sa kanya at tinulungan siya sa pag-upo. Akala niya ata hindi ko napansin ang pasimple niyang pagyakap sa akin. Naririnig ko pa ang mga mahina niyang pagtawa.

I didn't expect him to be like this after that accident. What's with this guy? He is so damn unpredictable!

"How could you smell this good?" he whispered.

"Three." I smirked. "May tatlo ka ng hampas na utang sa akin. Humanda ka sa akin 'pag kagaling mo."

"Dahil ba sa mga sinasabi ko?" patay-malisya niyang tanong.

"Yes. Mahahampas ka sa akin dahil sa mga sinasabi mo."

He grinned. "Then, punish my lips three times. I wouldn't mind."

"One..." I warned him.

"Two?" He asked.

"Rocky." I gave him my final-warning gaze.

"Yes, baby?" He winked.

"Okay. Suko na ako." Nagtaas pa ako ng kamay habang natatawa. "Talo na ako sa 'yo. Ang hirap mong kausapin."

Hindi nagsalita si Rocky. Nakatingin lang ito sa akin. Ni hindi nga rin kumukurap ang kanyang mata. Napatingin ako sa likod pero wala namang ibang tao ro'n. Muli kong ibinaling ang tingin sa lalaking tulala.

"W-What?" I asked, awkward.

"Did I tell you how beautiful you are?" He asked out of nowhere.

Parang nagliyab ang mukha ko dahil sa mga salitang 'yon. Napaiwas ako ng tingin.

Out of nowhere... Shit. This guy is making me insane!

"M-May sakit ka nga talaga," naiilang kong sabi. "Kung anu-ano ang lumalabas sa bibig mo."

"Perhaps, I'm just sick. But at least, I told you now."

"Fine. Stop talking and rest."

Mayamaya ay may dumating na nurse para i-check ang temperature at blood pressure ni Rocky. Ang sabi nito ay bumalik na sa normal ang init ng kanyang katawan pati ang blood pressure niya.

"May cash sa sasakyan ko," ani Rocky. "We can use that to pay for the bills."

Tatayo na sana ako para kunin 'yon nang maalala kong nagastos ko na 'yon kagabi.

"C-Can't you use your credit card instead?" I suggested.

"No, Mads. It's a hospital. Why?"

"Hmmm... Akin naman 'yon, 'di ba? Kaya ayos lang na gastusin ko!" maagap kong sabi. "Oo na. Nagastos ko."

Namula ang mukha ko dahil tinawanan pa niya ako.

"Alright." Bahagya siyang gumilid papunta sa akin. "Pakikuha sa bulsa ko ang wallet mahina pa kamay ko. Saka mo kunin ang ATM card para makapag-withdraw tayo."

Ipinasok ko sa kanyang bulsa ang kamay ko at kinuha ang kanyang wallet. Ako na rin ang nagbukas gaya ng sabi niya. Hindi ko pinansin ang picture kong nakaipit do'n. Kinuha ko ang ATM card niya at ibinalik uli sa bulsa niya ang wallet.

He told me the password. Lumabas na muna ako para maghanap ng ATM machine. Nagtanong ako sa guard ng ospital kaya tinuro naman niya sa akin kung saan. Agad ko naman din 'yong nahanap. Nakakuha ako ng pera. Malapit ang ospital sa pamilihan kaya bumili na rin ako ng prutas para makakain si Rocky.

Pabalik na ako sa ospital, bitbit ang plastic na naglalaman ng mga prutas.

Natigilan ako nang mag-vibrate ang relo sa kamay ko. Kumunot ang noo ko nang makitang may nakalagay na sulat doon. Those were tiny words that barely readable.

"Keep it, like a dark secret. Cover your mouth, like it's your death. This is your final task, just don't ask."

What?

Napakurap ako nang biglang mawala na naman ang mga sulat at nagbalik sa time ang nakalagay.

What's that?

I shrugged my shoulder. Pagkabalik ko ay naabutan ko si Rocky na nakatingin sa kanyang cell phone. Dumiretso ako sa maliit na lamesa at inilabas ang mga prutas. Bumili rin ako ng styrofoam na lalagyan. Hinugasan ko ang mga 'yon bago bumalik sa tabi ni Rocky.

"Eat..." Inilapag ko sa tabi niya ang mansanas. "Hindi ko na binalatan kasi wala tayong gamit. But I think unpeeled fruits are better to eat than the peeled ones."

"Unless it's dirty," pabalang na sagot nito bago ibinaba ang kanyang phone at humarap sa akin.

"Yes. Whatever. Malinis 'to."

Tumingin siya sa relong nakasuot sa akin. "Mabuti na lang pala ibinigay ko na sa 'yo ang relo na 'yan."

"Huh? Bakit?"

"The game told me to give you the watch."

Natigilan ako. Ibig bang sabihin no'n ay para sa akin ang mga salita kanina?

"Why?" Naging mapanuri ang tingin ni Rocky. "May nangyari ba?"

I remember the words. "Keep it, like a dark secret. Cover your mouth, like it's your death. This is your final task, just don't ask."

Kumabog ang dibdib ko.

"Hey!" Napatalon ako sa gulat nang hawakan ako ni Rocky. His eyes were worried while looking at me. "Tell me. May kakaiba bang nangyari sa relo?"

I bit my bottom lip as I shook my head. "Tinanong lang ako nito kanina if ready na ba tayo for the next time. I ignored it. We are not yet."

Napatango naman si Rocky bago kinuha ang mansanas sa gilid at kumagat doon.

"Oo nga pala." Binalik ko sa kanya ang ATM Card. "Sandali lang, ah? Magbabayad lang ako ng bills natin."

"Yes, Mama."

Ngumiti ako. "Sige na, 'nak. Pahinga ka muna dyan."

"Kiss your baby, Mama."

"Sira." Natawa na lang ako. "Kain ka lang dyan."

Nakangiting lumabas ako ng Emergency Room. Nagbayad ako ng bills ni Rocky. Nakasalubong ko uli ang doktor ni Rocky.

"Oh, kumusta na kaibigan mo?" tanong niya.

"Medyo umaayos na po," tugon ko.

"Tinawagan mo na ba parents niya?" tanong pa nito.

"No need po. Ayos na rin po siya. Saka may pera po kami pamyabad ng bills." I showed him the reciept. "Thank you po."

"You know what? Familiar talaga ang mukha ng lalaking 'yon," aniya. "I want to meet his parents."

Napakurap ang mga mata ko.

"Po?"

Pinasok niya ang kanyang kamay sa bulsa ng puting suot niya.

"Rocky Brecken, right?" he asked.

Tumango ako.

"Dati na rin pumunta ang parents niya rito," aniya pa. "His father came here with the same condition as him. Allergic sa peanuts. This is strange. I'm sorry." Mahina siyang tumawa. "I just really find this strange."

I gulped hard.

"H-How about his Mom?" I asked.

"She used to go here," he answered. "Pasyente ko pa nga siya. I was his personal doctor, actually. But one day, she just disappeared. And after that, her husband came after. But just like her, he disappeared. Take care of the boy." He smiled and walked away.

Naiwan akong tulala.

They just disappeared? No. Rocky's dad took his own life. His mom was the only one who disappeared.

Why Rocky's Dad didn't get to finish this game?

Nanlaki ang mga mata ko at napansadal sa pader nang may mapagtanto.

Oh, my god.

Shit.

I shook my head.

"Stop over thinking, Mads. You're thinking wrong," I tried to convinced myself.

But I know it is possible that the reason why Rocky's dad took his own life is because... he found out something in this hospital.

Rocky's Mom is probably...

I never felt this afraid in my whole life. I'm not cared for myself. I'm scared for my love.

Inayos ko ang sarili ko bago bumalik sa kwarto ni Rocky.

Sumalubong sa akin ang nakangiti niyang mukha habang pinapakita ang styrofoam na wala nang laman.

"Naubos ko na po ang pagkain, Mama."

Oh, my precious boy.

Gusto ko na lang siyang hawakan at itakbo sa mundong ito. I sunddenly want to hold his hand tightly and run to the other side of the world --- where he won't get hurt anymore and where he will get the love he deserves.

If I could only hold his hand and run away from the truth and shower him with the love he deserves. But I know no one is capable from escaping the truth. No one is capable of saving someone who is bound to bend down.

The only thing I can do is to make sure... I'll be there.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro