Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21: Lost Control

I was just staring at him while he was scolding me for driving recklessly. Ayokong magsalita dahil baka mas mainis siya. I should be composed while confronting him to ease what might happen. He could call a police and tell them that some reckless girl drove a car without a license.

Napatingin ako sa likod ng sasakyan niyang natamaan ko, 'yon ang lagi niyang tinuturo. Hindi ko alam kung madilim lang ba rito o wala naman talagang kahit na anong pinsalang naidulot ko ro'n. I could even see my reflection on it.

"What are you going to do now, Miss?"

Napabalin ako uli sa lalaki. Ipinakita niya sa akin ang kanyang cell phone na parang tinatakot akong magsusumbong siya sa pulis.

"I don't know," tila lutang kong sabi.

Mas lalong nayamot ang kanyang hitsura.

Napangiwi ako nang sabay-sabay na bumusina ang mga sasakyan sa likod. It's a go sign and we are blocking the way. Sinisigawan na rin kami at kapag hindi pa kami umalis sa daan ay sabay kaming dadamputin ng pulis dito.

"Siguro po mas mabuting tumabi na muna tayo?" suhestyon ko sa mababang boses. "Baka po kasi nakakaistorbo na tayo sa mga bumibyahe. We are blocking the way."

Napapikit sa inis ang lalaki bago tumango. Siya ang unang pumasok sa sasakyan niya at pabagsak na isinara ang pinto. Pumasok na rin ako sa sasakyan ko at sinundan kung saan siya hihinto.

I looked at the time. It's 8 PM. Dapat ay nasa bahay ako ngayon pero ito ako, nakasakay sa hindi ko pang-aaring sasakyan at nagmaneho pa, nakabangga pa. Gusto kong tawanan ang sarili ko dahil sa mga ginagawa ko.

What am I doing in my life? I think I'm lost.

Sinundan ko ang sasakyan ng lalaki.

Malawak ang kalsada, walang traffic.

Should I just run away? I know it's not good but I don't see any problem here except my reckless driving. Maarte lang ang lalaki dahil nabangga ko ang kanyang sasakyan na parang nayupi ko ang kalahati no'n.

Napagitla ako nang maramdaman na may nabangga na naman ako. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong nabangga ko na naman ang likod ng sasakyan ng lalaki dahil sa iba ako nakatingin.

"Nice, Mads," I whispered.

Pinatay ko ang makina ng sasakyan. Pinanuod ko ang nagkukumahog na paglabas ng lalaki sa kanyang sasakyan at mabilis na tiningnan ang likod nang kanyang sasakyan. Inis na inalog niya ang kanyang ulo bago ako sinenyasan na lumabas.

I gulped hard. Baka sapakin ako nito ah?

"Should I call the police?" I asked myself.

That's rights, Mads. Call the police and tell them you hit his car twice and you don't have a driver's license and what's worse is you stole this damn car.

Sumandal ang lalaki sa likod ng kanyang sasakyan, nakahalukipkip at inip na nakatingin sa akin.

Kung tutuosin ay hindi naman siya gano'n katanda. Pero sa inaasta niya ay daig niya pa ang matandang babaeng menopausal na. How could he spend too much time just for small things like this? Can't he be just thankful I watched tutorials first because if I didn't, I wouln't just hit his car, I could have pushed him to death.

Wala akong nagawa kung hindi ang lumabas pero nanatili ako sa gilid ng sasakyan ko.

"You hit my car," he smirked and I could smell how annoyed he was. "I just needed your sorry but since you hit it again. You hit on my temperance twice. Pay for it."

"Can't it be just a twice sorry, too?"

Humalakhak ito pero bakas ang panunuya.

"May sasakyan ka," aniya. "Sigurado naman ako na mas mahal ang bayad mo diyan kaysa sa hihingin kong sampung libo kapalit ng perwisyong dinala mo sa akin."

Nanlaki ang mga mata ko. "Sobra naman 'yun, Kuya. Hindi ko naman sinadya. Saka maayos pa naman ang sasakyan mo, kailangan lang sigurong gumamit ng microscope para makita ang pinsalang nagawa ko. At higit sa lahat, pasalamat ka buhay ka pa!"

Umawang ang kanyang bibig. "S-Sinasabi mo bang kasalanan kong nabunggo mo ang sasakyan ko at kailangan kong magpasalamat sa 'yo dahil hindi ako namatay? Are you delusional, Miss?"

Oh, god. He's gone mad now.

Lumunok ako bago pilit na ngumiti. "Mag-iingat na lang ako sa susunod. Huwag na nating palakihin ito, Kuya. Please..."

He looked at me from head to toe. Nailang ako dahil parang sinusuri niya ang bawat detalye ng katawan ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang binabalak niya.

"Asking for 10 thousand for that damage isn't good but asking to use my body as payment is too much!" I scolded him. "I'm going to call the police."

"Damn it!" Umayos ito ng tayo. "Wala akong panahon sa kagaguhan. Mukha kong fifteen years old na babaeng naliligaw sa mall. How could you have a license anyway?" Nanlaki ang kanyang mga mata na parang may napagtanto. "U-Unless..."

Stop him, Mads! He is going to ask for your driver's license now!

Sa sobrang taranta ko ay mabilis akong lumapit sa kanya at sinampal siya.

"How dare you! I just had my debut last year!" sigaw ko, pilit na ipinupunto ang pang-iinsulto niya sa edad ko at hindi ang katotohanang wala akong maipapakitang lisensya. "You don't have the right to insult me. Jerk!"

Sasampalin ko pa sana siya nang mapigilan na niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at itinulak ako palayo sa kanya. Napaatras ako at muntik nang mapaupo dahil sa lakas no'n.

"D-Did you just slap me?" He asked in disbelief. Bumalin ito ng tingin sa kanyang relo na kulay ginto. "I'm late." He let out a heavy sigh as he gazed at me again.

"Your fault." I crossed my arms on my chest.

"Late na ako sa meeting," ulit nito. "That means I can spend more time with you now."

A mischievous smirk flashed on his lips.

Ngayon ko lang siya mas napagtuonan ng pansin ang kanyang hitsura. Matangkad ito, kayumanggi ang kulay, maskulado ang pangangatawan. Sumisigaw ng kayabangan ang kanyang dating. He has earings on his ears, too. He seems like the fuck-boy type of guy in a black office attire.

Oh, god. He is a businessman! That means... this is all business now.

I cleared my throat. "Unfortunately, I don't have time for you anymore."

"And what?" He raised his eyebrows.

"Look." Nagpakawala ako ng mabigat na hininga para maging kapani-paniwala. "I'm sorry for driving recklessly. Wala ako sa sarili ko. I don't know what to do. I'm really sorry for causing trouble to someone else."

Kung kailan kailangan ko ng luha ay saka naman ito hindi lumalabas.

"Dahan-dahan lang ang pagmamaneho mo nung nilagpasan kita. You seemed very careful, parang nag-aaral pa lang magmaneho." Kumunot ang kanyang noo. "No matter how occupied a driver's mind is, they unconsciously know when to stop. Sanay na. Parang parte ng katawan namin ang sasakyan."

Damn it.

"Fine!" This is all futile. "I just started to drive, okay?"

He snorted. "So you don't have a driver's license yet?"

"And what about it? Uuwi na rin naman ako, ah? Hindi naman ako magtatagal sa kalsada!"

Namutla ako nang makitang kinalikot niya ang kanyang phone. Itatapat pa lang niya 'yon sa kanyang tainga ay mabilis ko agad siyang pinigilan. Napasobra ata dahil natapal ko ang kanyang cell phone at nahulog sa sahig.

Nice, Maddy.

Mabilis na tumakbo ako palapit sa sasakyan ko. Papasok na sana ako nang mahablot niya ang braso ko at gamit ang kanyang paa ay pwersahan niyang itinulak ang pinto pasara.

"Get off me!"

"You think you can get away after what you did?" His voice has gone mad, too. Hawak niya ang mga kamay ko sa likod. "You must be out of your fucking mind. You wasted too much of my time. That's a big lost to me. I should have earned millions with that."

It's all about money again. I remember him. His life has became miserable because of that evil thing.

I stopped freeing myself from his grasp. Tila nanghina ako bigla.

Nasaan na siya ngayon? Ano ang ginagawa niya para maibsan ang sakit? Is he crying at this moment? Looking at the stars wishing it could take away all his pain? Saan siya magpapatuloy?

"Pay for your debt," the guy said.

I chuckled. "Sure..."

"How?"

"Money, right?" I asked.

"Yes."

"Pakawalan mo ako," sabi ko. "Nasa loob ng sasakyan ang pera."

Ilang sandali ang lumipas bago niya ako pinawalan. Pumunta ako sa sasakyan at naghanap ng pera. I'm sure he left some cash here. After a minute of rummaging, I found one. Ito 'yung inaalok niya sa akin nung una pero tumanggi ako.

Lumabas ako at pumunta uli sa lalaki. Napatingin ito sa hawak ko at nakita ko kung paano unti-unting napalitan ng ngiti ang yamot niyang mukha.

I can't believe this is how desperate people can be when it comes to money. Scary how money can buy everything now --- love, effort, justice, truth, dignity. Scarier that they tend to forget that money can't buy them time --- to go back to a certain back that they regret the most.

Huminto ako sa tapat ng lalaki.

Aabutin na sana niya ang pera nang iiwas ko 'yon.

"Do you have a girlfriend?" I asked.

He smirked. "I had."

"Family?"

"I have," he answered. "Why?"

Pinagmasdan ko ang perang hawak ko. I just want to burn it into ashes.

Muli akong bumalin ng tingin sa lalaki. "What do you want in this life?"

"To be the richest man alive," he grinned.

I mentally laughed. "This money won't make you one but surely, it can help you reach that kind of life."

I handed him the money.

Mabilis na binilang niya 'yon.

"35 thousand?" gulantang na sabi nito.

"Keep the change."

Muli niyang binilang 'yon at hinati. "I don't accept money bigger than what I expected." Inabot niya sa akin ang sobra. "You can use that to fix the front of your car. It got more damaged than mine."

"Thanks." I shrugged my shoulder.

Aalis na sana ako nang magsalita ito. "I'm Alvin!"

"I'm..." I laughed. "Just a girl."

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at binuhay uli ang makina ng sasakyan. Kumaway sa akin ang lalaki. Mabilis na nagmaneho ako paalis. Tila dahil sa pangyayari ay mas humusay nang konti ang pagmamaneho ko.

I unlocked Rocky's phone again.

Napangiwi ako nang makitang malo-lowbat na ito.

Kung hindi lang sa lalaking 'yon ay nakapunta na sana ako sa tinuturo ng map. I don't think there's a charger in this car. Siguro ay hahanap na lang ako ng store kung saan pwedeng mag-charge.

Palingon-lingon ako sa paligid at nang makakita ng store ay nagparada ako ng sasakyan. Hindi ko gaanong nasunod ang guhit sa parking lot dahil ang hirap ayusin, parang gusto ko na nga lang buhatin ang sasakyan para sumakto. Gabi naman kaya wala gaanong sasakyan na magpa-park dito.

Dala ang cellphone ni Rocky ay pumasok ako sa loob ng store. Pumunta ako sa machine na hinuhulugan ng limang piso para makapag-charge. Tumingin-tingin ako sa paligid. Wala gaanong tao. Wala naman sigurong kukuha rito kaya sandali kong iniwan para bumili ng drinks.

Nakatingin ako sa mga drinks, pumipili kung ano ang masarap.

Napangisi ako nang makita ang in-can beer. Hindi naman siguro ako masyadong malalasing kapag isa lang, hindi ba? Saka kung sakali man ay matutulog na lang ako sa loob ng sasakyan. Gaya ng ginagawa ni Rocky. May load naman siguro phone niya kaya ite-text ko na lang si Papa para hindi siya gaanong mag-alala.

Kumuha ako ng isang sitsirya, mineral water, candies at isang in-can beer. Ginamit ko ang pera ni Rocky para bayaran ang mga 'yon.

Habang naghihintay na makaipon ng energy ang phone ay kumakain ako ng sitsirya.

Napatingin ako sa labas nang bumuhos ang malakas na ulan. Imbes na mag-alala ay napangiti na lang ako.

This is getting more dramatic.

Napagpasyahan kong i-text si Papa gamit ang phone ni Rocky.

"Hi Tito, kasama ko po si Maddy. Malakas ang ulan ngayon, baka dito na muna siya magpalipas ng gabi. Don't worry, Tito. Your daughter is safe with me."

Iniisip ko pa lang na si Rocky talaga ang nagsabi no'n ay parang kinikiliti ako.

I don't know why but knowing the fact that I like him makes me feel good. Siguro ay dahil alam kong walang masamang magustuhan ang lalaking katulad niya. He deserves all love this world can offer to a person.

Nang makakalahati ng energy ay tinigil ko na rin ang pag-charge. Patakbo akong pumasok sa loob ng sasakyan. Nanginig ako sa sobrang lamig. Imbes na buksan ang aircon ay minabuti ko na lang na buksan nang konti ang bintana sa gilid ko.

I was sipping on my drink while driving.

Halos isuka ko ang unang subok sa alak pero nung tumagal ay tila nasanay na ako sa lasa nito. Pahina na rin nang pahina ang buhos ng ulan.

I didn't know this day would come --- driving at night while the rain is pouring down with an alcoholic drink beside me and in a car I stole.

Dinala ako ng mapa sa isang restaurant. Napanganga ako nang makitang sarado na ito.

I glanced at the time. It's almost midnight!

Inantok ako bigla.

"What are you going to do now, Mads?" I asked myself.

Wala na ring ulan kaya lumabas ako ng sasakyan, hawak ang phone ni Rocky. Andito ako sa kabilang kalsada, sa tapat ng resto. May mag mangilan-ngilan na sasakyan ang dumadaan. May mga malalaking ilaw sa poste sa paligid.

Pinagmasdan ko ang relo. Hindi pa tapos ang task.

I let out a heavy sigh.

Napangiwi ako nang umikot ang paningin ko.

"OMG. I think I'm lasing na!" I screeched with excitement. "So this is how it feels? I'm still in sanity. But it feels good. Like... I can't get mad. Like... whatever I do will make me feel good."

I found myself laughing in the middle of nowhere.

"Liar those people who say they forget everything when they are drunk," I said to myself. "They remember everything, but it feels nothing. Kaya siguro sabi nila ay nakakalimutan nila ang problema. They don't forget the problem, they forget how it feels."

Para akong baliw na kinakausap ang sarili.

Ngumuso ako bago sumandal sa sasakyan. Tumingin ako sa langit. Hindi ko makita ang mga bituin dahil sa kapal ng ulan.

"Bakit kayo nagtatago stars?" tanong ko. "Rocky must be looking at you right now. Show yourself to him, please. Make him feel good. Tell him... he's fine no matter what happens. Be the lighthouse that serves as hope to him."

Napatalon ako sa gulat nang tumunog ang cell phone ni Rocky.

Unregistered number,

It must be my Dad. Tinamad akong basahin ang numero at diretsong sinagot na lang 'yon.

"Oo na, Pa. Pauwi na ako," sabi ko agad.

Ilang segundo ang lumipas pero walang sumagot.

It feels strange how my heart suddenly aches.

"Pa... I forgot our address. Can you send it to me?" I asked.

"Are you drunk?"

It's not my Dad.

I don't know who is this guy.

"How would you know if someone is drunk just by her voice, huh?"

"Open the GPS of my phone."

I chuckled. "How did you know my number?"

Stalker ko ba ito?

"Never mind, naka-open pala," sabi niya. "Papunta na ako dyan. Don't drive."

Mas bumilis ang tibok ng puso ko.

"D-Don't come here..." I mumbled.

"Shut up. Huwag kang aalis diyan."

Bumagsak ang luha sa aking mga mata.

"Huwag ka nang babalik kung wala kang balak manatili, pakiusap."

"Don't end this call," utos nito. "I want to hear you... I want to hear your breathing."

I cried harder. "No."

"Shit. Stay still, baby. I'm going to get you."

I ended his call.

Biglang uminit ang pakiramdam ko. Hinawi ko ang luha sa aking mga mata. Halos gumapang ako papasok ng sasakyan dahil sa sobrang hilo.

I was shaking when I started the engine.

And... I was so scared when I lost the control of it.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro