Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chapter 2: Lies

Kinabukasan, nakasakay pa lang ako sa jeep ay nag-iisip na ako ng dahilan kay Kuya Guard para papasukin niya ako. Kahit papaano ay kilala naman na niya ako pero walang kila-kilala pagdating sa kanya. Dahil sa pagiging istrikto niyang bantay ay tumagal siya nang ganito sa trabaho.

Napabuga ako ng hangin. Mukhang hindi ako makakapasok ngayong araw.

"Bayad po." Inabot sa akin ng ale ang barya at inabot ko naman 'yon sa kasunod ko.

Napatingin ako kay Mikael, tutok ito sa kanyang cell phone. Sinilip ko ang pinagkakaabahalan niya, anime na naman. Papunta sa school ay anime, pag-vacant ay anime, pagdating sa bahay ay anime hanggang sa pagtulog.

He paused the video to look at me. Napatingin ito sa leeg ko.

"Where's your ID?"

"Nawala ko eh." Ngumiwi ako. "Pero huwag mong sasabihin kay Papa, ah? Baka kung ano na naman ang isipin niya."

"Bakit mo naman nawala?" taka pang tanong nito. "Kahapon ba?"

I nodded my head. "Nawala ko habang pauwi."

"Hindi mo naman hinuhubad 'yon, ah?" His eyes were curious. "Hinuhubad mo lang pagdating sa bahay. Do you think I will buy this reason? And the mud in your uniform yesterday, you are not that clumsy, Mad."

I get it, I can't fool him. I can see the doubt in those eyes.

I let out a heavy sigh. Sasagot pa lang sana ako nang matanaw na ang gate ng school namin. Marami rin kaming bumaba roon dahil halos lahat ng sakay ng jeep ay mga estudyante gaya namin. Pagkababa ay may ibang tumambay sa gilid ng gate na tila may hinihintay at may iba naman at dumiretso na sa loob.

"No ID, No entry. You are not that special to be exempted to the rule, Mad," ani Mikael. "Mauna na ako. I am not that irresponsible like you, I have to get in time."

Hinawakan ko ang braso ng kapatid ko nang aktong tatakbo na ito papasok.

Tinignan niya ako nang masama, tila nang-aakusa.

"You are not thinking of borrowing my ID, aren't you?"

I smirked. "Can you do me a favor?"

He gulped.

"Puntahan mo si Ericka, alam mo 'yung tambayan namin, hindi ba? Doon na sa Science Garden. Baka ando'n sila. Sabihin mo puntahan nila ako rito."

"And?" He raised his eyebrows.

"Basta. Gawin mo na lang. Go ahead, baby boy..."

Nakita ko ang pandidiri sa kanyang mata bago tumalikod at tumakbo papunta sa gate. Pumila siya at nang matapat na kay Kuya Guard ay sinuri pa ng guard ang kanyang ID. Nang matapos ay nakapasok na ito.

Ako naman ay sumali na lang sa ibang estudyante na naghihintay pa rin sa labas.

"Mad!"

Napatingin ako sa lalaking tumatakbo palapit sa akin. Mukhang kadarating lang din nito.

"Hey, Raf!" kabado kong bati.

"Bakit hindi ka pa pumapasok?"

Hindi ako agad nakasagot dahil nahihiya akong sabihin na nawawala ang ID ko. Hindi ko na rin kinailangan pang sumagot dahil nang makita niyang wala akong ID ay napatango ito.

"Nakalimutan mo ba ID mo sa bahay?" Mahina itong tumawa. "I've been there! May technique diyan para makapasok ka."

"Pinagbabawal na technique ba 'yan?" biro ko pa.

Namula ako nang inilapit niya ang kanyang bibig sa tainga ko. Nakinig ako sa sinasabi niyang technique para makapasok. Nangatog ang tuhod ko sa kaba nang mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Tinitignan ni Kuya Guard 'yung ID bago pumasok," sabi ko. "Kapag nakita niyang sa 'yo ang ID na sout ko ay madadamay ka pa. Huwag na lang."

"Come on, Mad. Magkunwari kang nagkakamali para 'di niya makita na hindi sa 'yo ang ID. Tapos tumakbo ka na papasok. Hindi ka na niya hahabulin kasi nakita naman niyang may suot kang ID, saka marami pang pumapasok. Kaya 'yan!"

"S-Sigurado ka?" Hindi ko ma-imagine ang kahihiyan na makukuha ko kapag nahuli ako.

Tumango ito.

Pinanuod ko siyang pumasok. Kumilos naman ako para pumunta sa isang sulok kung saan may butas sa loob. Naghintay ako nang ilang minuto bago nakitang lumusot ang isang ID doon.

Lumunok ako bago ito kinuha. Rafael C. Andes, 18. Naibsan nang kaonti ang kabang nararamdaman ko nang makita ang picture niya. Simple lang pero ang lakas ng dating sa akin ng kanyang ngiti.

Sumilip si Raf sa butas. "Sige na, Mad."

"What if I get caught?"

"That's life!" Tinawanan pa niya ako.

Sinuot ko ang ID. I let out a heavy sigh as I marched to fall in line. Habang nasa pila ako ay hindi ako mapakali. Habang palapit nang palapit kay Kuyang Guard ay palakas nang palakas ang kabog sa dibdib ko.

Nakita ko sa loob si Raf, nakangisi ito habang pinapanuod ako. I could even feel his excitement, tila mas sasaya ito kapag nahuli ako.

Nung ako na ang nasa unahan ay halos hindi na ako makahinga. "G-Good morning, Kuya..." I trembled.

"Good morning," bati niya pabalik.

Kukunin na sana niya ang ID ko para tignan nang pigilan ko ang kamay niya. Naguluhan ang mukha nito at sinubukan niya pang kunin ang ID ko pero tinampal ko ang kanyang kamay. Napalakas ata dahil nakita kong namula ang likod nito.

"Ano'ng problema, Miss Grilliard?" takang tanong nito. "Marami pang gustong makapasok."

"Ang panget ko sa picture!" Napalakas ang sabi ko kaya napatingin sa akin ang iba. "Sobra..." bulong ko bago tumakbo papasok.

Pulang-pula ang mukha ko habang tumatakbo. Sinabayan ako ni Rafael na halos mamatay-matay sa kakatawa. Hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggat hindi nakakapasok sa Science Garden, hindi ko na rin nagawa bang bumalin ng tingin sa likod.

Nang tumigil ay hingal na hingal ako. Parang nasusunog ang mukha ko sa sobrang init.

"That was hilarious!" Tawa pa rin nang tawa si Rafael.

Hindi ko alam kung may ipapakita pa akong mukha kay Kuya Guard matapos nang nangyari ngayon. But at least, I'm saved for today. Makakapasok ako sa mga klase.

Natanaw ko sa isang kubo si Ericka. Nagbabasa ito ng libro.

Pumunta kami roon ni Rafael. Pabagsak na umupo ako sa tabi ni Ericka. Hinubad ko ang ID na suot ko at padabog na hinagis kay Rafael na hanggang ngayon ay natatawa pa rin.

"Anyare?" tanong ni Ericka. Binitawan nito ang librong binabasa. "Bakit hinihingal kayo? May humabol ba?"

"Y-You won't believe what just happened, babe..." Pinigilan ni Rafael ang kanyang tawa. "So here is the hilarious story...." And he started the story-telling about a girl who just got embarrassed.

After a few minutes, they both bursted out into laughter. Tamad na nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.

I can't believe this happened to me. Parang may nagtutulak na sa akin ngayong kitain si Rocky mamaya, I want him to pay for this mess. Pero may parte rin na nagsasabing 'tama na.' Isang araw na pagkikita pa nga lang namin ay grabeng hirap na ang dinanas ko, sunod pa kaya?

Akala ko ay dahil nakaligtas na ako kay Kuya Guard ay tapos na, hindi ko inakalang pati ang mga teacher namin ay mapapansin na wala ang ID ko. Sa bawat quiz na ginawa namin ay may deduction ako sa score! This is so frustrating! Lalo na sa grade conscious na tulad ko.

Lunch Break. Luging-lugi na ang mukha. Parang maiiyak na ako sa bigat ng pakiramdam ko. Halos hindi ko na makain ang binili kong pagkain kung hindi ko lang inisip na sayang ang pera.

Habang naghihintay ng susunod na subject ay tumambay kami uli nila Raf at Ericka sa Science Garden. Dito ang madalas na tambayan namin kapag nagpapalipas ng oras. Magkatabi sina Ericka at Rafael, habang ako ay nasa harapan nila.

Inakabayan ni Raf si Ericka kaya napaiwas ako ng tingin. Uh oh, it still hurts pa rin pala. Akala ko tanggap ko na. I am happy for them, really, but there's still this kind of feeling, wishing I was in Ericka's position.

"Ang init!"

Napatingin ako kay Ericka, tinulak nito si Rafael palayo. Tumawa lang si Raf bago tumingin sa akin.

"So... Ano ang sabi ng Papa mo?" tanong ni Raf. "I mean... Late na tayong nakauwi kahapon." He flashed a playful smirk on his lips.

Nagkibit-balikat ako. "As usual... Ang sabi niya ay ipapa-school service na niya ako."

Nagkatinginan ang dalawa bago sabay na natawa.

"That's for grade school only, Mad!" Ericka exclaimed. "This is getting ridiculous. Siguro ay kay Mikael, pwede pa. Pero sa 'yo? Ano 'yon? Kasabay mo sa bus mga grade school? What's next? Hatid-sundo ka na rin ni Tito?"

Napabuga ako ng hangin. Wala naman akong magagawa sa desisyon ni Papa para sa akin. It's for my own sake, for my safety. Iyon ang lagi niyang dahilan. Naiintindihan ko naman.

"Paano pa kaya kapag nagka-boyfriend ka na!" biglang sabi ni Raf. "Ano kaya ang magiging reaction niya kapag nagka-boyfriend ka?"

"Wala naman akong boyfriend." Muli akong nagkibit-balikat.

"Hay naku, Mad. I know that we should obey our parents, but there are times that we should decide for ourselves too. Saka... Hindi ba nakakasakal 'yung ganyan?"

"Maybe in the perfect time? But not now, Ericka."

Umikot ang mga mata ni Ericka. "You can always make the time perfect, Mad. Stop waiting. And if you failed? At least you didn't waste your time waiting for too long and still end up failed."

That confused the hell out of me. All I want is for my father's happiness, but am I happy too? Maybe, I am... I am still happy whenever I see him happy too. I still don't want to complicate things for him. Right, this is the right thing to do right now.

Napatalon ako sa gulat nang mag-vibrate ang phone sa bulsa ng palda ko. Kinuha ko ito at nang makita pa lang ang pangalan na nasa screen ay pumakla na ang mukha ko.

"Hey, Mads! See you later!" Rocky's message.

I didn't bother to reply. I turned on my internet and opened my FB Account. I browsed on my newsfeed, some of them are memes, some are pictures of cats, some are just drama posted by users who think FB can help them solve it, some are Kpop related, and some are project of students posted to earn likes which is where they are being graded. Fuck it.

Binuksan ko ang friend requests. Kahit naman hindi ako mahilig sa mga gala o madalas na makisalamuha sa iba, marami pa rin naming nakakakilala sa akin. And I can also gain more than 200 likes everytime I change my profile picture.

Sa dami ng naroon ay sa isang friend request ako natutok.

Rocky Brecken

Confirm

Decline

Saglit akong natulala bago pinindot ang kanyang profile. Walang laman, parang ginawa lang ito kanina. His display photo is a car, ito 'yung sasakyan na nakita ko last time. Weird... Is it really his account?

I clicked the confirm button. It's just a friend request, hindi naman ako mamamatay. And the block button is just one click away if ever.

"Mad?"

Umangat ang tingin ko kay Ericka. Tumayo ito sa kanyang upuan at tumabi sa akin. Sumandal ito sa balikat ko.

"Where's Raf?" I asked.

"CR," she simply said. "D-Do you like him?"

Sa sobrang gulat ko sa tanong niya ay hindi ako nakapagsalita.

Umayos ito ng upo at humarap sa akin. "We are bestfriends, right? Please be honest." She gave me a sweet smile. "No hard feelings, promise. I-I just want to know."

"W-Wala ah!" Kunwari ay natawa ako. "Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Seryoso ba? Kasi..." Nagkibit-balikat ako. "I don't know. Ang weird kasi everytime na mahuhuli kitang nakatingin sa kanya, there's this... Weird feeling? Sadness? Longing? I don't know."

Wala sa sariling ipinakita ko sa kanya ang screen ng phone ko kung saan hindi ko pa rin naaalis ang profile ni Rocky. "I-I have a boyfriend..."

And... I fucked up myself.

We are both shocked for a moment.

Kumurap-kurap ang kanyang mata habang nakaawang ang kanyang bibig.

Bumagsak ang kamay kong may hawak na phone. Umayos ako ng upo, bahagyang nakatalikod sa kanya. Madiin akong napapikit habang kagat-kagat ang labi.

What the hell, Mad? Really? For what? To save your face?

"Y-You have a boyfriend?" She couldn't believe, I felt it.

Who am I fooling? This girl who knows me more than anyone else in this school?

Handa na sana akong bawiin ang sinabi ko nang may dumating pang isa.

"Sino?" Dumating na rin si Raf, bahagya pang basa ang kanyang buhok. Umupo ito sa tapat namin. "Sino'ng may boyfriend? Ikaw ba, Mads?" Natatawa niyang sabi, pabiro 'yon.

See? Even the guy I just met last two years ago couldn't also believe.

"Yes, babe!" Si Ericka ang sumagot. "She said that guy... Rocky, on her phone. OMG. Really, Mad? Another OMG! Am I dreaming? You just accepted his friend request!" She was exaggerating and I couldn't blame her.

"Hindi dahil sa ngayon lang kami naging friend sa FB, hindi ko na siya mahal!"

Katahimikan ang sumunod na nangyari. Sa sobrang hiya ko ay kinuha ko ang bag ko at tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta makalayo lang sa kanila. Natagpuan ko ang sarili, nakatapat sa salamin dito sa CR.

"Damn it, Mad!" Mahina kong sinampal ang sarili.

Ngayon... Hindi na lang si Kuya Guard ang hindi ko mahaharap, pati na ang dalawa kong kaibigan.

I still can't believe... Parang nung nakilala ko ang lalaking 'yon, nag-iba ang lahat. Ginulo niya ang normal kong buhay. Now... It feels like there's still more than this that will happen, like something out of my imagination. And I need to do something to stop it.

Is it a curse? Am I cursed because of that kiss? Or just because I met him?

I smiled dangerously while looking at my reflection on the mirror. "I need to stop this," I mumbled to myself. "Even if it means seeing that guy again."

My fist were cleched in determination.

Kinuha ko ang phone at binuksan muli ang message ni Rocky.

I typed a reply.

"See you later, Rocky boy."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro