Chapter 18
Chapter 18: Confused
Hindi natin kayang pigilan kung ano ang paparating sa ating buhay. Scary. It can either be a tragedy or something favorable to us. But you know what is scarier? It doesn't go as it is. Sometimes, it is in disguised. Just like a tragedy that can be favorable to us or something favorable to us that turns out to be the tragedy.
But after all... Life must go on.
I admit it. He already has a room inside my heart. We've shared deep memories that is hard to forget or can't be forgotten at all. This is something out of my grasp, something I can't stop. But just like life, after he left, I must keep going on.
Nakatingin ako sa reflection ko sa salamin, nakangiti habang pinagmamasdan ang ginawa kong pagtirintas sa ilang bahagi ng buhok ko. I don't usually do this. But I want to serve a new look for today.
"Let us make this ending a memorable one."
This game won't assure us a happy ending, especially for Rocky. But I can make him happy while taking the ending. I can make him remember all these happy things and let it overpowers what the ending has for him. Something more worth to remember than the ending.
Pumasok sa kwarto ko si Kael. Pinagmasdan ko siya sa reflection sa salamin hanggang sa makaupo siya sa kama ko at nag indian sit habang nakatingin sa akin. Pumupungay pa ang mga mata nito at halatang kagigising lang.
"You're going out with him?" he asked, yawning.
Humarap ako sa kanya. Naalala ko kung ano ang nangyari kagabi. Hindi ko na siya nakausap matapos makaalis ni Rocky dahil nakatulog ito agad dala na rin siguro ng pagkapagod sa pag-iyak.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi.
Humarap naman ito sa akin. "Are you playing today?"
"You can lose someone's presence but not the memories." Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at kinulong sa palad ko. "Isipin mo na lang, Kael. When you let him go, he will finally have the freedom. Parang kalapating pakakawalan mo sa ere. He's been through a lot. He needs time to regain himself. You can save Rocky by letting him go."
"Just like a dove, will he come back?"
"Just like life, we will never know." Hinaplos ko ang kanyang mukha. "Don't ever let him see your tears again. He doesn't want see anyone crying for him. Things get harder for him. Don't cry again."
"Really?" Lumukot na naman ang mukha nito na parang naiiyak. "D-Did I make him felt bad for crying last night? Did it bother him so much?"
"Sshhh..." I caressed his face. "Huwag ka nang umiyak."
Kumunot ang kanyang noo.
"Y-You're crying..." he mumbled.
Napahawak ako sa pisngi ko nang wala sa oras. Mabilis na pinunasan ko ang luha ro'n.
"Basta. Don't cry in front of him. Okay?"
"Fine," he said, nodding his head. "So... Are you going out today?"
"Yeah. Stay here with Dad."
"Okay..." Tumitig ito sa akin. "Do everything to make my friend happy, Ate Mad."
Natigilan ako. Ang akala ko ay magpupumilit itong sumama.
Tumango ako. "For you, I will."
"Can you hug him for me?" he requested.
"Sure."
"And kiss?" He grinned. "Please?"
"Ah? O-Okay..." I chuckled.
Yumakap sa akin si Kael bago ito nagpaalam na mag-aagahan na. Naiwan ako uli sa kwarto ko. Kinuha ko ang cell phone ko. Wala pang text message mula kay Rocky. Ang usapan kagabi ay alas otso ang alis namin. Mag-a-alas nuwebe na.
Tinawagan ko na lang siya. Kumunot ang noo ko nang walang sumagot. Inulit ko ang tawag at doon pa lang may sumagot.
"Hmmm?" dinig kong sabi niya sa kabilang linya. Mukhang naistorbo ko ang mahimbing niyang pagtulog.
"Still sleeping, Mr. Brecken?"
Ilang segundong lumipas ang pananahimik niya.
"Shit," he softly cursed. Naging magulo ang tunog nang kumilos ito. "I forgot. Thirty minutes, please? I'll be there after thirty minutes... or less than that."
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Ano pa nga ba? Go."
And I ended the call.
Kung hindi ko pala siya tinawagan ay halatang tulog pa ito. Hindi ba uso sa kanya ang alarm clock? O 'yung Teddy Bear niya? Hindi ba marunong manggising 'yon sa kanyang Daddy?
Walang utang na loob na Teddy Bear.
Lumabas ako ng kwarto. Naabutan ko si Papa na palabas ng kusina.
"May pasok ka pa?" gulat kong tanong nang makita ang ayos nito.
"May sched ako," sagot naman nito.
How about Mikael? Hindi naman pwedeng maiwan itong mag-isa rito.
I think I have no choice but to bring him with me.
"Isasama ko si Kael, you can go alone," ani Papa nang mapansin na natahimik ako. "Half day lang naman ako kaya makakauwi rin agad."
"Okay po."
"Dito ba kayo mag la-lunch?" tanong nito.
Umiling ako. "Baka gabihin na ako ng uwi."
"Huwag masyadong gabi, ah?" Paalala nito.
"Opo."
Dumiretso ako sa kusina. Naabutan ko si Kael na puno ng pagkain ang bibig habang nakatingin sa kanyang cell phone. Halos hindi na ito makanguya dahil sa tambak ng pagkain ang kanyang bibig. Gulo-gulo pa ang buhok nito.
"You're eating, Kael."
Lumapit ako sa kanya at pinagsalin ito ng tubig sa baso. Hindi naman ito makatingin sa akin dahil halatang online siya ngayon sa laro niya. I didn't dare to disturb him. Baka kasi habulin na naman niya ako ng walis tambo.
"After tha game, eat first," paalala ko bago lumabas do'n.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay tumingin ako agad sa cell phone. Wala pang text galing kay Rocky. Limang minuto pa lang ang lumipas pero parang isang oras na. Isang oras na nang matapos akong mag-ayos.
Napatingin ako sa sarili sa salamin. Nagugulo na ang ayos ko, 'di pa niya nakikita.
Napakurap ako. Am I tyring to impress him?
Matapos ang ilang minuto pang paghihintay ay napagdedisisyunan ko na lang na ako na naman ang pumunta sa condo niya. Siya ang laging sumusundo sa akin. Since, bored na rin ako kakahintay. Ako na naman.
I booked a taxi online. Tatlong minuto lang ang lumipas ay nakarating din ito agad. Pagkapasok ko sa sasakyan ay sinabi ko agad ang building ng condo na tinutuluyan ni Rocky. Hindi ko naman kinailangan ng exact address dahil sikat naman 'yon.
I didn't bring anything with me except my phone and a little amount of cash. Si Rocky naman lahat ang gumagastos. Ayoko ring magdala ng bag dahil mas gusto ko ngayon na walang binibitbit sa katawan. May bulsa naman ang pants ko na pwedeng paglagyan ng phone.
Pasulyap-sulyap ako sa phone ko habang nagbibyahe. Nakarating na ako pero wala pa ring text. Pagkalabas ko ng taxi ay pumasok ako agad sa loob ng building. Pumunta ako sa Information Desk.
"Rocky Brecken. 79th floor," I said to the woman.
"Wait a moment, Ma'am." Kinuha nito ang telephone sa gilid at may pinindot do'n bago itinapat sa kanyang tainga.
Habang naghihintay ay ginala ko ang tingin ko rito. May mga sofa bandang dulo kung saan maaaring maghintay. Malinis ang marmol na sahig. Bantay sarado ang pinto na gawa sa salamin. Iba't ibang lahi rin ang sa tingin ko'y naninirahan dito dahil sa mga pumapasok.
"Excuse me, Ma'am?"
Napatingin ako sa babae.
"I think Mr. Brecked hasn't come back yet since last night," she said.
"Po?"
"Ang record po ay umalis siya kahapon nang alas dos ng hapon at hindi pa umuwi matapos no'n."
Sa tingin ay 'yun ang oras na umalis siya para sunduin si Kael sa school.
Saan naman kaya pumunta 'yon?
"Sige po. Salamat."
Dumiretso muna ako sa sofa para tawagan si Rocky. Ilang ring pa lang ay sinagot niya agad.
"Papunta na," pabungad na sabi nito.
"Nasaan ka?"
"Car?" he said, hesitant. "Wait. What happened?"
"I'm here," sabi ko. "Sa building ng condo mo."
"Wait. What?" Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. "Okay. Diretso na ako riyan."
I ended the call after.
Hindi siya umuwi kagabi? Saan siya nagpalipas ng gabi? Sa tono pa lang ng pananalita niya ay halatang inaantok pa ito.
"Hey!" Salubong sa akin ni Rocky pagkapasok. "What are you doing here?"
Napatingin ako sa suot niya. Ito pa rin ang suot niya kagabi.
"Where did you sleep?" Hinawi ko ang jacket niyang nalukot. "You went to that place again?"
Tumitig ito sa akin nang ilang segundo bago tumango. "Nakatulog ako sa loob ng sasakyan. I'm sorry for making you wait. Tara na?"
Kumunot ang noo ko. "I know you look good even when you are messy but dude... You need to run a warm water on you. You still look sleepy, too."
Napailing na lang ako. Hinila ko siya papasok sa kabubukas na elevator at pinindot ang 79th Floor. Napatingin ako kay Rocky. Nakasandal ito habang nakatingala. Nakapikit ang kanyang mga mata.
"Your keys?" I asked.
Nakatingala pa rin ito nang kunin niya sa bulsa ang susi ng condo unit niya at ibinigay sa akin. Pagkabukas ng elevator ay hinila ko agad siya palabas. I opened the door of his unit ang pushed him in.
"Do some cleaning, please?"
"Hindi ka naman galit?" nakangiwing tanong niya. "Look. I don't care how I look like right now. Ayokong paghintayin ka pa. I can go out with this." He motioned his hand to himself.
"I can't. Baka akala nila may kasama akong pulubi."
"Beggars are actually nice," he said. "I have talked to some of them, and I still talk to them sometimes. They were quite hard to talk to. But they won't force you to get some food, they ask. They don't complain whatever you give to them."
I glared at him. "I am not insulting them, Rocky. Look... Just go to your room and clean yourself. Okay? Stop talking and move your sleepy ass now."
"Tell me you are not angry first," he insisted.
"I'm not. So, please?" Kalmado kong sabi habang nakaturo sa kwarto niya.
Ngumiti ito bago tinuro ang sofa. "Stay there..."
Tumakbo na ito papasok sa kanyang kwarto.
Napailing na lang ako bago pabagsak na umupo sa sofa. Sumandal ako at kinuha ang phone sa bulsa para maglibang habang naghihintay.
Napatingin ako sa kwarto ni Rocky nang bumukas ito. Lumabas si Rocky na nakatapis lang ng tuwalya sa bewang. Hawak nito ang damit niyang pampalit. Mukhang walang CR ang kwarto niya.
"You good there?" tanong niya habang hawak ang bulso ng pinto ng CR.
Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Oh, god. I didn't ask for this.
Napaiwas ako ng tingin. "Maligo ka na."
"Knock on the door when you are bored."
"What can you even do?!" Pagalit na tiningnan ko siya. I focused my eyes on his face. "Bilisan mo na lang maligo para 'di ako mabagot dito. And stop talking!"
Tumango naman ito. "Doon ang kusina. Kapag nauuhaw ka---"
"Maligo ka na!"
"Okay. Fine. Sungit." Saka na ito pumasok sa CR.
Napabuga ako ng hangin. Mas mahirap pa siyang kausap kaysa sa lasing.
Inabala ko ang sarili sa paglalaro. Lumipas ang sampung minuto bago bumukas uli ang pinto ng CR. Hindi ako lumingon. Pinagpatuloy ko ang paglalaro sa phone. Narinig ko ang mga kaluskos mula sa paggalaw ni Rocky.
I fought the urge to look.
"I've learned this from watching tutorials," I heard him said.
Napaangat na ang tingin ko.
Namula ang mukha ko nang makitang naka-boxer shorts lang siya habang pinapasadahan ang pantalon. Nakatingin siya sa plantsa. Maingat ang pagpasada na ginagawa niya. Basa pa rin ang magulong buhok nito.
"Though I've burned a lot of pants before I mastered it," he said, still focused on that thing.
Binaling ko na lang uli ang tingin sa phone ko. "Don't you know wearing only boxer shorts when a girl is around is kind of awkward?"
"I don't think so. I actually think they kind of like it."
I rolled my eyes. "Whatever."
Matapos niyang makapag-ayos ay lumabas na rin kami agad ng building at dumiretso sa parking lot. Pagkasakay ko ng sasakyan ay agad kong kinapit ang seatbelt sa katawan. Napatingin ako sa likod nang makita ang teddy bear doon.
"Your pink teddy bear must be starving by now," I said, sarcastically.
"You must be out of your mind to think of that."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Sino kaya ang mas baliw sa atin na dala-dala 'yan kahit saan?"
"Ako po," kaswal na sagot niya.
"Good."
Binuhay niya ang makina at nilabas ng parking lot ang sasakyan. Bahagya niyang pinabilis ang pagpapatakbo nang nasa highway na kami. Napansin ako ang pagsulyap nito sa akin.
I became conscious with how I looked like now. Mukha na ba akong bruha?
"May mali sa 'yo ngayon," aniya. Sumulyap ito uli bago mahinang tumango. "Ah. Medyo magulo ang buhok mo sa gilid. Nabuhol ba 'yan?"
Namula ang mukha ko sa hiya. "H-Hindi ito nabuhol."
Ngayon lang ba siya nakakita ng buhok na nakatirintas para isipin na nabuhol ito?
"Tingnan mo sa salamin, buhol talaga. Tas may tali sa dulo. Ang pangit."
Hindi na ako nagsalita ba. Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman ko. Una, nakalimutan niyang may lakad kami. Pangalawa, pinaghintay niya ako. Pangatlo... Ang kapal niyang tawaging pangit ang pinaghirapan ko nang kulang isang oras!
"Mads... I'm not lying. Magulo talaga---"
"It's a braided hair." Natawa ako sa sobrang pagkainis. "Bakit ba sobrang nakakainis ka ngayong araw? You ask a lot of question and you notice everything. Oh, please. Stop it before it ruins this day."
"W-Why are you mad now?" painosente niyang tanong. "You're creeping me out. I didn't say something that could trigger you at all. Why so weird today, Mads?"
Hindi na lang ako kumibo ulit. Ipinikit ko ang mga mata ko para pakalmahin ang sarili. Naririnig ba niya ang mga pinagsasabi niya?
Calm down, Mads.
"If that's a hair style, you're bad at it," dinig kong sabi na naman nito. "But that doesn't change the fact it looks good on you. May mali lang siguro sa pagkakabuhol mo. Pero okay lang."
I don't know what to feel anymore. He insulted what I did for almost an hour and complimented how it looks on me afterwards. I prefer to focus on the latter one. Masyado na akong badtrip ngayong araw at baka masipa ko na siya palabas ng sasakyan na ito.
"How's Kael?" I heard him asked.
"He's fine," I answered, eyes still shut.
"Tell him I said sorry."
"No need to apologize."
"Okay."
Lumipas ang ilang minuto na tahimik lang kami. Nakapikit lang ako hanggang sa naramdaman ko ang unti-unting pagbagal ng takbo namin. Iminulat ko ang aking mga mata.
Tumambad sa akin ang mahabang daan na tinatahak namin. Sa gilid ay puno ng mga puno kaya hindi gaanong nasisinagan ng araw ang daan. Sobrang payapa ng lugar at wala gaanong sasakyan na dumadaan. It feels like we are on the other side of the world. Quiet, peaceful and magical. Is this even real?
"What's this place?"
"A road?" Rocky answered, unsure.
Tila bumaba ang inis na nararamdaman ko dahil sa tanawin. I think I could walk here everyday and won't ever get tired looking around.
"Kapag mabilis ang pagpapatakbo sa sasakyan ay aabot lang ng tatlumpung minuto bago makalagpas dito. If driving is this slow, it usually takes almost an hour. You choose, Ma'am."
Binuksan ko ang bintana. Napangiti ako nang sumalubong sa akin ang preskong hangin.
"Let's stay here for a while and drive faster after," I said.
"Aye." Hininto niya ang sasakyan sa gilid kasabay ng pagbukas ng bubong ng sasakyan.
Napatingala ako. Tila magkadikit ang mga sanga ng mga puno sa bawat panig.
Hindi ako nakuntento sa loob ng sasakyan kahit bukas ang bubong, lumabas pa ako ng sasakyan para mas mapagmasdan ito nang mabuti. Tumingala ako. Tumama sa mukha ko ang mga tuldok ng sinag ng araw na bahagyang lumulusot sa mga sanga at dahon ng puno.
"This is so cool!" I couldn't help but to scream that amusement. "I wish I had known this earlier than now."
Tumingin ako kay Rocky. Nakasandal ito sa sasakyan, nakapatong sa kabilang upuan ang kanyang braso habang nakangiting nakatingin sa akin. I realize he wasn't wearing a jacket.Naka kulay asul na polo shirt itong bukas ilang bahagi ng butones sa dibdib.
"You were amused even more when you stared at me," he mocked.
"Do you go here often?" I asked, ignoring what he said.
He yawned while shaking his head. Lumabas ito ng sasakyan at naglakad-lakad.
"I know you like this kind of place so..." He turned his head on me. "I brought you here to calm you. Hindi naman pwedeng pumunta tayong mall nang nakanguso ka. Baka akala nila may kasama akong baby."
"Babies are cute, dude."
Kinuha ko ang phone ko at kinunan ng litrato ang paligid. Masyadong luntian ang kulay, parang nakakahiyang lagyan ng filter. I took a picture of myself, too. Sa tingin ko ay umabot na ng kulang dalawangpu ang kuha kong litrato.
Napatingin ako kay Rocky. Nanlaki ang mga mata ko.
"Really? Dito talaga?" tanong ko nang makitang nakatalikod ito sa akin, nakaharap sa puno. "Ang bastos mo. Dapat umihi ka na sa condo mo bago umalis!"
"I can't stop it. Baka magkasakit ako."
"Kadiri ka. Kapag namatay ang puno na 'yan ipapakulong kita. Murderer."
He chuckled as he averted his eyes.
"I've read once that human urine is an effective fertilizer. I'm actually helping here," pagrarason pa nito.
"Bilisan mo na baka makakita pa sa 'yo."
"Aye."
Matapos no'n ay dumapa naman siya sa sahig para mag push-up. Para raw kahit papaano ay maalis ang antok niya. Hindi ko na lang pinansin. Inabala ko ang sarili sa pagkuha ng litrato.
"You can sit on my back," biglang sabi ni Rocky.
"While doing push-up?" paglilinaw ko.
Tumigil ito sandali at tumingin sa akin. "Yeah? Come on."
Umiling ako. "Ayoko."
He shrugged his shoulders. "Your lost," said him arrogantly.
Mayamaya ay nagtanong na naman ito. "May progress na ba kay Rafael?"
That caugh me off guard. Sa sobrang gulat ay napatango ako at nakapagsabi na naman ng kasinungalingan. "N-Nasabi na niya kay Ericka na may mahal na siyang iba. Wala na sila. Pero hindi pa nito nasabi na... Ako ang dahilan."
"Talaga?!" Tumayo si Rocky na malawak ang ngiti.
Tumango ako.
"Congratulations, Mads. You won your game."
I faked a smile.
Matapos ang ilang minutong pananatili ay umalis din kami roon. Nanghinayang ako nang makalabas kami sa mapunong bahagi ng daan. I wish I could stay there longer.
"Let's do it?" he asked.
I nodded my head and smiled. "We must."
Pumunta kami sa mall na sinasabi niya. Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad. Masyado akong naliwaliw sa pagtingin sa paligid bago napansin na kanina pa kami naglalakad.
"Are you planning to walk around here until the day ends?" I asked in disbelief.
He shook his head as he looked at me. "No. Kakain naman tayo."
"Then?"
"Sit and rest? We can't go home yet," he said.
"Then we need to do something!" Pinanlakihan ko siya ng mata. "We can't just sit, eat and walk here. Ang daming choices. Let's go on Arcade Games?" I suggested.
Magandang lugar 'yon para sa mga nagpapalipas ng oras. Mas mabilis ang paglipas ng oras kapag may pinagkakaabahalan ka. Malilibang na kami, magkakapagsaya pa.
Hinawakan ko ang braso niya at hinila siya. Tamad naman na nagpahila ito.
"That's for kids, Mads," pagmamaktol nito.
"Then let's be kids for today!" I angrily said.
"I'm already a big boy!"
Hirap na hirap akong hilahin siya sa Arcade Games.
Nagpapalit ito ng tokens. Isang malaking plastic na tokens. Kahit siguro dalawa kaming araw dito ay hindi 'yon mauubos.
Nakapwesto na ako sa Shooting Game nang mapansin na hindi ko na pala kasama si Rocky. Nahanap ko siya sa likod ng mga batang naglalaro ng Video Game. Kinakausap niya ang mga ito at tinuturuan.
"Huwag kang magpaturo! Madaya!" sigaw ng kalaban ng isa.
"Loser!"
"Madaya naman. Weh. Asar ka."
"Talo ka lang kasi."
Hinigit ko ang damit ni Rocky. "Stop meddling in their business. Pinag-aaway mo sila!"
"Tinuturo ko lang 'yung logic ng game," tamad na sabi nito. "When you find out the logic of the game, playing becomes easier."
Napansin kong nagtatalo na ang dalawang bata. Nag-aasaran na ito.
"Games should be played for fun. Where is the fun with that?" Napangiwi na lang ako sa kanya. "Forget the tricks or logics and go with the flow. It's a game after all. Let's try shooting games?"
He eyed me, lazily. He looks not interested at all.
Parang tinamad din tuloy ako. I was so excited to play these games with him. Pero mukhang hindi talaga siya interesado. I can't play alone and let him hover around. Baka mamaya ay magulat na lang ako nag-aaway na lahat.
"Y-You don't like here?" I asked. Nanatili lang itong nakatingin sa akin. "Fine. I thought you were interested since you played here once with your parents. I just thought we could do that scene again but this time, you won't play alone anymore."
"Is that really it?" he asked, doubtful.
I gulped as I let out a heavy sigh. "We used to play here, too. Kapag matagal ang vacant naming tatlo ay dito ang bagsak namin. We would play every game here as we wait for the time to passed by."
"You played here with them?" bakas ang pagkamangha sa kanyang mukha. "That can be considered as date. You really love hurting yourself, huh? "
I shook my head. "No. But what could I do? They didn't know."
Bumuga ito ng hangin bago umakbay sa akin. Sinandal niya ako sa kanya.
"Let's play here not because of my parents or your friends," he whispered. "Let's play because we are together and we have all the time in the world. Remember your memories with them, I will remember my memories with my parents. And... remember the memories that will happen today."
We played basketball first. Sa pag-umpisa ng time at pagbagsak ng mga bola, pinanuod ko kung paano lumutang ang mga 'yon sa ere isa-isa mula sa pagkakahawak ni Rocky. Halos hindi magkamayaw ang score board sa pagpalit ng numero hanggang sa matapos ang oras.
Jaw-dropping play.
That's what I expected to happen. But no. I watched how he scored two out of many balls he missed. He was laughing while pointing his finger on the score board, feeling proud how he managed to score two.
"Jaw-dropping performance, eh?" He winked at me.
I can do better than that!
"You must be a bastketball MVP in your past life," I said, sarcastically.
"Probably?" Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. "Your turn, Mads. Focus your eyes on the ring. You must not hold the ball tight. Let it slip on your hands smooth. Get it?"
I rolled my eyes. "Is that a tip to score two?"
"Come on, Mads!"
Nanlaki ang mga mata ko nang sumigaw siya. Pinandilatan ko siya ng mata pero hindi ito natinag. Pumalakpak pa ito habang nakatingin sa akin. May mga napapatingin tuloy dahil sa ginagawa niya.
"Tumigil ka," madiin kong sabi.
"Watch how my baby beat the highest score recorded in this game!"
Damn it!
Umiling ako at tumingin sa ring. Ayokong humarap sa likod para makita ang nakaabang na tingin ng mga tao na mukhang naniwala sa sinabi ni Rocky.
Nang mag-umpisa na ang laro, nagawa ko ang pinakamasamang laro ko sa game na ito. I usually score twenty plus but I only got five now. I could smell disappointment around and I was so shy to even look.
"You scored hinger than me," Rocky said.
"A-are they staring at me?" I asked.
"Medyo."
I bit my bottom lip as I rested my forehead on his chest, avoiding to have an eye contact with everyone who witnessed that embarassment.
"Sa ibang laro na namn tayo," bulong ko.
"Nahihiya ka?" tanong nito.
"Ilayo mo na lang ako rito," pakiusap ko pa.
Inakbayan niya ako at tinakpan ang mga mata ko gamit ang kanyang kamay. Pinakawalan niya rin ang tingin ko nang makalayo na kami roon.
Hinampas ko ang braso niya sa sobrang inis. "You embarrassed me!"
Magsasalita pa sana ito nang may dalawang babae ang lumapit sa amin--- kay Rocky pala. Nahihiya ang dalawa at nagtutulakan pa kung sino ang magsasalita.
"A-Are you RockyPogi143?" the girl asked.
Napahalukipkip ako.
"Siguro?" sagot ni Rocky.
"Pwede pong pa-picture?!" Ipit na tumili ang isa habang hawak-hawak ang kanyang phone. "Fan mo po kami! I've watched your game last winter competition and you were so good!"
I raised my eyebrows when his smile gotten wider. He seems enjoying the compliments. May tinatagong kayabangan din pala ang isang 'to.
"I hope I can play with you, too!" Humawak pa ang isang babae sa braso ni Rocky.
Akala ko ba selfie ang hinihingi nila? They should have told me it was a conversation. Para naman nakapaglaro muna ako habang nag-uusap sila. Marami pa naman kaming tokens na hindi nagagamit.
"You look more handsome in person!" Humagikgik ang isang babae. "Bagay pala ang username mo."
Napatingin sa akin si Rocky bago tumingin uli sa dalawang babae. "Picture na tayo?" tanong niya.
Todo ngiti si Rocky habang nakatingin sa camera. Yumakap pa sa kanya ang dalawang babae bago humahagikgik na umalis.
"You're famous huh?" I smirked.
He shrugged his shoulder. "Medyo."
"Ang humble mo naman po."
Humalakhak ito. "You're being sarcastic again."
Magsasalita pa sana ako nang matanaw sina Ericka at Rafael na papasok din dito sa Arcade Games. Hawak-kamay pa ang dalawa. I could feel how happy they were. Dapat ay matuwa rin ako na sa wakas ay nagbalikan na sila pero hindi ko magawa ngayon...
"You okay?" nag-aalalang tanong ni Rocky. Lilingon sana ito kaya maagap na hinawakan ko ang mukha niya at iniharap sa akin.
"Let's go somewhere else?" I asked.
"Why?"
Napatingin sa akin sina Ericka at Rafael. Sabay na ngumiti ito at kumaway sa akin. Hindi ko na napigilan si Rocky nang lumingon ito. Nagtagpo ang kanilang mga tingin.
"I thought..." Rocky looked at me. "I-I'm confused, Mads."
Napatingin ako sa kanyang mga kamay na nakakuyom.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro