Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Chapter 16: Stay with me

Everything had gone haywire. But instead of plastering a woebegone face, I shrugged it off. Wala naman na akong magagawa. Kahit na sobrang bilis ng mga pangyayari at masyadong nakakapanakit, wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang magpatuloy.

I only have almost a month before I graduate. I can finally have a fresh start. Dati ko pa pinag-iisipan kung lilipat ba ako ng school kapag nagkolehiyo o dito na lang din. Pero dahil sa mga nangyari ay alam kong mas makakabuti na magpakalayo muna ako. Hindi na rin ako mag-aalala kay Kael, lumalaki na siya. Someday, we will also take different path.

Umaga, pagkapasok ko sa kusina ay si Papa lang ang dinatnan ko. Umupo ako nang hindi nagtatanong tungkol kay Kael. Baka mas nauna lang ako ngayon sa kanya sa pag-aayos ng sarili.

"Nauna na," ani Papa nang mapansin na nakatingin ako sa upuan ni Kael. "Nagmamadali kanina dahil may group project daw sila. Nakakapanibago ba?" Natatawa pang tanong ni Papa.

Kumurap-kurap ako bago napagtantong hindi na ako nahintay ng kapatid ko. Ito ang unang pagkakataon na hindi kami sabay pumasok sa school. Tama... Nakakapanibago ang lahat.

Kumain na lang ako. Nawalan tuloy ako ng gana. Ganito ba ang nararamdaman niya nung wala ako? Nakakalungkot nga ang pagbabago sa mga nakasanayan natin.

"Ano'ng plano mo sa graduation?" Pagbukas ni Papa sa usapin na 'yon. "Malapit na rin para mapaghandaan na. Gusto mo ba rito sa bahay o may gusto kang ibang lugar?"

Isang lugar lang ang pumasok sa isipan ko. "Sa tabi ni Mama..."

Ngumiti si Papa bago tumango.

"Iyon din ang iniisip ko," sabi ni Papa. "Gusto kong mapasyalan natin siya dahil baka maging madalang na lang tayo sa pagpasyal sa puntod niya."

Natigilan ako sa sinabi ni Papa. Pinanuod ko siyang uminom sa tasa ng kape habang nakatingin sa akin. Ngumiti ito habang naiiling nang mapansin na naguguluhan ako.

"Dati ko pa pinaplanong lumipat ng bahay," pag-uumpisa nito. "Sa malayo. Para makapag-umpisang muli. Hanggang andito tayo ay bumabalik ang lahat ng sakit. We need a new environment."

Malungkot na ngumiti ako. Pabor ako na medyo hindi. Pabor ako dahil iyon din ang gusto ko. Magpakalayo para sa muling pag-uumpisa. Pero medyo nanghihinayang rin ako. Dito na kami lumaki at nagkamuwang, nakapanghihinayang na magiging alaala na lang ang lahat.

"Ibebenta ko ang bahay para kahit papaano ay makatulong sa paglipat natin," saad pa ni Papa. "Nasabi ko na ito kanina kay Mikael. Gusto rin niya. Ang sabi niya ay changing is part of growing kaya okay lang." Mahinang tumawa si Papa.

Nakangiti lang ako. It scares me how things easily change.

"Pero kung ayaw mo, hindi ko naman ipipilit ang gusto ko," maagap na sabi ni Papa nang mapansin na hindi ako sumagot. "I just want to know your thoughts about this."

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Yumakap ako nang mahigpit sa kanyang likod. Hinaplos naman niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

Huminga ako nang malalim.

"I'm ready to start again, Pa," I whispered. "Let's do it."

Mag-isa akong pumunta sa school. Kinakabahan man ay hindi ako nag-atubiling pumasok agad sa classroom. Napansin ko agad si Ericka, nakatutok ito sa kanyang binabasang libro. Hindi ko rin napigilang tingnan si Rafael, nakayuko ito sa kanyang desk.

It suddenly felt like the first time I stepped my feet in this school. Walang kakilala, naninibago sa kapaligiran.

Maybe Rocky was right. I am bound to lose this friendship.

It's hard... really damn hard. Iyon bang hindi na kayo nagpapansinan ng kaibigan mong naging sandalan mo sa problema, nakasama sa kalokohan, kasama sa lahat ng bagay? Iyon bang isang araw naglaho na lang nang parang bula ang lahat?

Suminghap ako nang manikip ang dibdib. Hindi na muna ako nag-isip ng kung anu-ano at pinagtuonan na lang ng pansin ang pag-aaral.

Two subjects had passed, nothing happened. Nakaupo pa rin ako sa upuan ko. Kahit na may pagkakataon na lumabas ay mas minabuti ko na lang na manatili. Gano'n din ang ginawa ni Ericka. Maliban lang kay Rafael na mayamaya ang pag-alis.

Until Rafael accidentally laid his eyes on me. He just raised his eyebrows and looked away. It hurts when a special person to you suddenly becomes someone you just know.

This is for the better... I always remind myself. Matatapos din ang sakit. Masasanay din ako. Hindi rin naman magtatagal ang eksenang ito.

Pakiramdam ko ay sobrang bagal ng oras. Gusto ko nang lumabas at lumayo.

"Let's call it a day. Good day class."

Mabilis na kinuha ko ang bag ko at nagmadaling makalabas. Nabangga ko pa ang iba kong kaklase dahil sa sobrang pagmamadali. Imbes na sa canteen dumiretso ay napagpasyahan kong sa Science Garden pumunta.

Wala sa sariling napangiti na lang ako nang makita ang kubo na madalas naming tambayan. Bakante iyon kaya napagpasyahan kong doon na lang magpalipas ng oras.

It's lunch time but here I am... alone in this place.

Napahawak ako sa sikmura ko nang kumalam ito. Gutom na rin ako dahil konti lang ang nakain ko sa agahan. Malamang na nasa canteen niyan sila kaya ayokong pumunta roon. Masyadong malayo ang isa pang canteen at malamang na puno na rin doon.

Kinuha ko na lang ang phone ko para mag check ng notifications. Wala namang text maliban sa service provider ng ginagamit kong sim. Binuksan ko ang FB Account ko para mag check ng notification.

Bumungad sa newsfeed ko ang isang bagong status ni Kael. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang in-upload niyang picture. Ang kuha niya sa amin ni Rocky kagabi. Medyo madilim. It's more like a silhouette photo... We were hugging each other. Hindi kita ang mga mukha namin.

The caption says, "Underneath the dark sky, against the rogue waves, inside the effulgent light --- Here's a silhouette of memory."

It was uploaded an hour ago. Nakakuha na ito ng daan-daan na reactions pero dahil sa private ang comment section ay malinis 'yon.

Hindi naman kami gaanong kita kaya ayos lang.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. I didn't have to look at the person to know that it was Ericka. Hindi ako lumingon. Itinuon ko ang pansin sa cell phone kahit na wala na roon ang atensyon ko.

"Hinanap kita sa cafeteria. Sabi ko na nga ba rito lang kita matatagpuan."

Tahimik pa rin ako.

"I bought you a slice of cake and a juice." Naramdaman kong may ipitanong siya sa tabi ko. "Hindi ka pa nag lunch. Baka kung mapaano ka kung hindi ka kakain. I already had mine. Kain na."

I don't know what to do at this moment. Bakit niya ako kinakausap na parang walang nangyari? Bakit mas mahirap para sa akin na ganito siya pagkatapos ng lahat?

"I'm full," I whispered.

Kumalam ang sikmura ko. Napapikit ako sa sobrang hiya bago ibinalik sa bag ko ang cell phone at kinuha ang cake na nasa styrofoam na lalagyan. May plastic na kutsara rin. Wala akong narinig na reaksyon sa kanya.

Sa sobrang pagmamadali ay nabulunan pa ako. Maagap na inabot sa akin ni Ericka ang juice. Walang pag-aalinlangan na tinanggap ko 'yon at sumimsim. Bahagya akong tumalikod sa kanya habang kumakain. Hanggang sa matapos ay wala akong narinig sa kanya.

Ibinalik ko sa plastic ang pinagkainan.

Napatingin ako kay Ericka, nakatulala ito sa malayo, tila malalim ang iniisip.

"What happened to us?" Wala sa sariling tanong nito bago bumaling sa akin. "What did I do?" Pumait ang boses nito.

Ilang sandali pa ay nag-unahan na ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

Sumikip ang dibdib ko habang nakikita siyang umiiyak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I just want to get away from this. This is seriously draining my mood and energy.

"T-Thank you..." bulong ko bago mabilis na kinuha ang bag ko at plastic. "Mauna na ako sa 'yo."

Tatayo na dapat ako nang hawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa pag-alis. Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang kamay. Nabitawan ko ang plastic na hawak ko nang higitin niya ako para yakapin.

"I'm sorry, Maddy." Humagulgol ito ng iyak. "H-Hindi ko dapat ginawa iyon. I am so selfish. I'm sorry for ruining this friendship."

Kumuyom ang mga kamao ko. "N-Nangyari naman na. Kailangan na lang siguro nating masanay," bulong ko.

Mas lumakas ang hagulgol niya habang pahigpit nang pahigpit ang yakap.

"W-Wala na kami, Maddy," bulong nito. "He broke up with me without any reason. I accepted it without asking for a reason, too."

"I'm in love with him." Doon na tuluyang bumagsak ang luha sa aking mga mata. "Tama ang hinala mo, Ericka. May gusto ako sa boyfriend mo. Your hunch is accurate. Naiintindihan ko kung magagalit ka dahil sa paglihim ko nito. Pero..."

"M-Mad..."

"W-Why did you do that? You wrecked me, Ericka. You ruined me not because you conspired to do something that hurt me. No, Ericka. You ruined me by thinking if ever I am really into your man, I would ruin your relationship. No. Ericka. I wouldn't dare."

Humarap siya sa akin. Sobrang pula ng kanyang mukha at walang humpay ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

Nakahawak pa rin sa akin ang nanginginig niyang kamay.

"N-No. That's not it," she said in between of sobs. "Ang plano ko ay kapag nalaman kong may pagtingin ka sa kanya, ako, Mad. Ako ang magpaparaya. I can sacrifice this love for our friendship. I just wanted to know."

Hinawi ko ang kamay niya sa akin at sinamaan siya ng tingin.

"I-Is that it?" Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata. "Hindi mo tinulak si Rafael para mapaamin ako. You pushed him to me by thinking there was a chance he might fall, too? You fooled us both!"

"I-I'm sorry..." Lumuhod ito sa harapan ko habang hawak ang aking kamay. "We broke up. Hindi ka na masasaktan kapag magkasama kami. Please, Mad. Forgive me. I only need your forgiveness."

"And what would you do if I forgive you?"

She shook her head. "Tatanggapin ko na, na wala na talaga. But at least, I know that you are no longer mad at me. I just need your forgiveness to be able for me to move on."

Damn. I want to be mad even more but I can't. My best friend is just kneeling down before me, asking for nothing but forgiveness.

"P-Please, Mad. Ayokong magkahiwalay tayo nang may samaan ng loob."

Kumunot ang noo ko. "Aalis ka rin kapag naka-graduate na?"

Tumango siya. "I-Ikaw din?"

Sa pagkakataong iyon ay niyakap ko siya nang mahigpit. We both cried while hugging each other. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakap bago ako kumawala. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod na ginawa niya rin.

Pinunasan ko ang luha sa aking mukha.

"What do I look like?" I asked.

Natawa ako nang tumingin sa akin si Ericka. Gulo-gulo ang buhok nito at namumula ang mata dahil sa sobrang pag-iyak.

"You look fine, Mad. Can't say you're a vampire for having some reddish around your eyes but... You look fine."

I chuckled. "Ayokong pumasok nang ganito."

"Let's go somewhere else?" she suggested, thrilled. "Like what we used to do."

Even without him...

Pumunta kami sa mall at dumiretso sa arcade game. Nagpapalit kami ng coins at dumiretso sa basketball game. Dito ang unang bagsak namin lagi kapag pumunta rito. Sa larong ito ay magka-partner kami ni Ericka laban sa MVP na si Rafael.

"We can't beat Raf in this game," Ericka said. "Medyo madaya kasi dahil mas mahaba ang mga braso niya saka matangkad!"

"Or... We are just really bad at it?" biro ko.

We started the game. Tumatawa kaming pareho hanggang sa nagbitaw siya ng mga salita. "Natalo ko na rin siya rito. But I don't consider it kasi alam kong nagpatalo lang talaga siya."

Natigilan ako sa pag-shoot ng bola. Pasimple akong tumingin sa kanya. Nakangiti ito habang walang humpay ang pagtapon ng bola sa ring. I don't remember that. They were also probably playing here even without me.

Nang maubos ang kanya ay lumipat siya sa akin at inagaw ang mga natirang bola. Hinayaan ko na lang siya hanggang sa maubos niya ang mga 'yon.

"Look!" Turo ni Ericka sa score board. "Wala pa ring nakakatalo sa highest score ni Raf!"

Right. Hindi lang kami ang hindi makatalo sa kanya. Everyone who dared to play in this game failed to beat him.

Hinawakan ako ni Ericka at hinila sa next game. Shooting Game. Hindi ako mahilig sa ganito. Madalas ay sina Ericka at Rafael lang ang naglalaro, magkakampi at pinoprotektahan ang isa't isa. Kapag gano'n ay aabalahin ko ang sarili ko sa ibang bagay.

But this time, I replaced him. Ako ang partner ni Ericka.

"Don't go away!" bulong ni Ericka sa akin nang tangkain kong humiwalay ng daan. "Stay close. Let's protect each other."

"Noted," I chortled gently.

"Hey. You're going far, babe..."

I ignored that and continued my game, until...

"I'll be your gun when you run out bullet," she whispered. "So stay close, babe."

Doon na ako tuluyang natigilan. I remember those words... I remember those well.

Those are Rafael's words for Ericka whenever they play this game.

Napatingin ako kay Ericka. Mahigpit ang hawak niya sa baril.

Is she imagining Rafael right now? Is she thinking of him, unconsciously?

Ganito ba niya siya kamahal? I am into him, too. Pero hindi ako umabot sa puntong siya lagi ang nasa isipan ko. Hindi ako umabot sa punto na kahit wala siya ay siya pa rin ang iniisip ko. Is this how deep her feelings for him?

"Uy! Wala na. Game over," reklamo niya. "You stopped from shooting."

Napatingin ako sa nilalaro. Game Over.

"Sorry."

"Mukhang nasa kondisyon ang boses ko," nakangising sabi ni Ericka. "I want to sing. Tara! Let's have a mini concert!"

Sinusundan namin kung ano ang gusto ni Rafael kapag andito kami. The basketball and shooting game. We skipped tha air hockey, video games and just dance. And now, karaoke. Hindi ata pansin 'yon ni Ericka o nasanay lang talaga siya sa ganitong pagkakasunod.

We rented an hour of Karaoke Roof. Dalawa lang ang nakanta ko at lahat ay kay Ericka na. Ang mga kanta na pinili niya ay 'yung mga kanta na madalas naming kantahin kasama si Rafael.

Natigilan sa pagkanta si Ericka at bahagyang tumalikod sa akin. Pagkaharap niya ay nakangiti na ulit siya at ipinagpatuloy ang kanta. I spent an hour, staring at her... Thinking what can I do to ease her pain?

I can't stand seeing her like this.

"Napaos ata ako," natatawang sabi ni Ericka pagkalabas namin ng Karaoke Room. "Let's eat. Nagutom ako."

I don't deserve this sacrifice. Ako ang nakaramdam ng mali, ako dapat ang gumagawa ng paraan para maayos ito. Kung hindi dahil sa akin ay hanggang ngayo'y sila pa rin. Walang nasasaktan.

"Huy!" Untag sa akin ni Ericka nang hindi ako sumagot. "Ayos ka lang?"

Tumango ako. Kumain kami sa isang fast food chain. Madami ang order ni Ericka, sabi niya ay gutom na gutom siya. Gutom din naman kami lagi kapag katapos mag Arcade Games, pero hindi pa siya um-order nang ganito karaming pagkain.

"Painom ah?" pagpapaalam niya bago sumimsim sa sofrdrinks ko.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami roon bago lumabas. Saktong pagkalabas ay bumungad sa amin ang isang lalaking nilagpasan lang kami ng tingin. Dumiretso si Rafael sa paglalakad. Hindi na ito naka uniform kaya malamang na umuwi na rin.

"Doon tayo sa park?" aya sa akin ni Ericka.

I looked at her. Alam kong nakita niya rin si Rafael pero pinili niyang ipagsawalang bahala lang 'yon.

It's still because of me.

Hinawakan niya ang kamay ko. Bumagsak ang tingin ko ro'n. She was shaking. "M-Mad... Tara na."

"Do you want to invite him?" I asked.

Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na umiling.

Umiling ako bago hinabol si Rafael. Hinarang ko ang daan niya kaya napatigil siya. Si Ericka ay nanatili lang sa likod niya. Hindi ito mapakali sa kinatatayuan habang sinesenyasan akong huwag ituloy.

"Pupunta kaming park," sabi ko.

"Hmmm..." Kumunot ang noo ni Rafael na parang naguguluhan. "Okay? May pupuntahan din ako eh." Ngumiti ito.

"Gusto mo bang sumama?" tanong ko.

Nanlaki ang mga mata ni Ericka bago umiling sa akin.

"I can't. I'm sorry." Saka na niya ako nilagpasan.

"Kapag nagbago ang isip mo, hanggang alas sais pa kami ro'n!" pahabol ko pa.

Hindi ito lumingon.

Lumapit sa akin si Ericka. "W-What was that?"

I shook my head.

Pumunta kami sa park na tabi lang naman ng Mall. Wala na ring araw kaya marami-rami na rin ang nakatambay rito. May fountain sa gitna na kung saan maraming nagpapa-picture. May mga nakaupo sa damuhan at may ibang naglalakad-lakad lang.

Umupo kami sa bakanteng bench.

Hinarap ko sa akin ang bag ko para ilabas ang cell phone. I texted Rocky to pick me up here after an hour.

"Am I your driver, Miss Grilliard?" he replied.

"No. Fine," I replied back.

I rolled my eyes. Itinago ko uli sa bag ang cell phone ko. Mukhang wala akong choice kung hindi ang mag-commute mag-isa.

"Saan ka magkokolehiyo?" tanong ni Ericka. Sumandal ito sa balikat ko.

"I still don't know yet," sagot ko. "Lilipat na rin kami ng bahay eh."

"Hmmm...." Mahina itong tumango. "Ang plano namin ay sabay papasok sa kolehiyo. Ang kukunin kong kurso ay Accountancy at siya naman ay Civil Engineer. We've planned a future for us without knowing this day would come."

Hinagod ko ang likod niya.

"I guess that's what makes life exciting. We can never really tell what will happen later. We are never sure what is ahead of us." There was a glimpse of sorrowness on her feeble voice. "I just had a crush on him when he courted me, started to like him when I said yes and fell in love even more when I let him go. It was so painful but when I looked at you, I knew I did the right thing."

Pinaglaruan ko ang buhok niya sa kamay ko. "You did the right thing for me. But how about for both of you?"

"It was not just my choice, Mad. It was his choice, too."

I let out a heavy sigh.

"How about Rocky?" she suddenly asked. "What's your status with him?"

"Dunno," I answered, languidly. "But I'm comfortable with him. When I am with him, I feel safe."

"You like him?"

Do I like him? I don't know. Hindi ako 'yung babaeng idine-deny ang nararamdaman sa sarili. If I feel like you are special to me, I get more sensitive. I get more sensitive to the extent that I know when I already liked you. But with Rocky... I still don't know.

"But I want him to be happy..." I mumbled. "No matter what happens, I want him to smile. I want him to feel complete. Gusto ko siyang makitang masaya... sa gano'n ay sasaya rin ako."

We only have weeks to finish the task. Hindi ko alam kung ilang task pa ba ang kailangan pero hindi na ito dapat magtagal pa. I need to finish the game before I leave. I need to fulfill my promise for him before I walk away.

"Kung pipili man ako ng taong papalit sa akin, I want it to be him."

"But just like you, we are bound to take different path."

Napatingin ako sa lalaking nakatayo ngayon sa gilid ng fountain. He was looking at us... I knew it.

"Go..." bulong ko kay Ericka.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"I-I'm good, Mad."

"I'm not." Parang pinipiga ang dibdib ko habang sinasabi 'yon. "Puntahan mo na siya, Ericka. Your man is waiting for you."

"M-Mad..."

I smiled. "Hindi pa huli ang lahat. You can still make your dream come true. I will be fine, Ericka. For now, I just want to see you get back to each other again. Please?"

Yumakap ito sa akin nang mahigpit. Narinig ko ang mahina niyang pag-iyak.

Humiwalay siya sa yakap at tumayo. Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata bago humarap kay Rafael.

Suminghap ako ng hangin.

Tumakbo si Ericka palapit sa kanya at sinalubong naman siya ng yakap ni Rafael.

Nangilid ang luha sa aking mga mata kaya tumayo na rin ako at umalis na roon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Baka umuwi na lang ako. Wala na rin naman akong pupuntahan.

Napatingin ako sa lalaking palingon-lingon sa paligid na tila may hinahanap. Kumunot ang noo ko nang makitang yakap niya ang teddy bear na nakita ko sa kwarto niya. Kinakausap niya pa ito.

The moment his eyes laid on me... I found myself running to him.

He didn't move... He waited for me.

"Hey-" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang yumakap ako sa kanya.

I did it, Rocky. Even if it hurts, I did the right thing.

"N-Naiipit mo ang teddy bear ko," bulong nito sa akin.

Pumatak ang luha sa aking mga mata. "I badly need you in my life..."

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon. Maybe because of overflowing feeling. I don't know. Siguro ay dahil siya ang naging sandalan ko sa laban na ito. Pakiramdam ko ay sa kanya lang ako makapaglalabas ng mga hinanakit.

"Oh, god. That bad?" he asked, amused.

Humarap ako sa kanya at pinunasan ko ang luha sa aking mga mata.

Nanlalaki pa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Rocky..." Suminghap ako ng hangin. "You said you want to keep me until the end, right? Do it. Huwag mo akong iiwan kahit na matapos ang larong ito."

His lips parted.

"Y-You don't want to be with this fucked up guy."

"Why not?!" Napasigaw ako sa pagkadismaya. "Why can't you promise to stay beside me?!"

He smiled. "Because I'm still fucked up."

"I don't fucking care! Just stay the fuck with me!"

"Stop cursing," pabulong niyang sabi. "Maraming nakakarinig. Baka akala nila masamang tao ang kaibigan ko."

Hinampas ko nang malakas ang kanyang braso. Ngumiwi ang kanyang labi sa pagkabila.

"You're bad!" sigaw niya pabalik sa akin.

"Stay with me!"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palayo sa mataong lugar na 'yon. Dinala niya ako sa hindi gaanong matao.

"Calm down..." Pinakita niya sa akin ang teddy bear niya. "My baby don't want to hear her mom angry."

"Seryoso naman kasi."

Napadabog na lang ako.

"You know why I can't?" He asked. Lumapit ito nang bahagya pa sa akin. "Because I'm scared, Mads. Can't you see? I can't even give you my best. Can't even be better. You don't deserve this man. Sooner or later... I can hurt you. I will be damn dead when I hurt you. Don't make it hard for me."

"I-I don't see you that fucked up, Rocky. Iniisip mo lang 'yan."

"That's because..." He chuckled. "I'm always at my best when with you. You won't see my fucked up side because you always bring out the best in me. Scary... You are scaring the shit out of me, baby."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro