Chapter 15
Chapter 15: Lighthouse
Sa sobrang bagsak ng pakiramdam ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako sa ingay mula sa labas ng kwarto, sa pangunguna ni Mikael. Bumangon ako sa kama at tumingin ng oras sa phone ko. Pasado ala sais na rin pala.
Humarap ako sa salamin para magsuklay. Pinasadahan ko ng kamay ang nalukot kong damit. Bahagya pa ring namumula ang aking mga mata dala ng matinding pag-iyak kanina.
I forced a feeble smile on my lips, facading what just happened.
I'm still not feeling good but I have no choice but to face them. Ayokong mag-alala sila sa akin, lalo na si Mikael. Naninibago pa rin ito sa mga pangyayari at ayokong mas makadagdag ang dinadala ko. He's still too young to understand cumbersome things all at once.
Pagkalabas ko ay tumambad sa akin ang dalawang lalaki na tutok na tutok sa cell phone. Hindi nila ako napansin dahil sa sobrang pagkaabala. Mabilis din ang pagpindot na ginagawa nila sa screen ng cell phone.
"Help me here, Kuya!" pasigaw na sabi ni Mikael. Naka-uniform pa rin ito.
Umangat ang tingin ni Rocky sa akin. "Retreat ka muna," sagot nito habang nakatingin pa rin sa akin.
"Alis ka riyan, Kuya!" sigaw ni Kael bahagya pang siniko si Rocky para matauhan. "You're being attacked. Focus."
Walang nagawa si Rocky kung hindi ang tumingin uli sa cell phone.
Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Wala pa si Papa. Napagpasyahan ko nang magsaing para pagdating niya ay ulam na lang ang lulutuin. Hinugasan ko rin ang mga maruming kasangkapan.
I just woke up but I am already drained. Gusto ko na lang uli humiga sa kama at yakapin ang mga unan ko. I'm so feeble to move, to talk, or to confront anyone. But I can't get that knowing Rocky is here.
"Napuyat ata talaga kita nang husto?"
Napatalon ako sa biglaang pagsulpot ni Rocky. Natigilan ako sa pagpupunas ng kasangkapan para harapin siya at bigyan ng isang masamang tingin. Nanatili itong nakatayo sa bungad ng kusina, nakasandal sa pader, nakahalukipkip habang nakatingin sa akin.
"If you are here for the task, I can't leave yet," I said. Ipinagpatuloy ko ang pagpapatuyo sa mga natirang kasangkapan at doon itinuon ang tingin. "Kailangan kong magpaalam kay Papa. I was scolded last night. You know? Masyado na tayong ginabi."
Binagalan ko ang pagpupunas nang malapit na akong matapos. Natatakot akong mawalan ng pagkakaabahalan at mapilitang tumingin sa kanya. Hindi man niya malaman ang totoo ay maaari naman siyang magduda.
I still don't want to talk about it yet.
"Is that it?" dinig kong tanong niya. "I heard from Mikael that you didn't get to finish your class today. Masyado ba kitang naabala? Am I consuming your time too much of your time?"
I refrained from answering that question. "You can either wait for my Dad or go back tomorrow. But I can't really leave without asking for his permission. Lalo na mag-isa lang si Mikael dito sa bahay."
Napilitan akong tumiginin sa kanya nang matapos na ako.
"Tasks lang ba ang naalala mo kapag nakikita ako?" tanong niya. Bumuntong-hininga ito bago lumapit sa akin. "I came here not for task. I just want to ask you out, I mean... Kael and you. May gusto sana akong ipakita."
Tumitig ito sa akin. Kumunot ang noo niya kaya naalarma ako. Baka may napansin siya sa akin na kahina-hinala.
Mabilis na tumalikod ako at nilapitan ang sinasaing ko. Sa sobrang pagkabahala ay nawakan ko ang mainit na parte no'n.
Napadaing ako at napaatras nang mapaso. Shit.
Hindi ko napansin na nakalapit na pala si Rocky sa akin, hinawakan niya ang kamay ko. Hinayaan ko siyang ilapit 'yon sa kanyang bibig para ihipan na parang may salamangkang magpapawala sa sakit no'n.
Was it really magic when I felt numb just by his touch? Sa pag-ihip niya ay tila sinama ng hangin ang hapdi na nararamdaman ko.
He was staring at me intently.
With my utmost confidence, I fought the urge to look away. Sinabayan ko ang nakakalula niyang mata.
"I'm here to return what you gave me last night," he whispered, still looking at my eyes. "I want to treat you out. But if you're tired to do so, maybe... I'll come back tomorrow?"
"Not everything that is given to you should be returned back," I said.
"In my case, I feel the need to. Do you want to go out tonight?"
Binawi ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"I can't choose for you," I said.
I can't say no, afraid to say yes. No could hurt him, yes would be crucial with my current mood.
Nang maluto na ang kanin ay inayos ko na rin agad ang mga kasangkapan. Gusto ko na lang magkulong sa kwarto at hintayin ang pagdating ni Papa.
"Why does it feel like you're avoiding me?"
"Ask yourself."
I was about to exit when he grabbed my arm. Napilitan akong tumingin sa kanya. Nakakunot ang kanyang noo at magkasalubong ang kanyang mga kilay. By the way he stares, I can tell he really has no clue what's going on.
And that's good.
"I don't know what is better. You getting mad at me or avoiding me without any reason."
"Sometimes, it is better not to ask."
"What's going on? Rafael? What did he do?" Humigpit ang paghahawak niya sa braso ko. "Did something go wrong? Why don't you tell me? I'll help you fix it."
No. This can't be fixed anymore. It needs nothing but acceptance.
Mabilis na umiling ako, lumunok at maayos na sumagot nang, "I am not avoiding you, Rocky. Some things are better caved in our minds because voicing it out is futililty. And what's going on with me will remain in me. Hindi ka sakop nito."
He smiled the way I smiled earlier.
"You can tell me..."
Damn it!
Tell you what? That your hunch was wrong? That I am broken? That, perhaps, you are one of the reasons? No. I can't. Not in this moment. Ayokong makapagbitaw ng mga salitang pagsisisihan ko mamamaya.
I am not in condition to make decision at this moment.
"I can keep a secret," he said, begging for me to open up. "That's what friends are for, right? If you're hurting, I am here."
That's it.
"I still don't trust you enough to tell my secrets."
There was no reaction on his face, pero lumuwag ang kapit niya sa braso kong hawak pa rin niya.
I hit him, I didn't tend that, but I was forced to.
"I-I'm sorry. You don't need to tell me anyway. Baka wala rin naman akong magawa para mapagaan ang nararadaman mo." Pilit na tumawa ito.
"N-No. What I meant was---"
"No need to explain, I get it," he cut me out.
Tinakasan ako ng mga salita.
"M-Maybe... I'll come back some other time." He flashed a weak smile. "Baka hindi na muna bukas, bibigyan muna kita ng panahon. Or, I won't come unless you tell me to."
He widened that smile on his lips.
"But please... Be good, Mads."
Napapikit ako nang nilampasan na niya ako at dumiretso palabas.
"Where are you going, Kuya Rocky?" dinig kong tanong ni Kael. "Akala ko ba isasama niyo ako ngayon? Are you going home already?"
"I'm sorry, baka next time na lang," dinig kong sagot ni Rocky. "Be good, Kael. Kapag nagpakabait ka, bibigyan pa kita ng maraming gems sa laro."
"D-Did you two fight?"
"No. Of course," maagap na sagot ni Rocky. "And if ever we had a fight, it was my fault. It will always be mine. See you next time, Mr. Player."
Matapos no'n ay wala na akong narinig na nagsalita. Umalis na ba siya?
"Ate?"
Humarap ako kay Kael. Hawak-hawak pa rin niya ang kanyang phone.
"I'm sorry, I texted him to come over," Kael said, apologetic. "I thought he could make you happy. Ang sabi ko kasi puyat ka dahil sa late na pag-uwi kagabi. He's been here for 3 hours. Sinundo niya ako sa school. He helped me with my assignment. He's been waiting for you to wake up. I'm sorry, Ate."
I bit my bottom lip.
"But please, don't be mad at him for coming over without your permission. It's me. My fault alone."
"K-Kanina pa talaga siya nandito?" tanong ko.
Tumango ang kapatid ko. "Hinintay niya ako sa labas ng gate ng school. He was there one hour before our class ended, to make sure I wouldn't wait for too long."
Pinagsalikop ko ang mga kamay ko.
"I-I'm really sorry, Ate."
Nagmadali akong lumabas ng kusina, tumambad sa akin ang tahimik na sala. Sumilip ako sa labas ng bintana, wala na rin ang sasakyan niya. Lumabas pa ako ng bahay para masiguro. Wala na nga.
Lumabas ako ng gate para tumingin sa kalsada. The street was empty, no sign of him. Nakaalis siya nang hindi man lang nakakatanggap ng pasasalamat mula sa akin. He took care of Kael while I was asleep, tired of crying.
I should be thanking him and not giving a shitty feeling.
Should I call him to apologize?
"Ate!" Napalingon ako sa kapatid kong tumatakbo palapit sa akin. "Naiwan niya phone niya."
Inabot sa akin ni Kael ang phone ni Rocky.
Hindi sinasadyang mapindot ko ang unlock button. Tumambad sa akin ang lockscreen wallpaper niya. It was us... The first time we had a picture inside his car. Swipe lang ang lock ng phone niya pero alam ko pa rin kung hanggang saan lang ako. I locked it again.
"He's coming back," Mikael whispered.
Sinundan ko ang tingin ng kapatid ko. May sasakyan na palapit sa amin. Kahit na malayo pa 'yon ay agad kong nakilala. Tumakbo papasok ng bahay ang kapatid ko habang ako ay nanatili sa gilid ng gate, naghihintay sa pagdating ng sasakyan.
Huminto ang sasakyan niya sa tabi ko. Hinintay kong bumaba ang bintana ng sasakyan niya na ginawa naman niya.
Bumungad sa akin ang nakangiwi niyang labi, halatang kinakabahan.
"N-Naiwan ko ata phone ko dyan?" tanong niya.
Tumaas ang dalawa kong kilay. "So?"
"I-I need it. Can I get it? Don't worry, it will take a moment or seconds."
Mas binagsakan ako ng guilty sa inaakto niya. He really seemed edgy in front of me, like I would scold him any moment. He was scared that I would get mad even more.
"P-Please..." He pleaded. "Pagnakuha ko 'yon ay aalis din ako agad."
"Do you have some super power?" I asked.
Naguluhan ang kanyang tingin. "W-Wala."
"Then, maybe, you can come out of your luxurious car and do your thing? Or you are commanding me to get your phone?"
Umawang nang bahagya ang kanyang labi bago mabilis na umiling. Lumabas ito ng sasakyan at pumunta sa akin.
"S-Sandali lang, ah?" aniya.
Papasok na sana siya nang ipakita ko sa kanya ang phone niya. Natigilan ito at napatingin sa akin. Nakita ko ang pagdadalawang-isip sa kanyang mga mata, kung kukunin ba niya ito o hahayaan akong kusang ibigay 'yon.
"Can I get it back?" he asked.
"Sure." I smiled.
Kukunin na sana niya ito nang iniiwas ko ang kamay ko.
"Akala ko ba may gusto kang ipakita sa amin ngayong gabi?" tanong ko. "You asked me if I wanted to go out tonight. Nahirapan ako sa 'yo kagabi, baka gusto mong pagaanin ang pakiramdam ko ngayon."
He looked at me, confused.
"Y-You sure?"
"Why? Ayaw mo na ba?"
Mabilis na umiling ito. "I thought you wanted to take some rest?"
"I'm sorry."
Natigilan ito sa sinabi ko.
"What I meant was... How could I open up myself and tell a secret to someone who already knew it?" I smiled when his look got even more confused. "Mas naging maayos kami ni Rafael. But I am just feeling guilty for Ericka. That's what bothers me.
I lied.
Nang makauwi si Papa ay sabay kaming nagluto ng ulam, habang sina Mikael at Rocky ay nasa sala at naglalaro. Nag prisinta pa si Rocky na tumulong pero hinila siya ni Kael para maglaro.
Rocky apologized to my Dad for what happened last night. Nangako itong hindi na hahayaan na mag alas dose ng hating-gabi na wala pa ako sa bahay. He even pleaded for a punishment for that. Natawa na lang kami sa kanya.
Pumayag din si Papa na isama namin ngayon si Kael pero mas mahigpit dahil mas maaga dapat kaming makauwi.
"Ang sarap ng adobo," puri ni Rocky nang makapasok kami sa kanyang sasakyan. "Ang sarap palang magluto ng papa mo."
Sumakay si Kael sa backseat.
"I helped him cook that," sabi ko.
"You didn't," pag-epal ng kapatid ko sa likod. "You just prepared the ingredients and tools."
"At least tumulong pa rin ang Ate Maddy mo, Kael," pagsingit ni Rocky. "Kung wala siya baka maguluhan ang Papa mo at pumangit ang lasa."
Nginitian ko si Rocky.
He winked back as he whispered, "I got you always."
"Are you two conspiring against me?" padabog na tanong ng kapatid ko. "Huh. Fight me."
Tinawanan lang namin siya.
At exactly 7:30PM, we left the house. We are listening to music while driving. Mukhang nakasanayan na ni Rocky ang pakikinig sa kanta. Kapag pareho naming alam ang kanta ay sasabayan namin 'yon. We would sing at the top of our lungs just to annoy my brother who was covering his ears.
"Ate is more annoying when singing," pag-iinarte na naman ng kapatid ko.
"You said you like annoying now?" I teased him.
He pouted his lips and looked away.
Mayamaya ay huminto na ang sasakyan ni Rocky. Napansin ko na medyo matarik na ang daan. Dahil sa mga nakakalat na lamp post ay maliwanag ang paligid. Pagkalabas namin ay nadinig ko ang paghampas ng dagat sa dalampasigan.
"Whoa." Yumakap si Kael sa akin nang umihip ang malakas na hangin.
The night breeze lingered on my bare skin. I also had to hold my hair as the wind swayed.
"Come on," aya sa amin ni Rocky.
Nanginig ako sa lamig. Habang naglalakad ay nakakapit sa akin si Kael. Si Rocky ang nangunguna sa amin.
Huminto kami sa isang tore... A lighthouse!
"Shit. Locked ata," bulong ni Rocky.
Pipilitin niya sanang buksan 'yon nang may ilaw na tumama sa amin. Napatingin kami sa padating na tao, may hawak itong flashlight na nakatutok sa amin. Imbes na matakot si Kael ay humarang pa siya sa harapan ko.
"Ano'ng kailangan niyo?" tanong ng lalaki.
"Kuya Piolo," tawag ni Rocky sa kanya.
Kumunot ang noo ng lalaki bago napangiti. "Ikaw pala, Rocky. Andito ka ba para pagmasdan uli ang karagatan?"
"W-Who are you?" tanong ni Kael.
"He's Kuya Piolo, the lighthouse keeper," sagot ni Kael. "Kuya. Baka pwede mo kaming papasukin? Hindi naman kami magtatagal. Gusto ko lang makita ng mga kasama ko ang ganda ng karagatan at kalangitan sa gabi."
"Oh, sige." Umatras si Rocky nang lumapit ang lalaki sa pinto at binuksan 'yon. "Andito lang ako sa labas. Hihintayin ko kayong lumabas."
"Yes. Salamat po!" masayang sagot ni Rocky bago tumingin sa amin. "Tara na!"
Sumunod kami sa kanya. Maliwanag sa loob. Umakyat kami sa spiral stairs na medyo may kalumaan na. Nauuna si Rocky, sunod si Kael habang ako ang nakaalalay sa likod. Habang pataas kami nang pataas ay palas nang palalas ang hampas ng hangin mula sa mga butas.
Nang makaapak sa pinakahuli ay bumungad sa amin ang malawak na karagatan, halos kainin ito ng kadiliman. Sa itaas ay puno ng mga bituin sa pamumuno ng malaking buwan.
"Whoa!" Lumapit si Kael sa barandilya kaya sumunod kami.
Mula rito ay kitang-kita ang paghampas ng alon sa mga malalaking bato.
"What's this place?" Kael asked. "A little castle in the middle of the sea?"
"No," Rocky laughed a bit. "It's a lighthouse. It emits effulgent light that serves as navigational aid for marine pilots at sea. It also marks dangerous coastlines, rocks, reefs ahead. In short... It is more like a traffic light that you see on the road."
"Cool," Kael mumbled.
Hinawakan ko siya nang mas dumungaw pa siya sa ibaba ng railing.
"Careful," bulong ko.
Naramdaman kong lumipat sa tabi ko si Rocky.
Hahawakan ko pa lang ang kapatid ko nang makatakbo na ito sa ibang bahagi. Manghang-mangha ito habang tumitingin sa dagat. Kinuha rin niya ang phone niya para kumuha ng mga litrato.
"Nadaanan ko ito dati habang pauwi sa bahay," sabi ni Rocky. "Hindi ko namalayan na huminto na pala ako para maglakad papunta rito. Umakyat sa paikid na hagdan hanggang sa matanaw ang isang tanawin na pumukaw sa aking mga mata."
Diretso ang tingin ko sa malayong karagatan.
I wonder if someone is staring at us from afar, looking at the lights that this tower emits.
I wonder if someone is drowning from afar, screaming for help while staring at the tower, thinking someone would jump over the water and give rescue.
"Hope," Rocky whispered. "Minsan hindi naman talaga tulong ang kailangan ng ibang nakikipagsapalaran sa buhay. A little hope can ignite a drenching fight. Katulad ng tower na ito. It doesn't rescue those who are drowning from a sunken boat, but it gives them hope. A little hope that they are almost there. Na kaunting paglangoy na lang ay maaabot na ng mga paa nila ang lupa."
Napatingin ako kay Rocky. Nakasandal ito sa barandilya habang nakaharap din sa akin. Ginugulo ng hangin ang kanyang buhok.
"It is amusing how simple things give deeper meanings." He smiled.
"Just like your anchor tattoo,"
Napahawak ito sa kanyang leeg bago tumawa.
"Pinagawa ko ito nung mag 17 ako," aniya. "It's been 2 years. At first, I wanted this tattoo for my parents to see me. Funny how I wanted them to get mad at me for having a tattoo at a very young age. But I failed. How could they even notice a small tattoo if they couldn't even notice me?"
"That's what I noticed first the first time I saw your clearly." Lumapit ako sa kanya. Ibinaba ko ang telang tumatakip sa tattoo. Pinagmasdan ko uli 'yon. "You were only 17 when you had this one?"
"Yeah."
"Masakit ba?"
Umiling siya. "Nothing is more painful than—"
"Sshhh." I shut his mouth using my hand. "You don't need to bring your past every now and then. You don't need to compare every thing, Rocky. But... I just want to ask something."
I gulped.
I need an assurance for this game.
"Are you happy?" I asked.
Tumitig ito sa akin. "What do you think?"
"Bago ka masaktan pagkatapos nating nagawa ang task, naging masaya ka muna ba kapag papunta pa lang tayo? O sakit lang ang lahat ng nararamdaman mo sa larong ito?"
He stepped more closer to me.
Bahagya kong inangat ang ulo ko para tumingin sa kanya.
"I've never been happy with someone, Mads."
I nodded my head.
"I've never been excited for tomorrow," he whispered. "I've never been careful with my actions and words. I've never cared about anything. I've never cared about someone's feeling rather than myself."
Payak na ngumiti ako.
"That's all before." He lifted up my chin. "You've become the anchor of my ship and the lighthouse from afar. As long as you are with me... I can withstand everything. At least... Until I still have you."
That's it. Hindi ko napigilan ang lumuha sa kanyang harapan. Pinunasan niya iyon kasabay ng pagngiti niya.
"You will always be," he whispered before pulling me for a hug.
Sunod-sunod na pag-ilaw mula sa likod namin ang sumunod. Mikael must be taking a picture of us.
"Let's finish your game..." I whispered. "I won't give up until you complete this game. Not even you can stop me from helping you. So please... Whatever happens, do yourself a favor. Be selfish enough to not let go of me."
I chose him. I chose to continue his game. I lost my game and I can't afford to lose his game, too. He is more miserable than I am.
Gusto kong kapag dumating ang araw na kailangan na naming magpaalam sa isa't isa... Alam kong nagawa ko ang gusto ko. Ang matulungan siyang tuluyang sumaya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro