Chapter 14
Chapter 14: Clenched Fists
It's been an hour since he fell asleep. Naubos ko na ang chocolate na bigay ni Raf. Halos makabisado ko na ang buong lugar. Pa-lowbat na rin ang cell phone ko. Nauubusan na ako ng paraan para maibsan ang pagkabagot na nararamdaman.
I let out a weighty sigh as I stared on my phone.
I took a picture of him for the third time. Binalikan ko ang mga naunang kuha ko nang mapansin na hindi siya malikot matulog. Kung ano ang posisyon niya kanina ay hanggang ngayo'y gano'n pa rin. Kung ako lang siguro 'to ay gumulong na ako pababa.
I can't even sleep without hugging a pillow. Sa tuwing kakawala sa bisig ko ang tandayan ay gugulong ako sa kama para manghagilap ng pwedeng mayakap. I feel safe and comfortable that way.
And then I realized... I used to sleep even without hugging a pillow. That's when I still sleep with my parents and Kael. Hindi ko kailangan ng mayayakap na unan dahil sila ang niyayakap ko.
Pero si Rocky... Tila nasanay na ang katawan niyang mag-isa, walang kayakap. Hindi ba siya tinabihan ng mga magulang niya ni minsan man lang? Hindi pa ba siya natulog nang may kasama?
Mayamaya ay biglang nag-vibrate ang phone ko. "Huwag ka nang umuwi ah?" sabi ni Mikael sa text.
Napatingin ako sa oras. Alas onse na rin pala. Bigla kong naramdaman ang antok nang makita ang kasalukuyang oras.
"Pauwi na rin niyan. Tulog ka na," reply ko.
Muli kong sinulyapan si Rocky. Bahagyang bumaba ang tela ng jacket sa parteng leeg niya. Sumilip ang kanyang tattoo sa kanang bahagi ng leeg. Mahinhin na ibinaba ko pa 'yon nang konti para tuluyang makita ang tattoo.
It was simply an anchor. Walang kahit na anong ibang disenyo at tama lang ang laki. Simple pero malakas ang dating. Hindi mo ito mapapansin sa malayo.
Itinaas ko uli ang tela ng jacket niya sa leeg.
Napagpasyahan kong buksan ang stereo radio ng sasakyan. Hininaan ko 'yon para 'di magising ang natutulog.
"Hey, babe. DJ Kian at your service. For tonight's topic, I want to tackle about mistakes." He paused for a second. "I am sure the moment you heard the word mistake, you remembered something. That's fine. We all have a mistake. I have mine. So calm down. I got you all, babe. This won't hurt."
He chuckled softly.
I must say this DJ has a cool voice. Bagay na bagay sa tahimik at malamig na gabi. 'Yon bang nakatunganga ka sa labas ng bahay, pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan habang nakikinig sa kanya.
"We do different mistakes, we learn different things. Don't you ever compare your mistake to someone else's. No, babe. Don't do it. That's another mistake. Focus on your own. Are we good?"
I nodded my head as if he could see me.
The only rule for a better living is never compare things.
"But what do you do if you learn from a mistake?" The DJ asked.
"You don't do it again," I mentally answered.
"Yes, babe. You don't do it again. And why? Because you learn. You won't do it again because it hurts you. You will be careful next time because you're afraid."
Sumandal ako habang nakikinig. Imbes na antukin ako sa lamig ng boses niya ay nabuhayan pa ako. Gusto ko kung ano ang mga sinasabi niya. Everything that he says is coming from his point of view. And in my point of view... I agree.
"That's it. But despite of our differences, there's still one thing common to us."
He paused again. Whenever he paused, the anticipation gets more intensed. That's a good thing to someone who works for audience. You don't bore them. You should make them participate. You should make sure they are part of the play.
"We all get scared. We all feel afraid," he continued.
He stopped for a few seconds again.
"That's the only thing that stops us from doing the same mistake again," he said. "That's fine. You know what is not? When it stops you from trying. When it overpowers your will to try new things. That's not it, babe. Mistake is part of growing. You won't grow from avoiding making mistake. And take note, babe. You won't ever avoid making mistake. Because if you do, that's already a mistake."
I closed my eyes and let his voice get in my system.
"Have you ever think of life being unfair to you? If yes, that's fine. When you are hurting then see someone smiling, you will automatically think that life is unfair. You can't even fake a smile but someone out there has a genuine one? That's really unfair."
I heard him let out a heavy sigh.
"But don't you think you are also being unfair to that person who can smile? What if that someone has been through a lot and just get to form a smile a few seconds ago?"
That hits me damn hard. Kapag bagsak ako at napapatingin sa ibang masaya, naiisip ko na unfair ang buhay. Ni hindi ko man lang naisip kung ano ang dinanas ng taong 'yon bago nakuhang makangiti uli o kung may mabigat din itong dinadala pero dinadaan lang sa ngiti.
Life is not unfair, we are.
"And that's another mistake, babe. Thinking you always deserve better."
Mabilis na in-off ko ang stereo nang umayos ng upo si Rocky. Kinusot nito ang kanyang mga namumulang mata habang nag-i-stretch ng balikat. Nakangiwi ang kanyang labi habang hinihilot ang kanyang leeg.
"What time is it?" He asked in a husky voice as he looked at his watch. "It's passed 12 midnight. Fuck. I'm sorry."
"Ayos na ba pakiramdam mo?" tanong ko.
"Not totally but I can now drive." Muli nitong pinunasan ang kanyang mukha bago hinawakan ang manibela at nag-umpisa nang magmaneho. "My head still aches though."
"Bili muna tayo ng gamot," suhestyon ko. "Dumaan muna tayo sa malapit na botika."
"No. I can still endure it. Masyado nang late. Baka mapagalitan ka ng Papa mo."
"No," I refused. "It's fine, Rocky. Baka maaksidente tayo kapag nagmaneho ka nang masakit ang ulo."
Huminga ito nang malalim bago tumango. "I'll find one."
I smiled. Huminto kami sa malapit na botika. Si Rocky lang ang lumabas para bumili ng gamot, nanatili ako sa loob ng sasakyan. Wala pang limang minuto ay nakabalik na rin siya agad. Mas bumilis nang bahagya ang kanyang pagmamaneho.
"Ginising mo na lang dapat ako," aniya pa.
Bumalin na lang ako ng tingin sa labas ng bintana. Mag-a-ala una na rin nang maihatid niya ako sa amin. Kinalas ko ang kapit ng seatbelt sa katawan ko at tumingin kay Rocky. Nakasandal ito sa habang nakatingala. Tila dinadamdam pa rin ang antok na tama ng alak.
"T-Thank you..." I whispered.
"Ihahatid kita sa loob," aniya bago binuksan ang pinto ng sasakyan niya at mas nauna pa sa aking lumabas.
Lumabas din ako. Naabutan ko siyang hinihilot ang kanyang sintido habang binabali-bali ang leeg para maalis ang pangangawit.
"No. I'm good here. Ayan na lang naman ang bahay namin," tukoy ko sa gilid ko. "Sige na. Para makatulog ka rin agad. Take a good rest."
Ngumiwi ang kanyang labi. Mukhang hindi pa rin tumatalab ang gamot na ininom niya.
"Pasok ka na. Hihintayin kitang makapasok," sabi nito habang nakaturo sa bahay namin. "Kapag pinagalitan ka ng Papa mo, sabihin mo kasalanan ko. I can't face him now. Go ahead."
"Okay."
"Go." Sinenyasan na niya akong pumasok. "Take a good rest too."
Ngumiti ako bago pumasok sa bahay. Hindi nakakandado ang gate at mas nagulat ako nang maging ang pinto ng bahay ay hindi nakakandado. Saka ko lang napagtanto na bukas pa ang ilaw sa kusina. Gising pa si Papa.
Sumilip ako sa labas ng bintana.
Nakatingin sa akin si Rocky. Kumaway ito bago sumakay sa kanyang sasakyan. Pinanuod ko hanggang sa mawala ang sasakyan niya.
"Mad?"
Napalingon ako kay Papa, galing ito sa kusina.
"P-Pa."
"Tulog na. You still have a class tomorrow." Ngumiti ito.
Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi bago pumasok sa kwarto ko. Kumuha ako ng damit na pantulog at sandaling naghilamos. I charged my phone too. Hindi pa naman patay pero naghihinalo na.
Habang nakahiga sa kama ay kinuha ko ang phone kong nagc-charge.
I texted him. "Even at your worst time, you still look calm. Good night."
After I send that, I went in browser and looked for the meaing of that anchor tattoo.
After a minute of scrolling, I found it. It symbolizes Hope and Steadfastness. It is also a tool that helps a ship to remain firm and steadfast to withstand the uncertainity of storm.
Wala sa sariling napatango ako. I get it.
In-off ko uli ang phone ko at umayos na ng pagkahiga. Niyakap ko ang unan na nahagip ko habang nakatingala sa kisame. I closed my eyes and without trying so hard, I fell asleep.
Kinabukasan. Inaantok pa ako pero dahil tumunog na ang alarm clock ko ay napilitan akong tumayo. Nagpahinga ako nang ilang minuto bago naligo at nag-ayos ng sarili. Kahit papaano ay naibsan ang antok na nararamdaman ko.
Pagkarating ko sa kusina ay nakataas na kilay ni Mikael ang bumungad sa akin. Ngumunguya pa ito habang sinusundan ako ng tingin. Si Papa naman ay sinenyasan na akong maupo habang pinaglalagyan ng pagkain sa plato.
"I haven't finished my assignment yet," biglang sabi ni Kael. "I waited for you last night. You seem to be very busy lately."
"Ang sabi mo ay nagawa mo na?" tanong ni Papa. "I asked you yesterday. Bilisan mong kumain. Gawin muna natin bago ka pumasok."
Tumingin sa akin ang kapatid ko. Umawang ang bibig nito na parang naghihintay. Matapos ang ilang segundo ay umismid ito sa akin.
"I was just kidding, Dad. I thought Ate Mad would feel bad for having no time with me." Lumungkot ang boses nito. "Hindi lang siguro ako sanay na wala siya lagi sa bahay. I used to look at her before I go to sleep."
Nagkatinginan kami ni Papa. Sinenyasan niya akong kumain lang.
Umupo ito sa tabi ni Kael. "Dalaga na ang Ate Maddy mo, Kael," pangaral ni Papa. "You can't expect her to stay the same. I mean... Nagbabago tayo habang tumatanda. We change and that's fine. Ikaw din naman. Darating ang araw na liliit ang oras mo para sa amin. Kapag nagbinata ka na ay maiintindihan mo rin."
Tahimik akong kumakain habang nakikinig sa kanila.
Naiintindihan ko naman si Kael. Lagi kaming magkasama sa lahat ng bagau. Pero nitong mga nakaraang araw ay medyo nagbabago 'yon. And I guess, Dad is right. We change unconsciously.
"I get it, Dad. Hindi lang ako sanay," sagot ni Kael.
Nawalan ako ng ganang kumain kaya humarap din ako sa kanila. Hinarap ko sa akin ang kapatid ko. Yumuko ito kaya inangat ko uli ang mukha niya para magtagpo ang tingin namin.
"Ako pa rin naman 'to, Kael. Nothing has changed. It's just reposibility gets bigger as we grow. But no matter what happens, at the end of the day, I will still end up here. Kahit gaano na kalayo ang naabot natin, babagsak pa rin tayo sa pamilya, sa ating tahanan."
Tumango ito bago ngumiti. "I'm sorry, Ate Mad. I just missed you."
Hinalikan ko siya sa pisngi na ikinalaki ng kanyang mga mata. Nakita ko ang pandidiri sa kanyang tingin.
I looked at him and couldn't help but to laugh.
Someday, Kael. You will also realize there's more than the things you learn from watching movies. There's more than observing. There's more than reading. And that's life. It is more than what your eyes can see and what your mind can think.
Gaya ng madalas ay hinatid kami ni Papa sa school bago ito dumiretso sa trabaho. Naghiwalay kami ng daan na tinahak ni Kael. Hindi katulad no'n ay hindi na ito lumilingon pa sa akin para kumaway. Nagbabago ang buhay natin nang hindi namamalayan. Hindi lang natin namamalayan kaya kapag napagtanto ay nakakagulat.
Pagkapasok ko sa classroom ay dumiretso ako sa upuan ko. Hindi ako nag-abalang maglikot ng tingin para maghanap. Inayos ko ang bag ko at hinanda ang notes na gagamitin para sa first subject.
"Masama raw pakiramdam niya." Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Raf. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Baka bukas na lang siya makapasok o humabol sa mga next subject."
Tumingin ako sa upuan ni Ericka na bakante.
"May sakit siya?" tanong ko.
Tumango si Raf.
Napalunok ako nang mapansin ang paninitig niya sa akin. Itinuon ko ang atenyon sa kwaderno, pakunwaring nagbabasa ng notes. Binabasa ko lang ang mga salita ngunit hindi ko maintindan.
"Nakain mo na 'yung chocolate?"
"Ah. Oo," sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.
Naramdaman kong sumilip din siya sa notebook ko. "Tapos na tayo sa topic na 'yan, ah?"
Saka ko lang napagtanto na ang pinakaunang topic namin ang binabasa ko.
Mabilis na nilipat ko ang pahina sa latest topic. "May connection kasi sa latest topic. Tiningnan ko kung ano," paggawa ko ng dahilan.
Lumipas ang ilang minuto nang hindi siya nagsasalita. Pasimple ko siyang sinulyapan. Nakasandal ito sa upuan habang nakatingin sa labas ng bintana, tila malalim ang iniisip.
I wanted to ask him something but I couldn't. Gusto kong malaman kung bakit ako. Kung bakit niya ako nagustuhan gayong si Ericka ang karelasyon niya. Gusto kong malaman kung bakit humantong sa ganito ang lahat.
Bakit ngayon lang siya umamin gayong alam niyang maaari nitong masira ang pinaghirapan naming pagsasamahan?
"I haven't told her yet," bigla itong humarap sa akin. Nahuli niya ang tingin ko. Hindi ako umatras. "Can we just keep it a secret? I don't think I can ever do it."
"Man up," I said. "Or let's just stop this."
I knew that it wouldn't be easy. But If we can't make it, I don't think we should continue this. It is either admit it or nothing at all. But at the back of my mind... I'm still hoping for him to fight for this. I want him to fight for me. I want him to fight for this selfishness.
Tumitig ito sa akin. I could feel how guilty he was.
"Are you sure?" he asked.
Ibinaba ko ang kamay kong nanginginig.
And what does that mean? Why is he asking me now how sure am I? Pipiliin niya bang ipagsawalang bahala na lang ang lahat? Na parang 'di kami nagkaaminan kahapon?
"Are you sure you want to stop this?" He repeated the question.
Sumikip ang dibdib ko. Shit. I didn't expect it to be this early. Akala ko ay aabot pa ng ilang araw ang resulta ng nangyari kahapon. Akala ko ay ako na naman ang pipiliin niya. He still can't decide after all. He still can't choose me.
Bumagsak ang pakiramdam ko.
"D-Do you love her?" I asked.
I waited for his response but I got nothing. He didn't answer my question and I wanted to slap him for that.
I don't belive in silence means yes...But, why? Why am I feeling it is a yes?
"Y-You're bullshit, Raf." Hindi ko napigilan ang bibig ko. Nangilid na rin ang luha sa aking mga mata. "You confused me and that made my hopes high. Bullshit how you easily ruined that hope."
That's when I walked out of the room. He didn't stop me. What should I expect?
Pumunta ako sa Rest Room at kinandado ang sarili sa loob ng cubicle. Sumandal ako sa pader at madiin na pinunasan ang luha sa aking mga mata. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi.
Was it just a dream? Panaginip lang ba na ako ang pinili niya kahapon? Panaginip lang ba na sumaya ako sa ideyang sa wakas ay ako naman ang pipiliin niya? Panaginip lang ba ang lahat? Tila nakaidlip lang ako. Napakabilis.
Kakapain ko sana ang phone ko nang maalalang naiwan ko sa classroom ang bag ko.
"Damn it," I cursed.
Nagpalipas ako ng ilang minuto para ayusin ang sarili bago lumabas ng Rest Room at bumalik sa classroom. Hindi ko na nadatnan pa si Raf. Wala na rin ang bag niya. Kinuha ko na ang bag ko at handa na sanang lumabas nang pumasok na ang Teacher namin.
Wala na akong nagawa kung hindi ang manatili. Hindi na rin bumalik pa si Rafael hanggang sa lumipas ang ilang subject. Umuwi na ba siya? Ah, no. Baka pinuntahan niya si Ericka.
A bitter smile stretched on my lips.
Lunch Break. Mag-isa akong kumakain sa lamesa. Wala akong gana pero pinilit kong lunukin ang pagkain.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.
"Okay lang ba?" tanong ni Kael.
Tiningnan ko ang lamesang pinggalingan niya. Iniwan niya ang kanyang mya kaklase para sumalo sa akin. Kumaway pa sa akin ang iba sa kanila nang mapansin na nakatingin ako.
Ngumit ako pabalik bago ipinagpatuloy ang pagkain.
"Painom." Hindi pa man ako sumasagot ay uminom na si Kael sa juice ko. "Thanks," aniya nang halos makalahati niya ito.
Hindi na lang ako kumibo. Tila pati ang pagsasalita ay nawalan na rin ako ng gana. Naramdaman ko ang antok na nawala kanina. Hindi na rin sana ako pumasok ngayong araw.
"Is there something wrong?" biglang tanong ng kapatid ko. "Is this part of growing again?"
Namamanghang ang kanyang tingin.
"No. May iniisip lang ako," sagot ko. "Saka inaantok pa ako."
Hindi na ito nagtanong. Pagkatapos kumain ni Kael ay sumandal ito sa upuan habang nakatingin sa akin. Bumagsak ang tingin niya sa plato kong may tira pang pagkain bago tumingin uli sa akin.
"Nakita kong pumasok ka kanina sa Rest Room. I called your name but you didn't hear me," sabi pa nito. Naguguluhan pa rin ang tingin. "I waited for you outside. You didn't notice me again. And then you are alone now. Something is wrong but you don't need to tell me. I just want you to know that this is part of growing." He chuckled.
Nagawa niya rin akong pangitiin.
"And I guess I'm growing too, Ate Mad," aniya pa. "I used to hate my annoying classmates but lately, I found myself hanging out with them. I think... I'm starting to be annoying too."
"That's fine, Kael. Changing is part of growing. Don't be afraid to change."
"I assume losing friends is also part of growing, right?"
Natutop ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. Tumayo na si Kael at inayos ang mga pinagkainan namin.
"Okay na pala Ate Mad kahit na kinain mo ang chocolate ko. I heard that it can boost your energy. Kahit na matagal mo nang nakain 'yon, sana sumaya ka pa rin."
Ngumiti pa ito sa akin bago umalis. Naiwan akong lunod sa kanyang mga salita.
Pinilit kong pumasok sa mga sumunod pang subject pero hindi ko na kinaya sa huli. Napagpasyahan kong umuwi na lang. Sinabi ko na kay Kael na mauuna na ako sa kanya. Pagkarating ko sa bahay ay ako lang mag-isa. Nasa trabaho pa si Papa.
Nagpalit ako ng damit bago pabagsak na humiga sa kama.
Kinuha ko ang cell phone sa bag ko.
May isang text na galing kay Raf. Nagdalawang-isip ako kung babasahin ko ba pero sa huli ay hindi ko rin napigilan.
"I'm sorry. I really am."
Hindi ko alam kung ano pumasok sa isipan ko at tinawagan ko siya. Nakatatlong ring lang ay sinagot na niya agad ang tawag. Walang nagsalita sa amin. Pinapakinggan ang isa't isa at naghihintay kung sino ang mauuna.
"I broke up with her."
Nangilid ang luha sa aking mga mata.
"Y-You didn't have to, Raf," I whispered. "I'll be fine."
"Sorry sa panggugulo sa inyo," pabulong na sabi nito. "Kung dati ko pa nalaman ay hindi na dapat humantong sa ganito ang lahat. I'm sorry for being insensitive. It must have been painful for you seeing your love with someone else. You're right. I'm a bullshit insensitive jerk."
Tumulo na ang luha sa aking mga mata.
Despite of the pain he brought to me, I still don't want him to feel this way. Ayoko pa rin na naririnig ang boses niya na nasasaktan.
"Pwede pa kayong maging magkaibigan, Mad. Even without me. Kayo naman talaga ang magkaibigan, nanghimasok lang ako." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, halatang pilit. "This is my way of apologizing for messing things up. Accept it. This is all I can do."
"A-Alam na ba niya?"
"No. That's futile. Let these things be between us only." Muli itong pilit na tumawa. "Just pretend that nothing happened, Mad. Go back to being best friends. Mawawala rin ang feelings mo sa akin. You deserve someone better than this guy."
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil wala man lang akong naramdamang pait sa kanyang boses nang ipagtulakan niya ako sa iba. He seemed to be happier with that idea.
I hate it but it feels different. Kung tama ako... Shit.
"I-Is it true? Totoo bang minahal mo ako o nagustuhan man lang?"
I need an assurance. Because it really feels something is wrong.
"That guy. Rocky. He cares for you. You can be a good partner."
"Answer me!" I screamed when he was trying to divert the topic. "I need an assurance. Gusto kong malaman kung ano talaga ang nararamdaman mo. Please... Just this time. Hurt me more."
Tumigil ito nang ilang segundo bago nagsalita. "Hindi ako ang nag-text sa 'yo nung nasa café tayo kasama ni Rocky. It was Ericka. I'm sorry, Mad."
I knew it! Nakapagdududang paniwalang-paniwala siya. Siya ang unang nagduda sa relasyon namin ni Rocky pero nung ipinakilala ko na siya ay agad itong naniwala. Ang tanag ko para hindi iyon bigyan pansin.
But there's still one thing that confuses me.
"B-But, why?" I asked in between of heavy sobs. "Ano iyong kahapon? If that's only scripted, to make me admit my true feelings... Good job. You made me believe."
"I-I'm sorry, Mad," nanginig na rin ang kanyang boses.
"P-Please?"
"Y-You're right. It was recorded," he whispered. "Nagulat din ako sa pag-amin mo. That's why I asked you for enough time. I didn't know I could decide for a day. I chose to save both of you. Hindi ko binigay kay Ericka ang recorded audio. She still doubting your true feelings. But that won't matter anymore. I already broke up with her."
Nanginig ang labi kong pinipilit na ngumiti. "So you really love her?"
"This will be the last time that my name will appear in your notification." Ramdam ko na ngayon ang sobrang lungkot nito. "It's nice meeting you, Mad. It's a pleasure to be a part of your life. Keep our memories. Goodbye, Maddy."
And he ended the call.
Nabitawan ko ang phone ko sa sobrang panghihina. Binaon ko ang mukha ko sa unan at iniiyak lahat ng sakit.
This is the second time I felt this down.
I failed my game. Rocky's hunch about Rafael's feeling towards me was wrong. I remember the rule in my game... I remember it well.
My game is over.
This means I can now quit his game.
And if that happens...
His game is over, too.
I clenched my fists.
-
KiB: Añong guys! This is probably my last update for 2018. Thank you for reading! See you next year? Happy new year po! Love love <3 Hehehehe.
Official Hashtag: #BawatLaroWP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro