Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Chapter 10: Rule

I was staring at myself on the mirror, still swallowing what happened earlier. I kissed him! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at ginawa ko 'yon. Siguro ay nadala lang ako sa takot na hindi kumakagat sa laro si Raf, na nagdududa siya sa amin ni Rocky. To end his doubts, I kissed Rocky.

I hope it is enough. Sana lang ay kahit papaano ay naalis ang pagdududa niya.

Lumabas sa cubicle si Ericka at tumabi sa akin. Naglabas ito ng suklay sa bag at inayos ang kanyang buhok. Matapos naming makabalik sa school ay napagpasyahan muna naming pumunta sa CR. Ilang minuto na lang din ay mag-uumpisa na ang next subject namin.

"I'm happy for you, " I heard her mumbled. Bumagsak ang tingin ko sa bag niya, takot na sabayan ang tingin sa salamin. "He looks decent. That's what makes me happier. You are in good hands."

I suddenly felt guilt. I lied to her to be able to save myself.

Hinawakan niya ang balikat ko kaya umangat ang tingin ko sa kanya. She was smiling genuinely, walang halong panunuya. Mas nakaramdam ako ng guilt. Naniwala siya sa kasinungalingan namin.

"He seems tough, Mad," she said, confused. "But... Feels alone. Maybe because his parents had passed away already. I'm happy for him too... He found you."

Tila may bumara sa lalamunan ko. He found me but I am bound to get lost too.

"Tapos ka na?" tanong niya sa akin.

"M-Mauna ka na," sabi ko sa kanya. "I still need to fix my hair. Baka naiinip na si Raf sa labas. Susunod na rin ako."

"You sure?" She raised her eyebrows.

I nodded my head.

"Okay. See you."

Pagkaalis niya ay humarap ako uli sa salamin. Kinuha ko sa bag ko ang suklay at inayos ang buhok ko. Nang matapos ay inilabas ko ang phone ko. At gaya ng inaasahan ko ay may message mula kay Rocky.

I read the first one,"I can smell Oscar award."

"Aral po nang mabuti ah? See u later."

I silently uttered, "Thank you."

Itinago ko uli ang phone ko sa bag. Pagkalabas ko Rest Room ay halos mapamura ako nang tumambad sa akin si Raf. Tamad itong tumingin sa akin. Mabilis na napansin kong hindi niya kasama si Ericka.

"Umalis na si Ericka. Hindi kayo nagkasabay?" tanong ko.

"Nauna na siya," simpleng sagot nito.

Tumango naman ako. "Ah. Sige. Pasok na rin ako."

"I waited for you."

That's what stopped me.

Naghuramentado ang dibdib ko nang maramdaman ang paghawak niya sa braso ko. Hinarap niya ako sa kanya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanyang mukha. Wala man lang itong kahit na anong emosyon. Mas kinabahan ako dahil do'n.

Would he confront me now? Bubusisiin niya na ba ako ng tanong tungkol sa mga nangyari kanina?

And I realized... The play has not ended yet.

"Why?" I asked.

"T-That kiss..." He gulped.

Tumaas ang dalawa kong kilay. I tried to act normal. Ayokong mahalata niyang kakaiba ang epekto niya sa akin... Na sa simpleng salita lang niya ay nauubusan na ako ng hangin... Na sa titig niya ay nalulula ako... Na sa paghawak niya sa akin ay naghuramentado ang kalmado kong dibdib.

"Totoo ba lahat?" tanong niya. "Lalaki ako, alam ko kung kailan seryoso ang lalaki sa sinasabi niya o kung kailan wala lang ang lahat. I couldn't feel the sincerity with that guy. But the kiss..."

"What about the kiss? Am I not allowed to kiss him? Don't you kiss Ericka too?"

An image of him, kissing Ericka, flickered like a lightning in my head. But damn. Why does pain have to stay?

"So you are serious about it?" he asked.

"I don't play, Rafael," madiin kong sabi. "Kung ayaw mong maniwala, it is your problem. Not mine, not Rocky's. It is either believe it or don't give a damn at all. Choose the latter one. That's what I chose."

I saw a strange emotion in his eye. Was it pain? Guilt? I don't know. Feelings are hard to distinguish.

"I-I'm sorry..." he mumbled.

I smiled. "It's nothing. Are you not happy for me?"

Mabilis na umiling siya. "I just care for you. Ayokong mapunta ka sa ibang lalaki na hindi totoo ang intensyon na ipinapakita. Gusto kong usisain itong mabuti para 'di ka masaktan. That's what friends are for, right?"

Yes. That's what friends are for. And it hurts.

"I'm happy for you," he finally smiled.

Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib. We made it. Hindi na ako pagdududahan ni Ericka, malinis na ako sa kanila. I will bury these feelings until they no longer matter. Until... It is nothing but a feeling I used to feel.

Mabilis na lumipas ang oras. Andito na ako sa gilid ng gate ng campus, nakatingin sa bawat lalabas. Wala pa kasi si Mikael, baka may pinuntahan pa. Lumipas pa ang ilang minuto ngunit wala pa rin siya.

Weird. Madalas na siya ang nauuna sa akin.

"Mad!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Kumunot ang noo ko nang makita si Mikael, nasa loob siya ng sasakyan ni Rocky. Kinusot ko ang mata ko baka namamalik-mata lang ako. Pero hindi, todo ngiti ito habang sinesenyasan akong lumapit.

Lumapit naman ako sa kanila. Mabilis na napansin kong hindi na siya naka-uniform, halatang nakauwi na sa bahay.

"Get in!" aya sa akin ni Rocky.

Kahit na naguguluhan ay sumakay ako sa tabi niya.

"What's this?"

"Hindi ba sabi ko punta kayo mamaya sa condo?" tanong sa akin ni Rocky. "Ipinagpaalam ko na rin si Kael sa Papa niyo. Okay lang daw kahit gabi na, basta huwag lang magpapabukas. Ihahatid ko kayo pauwi syempre."

Wala na akong nagawa nang magmaneho na si Rocky. Napatingin ako sa uniform ko. Hindi man lang ako nakapagpalit ng damit.

"I got you, Mad." Inabot sa akin ni Kael ang isang paper bag. "Para makapagpalit ka."

"Thanks."

"Sweet boy," Rocky praised him too.

Sinilip ko ang laman ng paper bag. Kumunot ang noo ko dahil jogging pants lang ang laman. Wala man lang damit o kahit na ano pa.

"Ito lang ba?" tanong ko baka may hindi pa siya naibibigay.

"Dapat ba maleta?" tanong naman ng kapatid ko.

"No. May kulang. Wala bang damit, Kael?" tanong ko.

"That's it!" Pumitik pa ang kapatid ko. "Kaya pala parang may kulang kanina. I was so excited to even think about it. I'm sorry, Mad."

Napailing na lang ako.

"Huwag ka na kasing magdamit," bulong ng katabi ko.

Kinurot ko ang tagiliran niya na ikinaigtad nito.

Hawak ko si Mikael habang papasok kami sa building. Pumasok kami sa elevator at pinindot naman ni Rocky ang 79th floor. Sumandal si Rocky, nakahalukipkip habang nakatingin sa amin.

"Do you have a pet?" Kael asked Rocky. "I badly want a cat but dad doesn't approve."

"Snake," sagot ni Rocky.

Nanlaki ang mga mata ng kapatid ko. "That's cool! Is it in your condo room?"

"Yep."

Pagkapasok namin sa condo ni Rocky ay nanibago ako. Mabango na at malinis. Wala na ang mga kalat sa sahig, hindi na maalikabok ang lamesa, bagsak ang kurtina. It feels like I haven't been here before. Whoa.

"Nice," I murmured. "It doesn't look like a snake home anymore."

"Where's the snake?" agad na tanong ni Kael.

Itinuro naman ni Rocky ang aquarium.

Natawa ako nang makita ang naguguluhang mukha ng kapatid ko.

"I-I don't see any snake..."

Hinila ni Rocky ang kapatid ko palapit sa aquarium. "See it now? He's cute, right?"

"I-It's a fish."

"Yeah. And his name is snake."

Nanlaki ang mga mata ng kapatid ko. "You're cool..."

Patago akong tumawa. Cool na ba ngayon ang ibig sabihin ng weird?

Pinatong ko sa couch ang bag ko at binuksan ang kurtina. Palubog na ang araw pero hindi gaanong tanaw dahil sa dami ng mga building.

"Can I have the password of your wifi?" dinig kong tanong ng kapatid ko. "Baka may update na 'yong pinapanuod ko. Is it fast? Medyo mabagal kasi sa bahay."

"Rockypogi143," dinig ko namang sagot ni Rocky.

Hindi ko napigilang mapahalakhak. Nakatingin pa rin ako sa mga building sa labas, nakatalikod sa kanila.

"Ano'ng nakakatawa?" tanong ni Rocky na lumapit sa akin. Tinanaw niya rin ang mga building sa malayo bago kunot noong tumingin sa akin. "You're weird. Nothing is funny here."

Because it is you.

Rockypogi143. Ew.

Umupo ako uli sa couch. Napansin ko ang mga libro sa ibabaw ng babasagin na lamesa. Ito siguro ang mga binabasa niya para preparation sa pagpasok niya sa company nila.

"You can watch it on TV for a bigger screen," dinig kong sabi ni Rocky kay Kael. "May TV sa kwarto ko. Mas malamig do'n saka mas malakas wifi. Gusto mo ba?"

Nakita ko ang pag-alanganin sa mukha ng kapatid ko. "Is it okay? It's your room, personal space. Okay naman ako rito."

"No, it's totally fine." Lumapit si Rocky sa kwarto niya at binuksan ang pinto. Sinubukan kong sumilip pero madilim. "Come on in, Kael. Mas tahimik dito, maganda manuod."

Sumunod sa kanya si Mikael. Naiwan ako sa sala. Gusto ko ring sumunod sa loob. I haven't been in his room, medyo curious ako kung ano ang hitsura. Gusto ko man ay mas minabuti ko na lang na manatili sa sala.

Nakaramdam ako ng lamig, lalo na sa binti ko kaya kinuha ko ang paper bag. Hindi ako nahirapang hanapin ang CR dahil halos magkakalapit lang lahat. Kinandado ko ang pinto.

Hinubad ko ang skirt ko at isinuot ang jogging pants. Nang makaharap sa salamin ay napangiwi ako. Naka blouse akong uniform tapos jogging pants. Not bad. Hindi naman ako lalabas.

Napatingin ako sa mga gamit dito sa CR. May paliguan sa bandang dulo na binabalot ng mga salamin. Sa lababo ay may mga gamit sa mukha, mga panlinis. Naghugas ako ng kamay at inayos ang blouse ko. Nang makuntento ay lumabas na rin ako.

Naabutan ko si Rocky na galing sa kusina, may mga dala itong junkfoods. Nilagpasan niya lang ako bago pumunta sa kwarto niya. Napaismid ako sa hangin. Parang si Mikael lang ang bisita niya ah?

Bumalik ako sa couch. Kinuha ko ang phone ko sa bag. I turned on my wifi and typed the password. Bahagya akong natawa nang mag connected ito. Seryoso talaga siya sa password niya.

Humiga ako sa couch habang nagtitingin ng notification. Halos lahat ay galing kay Rocky. Naka-tag ako sa kanyang profile picture kaya nagno-notify din sa akin lahat. Binasa ko ang ibang mga comments.

"Rock me, baby..."

"Kyaaah. Notice me."

"Are you really that hard? I mean, your name."

"Drive me too."

"Who is that girl you tagged?"

"OMG. That girl is so lucky."

"Sa babaeng naka-tag, pwede ka nang mamahinga gurl."

What the hell? These users are thirsty as hell. Umabot na rin nang halos limang libo ang likes ng profile picture niya. Dahil din don ay may mga nag-add sa akin. Nagulat din ako na may personal message ang iba sa akin.

"Are you his maid?"

"Girl. God is in your side."

"How does it feel? I bet heaven."

"Swerte mo. Sarap mong upakan."

"Pwedeng pabatok teh? Joke."

"Friend ka ba ni Rockybabe? Tell him to accept my friend request please."

Naramdaman kong may umupo sa couch na hinihigaan ko. Napasiksik ako sa dulo nang matamaan ako ng likod ni Rocky. Kinuha nito ang isang libro sa lamesa at nagbasa. Hindi naman ako gaanong nangangawit kaya hinayaan ko na lang.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng mga message ng fan girl ni Rocky.

"Kapag nakita kita sasabunutan kita."

Hindi ko napigilang hindi mag-reply sa message na 'yon. "Set the place then. We can do it."

I rolled my eyes as if they could see me. I didn't know this guy, seating beside my chest, has some weird followers. And seems like Rocky doesn't care about it and that what makes them more eager to get his attention.

"What did he say?" biglang tanong ni Rocky.

Ibinaba ko ang phone ko para tignan siya. Nanatili ang kanyang atensyon sa kanyang binabasa. Nagkibit-balikat ako bago muling tumutok sa phone ko. I browsed on my feed and watched random videos.

"He saw us, right?" I heard him asked again. "The reason why you suddenly kissed me is he was staring on us."

"You knew. That's why you deepened the kiss?"

"Sa una, hindi. Your lips were so inviting, I lost myself." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "I only realized right after the kiss." Ibinaba niya ang phone kong hawak ko para makita ang mukha ko.

Napatingin din ako sa kanya.

He was smiling. "We are even now."

"Maybe," I shrugged my shoulder.

Itataas ko na sana uli ang phone ko nang harangin niya uli ito.

"D-Did you like our first kiss?" He stuttered. Nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang adam's apple. Ngayon ko lang din napansin na medyo nakayuko siya palapit sa akin. Hawak niya ang kamay kong bagsak ngayon sa couch.

Napalunok din ako sa sobrang lapit naman sa isa't isa.

"B-Bakit ganyan ang tanong mo?"

"Just answer me. Hindi naman 'yon ang unang pagkakataon na may humalik sa labi mo, hindi ba? Tell me. May kakaiba ba iyon sa mga nauna? How was it?"

Nanlaki ang mga mata ko. "W-What's with this interrogation?"

"Why can't you just answer me?"

"I-I don't know. But that was my first kiss."

Nakita ko ang pagdaan ng galit sa kanyang mata. Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Bahagya ko siyang tinulak bago bumangon sa couch at umupo na lang din.

Pasimple kong sinulyapan ang katabi ko. He was shaking his head, I could sense how disappointed he was.

"I'm sorry for that," he said. "Hindi ko alam na ako ang una mo." Tumingin siya sa akin. "Importante sa 'yo iyon, 'di ba? That was supposed to be done by someone special to you and I took it away."

Rocky may be a jerk sometimes, but he cares to the people around him. He cares about how they are feeling. He cares a lot. Maybe because... He is scared that he might bring pain to them too... That he could make them feel what he was feeling.

I gulped as I shook my head. "N-Not really. It doesn't matter. I saved someone, I didn't lose it for nothing."

"So... It's just nothing to you?"

"Yeah."

Napatango naman siya bago kumuha uli ng libro.

"Unfair. I liked it," he murmured.

Sumandal siya sa couch, sa kanang kamay ay hawak ang libro habang ang kaliwa ay nakapatong sa couch, magkapatong din ang kanyang mga binti. Seryoso itong nakatingin sa libro.

"P-Pwede rin ba akong pumasok sa kwarto mo?"

"No."

"Why not?"

"Baka maistorbo mo si Mikael."

"Hindi 'yan," pang-angal ko. "Sige na."

"No. Stay here."

Napasimangot na lang ako. Sumandal ako sa couch at sinubukang sumilip sa binabasa niya. Nagbasa lang ako ng isang paragraph at nang walang maintindihan ay umiwas din ako ng tingin.

"Teka. Wala ba tayong task today?"

He looked at me and shook his head. "Are you bored, baby?"

"Actually..." Nag-isip pa ako ng sasabihin. "Wait. Baby?"

"I'm still your boyfriend, Mad. Remember? A day?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi na kailangan. We don't need to pretend anymore---"

"Let's make it real?"

"You're such a flirt!" I hissed.

Ibinaba niya ang librong binabasa at humarap sa akin. Tumitig ito sandali bago tumayo. Binuksan niya ang dalawang malaking bintana kung saan may balkonahe. Pumasok siya roon kaya sumunod ako.

Namangha ang mga mata ko sa tanawin. The city lights at night were like a tiny stars before our eyes. Mas malakas at malamig ang hangin mula rito. Bahagya akong sumandal sa railing at tumingin sa lalaking katabi ko. Imbes na sa mga pailaw mula sa building siya nakatingin, nakatingala ito sa mga bituin.

"I think he likes you too..." He mumbled.

Bumagsak ang tingin ko sa mga ilaw mula sa maliliit na building. Humigpit ang hawak ko sa railing.

"I don't think so," I whispered.

"Alam ko na." Bigla itong tumingin sa akin kaya napatingin din ako sa kanya. "You are going to help me win my game, and I will help you win yours. In that case, we will be totally even."

"W-What?"

"Let's continue this boyfriend and girlfriend thing," he said in a serious voice. "So we are going to play two games for now on. Do you get my point?"

"I don't have a game to win except yours."

"He likes you and he is just scared to admit it. Probably because his current girl is your best friend."

Nanginig ang labi ko sa sinabi niya. Ayokong umasa sa mga sinasabi niya dahil alam kong ako rin ang masasaktan. But damn it. His offer is so tempting. I've been coveting for a little hope to make myself happy... with him. And Rocky is giving me that.

"Every game has a mission. You know mine, I know yours," sabi pa niya.

"And every game has a rule, I don't know yours and I don't know mine too."

He stepped one closer to me. Hinawakan niya ang balikat ko. Napatitig ako sa kanya. Umihip ang hangin na bahagyang nagpagagalaw sa kanyang buhok. He was giving me a smile fits for the starry night, bright and genuine.

"I have mine. Let's make yours." Bahagyang kumunot ang noo niya na tila nag-iisip. "Ah! I told you he likes you, right? This is your rule. If my hunch fails, you can quit my game too."

I suddenly felt a slight pain in my chest. He's giving me so much here. Hawak na niya ako, kaya na niya akong pasahamahin sa laro niya. Pero nagbibigay siya ngayon ng paraan para makatakas ako sa kanya... Sa paraang ako pa rin ang makikinabang.

"Get it?" he asked.

"W-What is the rule in your game?" tanong ko.

Hindi ko pa rin alam ang rule sa laro namin. I am still clueless.

"Once you get in, the battle begins." He smiled again. "Once you get out, the battle is over."

My lips trembled. "You?"

"One of us."

I gulped. "And what if that happens?"

"The game is over."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro