Chapter 1
Chapter 1: Blackmail
Wala akong nagawa kung hindi ang sumigaw mula sa labas, tinawag ko na si Papa, ang kanyang buong pangalan at maging ang kapatid ko ngunit walang nagbukas ng pinto. Malamang na hindi nila ako naririnig.
Bumuga ako ng hangin. Wala akong ibang choice kung hindi ang akyatin ang gate. Hindi naman ito gaanong kataasan pero mahirap dahil basa at nakapalda pa ako. Ilang beses pa akong napamura nang muntik mahulog dahil sumabit ang palda ko.
Namuo ang galit sa dibdib ko habang iniisip ang lalaki kanina. I helped him but this is what I got in return. Ang dami ko nang kamalasan na nangyari ngayong araw at dumagdag pa siya. Sana lang at hindi ko na siya makita dahil baka bawiin ko lang ang halik na 'yon.
I smiled and silently complimented myself when I passed the climbing gate task safely. Bumuga ako uli ng hangin bago naglakad papunta sa pinto. Inayos ko muna ang uniform kong may putik at pinasadahan ng daliri ang magulo kong buhok.
I was about to knock on the door when it suddenly opened. Tumambad sa akin ang kapatid ko. He was smirking at ang agad kong napansin ay hawak niya ang kanyang phone.
"Delete that, Mikael" I warned him.
"You can climb a gate," he said. "Kung nakaakyat ka sa gate, kaya mo ring pumasok sa kwarto ko nang hindi ko napapansin. Why don't you just admit it?"
I frowned. "Hindi nga ako sabi ang kumuha sa chocolate mo!"
"Liar!"
Pumasok na ako sa loob. Nakasunod ito. Hanggang ngayon ba naman ay inaakusahan niyang ako ang kumuha sa chocolate niya? It's been months since the mystery behind the sudden disappearance of his chocolate. Funny, ako ang sinisisi niya when the incident happened while I was not around.
"Nasa'n si Papa?" tanong ko.
Papasok na sana ako sa kwarto nang lumabas si Papa mula sa kusina. Nagkatinginan kami. Napalunok ako nang mapatingin siya sa uniform ko na marumi. Agad na nagbago ang timpla ng kanyang mukha.
"Ano'ng nangyari?" agad na tanong nito. Mabilis na lumapit siya sa akin para suriin ang katawan ko. "May nangyari bang masama?!"
"P-Pa... Nadapa lang ako," paggawa ko ng alibi.
Pabagsak na binitawan niya ako. "Ito ang sinasabi ko kaya ayokong mag pagabi ka sa pag-uwi. Look at yourself, Mad. You are covered with mud and what's next? Blood?"
I gulped when he started to panic. Nakaramdam ako ng lungkot. It's been almost a year na rin nang mawala si Mama dahil sa isang aksidente nang ginabi ito sa pag-uwi, after that ay mas naging mahigpit sa amin si Papa. Kulang na nga lang ay pagbawalan na niya kaming lumabas.
"Pwede ba nating malamang kung kumain ng chocolate ang isang tao sa pamamagitan ng dugo?" pag-epal na naman ni Mikael. "Can we do it to Ate Mad, Papa? I told you, she stole my chocolate! I have proof in my phone---"
"Mikael," mababang boses na sabi ni Papa.
Ngumuso ang kapatid ko bago dumiretso sa sofa at umupo na lang do'n. Masama pa rin ang tingin niya sa akin.
I looked at my dad. "Look, Dad. I am so sorry. May school project kami, kinailangan naming mag-stay sa library for research. Hindi namin napansin ang oras---"
"Reasons, Mad, reasons," he cut me out.
Hindi na ako nag-abalang magsalita pa. Nakatitig lang ako kay Dad, I can still see the familiar pain in his eyes. I don't know what to feel anymore. Gusto kong mag move on na kami sa parteng iyon ng buhay namin dahil alam kong 'yon din ang gugustuhing mangyari ni Mama kung sakaling may pagkakataon siyang sabihin 'yon.
"Magpalit ka na." Tinuro niya ang kwarto ko. "Mabilisan lang. Nakahanda na ang hapunan."
I nodded my head. Pumasok na ako, isasara ko na sana ang pinto nang biglang humabol si Mikael, pumasok din siya. Dumiretso ito sa kama ko at humiga roon. Walang ganang nilapag ko ang bag sa study table.
I started to unbutton my uniform when I heard a soft groan behind me. Nakadapa na si Mikael at may takip na unan sa kanyang ulo.
"Bata ka pa naman ah?" puna ko.
"I'm already a big boy!"
Napailing na lang ako. Sandali akong nagpalit ng damit. Nagsuklay rin ako ng buhok bago kinuha ang marumi kong uniform. Binalingan ko ng tingin si Mikael, nakatingin ito sa akin, seryoso ito at tila malalim ang iniisip.
"What?" I asked him.
"Why is Dad like that?" He suddeny asked. "When he saw we holding a scissor, he freaked out. Did Mom die because of holding a scissor, is that it, Ate?"
I stared at him for a few seconds. "N-No."
"Pero, bakit?"
Lumapit ako sa kanya at umupo rin sa gilid ng kama. Bumangon naman ito mula sa pagkakahiga at umupo malapit sa akin.
"Dad is just worried," I started. "Nawala na si Mama, takot siyang mawala rin tayo. Let's just be careful, Mikael. Dad is still recovering from that accident."
"But sometimes, I am scared of him," he mumbled.
"Hey." Binitawan ko ang marumi kong uniform bago siya hinila palapit sa akin. "Initindihan na lang natin siya. He's just concerned to us, there's nothing to be afraid of. He loves us."
"Then loving, sometimes, can be scary too?"
I chuckled as I pulled him for a tight hug. May mga bagay pa rin na kahit na anong paliwanag ko ay mahihirapan siyang intindihan.
Napatingin ako sa bagay na nasa likod niya. Kinagat ko ang labi ko bago patagong kinuha ang phone niya. Mukhang nabitawan niya ito nang hindi namamalayan.
"Bitawan mo na ako, Ate, " ani Mikael na bahagya akong tinutulak palayo. "You're suffocating me."
"Hmmm... I still want to hug you."
Pumunta ako sa gallery niya. Puro anime ang naroon pero sa pinakaunahan ay ang isang video, nakita ko pa lang ang thumbnail kung saan nakaakyat ako sa gate ay binura ko na agad. Binitawan ko rin ang kanyang phone bago kumawala.
"Let's go," aya ko sa kanya.
Muli kong kinuha ang marumi kong uniform bago lumabas. Natawa ako nang marinig ang malakas niyang tawag sa akin. Pumunta muna ako sa CR para ibabad ang puti kong uniform. Nang matapos ay dumiretso na ako sa kusina kung nasaan na sina Papa at Mikael.
Umupo ako sa tabi ng kapatid kong masama ang tingin sa akin.
"You forgot to permanently delete it in recycle bin," he whispered.
Natigilan ako. "Just delete that, please?"
Bigla itong ngumisi. "You deleted the video before I even noticed it, same process you did to my chocolate. Stealer."
Napailing na lang ako nang may maalala sa huling salitang binitawan niya.
Tahimik na kumain kami, si Mikael lang ang nagkukwento tungkol sa nangyari kanina sa school. Sabi nito ay may nagbigay raw sa kanya ng bulaklak na sampaguita, nagrereklamo ito sa amin ni Papa dahil pang patay raw 'yon. Pansin ko rin na medyo nagtatampo pa sa akin si Papa.
"May assignment ka, Mikael?" tanong ko nung nagliligpit na ako ng pinagkainan.
"Yes, can you help me?"
"Pagkatapos kong maghugas ng plato," sagot ko.
"Ako na lang ang tutulong," sabi ni Papa. Tumayo na ito at tinulungan akong ilagay sa sink ang mga pinagkainan. "Mag-uusap tayo pagkatapos nito," bulong sa akin ni Papa bago sila lumabas ni Mikael.
Napailing na lang ako bago inumpisahan ang paghuhugas ng plato. Habang ginagawa 'yon ay nag-iisip na ako ng paraan para makapasok bukas dahil nawawala ang ID ko. Gusto ko rin sanang magpatulong kay Papa pero baka mas mag-aalala siya kapag nalaman na nawawala ang ID ko. Baka kung ano na naman ang isipin niya.
Nang matapos ay naabutan kong gumagawa ng homework sina Papa at Mikael sa sala. Pumunta ako sa CR para labahan ang uniform ko, nang matapos ay isinampay ito. Hindi pa rin sila tapos sa paggawa ng homework kaya pumunta muna ako sa kwarto ko.
Nahagip ng mata ko ang phone sa gilid ng bag ko, sa ibabaw ng study table. Kinuha ko 'yon at umupo sa kama. Isinandal ko ang likod sa ulunan.
Tumaas ang dalawa kong kilay nang may isang text message. Napanganga ako nang makitang may nag-load sa akin ng isang libo. May isa pang text message na galing sa nagbigay ng load.
"Nice meeting you, Miss Sadako."
Napakurap ako. It's him. Nasa kanya nga ang ID ko kaya niya nakuha ang phone number ko.
I typed a reply, "Give my ID back!"
Isang minuto ang lumipas bago ito nakasagot. "Nah. This is my ace so I can still use you next time."
May balak pa siyang gamitin ako? Natawa ako sa isipan ko. As if naman magpapagamit pa rin ako sa kanya. Hindi na ako nag-abalang reply-an pa siya. Tumitig ako sa screen ng phone ko nang may message na naman na lumitaw.
"If you want your ID back, meet me tomorrow. Same time and same place."
"As if!" I replied.
Binitawan ko ang phone ko sa sobrang inis. Ang kapal ng mukha niyang i-blackmail ako. Siya na nga ang tinulungan ko sa dare na 'yon, malamang na mas malaki pa ang nakuha niya kaysa sa isang libong ibinigay niya sa akin. At ang mas nakakainis ay kung paano niya pa ako utusan.
Biglang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko ito at pinagmasdan kung sino ang tumatawag.
"Ang lakas talaga ng loob nito," bulong ko.
I cleared my throat before answering his call. "I don't need that damn ID anymore. I can get another one so if you are thinking that you can still use that against me, go on. Who cares?"
Hiningal ako sa sinabi ko. Sa wakas ay naibuhos ko na rin ang sama ng loob ko. Kumunot ang noo ko nang walang magsalita. Sandali kong sinulyapan ang phone ko, connected pa rin naman ako sa kanya.
"Hello?!"
"Hey! I'm sorry, ano nga ang sinasabi mo?"
Kinalma ko ang sarili ko. Niloloko ata ako ng lalaking 'to.
"Hey, you still there?" he asked.
"Hindi ko na kailangan ang ID ko na 'yan," kalmado kong sabi. "Hindi mo 'yan magagamit para mapasunod ako. Okay? It's either you keep it or throw it away, whatever!"
"There's a key here." Narinig ko ang pagtunog ng susi, sinadya niyang iparinig sa akin 'yon. "You sure? Baka susi ito sa kayamanan mo, ah?"
"You think you are funny?"
"Who is Raf?"
Natigilan ako. "D-Don't you dare..."
"Balak mo ba itong ibigay sa kanya?" tanong pa nito. "Pero you can't, right? May final note ka sa ibaba. Sila na pala ng bestfriend mo? Sobra ka sigurong nasaktan, 'no?"
"Stop..."
"Don't worry, Mads. I'll do the pleasure. He deserves to know the truth."
Napahawak ako sa pisngi ko nang may pumatak na luha roon. Hindi na ako nagsalita dahil ayokong malaman niyang umiiyak na ako. Hell no! I won't give him the satisfaction.
"Mads?" he called my name. "Miss Maddy Grilliard?"
He got no response from me. Suminghap ako at madiin na pinunasan uli ang mga bagong luha.
"A-Are you crying?"
"Happy?"
Ilang segundo ang lumipas bago ito nakasagot. "Look, I don't want to attack you personally but I have no choice." He really seemed desperate. "I'll be honest, you are the only one who can help me."
I wiped again my tears, damn it.
"I haven't had the chance to give that letter," I suddenly started the story behind the letter I kept inside my ID. "Because the last time I had, it was already too late. And, yes. Once you give that to him, you will embarrass me. So, go on."
He let out a heavy sigh. "Meet me tomorrow, I'm sorry..."
"W-Who are you?"
He ended the call. Natulala na lang ako. He really sounded desperate, alam kong sa oras na hindi ako sumipot ay ibibigay niya ang letter na 'yon kay Rafael. I don't want to ruin his relationship with my bestfriend, Ericka.
"Ate?"
Napatingin ako kay Mikael, hindi ko namalayan na nakapasok na pala ito. "Tapos na ba kayo?"
"Y-Yes. Did you just cry?"
I shook my head. "Pumasok ka na sa kwarto niyo ni Papa, maaga pa pasok mo bukas. Tama na ang kakapanuod ng anime."
He eyed me suspiciously before nodding his head. Pinanuod ko siyang lumabas ng kwarto. Hindi pa man ako nakaka-recover ay pumasok na naman si Papa. He sat beside me.
Walang nagsalita sa aming dalawa. Nakatingin lang sa malayo si Papa na parang nag-iisip kung paano ito sisimulan. Nakatitig lang ako sa kanya, naghihintay kung ano ang sasabihin niya.
After a few seconds, he let out a heavy sigh. "I'm sorry..." he whispered before looking at me. "Nawala na ang Mama niyo, hindi ko na kakayanin kapag may nawala pa sa inyo."
"I understand, dad."
"Ipapa-service ko na lang kayo ni Mikael," biglang sabi nito na ikinagulat ko. "Mas mapapanatag ako kapag gano'n. May nagre-rent naman na sasakyan na sumusundo sa mga estudyante."
"D-Don't you think this is too much, dad?" Hindi ko naitago ang pait sa boses ko.
Umiling ito. "Nothing is too much for your safety, Mad."
"For a teenager like me?" I faked a laugh. "Don't you want me to feel free, dad? Kapag may nag-aaya sa akin na classmate para lumabas ay tumatanggi ako kasi alam kong hindi ka papayag. Kapag nakita kong lumipas ang ilang minutong wala pa ako sa bahay, natataranta na ako. Is this what you want for me?"
Wala akong nakitang pag-iiba sa timpla ng mukha niya, parang hindi ko na mababago ang desisyon nito kahit na anong gawin ko. Sa pagkakataong 'yon ay nawalan na ako ng gana.
"This is for you, too."
"Not really." Tears started to loom around my eyes again. "Pero ano pa nga ba ang magagawa ko?" Mapakla akong tumawa bago nagkibit-balikat. "Fine, dad. Okay."
Bumuntong-hininga ito bago tumango at hinalikan ako sa noo. Pinanuod ko siyang lumabas ng kwarto. Sa pagsara ng pinto ay siya namang pagbukas ng tubig sa aking mga mata. Humiga ako sa kama at ibinaon ang mukha ko sa unan.
I don't want this life for us, especially for Mikael. This is suffocating. Maybe Mikael is right... Love can be scary sometimes.
I felt a vibration beside me. Kinapa ko ang phone ko at gamit ang nanlalabong mga mata dahil sa luha ay binuksan ko ang isang text message.
"I'm Rocky."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro