Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXXII. Escape

A classical music is playing by an orchestra while I am slowly walking in the aisle. Everyone kept their eyes on me but I focused my sight in the flower I am holding.

Gusto kong tumigil. Gusto kong lumayo dito. I want to runaway but this white gown I am wearing is too big. Halos sinakop na nito ang buong dinaraanan ko.

I looked around just to see familiar faces under my white veil. Ethan and Ashley are looking at me with a worried look. I smiled at them assuring that I am fine.

Sa paikot ay may nakapalibot na labing-isang mga trono kung saan nakaupo ang mga namumuno sa bawat kaharian. But not all of them are present. Walo lang ang naririto. In the middle sat Victoria's father. His eyes are void, emotionless.

Sa kabilang banda ay nakapwesto ang ibang mga royals. Angeline is there with her irritating grin. I wonder why William and Vincent aren't there. The dark squad isn't complete.

Ang alam ko ay pumunta ang dalawa rito. Kanina ay nakita ko pa sila sa labas habang nasa balkonahe ako. They seems like... arguing? But with what? Nasa taas ako kaya hindi ko nalaman ang pinag-uusapan nila ni Angeline but what I am sure of is that it's about the dark kingdom.

I looked at Primo as I reached the end of the aisle. I can't read his expression. He offered me his hand and I received it. Huminga ako nang malalim bago kami humarap sa pari.

"Prince Primo, do you take Princess Victoria as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"

Humarap sa akin si Primo matapos banggitin ng pari ang mga salitang iyon. He held my hands and said, "I do."

"Princess Victoria, do you take Prince Primo as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"

I opened my mouth but decided to close it again. Seconds passed but I still didn't uttered any word. Nakita kong tumayo na ang hari ng Winzellia sa kanyang trono at sinenyasan ako gamit ang mga mata niya.

Huminga ako nang malalim bago ibuka ang bibig. "I... I d--"

Just before I finish what I'm saying, a big explosion happened outside that created a sound to make the crowd panic.

Nagulat ako nang bumukas ang pinto at iniluwa ang mga nilalang na nakasuot ng mga itim na maskara. Nagsitakbuhan ang mga tao sa labas habang ang mga kawal ay kinakalaban ang mga ito.

Hinitak ako ni Primo para makipagsiksikan palabas pero dahil sa laki ng gown na suot ko ay nabitawan niya ako at naiwan ako sa gitna ng mga nagkakagulong mga tao.

Pero imbis na makipagsiksikan ulit ay nanatili lang akong nakatayo sa gitna nila. Those guys in the black masks kills people who get in their way that's why the people are in panick. They don't wanna die.

Everyone is scared while the hall is bathing with blood. Their white dresses and suits are now stained. I want to runaway too but why would I? Ako ang pakay ng mga naka-itim na maskara.

May apat na lalaki ang naglakad papalapit sa akin. But instead of running away, I stood still. Hindi ko sila maaninag nang maayos dahil sa namumuong mga luha sa mga mata ko. I badly wanna go home.

If they are going to kill me now, it's fine. Maybe as I die here, I'll wake up in my world, right?

Pero nang makalapit sila ay may lalaking humarang sa kanila. Hindi ko siya maaninag nang maigi. Maybe, he's one of the knights of Winzellia.

Tumalikod ako sa kanila at naglakad papasok. Everything was ruined. The royal hall of Winzellia is in chaos. The surrounding is familiar.

Alam kong hindi pa ito ang panahon pero gusto ko nang matapos ang lahat ng ito. I want to finish this story already.

Hindi ko alintana ang gulo sa paligid. Pilit kong inakyat ang palasyo hanggang sa mapunta ako sa pinakamataas na tore ng kaharian.

Nilibot ko ng tingin ang paligid. Dito ako napunta nang makita ko si Victoria sa panaginip ko. Sumilip ako sa baba at halos malula ako sa taas nito. Makikita mo pa rin ang mga tao na nagkakagulo.

"Isang hakbang nalang at matatapos na ang lahat."

Mahina akong napatawa. Iyon na iyon din ang sinabi ni Victoria dati. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang hangin.

[Just close your eyes,
The sun is coming down.]

"Pagod na pagod na ako. Ayoko na." Sa paglakataong iyon ay tumulo ang mga luhang kanina pa nais kumawala sa mga mata ko.

[You'll be alright.
No one can hurt you know]

Isang hakbang nalang at matatapos na ang lahat.

Ngunit bago pa man ako makahakbang ay may humitak sa akin palayo at niyakap ako.

"You're now safe. Eerah, nandito na ako."

[Come morning light.
You and I'll be safe and sound.]

"Nickolas," yinakap ko siya nang mahigpit at humikbi.

I don't know how long I've been crying in his arms but he just caressed my hair until I stopped crying.

Napaupo ako sa sahig at dumukmo sa binti. "I'm so tired, Nick."

"Then, let's escape."

Nagtataka akong napatingin sa kanya pero ngumiti lang siyang hinitak ako patayo at nagmamadaling bumaba sa tore.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Anywhere but here."

Napangiti ako. The chaos around seems to stop while we are running. Sinusundan na kami ngayon ng mga lalaking nakaitim na maskara ngunit hindi namin ito alintana.

[Run, baby, run.
Don't ever look back.
They'll tear us apart
if you give them a chance.]

Tumakbo lang kami nang tumakbo sa kapatagan ng Winzellia hanggang sa makaabot kami sa isang bangin sa gilid ng dulo ng talon.

"What now?" Tanong ko habang hinahabol ang hininga. Nakakapagod tumakbo pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin maiwasang ngumiti. Escaping is indeed fun.

Ngunit nawala rin ang ngiting iyon nang makita ang labindalawang lalaking nasa harap namin ngayon. Sa unahan nila ay nakatayo ang dalawang may suot na puting maskara. Uno at Dos.

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Nickolas sa kamay ko. Humarap siya sa mga ito habang ipinuwesto niya naman ako sa likod niya.

"Dito ka lang, Eerah."

Agad siyang sumugod sa mga ito kahit na walang sandata. Ang ginawa niya lang ay umiwas sa atake hanggang sa maagaw niya ang espada ng isa. Nagpatuloy pa rin ang laban. Magaling si Nickolas ngunit masyado silang marami.

"Nickolas!"

Hawak na siya ngayon ng mga nakamaskara habang nakaluhod. Lalapitan ko sana siya ngunit hinawakan rin ako ng mga kasamahan nito.

"Hindi ba't ako ang kailangan niyo? Pakawalan niyo na si Nickolas."

I heard a laugh of the man under the white mask, that must be Uno. Dahan dahan siyang lumapit sa akin at hinubad ang maskara.

"How's your wedding, your highness?"

"V-Vincent?" Agad akong napalingon sa kasama niyang inalis na rin ang maskara. "William?" But why?

"Kayo? H-Hindi ko maintindihan. Hindi ba't ang dark organization ang nagpumilit sa kasal? Bakit kayo nanggulo?"

But instead of answering, Vincent just laughed. "You're such a curious cat, huh?"

"Huwag niyong sabihing bumubukod kayo sa dark kingdom. Do you? Alam ba nila ang pinaggagagawa niyo? Or is it in your plan?"

"Ang dami mong tanong. But if you want to know answers, I'll give it to you then," he said. May pumalibot sa aming dalawa ni Vincent na isang malaking bilog.

It is caused by a potion. Napag-aralan namin iyon noon. It's called audiosphere. Kung ano man ang ingay na magmumula mula sa loob ay hindi maririnig ng mga nasa labas.

"An audiospehere."

"Yes, it is. Masyadong mahalaga ang pag-uusapan natin na kinakailangang ako at ikaw lang ang makakarinig," saad niya at humakbang ng isa papalapit sa akin. Humakbang naman ako paatras.

"Hindi kami nagtaksil sa dark organization... because we are a team. Pero may mga maling bagay ang kailangang itama," dagdag pa niya at humakbang ulit papalapit sa akin. Nais ko sanang humakbang paatras ngunit nasa dulo na ako ng bangin.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Ngumisi siya at hinimas ang pisngi ko ngunit agad ko itong hinawi. Lumapit siya lalo at itinatapat ang bibig sa tainga ko.

"Kilala kita, Eerah Eriendelle."

Gulat akong napatitig sa kanya nang lumayo siya sa akin ng kaunti. How did he know me?

"P-Paanong-- "

"That isn't what important here. I want to have a deal with you," sambit niya at nagkibit-balikat.

"A-Ano?"

"Gusto mo nang bumalik sa mundo mo, hindi ba?" Tanong niya kaya dahan dahan akong napatango.

Itinaas niya ang kanang kamay niya at sinundan ko naman kung saan ito nakaturo. "Ang tubig sa talon na iyan ay isang portal. Sa oras na tumalon ka ay makakauwi ka na."

Unti-unti naman akong napalingon sa tubig na babagsakan ko sa oras na tumalon ako. Unti-unting may bumukas na itim na bilog mula rito na tila isang blackhole.

"Ano pang hinihintay mo, Eerah? Alam kong gustong gusto mo nang tumakas. Ito na ang pagkakataon."

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang portal. Makakauwi na ako. Ngunit napawi rin ulit iyon.

Napalingon ako kay Nickolas na hawak pa rin ngayon ng mga lalaki at ni William. Pilit siyang kumakawala sa hawak ng mga ito ngunit masyado silang malakas.

"Huwag kang mag-alala, Eerah. Hindi nila alam ang pinag-uusapan natin. Kapag tumalon ka, aakalain lang nilang lahat na patay ka na. Ngunit ang totoo ay nakabalik ka na sa mundo mo."

"Bakit mo ito ginagawa? Bakit mo ako tinutulungang makauwi?"

"Bakit gusto mo pang malaman? Wala ka na rin namang kinalaman dito sa oras na makauwi ka. Babalik na sa normal ang lahat, Eerah. Hindi ba't iyon ang gusto mo?"

Dahan dahan akong napatango at napangiti. Tama, wala na akong kinalaman sa kanila. Kung magunaw man ang mundong ito, hindi naman ako maaapektuhan. Sa una pa lang ay wala na naman talaga akong kinalaman sa kanila.

Pero naglaho ang ngiti ko nang mabaling ako kay Nickolas. Pilit pa rin siyang kumakawala sa mga lalaking nakamaskara.

"Huwag kang mag-alala, papakawalan namin ang lalaking 'yan kapag wala ka na."

Napalingon ako kay Vincent. I never knew that he can be this mysterious. How did he know the real me? And he also know a portal?

"Eerah, huwag kang tatalon kahit na anong mangyari!"

"Poor guy, ang akala niya ay pinipilit kitang tumalon sa bangin para mailigtas siya," saad ni Vincent. Kung iyon talaga ang sitwasyon, I can do that for him.

Napalingon ako kay Nickolas. Kapag umalis ako, ano nang mangyayari sa kanila? Kay Nickolas?

"Sa tingin mo, magtatagumpay ang dark organization?"

"No, they will not."

I promised them that I'll help them to defeat the dark kingdom. I assured them that everything will be alright soon. Pero binigo ko sila.

"Deal," sambit ko habang nakatingin pa rin kay Nickolas. Pilit pa rin siyang kumakawala mula sa pagkakahawak ng mga lalaking nakamaskara. Napangiti naman si Vincent nang marinig ang sagot ko.

Nagdesisyon na ako. Tatakas ako. Pero ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Isang hakbang nalang at matatapos na ang lahat.

Nakatitig lang ako kay Nickolas habang tumutulo ang mga luha ko. Binigo ko sila. Hindi ko inakala na ibubulong ko ulit ang salitang ito.

'Patawad.'

Nang hindi pa ako kumilos ay lumapit na si Vincent sa akin at kasabay ng pagpatak ng huling luha sa mga mata ko ay ang pagkahulog ko sa bangin patungo sa portal ng kabilang mundo.

"Tinatama ko lang ang mga dapat mangyari. Si Angeline ang pinakasalan ni Primo noon kaya si Angeline rin ang dapat niyang papakasalan ngayon. Sagabal ka sa hinaharap, Eerah. Iniligtas mo si Rina sa bangin kaya kinailangan ko tuloy siyang patayin."

As he said those words, I understood everything. Kung bakit nila ako dinukot noon, kung bakit nila ginulo ang kasal at kung bakit niya ako ngayon gustong pabalikin sa mundo ko. Naiintindihan ko na kung ano ang balak niya.

Nais kong abutin ulit ang kamay niya at umahon.

Ngunit huli na ang lahat...

Hinila na ako ng portal pabalik sa mundo ko.

----------

Featured songs:
Check Yes, Juliet by We The Kings
Safe and Sound by Taylor Swift
(I just remember those songs in this chapter lol. Wag niyo nalang ako pansinin. Hihi)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro