XXV. Connection
Nanginginig kong ibinaba ang liham. What does that letter mean?
Dahan-dahan akong akong napalingon kay Nickolas. He also read it amd he has the same expression I have. Shocked. Confused.
"D-Do you know what's that dark kingdom?"
Napailing naman ako. I don't know anything. I'm just a foreign lass in the Everland.
"Si Ethan. Puntahan natin siya." saad ko at dali dali kaming sumakay sa isang karwahe.
Ang alam ko ay nasa charity siya sa townsville ngayon. He even invited me but I have things to do.
Paghinto ng karwahe ay agad akong bumaba at hinanap siya. Sumunod naman si Nickolas sa akin.
"Ethan!" sigaw ko nang makita siyang nakatayo sa ilalim ng isang puno ng mangga.
"Victoria," gulat na bati niya. "Akala ko ay may pupuntahan ka?"
"Ethan, hindi ba't nabanggit mo ang tungkol sa koneksyon ng Kasem at Avales?" saad ko na hindi pinansin ang tanong niya.
"Oo, pero wala akong ebidensiya--"
"Here," usal ko sabay abot ng liham ni Rina sa kanya. Kunot-noo niya naman itong tinanggap at binasa.
"Unbelievable," hindi niya makapaniwalang sambit nang matapos. Akmang aalis na sana siya nang pigilan ko.
"Teka, saan ka pupunta?"
"Sa Kasem. I want to know something."
"Tara na," aya ko at naunang maglakad pero hinarang niya ako.
"No, Victoria. Sapat na ang nalaman mo. Go home and secure yourself," he said that made me laugh with disbelief.
"What?"
"Tama ang prinsipe. Delikado kung makikisangkot ka pa," saad naman ni Nickolas. Nagpalinga-linga ako sa kanilang dalawa. Pinagtutulungan ba nila ako?
"Excuse me?"
"Ako nalang ang sasama sa prinsipe kung gusto mo,"
"No way. Sasama ako," mariin kong sambit.
"Hindi," sabay nilang tugon. Napapikit naman ako dahil sa inis.
"Sasama. Ako. Sa. Ayaw. At. Sa. Gusto. Niyo." saad ko at nauna nang sumakay sa kalesa.
"Ano pang hinihintay niyo? Tara na!" wala naman silang nagawa kung hindi ang sumakay nalang din.
~ ~ ~
"Bakit dito tayo bumaba? Akala ko ba ay sa Kasem?" tanong ko nang bumaba kami sa isang malawak na damuhan.
"Nakikita mo ba ang mataas na pader na iyon? Iyan ang likuran ng Kasem." saad ni Ethan. Nanlaki naman ang mga mata kong napalingon sa kanya. Don't tell me--
"Oo, aakyatin natin 'yan. Kung gusto mo nang umuwi, gawin mo na ngayon." walang ganang usal ni Nickolas habang nakakibit-balikat. Nagtataka namang tumingin sa kanya si Ethan dahil hindi niya ako ginagalang bilang prinsesa. Well, I'm not really a princess, after all.
"Sinong may sabing uuwi ako? Kayang kaya ko kayang akyatin 'yan." saad ko at habang itinatas ang manggas ng pilak na gown ko.
Nilakbay namin ang madamong kapatagan hanggang sa makarating kami sa harap ng isang mataas na pader. Nagsimulang umakyat ang dalawa kaya umakyat na rin ako.
May mga nakausling bato kaya doon ako tumatapak. Hassle nga lang dahil mabigat-bigat ang gown na suot ko pero keri naman.
Nang makasampa si Nickolas ay inilahad niya ang kanang kamay niya sa akin. Hindi ko naman iyon pinansin at nagpatuloy sa pag-alyat mag-isa. Mas magaling pa nga ako sa kanya umakyat eh.
May isang puno sa tapat ng mataas na pader kung kaya't doon kami dumaan para makababa nang hindi nasasaktan.
"Ang alam ko ay bibisita ang mga pinuno ng Avales dito sa Kasem ngayon. Siguro ay pag-uusapan nila ang tungkol sa dark kingdom." saad ni Ethan habang pinapagpagan ang damit na suot.
"Ang lawak kaya ng palasyo. Paano natin sila mahahanap nang hindi nahuhuli?" tanong ko naman.
"Sa hardin. Nandoon sila," sabi naman ni Nickolas na kasalukuyan pa ring nasa taas ng puno at itinuro ang kanang bahagi ng palasyo kung nasaan ang hardin.
Bumaba na siya at patago kaming nagtungo roon. May mga kawal sa paligid ngunit nagagawa naman naming pagtaguan.
Pagdating namin roon ay nakaupo sa isang coffee table at nagkakape ang dalawang lalaking nakasuot ng korona. They must be the kings of Avales and Kasem.
Grabe, tanghaling tapat ay nagkakape sila? Kung wala lang payong sa gitna ay siguradong tusta na sila dahil sa init.
Nagtago kami sa isang malaking puno malapit sa kanila upang marinig ang kanilang pinag-uusapan.
"Kaya ako pumunta rito dahil nais kong makasigurong kahit na hindi matutuloy ang kasal ay sasali ka pa rin sa ating organisasyon," turan ng lalaking sa tingin ko ay hari ng Avales.
Napayuko naman ang hari ng Kasem na para bang nag-aalinlangan ngunit agad din itong sumagot. "Makakasa ka, haring Philip."
Bumuntong hininga naman ang hari ng Avales na tila ba nabunutan ng tinik ngunit naroon pa rin ang pangamba.
"Malapit nang maganap ang ating plano. Kaunting hakbang nalang at limang kaharian nalang ang mamumuno sa Everland," turan ng hari ng Avales. Hindi naman kumibo ang hari ng Kasem at humigop na lamang ng kape.
"Namayapa na ang aking anak. Kanino mo na nais ipakasal ang unico hijo mo?" tanong ng hari ng Kasem. Napaisip naman si haring Philip. Sumilip ako ng kaunti pa mula sa puno upang marinig nang mabuti ang usapan nila.
"Hindi ko pa sigurado ngunit may dalawang binibini na akong pinagpipilian. Ang prinsesa ng--" natigil sila at napalingon sa direksyon ko nang makatapak ako ng isang sanga ng kahoy na nakalikha ng tunog. Agad naman akong napatago.
"Ano ang ingay na iyon?" tanong ni haring Philip. Nagkatingin naman kaming tatlo nina Nickolas at Ethan nang tumayo ito at papalapit na sa punong pinagtataguan namin.
Muntik niya na kaming mahuli mabuti nalang at inilabas ni Ethan ang wand niya at nagcast ng spell. Naglaho kami na parang hangin.
"Nasaan na tayo?" taning ko nang bumagsak kami sa isang mapunong lugar.
"Sorry, guys. I haven't mastered that spell yet that's why... I don't know where are we," tugon ni Ethan habang nagkakamot ng batok.
Tumayo naman si Nickolas at hinawan gamit ang mga matatas na damo sa daanan gamit ang kanyang espada.
"Guys," tawag niya sa akin at sinenyasang lumapit.
Lumapit naman kami at bumaling kung saam siya nakatitig ngayon. Halos bumagsak ang mga balikat ko dahil sa nakikita. We're at the top of a mountain neer the Winzellia, for Pete's sake!
"Pwede mo naman tayong iteleport pababa kagaya ng ginawa mo kanina, hindi ba?" tanong ko.
He just awkwardly smiled and shook his head. Tuluyan na ngang bumafsak ang mga balikat ko. Baba ako ng bundok na nakagown? Ayos 'yan.
Dahil wala na kaming choice ay nag-umpisa na kaming maglakad pababa. Sana lang at walang mabangis na hayop ang makakasalubong namin dito.
"Totoo nga ang nasa liham ni Rina," panimula ni Ethan. "I can't believe they can really do it to Everland."
"They want to destroy all the kingdom just to rule the whole magic world. Napakamakasarili nila." Napalingon ako kay Nickolas. He hates the royals even back then. Now, I think he hates us more.
"Rina said that there are five kingdoms under the dark kingdom. But we only know two, Kasem amd Avales." I said.
"Teka, nakita ka ba ng hari ng Avales kaya siya lumapit kanina?" tanong ni Nickolas kaya napatigio kaming tatlo sa paglalakad.
"Hindi?" tugon ko pero maski ako ay hindi sigurado sa sagot na iyon.
* * *
Alas-tres na ng hapon nang tuluyan kaming makababa sa bundok. Halos tatlong oras din kami sa pagbaba. Mabuti nalang at nag-cast si Ethan ng mahic spell dahilan para hindi kami masyadong mapagod at ma-haggard.
"Victoria," bati ni Ashley nang makapasok kamo sa palasyo.
"Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong ko.
Ngumiti siya at umiling. Nawala naman iyon nang mabaling siya kay Ethan. "Magkasama pala kayo ni Ethan."
Napalingon ako sa kanya. Baka kung anong isipin niya sa amin ni Ethan. Pero hindi ko namna pwedeng sabihin ang tungkol sa Kasem.
"Hindi. Ang totoo niyan ay nagkasalubong lang kami kanina." paliwanag ko.
"Teka, bakit hindi ka nga pala pumapasok sa loob?" tanong ko. Victoria and her are childhood friends kaya sanay na sila sa isa't-isang palasyo.
"Kasi... meron kasi kayong ibang bisita," nag-aalangan niyang tugon. Kunot-noo naman akong pumasok habang nakasunod sila sa akin.
Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang nakaupo sa isang sofa at kausap ang hari ng Winzellia.
"Nandito ka na pala, anak." bati sa akin ng hari ngunit hindi ko inaalis ang tingin sa dalawang lalaking nasa sofa.
"Magandang hapon, prinsesa Victoria," bati ng hari ng Avales sa akin. Bumaling siya sa ama ni Victoria. "Amigo, sabihin mo na sa iyong anak ang napag-usapan natin."
"Victoria," panimula ng hari ng Winzellia tsaka hinawakan ang magkabila kong kamay.
"Wala kang kasintahan at hindi na maitutuloy ang kasal ni Prinsipe Primo. Napagpasyahan namin na kung maaari ay kayo nalang dalawa. Mabuti sa dalawang kaharian ang magkaroon ng koneksyon." bumitaw ako sa kanya at napaatras. Napalingon ako kay Primo na nakayuko ngayon na tila ba hindi rin sang-ayon sa pag-uusap na ito.
"Nais naming kayo na ang mag-isang dibdib."
Gulat akong napaatras ulit. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin. This is utterly absurd!
Pero mas nagulat ako nang biglang hawakan ni Ethan ang kamay ko at humarap sa kanila.
"Paumanhin ngunit hindi maaari ang iinyong nais." saad niya at lumingon sa akin. "Sapagkat kami ng Prinseaa ng Winzellia ay magkasintahan na."
~ ~ ~
A/N: Everland is the magic world ;>
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro