Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXIX. Real battle

A/N: Sorry for errors. I don't really proofread my work because of lack of time.

-----

Nanginginig kong inilapag ang lumang kwaderno sa kama. Is this the reason why Victoria became that evil?

Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko dahil sa biglaang pagsikip nito. She have been forgotten. That's the worst feeling ever.

"Victoria..." pinunasan ko ang mga luha ko. I hate her, I really do. Siya ang dahilan kung bakit nagulo ang tahimik na buhay ko-- kung bakit ako napunta rito. But as I finished reading it, I felt so much pity for her.

Kinuha ko ang lumang kwaderno at naupo sa tapat ng salamin. We have the same hazelnut eyes, brown curled hair, thick eyelashes, and pink lips. The reflection also wears the royal blue gown with golden laces in its sleeves. But it doesn't look like me.

Inabot ko ang pisngi ng repleksyon ko sa salamin. "I know that it's you, Victoria."

The eyes in the mirror reflects Victoria's tragedy. The hatred, the tireness, the sadness. It reflects everything I read in the diary. Hindi sa akin ang mga matang nasa salamin. It's Victoria's.

The window suddenly opened and the wind came rushing from it. Unti-unti nitong tinangay ang mga pahina ng lumang kwaderno hanggang sa mapunta ito sa pinakadulo. And there lies a written text.

Eerah Eriendelle.

Gulat akong napatingin sa salamin. But the reflection in the mirror isn't as shocked as me. My reflection just smirked at me!

"Hindi mo dapat ako kaawaan, Eerah." Tuluyan na akong napabalikwas ng tayo nang magsalita ito.

"V-Victoria..."

"Kaawaan mo ang sarili mo," Agad akong humakbang paatras. I can feel the shivers in my neck. Heck, she's so intimidating.

"Dahil sa oras na makabalik ako, itutuloy ko ang plano ko. The whole Everland is mine!" Umalingawngaw ang sigaw niya sa buong kwarto.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa pinto ngunit napatigil ako nang mag-iba ang paligid. Nasa tuktok ako ng isang tore-- isang napakataas na tore. Liningon ko si Victoria. Wala na ang salamin at mga gamit sa kwarto. Madilim ang langit at nakahahabag ang kaguluhan sa ibaba.

"Isang hakbang nalang at matatapos na ang lahat." The same exact words written in her book.

Napalingon ulit ako sa pagbabaksakan ko. Napakataas nito na imposible na akong mabuhay kapag tumalon ako. But I wamt to escape-- I want to runaway from Victoria.

"Talon," bulong niya sa tainga ko nang tuluyan na siyang makalapit. Kinilabutan ako kaya nakalimutan kong wala na akong hahakbangan.

Nakangisi siya habang pinagmamasdan akong nahuhulog sa napakataas na tore. Isang pamilyar na sensasyon ang naramdaman ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa mapabalikwas ako ng bangon mula sa kama kung saan ako nakahiga. Panaginip lang pala.

Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang paligid. Violet walls and starry ceiling. Nakatulog siguro ako habang nagbabasa.

Kinuha ko ang lumang kwaderno at umupo sa tapat ng salamin. Geez, that dream feels so real. Oh no, it's a nightmare.

Sinuklay ko nalang ang buhok ko. Grabe, ang sakit sa bangs ng panaginip na'yon.

"Calm down, Eerah. Walang Victoria dito. Walang Victoria sa salamin. Panaginip lang iyon" Pagpapakalma ko sa sarili ko. Ngumiti ako sa salamin at tumayo.

I was about to go out of the room when something written at the last page of the diary caught my attention.

Eerah Eriendelle.

* * *

Siren. Zerlin. Avales. Kasem. Aurel.

They are the kingdoms under the dark organization. Noon ay kasama ang Winzellia dahil kay Victoria pero ngayon ay kalaban na nila ito dahil sa akin.

Inayos ko ang yellow ochre necktie sa leeg ko bago lumabas ng kwarto. Hindi ako pinapasok ngayon dahil sa nangyaring aksidente sa alchemy class but I still insisted. Pinayagan naman nila akong pumasok ngayong tanghali.

The sunlight touches my skin as I walk towards the royal carriage. Napahinto ako. Could it be possible that this is the exact carriage that brought back Victoria in the castle five years ago?

Naalala ko na naman yung panaginip kagabi. The night I encountered Victoria. Napailing ako. Hindi siya ang kailangan kong problemahin ngayon.

Kaagad akong umakyat sa karwahe at umupo. Kailangan kong masabihan sina Ethan tungkol sa dark organization bago pa ito kumilos ulit ng ikapapahamak namin.

"What happened?" tanong ko sa kutsero nang bigla itong huminto sa kalagitnaan ng daan.

"Kamahalan, mukhang wala sa kondisyon ang kabayo natin."

Napahilamos nalang ako ng mukha. Kung ako si Victoria, siguradong tanggal na sa trabaho ang isang ito.

"Meron naman sigurong masasakyan sa malapit, di'ba?" tanong ko pero kumamot lang siya sa ulo niya.

Lumabas ako at binuksan ang payong. Heck, wala talagang tyansa na may ibang sasakyan dito. We are in the middle of a road between two boiling hot rice fields.

"Paano na yan?" Inis kong sabi habang pinupunasan ang pawis sa noo ko.

"Kamahalan, mas malapit po ang palasyo. Umuwi nalang po tayo."

"No, kailangan kong pumunta sa campus ngayon."

"Eh, mukhang ayaw kang papuntahin, kamahalan." Biro nito. Bakit ba kasi sa gitna pa ng bukid tinopak yung kabayo!?

"Prinsesa, saan kayo pupunta!?" Sigaw ng kutsero nang naglakad nalang ako habang nakapayong panangga sa init.

"E'di sa eskwelahan!"

Kalahating oras din akong naglalakad sa mala-disyertong palayan hanggang sa makarating kami sa bayan. Tumingin ako sa orasan. Aabot pa ako bago matapos ang breaktime nila.

Pero bago pa man ako makapunta sa mga nakapilang karwahe ay may humarang sa aking isang babae.

"Excuse me," saad ko pero hindi siya kumibo at nakatitig lang sa akin.

"Huwag ka nang tumuloy sa pupuntahan mo, Eerah."

Napaatras ako dahil sa sinabi niya. How does she know my real name?

"Hindi ako papayag na galawin mo ang kasalukuyan. Focus on your mission." Mariin niyang sabi. She's one of the guardians. The present.

"No. Kailangang mapigilan ng dark organization."

"Eerah, know your limits. Do your mission and go back to your world!" Napapatingin ang mga dumadaan sa amin dahil sa pagsigaw niya.

Napahinga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. "Why?"

"Because it's none of your business?" Sarkastiko niyang tugon. Napatawa naman ako.

"It have been my business since you let me enter this world."

Agad ko siyang nilagpasan at nagtungo sa isang karwahe. Siya siguro ang dahilan kung bakit wala sa kondisyon ang kabayo na sinasakyan ko kanina. But why would she stop me?

Napahinto ako at liningon ang kanyang direksyon ngunit wala na siya. Posible kayang kaanib ni Victoria ang mga gabay? Posible kayang kalaban din sila kaya pinipigilan nila ako?

* * *

A few minutes passed until I finally reached the campus. It's golden gate opened as the carriage stopped in front of it.

"Magandang tanghali," bati ng guard. Tumango naman ako sa kanya bago naglakad palayo. Did I looked so rude? Heck I don't have time for that right now.

Pagpasok ko sa cafeteria ay may iilan pang mga estudyante ang kumakain. Agad kong hinanap sila Ashley pero wala.

"Hey, have you seen Princess Ashley of Wilhem?" I asked a student.

"Nakita ko siya kasama si Prince Ethan at isa pang lalaki papunta sa quadrangle."

Agad naman akong naglakad patungong quadrangle nang hindi man lang nagpasalamat. Heck, I'm starting to become rude this day. The guy with them might be Nickolas.

Nakatalikod sila sa akin pero alam kong sila iyon. Nakangiti akong tumakbo papalapit sa kanila.

"Hey-- guys?" Nawala ang ngiti ko nang makita kung sino ang mga kaharap nila. They seems like having a serious staring contest.

"Nandito na pala ang prinsesa ng Winzellia,"

Mukhang huli na ako. I guess, I don't need to tell them who's behind the dark organization.

Because here, standing in front of us, are Prince Vincent of Aurel, Prince William of Siren, Prince Primo of Avales, and Princess Angeline of Zerlin.

I guess, the real battle will start now.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro